hanamig hanamputik

5 12 2009

binalak kong mang-hijack ng eroplano magposte nung a-uno kaso may taping ako binalak nga lang kaya hindi natuloy. huling buwan na ng da yir at anampalucha anlamig sa umaga in the morning, buti hindi ako nagtatae nisisipon kundi hindi na ko nakahinga dahil nagyelo na uhog ko. gaya ng dati magsusulat ako ng isa sa mga pinakamabuluhang poste na mababasa mo sa buong life mo ever para masaya. kunwari unang araw ng disyembre ngayon noh, wak ka na umangal. ispin mo na lang, ham yan. so ayun, malamig sa umaga at tuwing nalabas kami ng building para magyosi eh alangya maninigas maa-arouse manginginig ka sa lamig, at kasarapan mag-yosi nun! habang may tangang kape. pang-alas5 ng umaga kasi ako kaya labag man sa kalooban ko eh naliligo na ko ng alas3. ng madaling araw. disi-sais pa lang ako naliligo na ko maaga pa lang! ang hirap! ang hirap!

ngayon nagtatanong ka na kung ano kabuluhan ng binabasa mo, secreettt. di ko na mahintay pag-uwi ko sa tinubuan ng buhok ko sa ilong kong pangasinan ng bagong taon, (bisperas pala) oo kuya boy dito ako magpapasko sa pampanga, may pasok ako nun eh. da fuck noh? pero ika nga ni plato, aristotle, “i am therefore i’m fun..” (sige na nga ako may sabi) so come what da fuck may. inimbita daw ng kumpanya si bamboo, sana si maja salvador na lang. may ilang wish lang ako sa pasko papa jeez, saka ko na ipoposte dito, humanda ka na, usapang lalake yun di ka makakatanggi, nagpapakabait na ko haaahh. pramis. krus my dick hart.

di ko na mahintay gawin ang panata kong magdaster ng polka dots habang naka-sneakers kada unang araw ng taon, shet, taenamu nald di ko pa rin ako nikapag-decide kung papatulan ko balak mong mag-diapers at kurbata lang! inunahan ko na kayo lahat may poste na ko pang-nuyir! oh, ha? oh, ha? wala pa kong tulog umuwi ako galing trabaho kaninang alas dos, oo hapon ng afternoon, at heto ko kontes na naman ng titigan versus “theee monitor” para lang mapangiti ko mga krass ko sa blogoshpit (ulol. – wordpress). kanina habang nanunud ako ng tivi eh napansin ko lang kasi di ko pa napapanuod, si mingming ng wonderpets kasama ba sa G-force??? tsaka si sean kingston pala ang initials niya eh S.K, ampanget. at kanina ko lang napanuod video ng dahelsong ng sum41 hahaha ankulet. oo ankulet. oo hankulet.

mamaya papaka-zombie ako magre-rest day wurk para may pangkabayo sa pasko. red horse ate, ikaw ansama mo mag-isip. hmp. ayheytchu. wala rin naman gagawin sa crapartment eh. at yes matutubos ko na selepon ko pag-alis ko sa computerinternetshopcafe na to. pina-safekeeping ko eh. oo, sa mga bago kong kaibigan dito sa WP wala akong laptop, kung niaawa kayo sa akin i dont need your pity, gimme a dang laptop, hehehe. ganun ako ka-kulang sa atensyon ganun ko kayo kamahal dumadayo pa ko para lang may mai-poste ako.

oo nga pala madilim na mamamakla na ko kelangan ko pa manundot manubos.

payo lang anoh, pag nangangaroling ka siguraduhing may plaslayt sapatos mo kasi ang tae pasaway yan. hindi yan iiwas.





akosiyinTV 1st annual awards

30 11 2009

welcome to my crib.

mahigit 3 hundred sixty 5 days na araw ko na yata sa wordpress, yata. at kung di ako nagkakamali eh nagkakatama ako, may sobrang ilang minuto. di ko sure, infernes. dun sure ako. gets?

