Huwag matakot. Walang subliminal message sa kuwentong ito.
Noong unang panahon uso pa ang linyang “noong unang panahon”. Hindi na ngayon.
Ang susunod na kuwento ay nangangailangan ng matinding patnubay ng matinding pang-unawa.
Paano kung may dalawang Yin?
Tawagin natin silang Uno at Dos.
Uno: tol anong oras ka dumating?
Dos: kanina, anong oras na ba?
Uno: maaga pa, anong oras ba pasok mo?
Dos: mamaya. Nagugutom ako, ano trip mo?
Uno: manuod ng Bleach, tol.
Dos: kumag, ano trip mo kainin?
Uno: linawin mo kasi. maski ano, ikaw ba ano trip mo?
Dos: trip ko si Mike Enriquez, nang-aano eh.
Uno: gagi, ano trip mo meryendahin?
Dos: ayusin mo kasi? Monay at muncher kaya?
Uno: nakku, monay at muncher na lang..
Dos: hinde, mas masarap monay at muncher..
Uno: pero gusto ko monay at muncher tol..
Dos: di bale na, monay at muncher na lang sige.
Natapos ang diskusyom, labas ang dalawa at pumunta ng tindahan. Syempre may batuhan ng dialogues ulit..
Dos: ate, muncher at monay nga. Ay monay at muncher pala! Tsaka coke.
Ate: (binuksan ang ref) dito ninyo iinumin?
Uno: hindi po, dito sa labas. Paki-plastic na lang.
Dos: isalin mo sa plastic yung coke ate, huwag yung bote ha.
Inabot ng tindera ang mga epektus, kaliwaan, merchandise at bayad.
Ate: wala kang barya?
Dos: (tumingin kay Uno) wala eh, ikaw?
Uno: (umiling, tumingin kay ate) wala ate, ikaw ba?
Ate: mamaya ninyo na lang kaya ibigay?
Uno: pramis?
Ate: uu..
Ang nangyari pinalaman ang muncher corn chips sa monay. At syempre ininom ang coke. Astig na trip yun. Pramis. Ako nga pala ang narrator kung nagtataka kayo bakit ako singit ng singit.
Lunok. Ahem. Pagkatapos kumain ay sumakay ng dyip ang dalawa. Naglakad pala muna hanggang kanto tsaka tumawid, bago pumara ng sasakyan at sumakay. Eksenang jeepney na tayo ha?
Dos: ‘ma, bayad. Dalawa. Scholar.
Uno: tanga, hindi si mama yan.
Dos: hahaha, alam ko, gago.
Driver: anong scholar?
Uno: yung pumapasok sa school po?
Driver: sabado ngayon eh.
Dos: sige senior citizen na lang..
Uno: pakita mo Medicard mo hahaha.
Si miss hindi nakatiis umextra, “bayad po, pakisuyo..”
Inabot ni Dos, sinuyo kay Uno, “bayad po, pakisuyo..” inabot naman ni Uno at sinuyo sa driver, “bayad po, pakisuyo..”. Huwag mo na asahang ganun din ang linya ng driver, adik.
“para po!!” sigaw ng ale’ng may dalang malaking bag.
Uno: para po!
Dos: para po!
(nangyari ang tatlong sigaw ng “para po!” sa loob ng dalawa’t kalahating segundo, nakakamangha. Bwahaha.
Syempre huminto yung dyip. Syempre ako yung narrator. Syempre bumaba yung ale. Syempre palakpakan.
