taob-tihaya-tagilid-akeyn!

28 12 2008

maraming bagay ang hindi ko inasahan nitong nagdaang pasko.

una: yung maagang bigayan ng sahod (dapat lang).  ibig sabihin maaga pa lang wala na kong pera. bago pa man dumating ang bagong taon. pero ayos na yun kasi maaga ako nakapagpadala sa bahay. ipapadala ko rin sana yung ham na bigay ng kumpanya kaso duda ako dun sa babae sa LBC baka palitan niya ng ma-ling. akala namin nagkamali ang kumpanya at nagbigay ng bonus sa mga empleyado, kami pala ang nagkamali. inkamtaks retorn pala yowng ekstra na dumagdag sa pera’ng piniga ko sa atm card ko. pinagpala ang kumpanya, hindi sila nagkamali eh. (“dare you to move” playing) eniwey, salamat pa rin. oo naman!

pangalawa: hindi ko inasahan na pagtiyagaan hanapin ng nakabunot sa maliit na kapirasong small piece of paper kung saan ko sinulat ang codename ko para sa palitan namin ng exchange gifts ang dalawang libro na sinulat ko sa wishlist ko na alam kong madali namang hanapin dahil sinulat ko naman  dun sa papel kung saan ito nagkukuta. ang galing, nahanap nga niya. talagang hahanapin niya kasi mahirap ang ibang options sa wishlist ko. mazda3, xbox 360, plasma tv, si roxanne guinoo, at syemps, WORLD PEACE.

pangatlo: hindi ko inaasahan na hindi niya ko iti-text nung bisperas. kalimutan na, hindi ka naman artista.

pang-apat: hindi ko inaasahan na magti-text si ex. salamat sa pag-alala.

pang-lima: hindi ko to inaasahan noon, na ako ang bibili ng beer na ininom ko noong pasko, kasama ang pulutan, yosi at sipol. malapit na yata akong yumaman, hahaha.

pang-anim: inaasahan ko na to, pero mas mainam sa kili-kili kapag hindi ka masyadong expectant. kagabi lang pinirmahan ko ang pinakamaganda na yatang papel na nakita ko sa buong buhay ko (as op da mowment), ang evaluation ng over-all performance ni yin sa nakaraang anim na buwan ng petiks sa kumpanya. hehehe, masipag ako sa totoo lang. syemps, pasado. kung walang tatamang asteroid sa pampanga nakikita ko nang nakaupo’t naghihintay sa akin ang mga leave’s ko, medical benefits kasama yata pati spa oppurtunities. pagkatapos ko pirmahan ang pael nagdiwang kaagad ako. nag-break at nagyosi ng bongga’ng bongga. pero hindi pa ito ang totong moment. evaluation pa lang pala yung pinirmahan ko, hahaha. eh sabi ni boss-amo-team-leader medyo sure na yun eh. kumbaga siguro sigurado na yun!

gaya ng dati kailangan ko maligo, magbihis at pumasok kaya magpapaalam na ko tatayo na ko sa kinauupuan ko.

ang asal sa buhay kailangan para ka lang naglalaro ng teks (dapat naruto yung teks, hindi petrang kabayo. masyado nang luma yun, bogaloids!), taob man o tihaya, tagilid man o dapa, sabihin mo sa ‘yo. ano man ang ibigay sa ‘yo ng buhay lunukin mo. ngayon kung ikamamatay mo yun, tanga ka.

narinig ba kitang tumawa? bakit, korni ba? syatap.

masyado nang gasgas ang “maligayang pasko at manigong/masaganang bagong taon”, ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng manigo..

iiwan ko sa inyo ang closing spiel ng team namin. eto yung malapit na kami mag-log out, nabubulol, manhid na ang panga at mga labi:

teinkiperkohling, HALI-HALIDEYS!





yosibumbong

16 12 2008

kahapon.

gaya ng dati nakasakay ako ng dyip papuntang trabaho pero hindi ako nangungulangot kasi wala namang nakabara sa ilong ko. isa pa may kaharap akong magandang babae at pangalawa, kahit pa may mahukay at maihahandog akong biyaya para sa mga sasakay at uupo ay hindi pwede dahil wala ng bakanteng upuan. sori kay satanas wala siyang narinig na nagmura sa dyip na yun ng oras na yun.

wala namang roadside incident kahapon kaya sa loob ng dyip ang  eksena. binato ko ng titig si miss maganda na kaniya namang sinalo pero sandali lang at binalik din niya ang atensyon sa cellphone. trip ako, marunong kaya siya ng mental telepathy? masubukan. hinintay ko maligaw ulet ang mga mata niya sa akin at nang magkaroon ng pagkakataon inutusan ko siyang ngumiti. magbiro ka na sa lasing wag lang sa tumatae aba’y ngumiti?! pero tipid. gaya ng pagtitipid na ginawa sa palda niya.

an dis led me tu da paking kweschown: mura ba talaga ang tela’ng checkered? karamihan kasi ng estudyante’ng babae dito sa angeles eh ang iiksi ng uniform na palda. yuck, poor. (tanga, poor ka din. -konsensiya) dagdag mo pa yung mga emo-emohan na iskwer-iskwer ang lonta, ang iksi at ansisikip putangina pag ako nagsuot nun putangina talaga magmumura mga betlog ko sa discomfort. maawa kayo sa mga semilya ninyo!