sa isang taon na yun ko dito sa WP eh nakapagdura na ko tungkol sa adiksyon ko sa pancit canton, at ngayon sober na ko. nakwento ko na rin ang mga benepisyo ng pagyoyosi, oo meron pramis. nagmura na ko tungkol sa mga palaka’ng nagkalat dito sa angeles na naka-checkered na pantalon at hapit na hapit mga hindi naawa sa mga semilya nila. oh, nga pala, sa mga estudyante’ng wala yata’ng pambili ng tela kasi ang iiksi ng palda (thank God they’re poor). may umaway na rin sa akin dito, pero all’s well that ends well. nagimbal ko ang lahat (exajj hehe, hindi lahat) nang sinabi kong patay na si bob ong bwahaha. got y’all! you’ve been ssssssssstungg! hehe. nasulatan ko na pala si ate charo, (hindi ko siya sinulatan sa katawan, pinadalhan ko siya ng liham) ngayon today nangangamusta naghihintay daw ang baklita ng word from me. shut up, B. at yung poste kong inisip at tinayp sa loob at labas ng maja katorse minutos? at kung ilang klase ng kape na natikman ko? nang nakipag-debate ako kay pastor, nang binalak naming mang-holdap ng bangko sa baguio at nang ako’y inlab-inlaban. bwahahakhak. isa pa, may sumamang plema eh. bwahahaaaha.

hindi ko alam and i have no effin idea kung may napupulot at natututunan ang mga naliligaw dito or pumupunta lang sila dito para akyat-bahayin ko din crib nila. walang ganun, walang gantihan, harhar. love ko kayo, y’all. yo mah niggas eh. i appreciate the love. (hoy naglalaro ng dota wag ka nga maingay diyan pota! shadaap!) pasensiya. hanggang ngayon di ko pa din napapatunayan kung alien talaga si mike enriquez at kung anak niya sa labas si arnold clavio. this i’m sure of: hindi ko kayo binobola, echos lang.

keverluchenezeklavushetness. dalawang dekada’t kalahati na ko sa mundong ito at balak ko pa magtagal at mag-stay ng ilang daang milyong taon at abutan kung ano na standard ng pagiging maganda at sexy ng isang babae nun. sweet. shit, cant wait. ito lang siguro poste ko na wala kong kinikimkim na emosyon at kabag, gusto ko lang talaga tumambay sa sapot. at mag-abang ng bebot na papasok dito sa shop wahaha. disi-sais pa lang ako wala pang pumapasok, ang hirap! ang hirapp!

hell do i miss listening to korn. eff. wala lang gusto ko sambitin, bakit?

sa mga susunod na araw, buwan, taon- lahat ng gusto ko ikwento ikwekwento ko senyo dito, pramis. *sob wahahaha. in the most wholesome and educational manner.

at habang nagbabaliktanaw ako sa mga poste ko nasagasaan ko to: “ang asal sa buhay kailangan para ka lang naglalaro ng teks (dapat naruto yung teks, hindi petrang kabayo. masyado nang luma yun, bogaloids!), taob man o tihaya, tagilid man o dapa, sabihin mo sa ‘yo. ano man ang ibigay sa ‘yo ng buhay lunukin mo. ngayon kung ikamamatay mo yun, tanga ka.” may ganun pala kong stock wisdom hahaha, i’ve had a lot of life experiences at pwedeng isali sa “maalala mo kasi” kwento ng layp ko pero isip bata pa rin, hehehe. in a good fucking insane way of course.

yun ang mission ko, iligtas ang kaluluwa mo sa paghandog sa iyo ng aking my shit.

huling araw ng nobyembre. huling poste ko na muna. sa nobyembre, faget. maligayang araw ng mga andres. huwag papa-andres sa buhay. huwag bibilog ng kulangot kung di mo rin lang pipitikin, sayang. dont fuck with life, make love with it. at i-videotape mo.

nuff wit the fagshit.





nanalo akong P1M pota!

