sum o’ d most beautiful thingz in this effin’ universe

11 03 2009

may  post na ko dati sa dati kong blog dati na gaya neto at naisip ko lang balikan at tingnan kung may mga nabago. yin, tena’ng rebyuhin.

 

- old sneakerz (matatag pa rin, may 2 new pairs ako at excited na ko maluma ang mga loko)

- late night calls (alangya, eight hours ako nagte-take ng calls araw araw ngayon kumusta naman yun)

- holidays (syempre, either double pay o pahinga’ng bongga)

- a nice bed (hanggang ngayon wala pa ko neto)

- a gorgeous, single boss (oo naman)

- soft jeans (tipong limambeses gamitin bago labhan, at mabango pa rin? hehehe)

- nagyoyosi kasama pinsan ala-una ng madaling araw sa kalsada (nuon yun nang wala pa siyang asawa at wala pa ko dito sa pampanga, nakaka-miss, putik)

- san miguel beer (may umaangal?)

- a broken alarm clock (necessity)

- m&m’s PLAIN

- “friends” re-run’s (makapaghanap nga ng dvd copy sa tabi-tabi)

- 1 thousand peso bills!

- waffle at gatas habang umuulan at walang pasok

- first paycheck (sa una talaga hehehe)

- “tollgate” ng hale habang nakasakay kang bus

- a good political leader (sabi ko nga, it will always be beautiful, but it will never happen)

- a loving mother-in-law (meron talaga, kelangan mo nga lang ng swerte)

- a walk in the rain witta gurl huz got a lot of sense of humor. and a good tablet of antihistamine  pagkatapos.

- a minute of silence

- coffee-yosi-lunch-bio-breaks

- a new acquaintance

- tawa ni ermats

- ice cream

mga nakalimutan ko ilagay noon:

- ATM cards

- mga kaibigang kahit anung gawin mong katangahan eh nandiyan pa rin

- unexpected sms/e-mails/calls from people you miss

- buwan ng disyembre

- cloud 9 bars. kung babae yung gumawa ng kauna-unahang bar ng cloud9, pati siya.

- at akala ko nakalimutan ko, siya na may handog lahat neto.

meron ba kong nakalimutan?





1-800-mal-dito

5 03 2009

paalala: magdalawang isip bago basahin. nakakamatay.

hindi ako nagblo-blog para magpapansin sa ibang tao, insekto, uod o ipis. hindi din ako nagblo-blog para makakuha ng award o ng anumang premyo. nagblo-blog ako dahil gusto ko. dahil libre. dahil mahilig ako nagsususulat. ngayon kung iisipin at sasabihan ng isang tao na malamang o sigurado na ang isang blogger (kasi hindi niya nilahat, sininggol-awt niya) ay nagpapapansin lang dahil sa mga sinusulat/sinulat/susulatin  niya, MALI siya. LAHAT ng blog, sa anumang anggulo tingnan ay nanunutsot para sa konting atensyon. ang umangal masisira ang friendster account, at mag-diary na lang.

blog ko to at sasabihin ko anumang gusto ko. maganda man o adik. walang moderation ang comments kaya pwede mo ring sabihin anumang gusto mo. respetado ko yun.

kay vincent, pasensiya ka na pare, nasagasaan ko ego mo. pasensiya ka na rin makulit ako at ikaw hinde. sabi ko e-edit ko ang post pero wala ako nagawa, kinwelyuhan ako ng sarili ko. mas malaki siya sa akin. pumasok ka na rin lang sa site na to payuhan na rin kita ano? mainit ka pa sa bakal, wag ganun. walang kwenta ang blog na to para pag-aksayahan mo ng oras. hihi.

at sa maldito na nagkomento ng “tae nosebleed ako dito…” salamat sa iyo tol di ko na ganun kadalas binabanggit ang salitang yan. naamoy ko nang lumabas sa bibig mo mabaho pala talaga salitang yan.

salamat sa mga dumadalaw at nagbabasa. at sa mga nagbabasa sa pagitan ng mga linya. patuloy akong magsusulat dahil gusto ko.

haiiii, hehehe. ansaya-saya ng panahon, nilulukot. anlaki-laki ng mundo, pinapaliit. anlamig sa labas, pinapainit. ang init ng kape, pinapalamig.

ay sana wag ma-offend mga soft-hearted readers pero may iiwan akong phrase, galing kay zach dela rocha ng rage against the machine: “fuck you i won’t do what you tell me.”

pag inaano kayo anuhin niyo din, ano. ^^