hanamig hanamputik

5 12 2009

binalak kong mang-hijack ng eroplano magposte nung a-uno kaso may taping ako binalak nga lang kaya hindi natuloy. huling buwan na ng da yir at anampalucha anlamig sa umaga in the morning, buti hindi ako nagtatae nisisipon kundi hindi na ko nakahinga dahil nagyelo na uhog ko. gaya ng dati magsusulat ako ng isa sa mga pinakamabuluhang poste na mababasa mo sa buong life mo ever para masaya. kunwari unang araw ng disyembre ngayon noh, wak ka na umangal. ispin mo na lang, ham yan. so ayun, malamig sa umaga at tuwing nalabas kami ng building para magyosi eh alangya maninigas maa-arouse manginginig ka sa lamig, at kasarapan mag-yosi nun! habang may tangang kape. pang-alas5 ng umaga kasi ako kaya labag man sa kalooban ko eh naliligo na ko ng alas3. ng madaling araw. disi-sais pa lang ako naliligo na ko maaga pa lang! ang hirap! ang hirap!

ngayon nagtatanong ka na kung ano kabuluhan ng binabasa mo, secreettt. di ko na mahintay pag-uwi ko sa tinubuan ng buhok ko sa ilong kong pangasinan ng bagong taon, (bisperas pala) oo kuya boy dito ako magpapasko sa pampanga, may pasok ako nun eh. da fuck noh? pero ika nga ni plato, aristotle, “i am therefore i’m fun..” (sige na nga ako may sabi) so come what da fuck may. inimbita daw ng kumpanya si bamboo, sana si maja salvador na lang. may ilang wish lang ako sa pasko papa jeez, saka ko na ipoposte dito, humanda ka na, usapang lalake yun di ka makakatanggi, nagpapakabait na ko haaahh. pramis. krus my dick hart.

di ko na mahintay gawin ang panata kong magdaster ng polka dots habang naka-sneakers kada unang araw ng taon, shet, taenamu nald di ko pa rin ako nikapag-decide kung papatulan ko balak mong mag-diapers at kurbata lang! inunahan ko na kayo lahat may poste na ko pang-nuyir! oh, ha? oh, ha? wala pa kong tulog umuwi ako galing trabaho kaninang alas dos, oo hapon ng afternoon, at heto ko kontes na naman ng titigan versus “theee monitor” para lang mapangiti ko mga krass ko sa blogoshpit (ulol. – wordpress). kanina habang nanunud ako ng tivi eh napansin ko lang kasi di ko pa napapanuod, si mingming ng wonderpets kasama ba sa G-force??? tsaka si sean kingston pala ang initials niya eh S.K, ampanget. at kanina ko lang napanuod video ng dahelsong ng sum41 hahaha ankulet. oo ankulet. oo hankulet.

mamaya papaka-zombie ako magre-rest day wurk para may pangkabayo sa pasko. red horse ate, ikaw ansama mo mag-isip. hmp. ayheytchu. wala rin naman gagawin sa crapartment eh. at yes matutubos ko na selepon ko pag-alis ko sa computerinternetshopcafe na to. pina-safekeeping ko eh. oo, sa mga bago kong kaibigan dito sa WP wala akong laptop, kung niaawa kayo sa akin i dont need your pity, gimme a dang laptop, hehehe. ganun ako ka-kulang sa atensyon ganun ko kayo kamahal dumadayo pa ko para lang may mai-poste ako.

oo nga pala madilim na mamamakla na ko kelangan ko pa manundot manubos.

payo lang anoh, pag nangangaroling ka siguraduhing may plaslayt sapatos mo kasi ang tae pasaway yan. hindi yan iiwas.





it’s on.