25 10 2009

oh ha, oh ha, bagong post hehe. sino na nakakita sa akin? sino may gusto maglagay ako pic ng matalino’ng engot na loko’ng mokong na sinto-sinto’ng kaladkaring pakipot na sobra sa takaw sa tulog at pagkain na kanina lang ay nanalo ng p147.00  sa tong-its sa apartment nila na ka-blog ninyo dito?

(katahimikan…)

sige isip lang hehe. pinggerin kalkalikutin ko lang tong keyboard. (taena antigas ng keys neto lalo espeyshuli tong space bar daaamn  awts eff..)

hindi man life-changing o penis-enlarging environment-friendly o breast-enhancing influential ang mga posts ko sa blog ko eh mga parekoi marekoi anukamanoi pinagtitiyagaan ko makipag-contest ng walang kurapan versus  sa monitor at magsadya sa innernetke-fey at ibuhos ang aking kamalayan dito. hehe.

last undas wala pa ko sa WP. miss ko na si lolo, hindi ako nakauwe ng undas nung nakaraang last year. na-miss ko yung kunwari ganadong maglinis ng puntod para lang makasulyap ng mga bebot, maghanap ng pangalan ng mga kakilala sa mga lapida baka may update, makipagtaguan sa mga pinsan sa sementeryo, pagkatapos maglinis eh uminom ng coke tsaka kumain ng matigas na tinapay (yung p6 isang balot tas 12pcs hehe, masarap kaya yun!), [hindi ako marunong magpintura ng puti kaya nagbabayad kami para  dun sa altar (granite yata yung kina lolo't lola kaya no paint needed)], kausapin si lolo’t lola sa puntod nila na parang alive and kicking pa rin yung dalawa (syempre through thoughts lang, hindi aloud nor lip synch ayokong mahalata akong sira-ulo), at sa mismong araw ng mga dedbolites eh libot sa buong kalawakan ng magkabilaang compounds- naka-alerto baka may makasalubong ka’ng ex o dating niligawan, kaibigan o kakilala, o kaya eh bangkay. masaya pag pagabi na, wala lang, nasabi ko lang. talaga naman di ba.

paguwi sa bahay hilamos hugas kamay baka may kumapit na tamud bad spirit tapos sindi ng mga kandila sa harapan ng bahay lalo na sa may gate, yung mga kamag-anak natin eh sila naman daw ang dadalaw kaso low-tech kapag matagal ka nang nabulok kasi wala’ng night vision goggles man lang kaya dapat maliwanag ang entrance. wala naman akong reklamo dun, huwag lang silang papahatid pauwe. pucha suntukan na lang kahit lolo pa kita hehe. aylabyu ‘lo.

maya-maya kainan na. ginataang di-ko-alam-ang-tawag-sa-tagalog. basta biko yata yun. yung berde’ng bigas? binabad ba sa fudkoloring yun? basta ansarap gumawa ni ermats ng ganun! kaya kong ubusin isang plato nun antakaw ko nga daw hehe wala ako pakialam kung gaano na nakain mo basta natikman mo na okay ka na akin na yung tira bwahahaha. masarap sa kakanin malamig na tubig at hindi juice. pero ako coke ako for life. wala nang kainan ng hapunan kasi busog ka na naman sa sementeryo ng halo-halo, kung ano-anong klase ng tinapay, tinusok, at tinampal tinimpla.

at syempre pagkatapos kumain eh ano pa ba inuman na. sori sa mga miyembro ng PAWS at mga konserbatibo pero oo pag mga ganitong okasyon umuuwi mga pinsan kong palagi ding uhaw at ang specialty pulutan eh— takpan ko muna ulo ko baka may biglang sumalpok–

di ko na lang sasabihin. ang makahula matalino.

isang linggo pa. nakakainip. makauwi kaya ako?

naiisip ko na lang tong post na to dito sa anamputiknyetashets na shop/cafe/slowconnectioneklavushitnessplace na ito at naisip ko na lang din ito: putangina buhay pa ako. madami mang problema ang saya mabuhay di ba?