Muling inapakan ng driver ang silinyador kaya walang nagawa ang jeep kundi sumunod sa utos ng mga paa at kamay nito sa bawat kabig ng manibela. Sari-saring mukha ng buhay sa loob ng dyip, pangarap, tuwa, paghihikahos, libog, takot, pag-ibig, syet, ano pa ba. Malayo ang tingin ng isang dalagang naka-uniporme ng puti, mahigpit ang hawak sa kulay abo na sobreng tangan, dalawang kamay, at nanginginig. Alam mong hindi natural ang nangyayari, alam mong may ibang sahog na diwa at damdamin ang butil ng pawis na dahan-dahang dumudulas sa noo niya, ngunit walang muwang ang babae na sa kaniya ay may nakamasid, nakatitig pa rin ito sa malayo. Akma siyang may dudukutin sa bulsa, biglang babagal ang oras, maglalaho ng walang paalam ang mga tunog sa paligid, hihinto ang lahat, malupit na katahimikan..
Inaantok na ‘ko. Another entry.
moret..
napahanga mq ulit sa lawak ng iyong kaalaman
misyu
Panyo… dudukutin nung babae ang kanyang panyo… Panyo, di ba?
Adik ka Yin
Adikkkkk!!!
dudukutin ng babae ang MAX Methol pangpalamig sa tuyong lalamunan
teka binayaran nyo ba yung ate sa kinain nyo?
baka manghoholdap yung dalaga tas sasakalin yung katabi nyang si uno’t dos na si yin. hehehe
subay-bayan…
talagang simula umpisa kwinento.. pero dung dulo biglang bitin. babalik ako dito. pramis
waaaa anak ng….. nananahimik ako sa jip,hnd q alm my nkamsid pla sa kilos ko! tsk! buti nlng ndaan aq d2 s bahay mo kundi hnd q mlalaman na adik pla ang ksakay ko sa jip! adik k yin! ahahah.
wow.. ang galing mo talaga Yin.. kahit anong klaseng kwento pag ikaw nag narrate iba ang dating.. keen observer ka pala.., naku.., ang dami kaseng kwento talagang makukuha sa loob ng jeep.. kahit noon, nakakagawa ako ng maraming story mula mga taong nakakasakay ko sa jeep, mula sa ayos nila ng buhok hanggang sa suot na sapatos.. galeng mo!!. klap! klap!..=)
Yin, tama ba ang hinuha ko, sa call center ka nagwowork?
Madalas kang inaantok eh.
Shaks, sana tama ako sa hinuha ko. Shaks talaga.
isa lang masasabi ko..adik ka!! hahaha
b1 at b2. laging magkasama. ang sarap pag-untugin.
naiimagine ko.
at witwiw may chiks sa jeep.
adik mo.
adik!
kulang sa tulog! woooo!
isang patunay na adik ka talaga hahaha. muncher fave ko pero ung ipalaman sa monay, hmmm di ko kaya hahaha.
at andito si *****, nyahahaha
hahaha! ang kulit!
panu magyakapan sina uno at dos?
ahahaha. ang sweet naman non.
grabe! sana may tres din. hakhak
pwede kang maging endorser ng coke.. hahahaha ako naman pop cola.. pero binili na ng coke ang pop cola.. hahahahahahaha
magsyota ba sina uno at dos? hahahahahaha
adik, adik, adik, adiiiiiiiiiiiikkk!!!! ka yin…hahahaha
akala ko kung ano na, seryoso ang pagbabasa ko ha….hahahaha
grabe yin..
nakakamangha ka. pede ka sa hiraya manawari pramis.
kala ko nga maiiiwan si dos sa jeep kinabahan ako
pakilala mo next time si tres ha!
yin, natatae ba yung babae?
di naman siguro kutsilyo ang dinukot nya sa bulsa?
Adik nga, hahaha. Pero nakakatuwa. hehehe. Duga, binayaran mo la may angaliwan mo’y muncher ya inpalaman mo’d monay? Antoy taway to man manaya pre ey? hahaha
yin!
this one’s so cute. hehe.
teka, masarap nga ba ang monay at muncher? haha.
))
nag-enjoy ako basahin to ah, astig!
hahahahaha ! ntatata ko lalo sa part ni narrator, kaya lang bitin ka magkwento haha !
haha ! ambilis d ko na napigilan un comment ko *natatawa un hahah mali un pwesto ng letra sa keyboard e haha