8 11 2009

dang. tapos na ang araw ng mga dedbol. balik tayo sa panunuod ng porn earth. at huwag una bayag mukha ano.

palapit na ang buwan ng disyembre at ang asteroid na sasalpok sa earth pasko at bagong taon pati ang eleksiyon at nagsasawa na ko sa mga kayamanan ko sa trabaho ko anampucha para kang Care-Sales-Tech all-in-one. ayoko sana sambitin baka marinig ni papa jeesas at bigla niya ko tanggalan ng etits batukan at alisan ng trabaho bukas pero nakakaburat na talaga. may sequel na daw yung palabas ni santino, may bukas na. may dalawang buwan ako para i-arouse ang utuin sarili ko kung kaya ko pa. at ngayong nobyembre eh yun nga uutuin ko sarili ko na mag-self-commit at mag-commit sa sarili ko na mag-o-OT at overtime ng mga dalawang oras and hours. kada araw everyday. at rest day work na trabaho ng mga apat na oras kung hindi man walo. echos. taena parang mas madali mag-quit ng pagyoyosi at umiwas sa alak ah. at nabibisyo ako mag-skydiving mag-mixed martial arts mag-aral gitara funk style at blues kahit hindi magaling eh nagpapanggap na magaling wahahaha. ano naman pakielam mo pala noh? pero oo magaling ako. angal? at may nabobosohan ako na bagong bibisyuhin: pagbi-beatbox. asa ka yin.

oo palapit na nga eleksiyon pero wala ako nakanampuchang alam kung sino iboboto ko sa mga gagung yun. lahat sila gago. dapat kasi pagkapanalo na pagkapanalo agad sa pagka-presidente eh mayaman agad ang pilipinas kinabukasan. yun ang maganda. kung delayed ng mga isang linggo okay na din sa akin hindi na ako magrereklamo. puro pangako lang mga gagung yan. oo, ang walang katapusang pagmumura sa blog ni yin. sanamabits. sanamagad. eff. anamputiknyetadangfukienshets.

si cholo baka lumipat na ng jupiter ‘gapo, si richard namamakla nasa ‘gapo na din, si je nasa kabilang kumpanya, binabalak ko mag-artista mag-maynila pero baka magsawa agad ako kasi walang kasama. binabalak ko mag-boksingero pero pota wakna. malambot kaya dila ko. ito na siguro pinaka-nakaka-arouse-walang kwentang post ko. bigla lang ako nangati para makapagmura.

ano naman kaya kinalaman ng post ko sa mga nagbabasa ano, ewan. siguro pag wala na kong dahilan para magmura eh baka hindi na ko mag-post dito. yun yun. oo nga pala, anu na naman pakielam mo dun anoh?

so, dinodocument ko lang, si yin ay mag-o-OT at magpapakayaman sa huling parte ng buwan ng nobyembre at buong buwan ng disyembre. pagagandahin ko ang stats ko. magpapakabait ako at di na magtitikol matutulog ng maaga. kakain ako ng pekpek madami. babaguhin ko ang pagmumukha ni aling dionisha ang takbo ng universe. papaniwalain ko ang sarili ko na talentado talaga ako at hindi ko muna kailangan mag-resign. oo, uto-uto naman ako eh. maski sa sarili ko.

at pagdating ng enero sana alam ko na gagawin ko sa taenang buhay ko.

another quick shit.

it’s on.

P.S. – isa pang mura. putaraginakanamputik.





nasusunog ang pilipinas

19 10 2009

pagkaraan ng anim na buwan/six months at hindi ko alam kung ilang araw na pagsulpot-sulpot sa blogosperyo at anim na buwan ng pakikipagrelasyon nang hindi alam ang patutunguhan ay sa wakas natapos din at malapit na ang undas at si ondoy hindi na bumalik para magsori.

ano bago sa akin? may twitter na ko. pero wala pang laman. may balak na kong bumili ng bagong sapatos, pero wala pa kong bagong sapatos. may balak na kong yumaman, pero hindi pa ko mayaman. wala na kong gf, tinakwil ko na. bakit? nangyari lang. magsasawa na lang ang mga taste buds mo at magigising ka na lang (ibig sabihin para kang natulog nang matagal namatagal na matagal na parang si sleeping byuti pero ang gumising sa yo eh isang shinigami, lipstulips with dila’ng my tongue ring sa dila) na nawala na mga creative juices mo at masyado ka ng na-absorb ng super absorbent na relasyon’g super absorbent, dahil bulak lang ang lahat. nabasa, tinapon. pakshet mekstaym diapers na lang neh?

