dear ate charo,
wala naman akong balak sulatan ka. hindi ka naman kasi nagteteks. kaya lang paggising ko kanina makati ang kaliwang pisngi ng pwet ko, kaya heto ako ngayon, nagkakamot.
eksakto pang-anim na buwan ko nang nagpepetiks sa pampanga ngayon at pang-anim na buwan ko na ring nagpepetikz sa pampanga ngayon, not to mention pang-anim ko nang nagpepetiks sa pampanga ngayon. oo, kung hindi adik ang boss ko at kung walang lahing kongresista ang mga boss niya eh regular na nga ako disveriday. salamat fafa jeesaz. *ngiti-pwet
pero niga-smile man ang aking ass ngayon at may inuman mimiya eh alulungkot pa rin ako.
dati nauubos ko ang dalawang pancit canton, may pritong itlog at kanin pa yun. kanina may natirang 1 strand ng noodle. dati nakaka-ilang tasa ng kape ako, kanina hindi ako nagkape sa tasa. dati inaamoy ko kili-kili ko paggising, kanina wala akong gana. dati sinisimot ko ang naiwang palaman sa kutsara, kanina walang palaman. dati buhay pa si FPJ.
si singkit. siya ang dahilan ba’t ko nilo-loadan cellphone ko. siya ang dahilan kung bakit nagteteks ako sa kahit bawal sa trabaho, kahit inaantok na. siya ang dahilan kung bakit ako nag-oopen ng friendster kahit puro kahon lang ang laman ng account ko. siya ang dahilan kung bakit nanghahabol ako ng bus kahit mahulog ang tangan na sigarilyo. siya ang dahilan kung bakit ako nagsisimba’ng gabi kahit labag sa kalooban ko ang maligo. siya ang dahilan kung bakit ako napapanuod ng wowoee. siya ang dahilan kung bakit hindi pa ko bumibili ng ulam at nagpo-post dito. siya ang dahilan ng post na ito at hindi ikaw ate charo, helo? ano ka, artista?
bakit pa kasi kelangan pa niya mag-aral. pwede namang ako ang mag-aral at siya ang maghintay sa akin di ba? o kaya magboksingero ako at siya mag-audition maging commercial model ng sotanghon. imbyerna. sira na nails ko kaka-type. nag-iinarte na ko, wala pa naman akong dalang tisyu-chenez ahaha.
echosera ka singket alam ko alam mo na alam kong alam mo na ako nagtext sa yo kanina gamit ibang number kahit hindi ko sinabi na ako yun. miss na kita, pero ganun talaga. ika nga pag walang pera ang mga bading walang chupa, kaya nga everything is perfect in papa godsy’s plan. (hoy babae si singket at lalake ako ano iniisip mo?) hindi ko dadamputin yung blade anoh? ansarap kaya kumain. basta echos churva ka singket. hmp.
(akala ko ba para sa akin sulat na to? hoy tarantado palitan mo na nga yung pangalan ko sa taas?- ate charo. santos. concio.)
*sabunot. blog ko to loka!
akala mo lang singket wala akong sinseridad sa yo. pero meron. meron.

mga umangal