huwag ka nang magtaka sa title, kilala mo na ko. =p





amimalentynz y’all

14 02 2009

enuf wit ate charo.

and to all who kept asking hu’z singket: she’z singket. =)  *foo fighter’s “hero” playing

yesterday wuz friday da 13th and today’s wuddaheck,  saturday da 14th ofkoz and tomorrow’z gon’ be anu pa ba—— sunday da 15th WTF anu iniisip mo? hello?  its just another effin saturday for yin plus all the love SMS coming in at ang chi-cheezy huh, mga hoy ang selebrasyon ng pag-ibig hindi lang minsan sa isang taon kundi araw-araw dapat. para araw-araw laging puno ang mga motel bwahahaha, at kapag naging tradisyon/kaugalian/kasanayan/kultura/habit/routine/we-know-it-like-the-back-of-our-dicksheads na ang pagse-celebrate ng pagmamahalan magtatayo ako ng sarili kong motel eh di masaya di ba? yeah i dont have a date because i am broke and i chose to.. be broke. hahaha. araw ng  mga puso at nagngangawa fulfilled ako dahil pinadala ko kina ermatz extra moolah ko. anyone got more love than that huh?! ala nga rin naman talaga kasi ka-date eh. asa manila si singket  (*seether’s “broken” playing naman ngayon) (kanina pala “redundant” ng greenday hakhak) and i wont spend cash for some gurlzhujuzwanahavfunonvalentinez na kelan ko lang nakilala here in pampanga, ano sila artista? eff. libre nila ako sasama ako. dapat may libreng hatid sa bahay din ha. putik huminto yung player. cue na yun para sa next paragraph.

wala ako maisip i-type, hoy yin alugin mo nga ulo mo. tatlong oras pa lang tulog ko. panunuorin pa ko yung dvd’ng hiniram ko. kailangan eh. may nakasulat kasi na wag isoli kapag hindi napanuod. napanuod na ba ninyo “superbad?” wala lang, pampadagdag linya.

magkakape/kakain/magkukulangot/yoyosi-ng-isa/tututbrass/tutulog pa ko kaya hanggang dito na lang muna.

happy hearts’ day to all of us especially to the saging’s who are buti pa may puso, to all the people of the people of the philippines versus , at sa buong mundo, sa lahat ng aliens sa universe, sa lahat ng robot lalo na kay wall-e, sa lahat ng cartoon characters sa tv at comics lalo na kay inoue, sa lahat ng pulitiko, sa lahat ng bakla (dahan-dahan sa paggastos mga hijo), sa lahat ng kotongero’ng pulis, sa mga spiritual leader na nagpapatalinuhan, sa mga madre at pari na inalay ang personal lovelife para kay papa up there, sa mga biyudo’t biyuda, sa mga tumandang walang asawa, sa lahat ng malibog, sa lahat ng cute at pa-cute mga hoy baduy ang isang rosas lang pero maiintindihan ko kayo haiiiiii highschool, sa mga ex ko, sa lahat ng nang-ex sa akin, sa lahat ng ka-blog ko, kay nanay, sa lahat ng anghel na nagkatawang lupa para tuksuhin ako, sa lahat ng singket, at kay boss Almighty. lez give some lovin’!

sa mga torpe at lahat ng hayop at asal hayop lalo na ang mga dinosaurs (sa jurassic park na nangain ng tao, pwera yung mga bida sa “land before time” xemps),  manigas kayo.

again i repeat one more time again for the second time na naman, HAPIPUSOW! aw.





mabilisan lang to

5 01 2009

may labing-apat na minuto para gumawa ng post pagkatapos bumati sa mga nagtiyaga’ng dumaan dito at bumati.

di na ko gagamit ng madaming kuwit at tuldok para mabilisan, huminga na lang ng malalim.

geym.