nung nakaraang linggo’ng last wik  lang sinulatan ko si papa jay kasi kinailangan ransomin yung bahay namin sa landlady naming bangko, kaya sinubukan ko kung pwede’ng ipalit sa madaming madaming pera yung ilang resibo ng kuryente at tubig kasama ng kopya ng kontrata ko sa kumpanya pati ID ko. dasal ko lang talaga kay papa jay nun na tumigil muna ang ulan sa angheles kasi pag ako nabasa’t dumami ewan ko lang pano uuwi kukulangin pamasahe ko. so sa pagmamakaawa ko kay papa jay na maawa kay ermats at dalawa kong pamangkin at ang isa’t kalahating kalabaw na gagu kong utol baka sipunin pa pag walang tutuluyan eh nahabag naman siya kasi tropa na kami nung haiskul pa. sa kanya ko nahingi ng yosnun pag breaktime. salamat talaga papa jay, kahit bad ass madafaka tong bad kid na sanamagad mong ito eh sinalo mo pa rin ako. lalake ka talaga kausap. ngayon wala na sa aking pangangalaga ang ATM card ko. alam ko papatnubayan at gagabayn mo ko papa jay. at ibig sabihin pala eh dati pa rin YM mo kasi naresib mo pm ko noh? papa jay may twitter tsaka facebook na poh. ayusin mo nga buhay mo, hehe. jukjuk.

hindi ko magawang makiramay sa mga binaha pero i know how it dangfakin feels ng mawawalan na ng tahanan, i feel for you guys. hindi man ako yung tipong ipag-eemote ko kayo sa kwarto ko (may mas masarap kaya gawin anoh), o kaya ay ayusin ko ang Sison Bridge, o kaya ay sasama sa relief  operations ng channel 2 kasi hindi naman ako makakapag-kornsentreyt nun kasi bobosohan ko lang si angel locsin at shaina magdayao eh we are one. *kamao sa dibdib. love can move mountains brothazz. lipat natin ang baguio sa hindi binabagyo para walang landslide. ^^,]

ngayon na nandito na ule ako nagbo-blog kahit madalas ay nagmumura lang ang post at hindi na mawawala pa eh putangina umpisahan na natin pangangampanya. yin por barangay chairman, hehehe.

ano na nga pangalan nung bagyo ngayon na  nagsisimula sa titik R? balita ko kasi yung susunod eh papangalanan ng “Simot”. taragis. wag naman.





keverluchenezcheezy

28 01 2009

dear ate charo,

wala naman akong balak sulatan ka. hindi ka naman kasi nagteteks. kaya lang paggising ko kanina makati ang kaliwang pisngi ng pwet ko, kaya heto ako ngayon, nagkakamot.

eksakto pang-anim na buwan ko nang nagpepetiks sa pampanga ngayon at pang-anim na buwan ko na ring nagpepetikz sa pampanga ngayon, not to mention pang-anim ko nang nagpepetiks sa pampanga ngayon. oo, kung hindi adik ang boss ko at kung walang lahing kongresista ang mga boss niya eh regular na nga ako disveriday. salamat fafa jeesaz. *ngiti-pwet

pero niga-smile man ang aking ass ngayon at may inuman mimiya eh alulungkot pa rin ako. 

dati nauubos ko ang dalawang pancit canton, may pritong itlog at kanin pa yun. kanina may  natirang 1 strand ng noodle. dati nakaka-ilang tasa ng kape ako, kanina hindi ako nagkape sa tasa. dati inaamoy ko kili-kili ko paggising, kanina wala akong gana. dati sinisimot ko ang naiwang palaman sa kutsara, kanina walang palaman. dati buhay pa si FPJ.

si singkit. siya ang dahilan ba’t ko nilo-loadan cellphone ko. siya ang dahilan kung bakit nagteteks ako sa kahit bawal sa trabaho, kahit inaantok na. siya ang dahilan kung bakit ako nag-oopen ng friendster kahit puro kahon lang ang laman ng account ko. siya ang dahilan kung bakit nanghahabol ako ng bus kahit mahulog ang tangan na sigarilyo. siya ang dahilan kung bakit ako nagsisimba’ng gabi kahit labag sa kalooban ko ang maligo. siya ang dahilan kung bakit ako napapanuod ng wowoee. siya ang dahilan kung bakit hindi pa ko bumibili ng ulam at nagpo-post dito. siya ang dahilan ng post na ito at hindi ikaw ate charo, helo? ano ka, artista?