di ko agad pinaniwala sarili ko na may special powers si miss seksi, baka tsumamba lang siya. kaya once more times isa pa. nayoyosi na ko pero hindi pwede kasi concerned ako sa kalusugan ng mga katabi ko kaya lumunok na lang muna ako ng laway. nag-ready na ko. ready na rin pala siya.. na bumaba. tsk-tsk. di ko na malalaman kung kagaya ko siya’ng pinipilit ang sarili at mga kaibigan na may mga heroes talaga.

kanina. madaling araw.

nag-simbang gabi kame.

noon lang uli ako napasok ng crib ni papa jesus simula ng mapadpad ako dito sa pampanga. anlaki na rin ng gap namin. nung una nahiya pa ko tumuloy sa loob pero alam ko na lagi akong always welcome. madami ng tao, wala pa si father, front act muna pinanuod namin. lingon-lingon. hintay-hintay. mas madami na ang tao, wala pa rin si father. nililikot pa ng mga tech niya ang projector screen, sound system at stage. para ka talagang naghihintay ng artista. tiis. lingon-lingon. hintay-hintay. siksikan na. maya-maya nakita ko ang entourage ni padre, nasa balcony kasi ako (papa j salamat at walang naka-plunging-plunging-neckline na suot kanina, yur sow totpul). nag-umpisa ang misa.

sa madaling salita (di pa kasi ako nanananghalian) kahit sa salitang kapampangan dineliver ang misa na di ko naintindihan, nagrereklamo ang mga binti at hita sa pagtayo ng matagal, nadagdagan ang puyat, walang problema. gagawin ko para kay papa jay. gaya ng gagawin mo lahat para makita o makontak ang isang kaibigang matagal nang di nakikita o nakakausap.

paglabas ko ng chapel putangina anlamig.





finger linkin’ good

1 12 2008

pangatlong poste ko na hindi ko pa rin gawa blogroll ko.

pangatlong poste ko na mukha pa ring notbuk ng grade one ang blog ko. mabuti pa ang notbuk ng isang batang nasa grade one, maski papano kahit paano. mabuti pa nga yung mga nasa grade one ngayon marunong nang gumuhit ng ari ng lalaki. ako sa grade 6 na ako natuto. ari ng babae kasi sinasanay namin noon ng kaibigan ko mula grade 1 hanggang grade 5.  nagtataka lang ako bakit yung guhit niya mukhang tinapay, yung sa akin pusa.

batok. balik sa problema. bakit walang options yung ”mga kabit/blogroll” widget koooo???!! paano nga ba ilagay ang links ng mga idol ko?! waahh.. saklolo dr. margie holmes! wala nga bang options o calculator  at #*$@*# lang talaga ang alam kong kalikutin. kawawang yin walang dadalaw sa blog mo kung hindi mo masusuhulan ang mga pinagmamakaawaan mong dumalaw dito sa blog mo at isama ka sa sarili nilang blogroll sa pamamagitan ng paglagay ng links nila dito sa blog mo. batok. (sana naintindihan ninyo ang diwa ng huling pangungusap. bobo lang talaga sa construction ang nagsusulat. -ed)

ekskyusmi kay kuya.

ako: kuya may banyo kayo?

siya: oo, kayo?

ako: pwede makigamit?

siya: tinatanong mo?

ako: boss naiihi na ko.

siya: sa kanan.

ako: ako iihi?

siya: sa kanan yung banyo.

ako: ibig ba sabihin nun pinapayagan mo na ko?

siya: na umihi sa may kanan?

ako: sa banyo..

siya: oo.

bukas ng pinto. sara ng ilong. sara ng pinto. bukas ng zipper. dukot. pikit ng mata. diskarga. kilig. ngiti. pagpag. dilat ng mata. suksok. sara ng zipper. hugas. bukas ng pinto. bukas ng ilong.

ako: “salamat kuya.

kalikot  ule ng putanginang dashboard. kaunting tunganga pero hindi ko talaga mahanap ang hinahanap ko. huwag ko kaya hanapin. mas madali pa yung final interview sa akin dinugo lang ang ilong ko, eto kahit anong gawin kong finger sa utak ko wala akong makulangot na pag-asa. dinudugo na batuta at hintuturo ko.

miniskol ni kuya ang pansin ko, sabi niya wala na daw akong pera. translation: dalawang oras na ko. dalawang oras na kong nakaharap sa monitor ni hindi ko naayos ang blogroll ko. ni wala kong blogroll. ni. putik, kwarenta pesos na naman ang humiwalay sa kaluluwa ng wallet ko walang nangyari. pinambili ko na lang sana ng chopsuey, mapapakain ko pa yung inidoro namin kinabukasan.

labag man sa kalooban ko tumayo na ko. ang gleng-gleng ko talaga biruin mo tumunganga ako ng dalawang oras nagbayad pa ko ng kwarenta pesos.