bakit pa kasi kelangan pa niya mag-aral. pwede namang ako ang mag-aral at siya ang maghintay sa akin di ba? o kaya magboksingero ako at siya mag-audition maging commercial model ng sotanghon. imbyerna. sira na nails ko kaka-type. nag-iinarte na ko, wala pa naman akong dalang tisyu-chenez ahaha.

echosera ka singket alam ko alam mo na alam kong alam mo na ako nagtext sa yo kanina gamit ibang number kahit hindi ko sinabi na ako yun. miss na kita, pero ganun talaga. ika nga pag walang pera ang mga bading walang chupa, kaya nga everything is perfect in papa godsy’s plan. (hoy babae si singket at lalake ako ano iniisip mo?) hindi ko dadamputin yung blade anoh? ansarap kaya kumain. basta echos churva ka singket. hmp.

(akala ko ba para sa akin sulat na to? hoy tarantado palitan mo na nga yung pangalan ko sa taas?- ate charo. santos. concio.)

*sabunot. blog ko to loka!

akala mo lang singket wala akong sinseridad sa yo. pero meron. meron.





i’ll stick around

11 01 2009

late na yata ang new year post ko, pero sabi nga huli man daw at magaling talagang magaling. labing-isang araw na rin ang iniluwal ng taon na ito, lumipas na ang a-uno at karamihan sigurado ay nakakalimot na sa mga binitawang pangako sa mga sarili. hindi ako gumawa ng new year’s reso ko, huli akong gumawa nung nasa high school pa, o 1st year sa college, o 2nd, o 3rd, ewan.. putik.

matagal ko na’ng gustong tanggalin ang paninigarilyo pero hanggang ngayon nagrereklamo pa rin ang baga ko sa usok. ilang bagong taon din ang nagdaan na sinubukan kong wag magyosi sa mga unang araw ngunit subalit pero but WTF ansarap magyosi eh. andami kong naging kaibigan dahil sa sigarilyo. nandyan ang nakatayo ka sa labas ng anumang building na kumakanlong sa yo at maya-maya kakwentuhan mo na ang isang taong noon mo lang nakita, o may magandang chic na manghihiram ng  lighter, o nakatayo ka sa tabi ng kalsada habang nag-aabang ng sasakyan at si pare’ng tindero ng taho makikisindi. tambay ka mag-isa ng bilyaran at hindi mo alam pwede ka ng bumuo ng banda, dahil sa yosi.

oo nakakaasar ang mga tao’ng walang pakundangan at walang pakielam kung may nagko-kombulsyon na dahil sa usok.  hindi ako isa kanila. anamputiknyetashetz tungkol sa new year’s resolution at buhay pag-ibig ang gusto ko’ng sulatin kanina ah, bakit nauwi sa carbon monoxide?? sige tuloy na lang. mabaho nga ang usok ng sigarilyo, kaya kung walang pagkakataon para mag-tusbrash bumibili ako ng coke para pamumog. ah oo nga pala syempwe mints.

refresh. madami ang gumagawa ng new year’s reso at hindi tinutupad. para kang nagbilog ng kulangot at hindi mo rin ipinitik, den wawasdat for??

walang masama sa paggawa ng mga ganun. pero hindi na muna ko gagawa ng sa akin ngayon, alam ko namang di ko maitatakwil ang paninigarilyo kahit kailan eh. siguro sa mga darating na panahon. sana hindi pa ko inuuod bago dumating yun. bawasan ko pwede pa. sige try. i’ll start hmmm, later. alam ko pagtayo ko at paglabas dito magsisindi ako.

tumataas ang levels ng  glutamine kapag pinapasukan ng nicotine ang katawan. at tumatalas ang pag-iisip ng isang gaya ko sa mga oras na yun. karamihan ng tula at proses na tsinamba ko, ng mga kamalayang binuo ko, ng mga gas na minanufactyur ko,  ng mga handouts na nirebyu ko, ng mga riffs at kaskas na inimbento o kaya zinipra ko, at mga ubo’ng pinakawalan ko, [pero p.s.i.k. (para sa iyong kaalaman) wala kong t.b, bwahahaha] nabuo sa  piling ng usok ng yosi.

good luck sa mga reso’s mo, sana matupad. ako naman ay maninigarilyo pa rin para maisip ko na kung paano ililigtas ang mundo, paano yayaman ang pilipinas, at paano gaganda ang buhay. pag-ibig? hahaha.

adik.

sa uulitin.





taob-tihaya-tagilid-akeyn!

28 12 2008

maraming bagay ang hindi ko inasahan nitong nagdaang pasko.

una: yung maagang bigayan ng sahod (dapat lang).  ibig sabihin maaga pa lang wala na kong pera. bago pa man dumating ang bagong taon. pero ayos na yun kasi maaga ako nakapagpadala sa bahay. ipapadala ko rin sana yung ham na bigay ng kumpanya kaso duda ako dun sa babae sa LBC baka palitan niya ng ma-ling. akala namin nagkamali ang kumpanya at nagbigay ng bonus sa mga empleyado, kami pala ang nagkamali. inkamtaks retorn pala yowng ekstra na dumagdag sa pera’ng piniga ko sa atm card ko. pinagpala ang kumpanya, hindi sila nagkamali eh. (“dare you to move” playing) eniwey, salamat pa rin. oo naman!

pangalawa: hindi ko inasahan na pagtiyagaan hanapin ng nakabunot sa maliit na kapirasong small piece of paper kung saan ko sinulat ang codename ko para sa palitan namin ng exchange gifts ang dalawang libro na sinulat ko sa wishlist ko na alam kong madali namang hanapin dahil sinulat ko naman  dun sa papel kung saan ito nagkukuta. ang galing, nahanap nga niya. talagang hahanapin niya kasi mahirap ang ibang options sa wishlist ko. mazda3, xbox 360, plasma tv, si roxanne guinoo, at syemps, WORLD PEACE.

pangatlo: hindi ko inaasahan na hindi niya ko iti-text nung bisperas. kalimutan na, hindi ka naman artista.

pang-apat: hindi ko inaasahan na magti-text si ex. salamat sa pag-alala.

pang-lima: hindi ko to inaasahan noon, na ako ang bibili ng beer na ininom ko noong pasko, kasama ang pulutan, yosi at sipol. malapit na yata akong yumaman, hahaha.

pang-anim: inaasahan ko na to, pero mas mainam sa kili-kili kapag hindi ka masyadong expectant. kagabi lang pinirmahan ko ang pinakamaganda na yatang papel na nakita ko sa buong buhay ko (as op da mowment), ang evaluation ng over-all performance ni yin sa nakaraang anim na buwan ng petiks sa kumpanya. hehehe, masipag ako sa totoo lang. syemps, pasado. kung walang tatamang asteroid sa pampanga nakikita ko nang nakaupo’t naghihintay sa akin ang mga leave’s ko, medical benefits kasama yata pati spa oppurtunities. pagkatapos ko pirmahan ang pael nagdiwang kaagad ako. nag-break at nagyosi ng bongga’ng bongga. pero hindi pa ito ang totong moment. evaluation pa lang pala yung pinirmahan ko, hahaha. eh sabi ni boss-amo-team-leader medyo sure na yun eh. kumbaga siguro sigurado na yun!

gaya ng dati kailangan ko maligo, magbihis at pumasok kaya magpapaalam na ko tatayo na ko sa kinauupuan ko.

ang asal sa buhay kailangan para ka lang naglalaro ng teks (dapat naruto yung teks, hindi petrang kabayo. masyado nang luma yun, bogaloids!), taob man o tihaya, tagilid man o dapa, sabihin mo sa ‘yo. ano man ang ibigay sa ‘yo ng buhay lunukin mo. ngayon kung ikamamatay mo yun, tanga ka.

narinig ba kitang tumawa? bakit, korni ba? syatap.

masyado nang gasgas ang “maligayang pasko at manigong/masaganang bagong taon”, ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng manigo..

iiwan ko sa inyo ang closing spiel ng team namin. eto yung malapit na kami mag-log out, nabubulol, manhid na ang panga at mga labi:

teinkiperkohling, HALI-HALIDEYS!