umuwi ako ng pangasinan ng 31 pero walang baon’g pix kasi ano pa ba walang camera phone ko wala pa akong balak bumili kasi puro tulog lang naman ang ginagawa ko at syempre kain yosi at ebak isama mo na rin ang panunuod ng dvd at paggitara at pagtoma kaya yusles talaga sa ngayon ang bagong cell kaya magwewento na lang ako kung ano ang nangyari sa akin nung bisperas at mismong unang araw ng bagong taon at yun ay natulog ako pagkatapos ako sakalin ni ermats at ng dalawa kong pamangkin dahil sa tagal kong hinde nauwi afterwhich paggising ko naman ay hindi ko na alam kung anong oras yun lumabas agad at hinunting ang mga pinsan sa madaling salita tinanong kung anong oras uumpisahan ang session pasensiya na kung halo-halo ang mga ideya dito kung may organizer ang isip mo habang nagbabasa ikaw na ang bahala itutuloy ko na ang kwento sa madaling salita hindi pa matigas ang yelo nagka-inuman na at pagkalipas ng ilandaang taon naisip kong umuwi para salubungin ang alas-dose sa bahay humiga para magpahinga at nang ako’y nagising bwakanangina nagmumura pa rin ako ansarap eh nakakaginhawa ng lalamunan alas-sais na ng umaga ayun yung media noche ko naging henry noche umaga diaz at nang araw na yun kumakain ako kada dalawang oras at sa pagitan ng mga tigalawang oras na yun ay either natutulog o nanunuod ng tivi o nakikipagkulitan sa two other pang pamangkin’s na dumating nung hapon kawawa ka na tumutulo na uhog mo gagawa na ko ng isa pang talata. hinto.

hinga ka ulet ng malalim. pwede’ng umutot muna.

fast forward na natin kung okey sa yo eh yung ibang nangyari  sa akin na lang hehehe kahit hindi ako nagbakasyon sa isang isla o sa isang bundok o sa ibang planeta wala pa ring tatalo sa mga luto ni nanay kahit inorder na lang yung spag na peyborit ko’t hinahanap kahit sa kasalan bwahaha at wala pa ring tatalo sa paguwi sa mga tao’ng matagal mong hindi nakita na dati ay araw-araw mong kasama’ng nagpapalakasan ng pag-utot putangina ayoko umiyak cut da fagshet at isa pa leyt na ko hahaha salamat sa mga patuloy na dumadalaw at sa mga dadalaw pa lang maligaya at makulit na bagong taon sa ating lahat. tuldok ba yun?

pwede ka na huminga ng maayos!





taob-tihaya-tagilid-akeyn!

28 12 2008

maraming bagay ang hindi ko inasahan nitong nagdaang pasko.

una: yung maagang bigayan ng sahod (dapat lang).  ibig sabihin maaga pa lang wala na kong pera. bago pa man dumating ang bagong taon. pero ayos na yun kasi maaga ako nakapagpadala sa bahay. ipapadala ko rin sana yung ham na bigay ng kumpanya kaso duda ako dun sa babae sa LBC baka palitan niya ng ma-ling. akala namin nagkamali ang kumpanya at nagbigay ng bonus sa mga empleyado, kami pala ang nagkamali. inkamtaks retorn pala yowng ekstra na dumagdag sa pera’ng piniga ko sa atm card ko. pinagpala ang kumpanya, hindi sila nagkamali eh. (“dare you to move” playing) eniwey, salamat pa rin. oo naman!

pangalawa: hindi ko inasahan na pagtiyagaan hanapin ng nakabunot sa maliit na kapirasong small piece of paper kung saan ko sinulat ang codename ko para sa palitan namin ng exchange gifts ang dalawang libro na sinulat ko sa wishlist ko na alam kong madali namang hanapin dahil sinulat ko naman  dun sa papel kung saan ito nagkukuta. ang galing, nahanap nga niya. talagang hahanapin niya kasi mahirap ang ibang options sa wishlist ko. mazda3, xbox 360, plasma tv, si roxanne guinoo, at syemps, WORLD PEACE.

pangatlo: hindi ko inaasahan na hindi niya ko iti-text nung bisperas. kalimutan na, hindi ka naman artista.

pang-apat: hindi ko inaasahan na magti-text si ex. salamat sa pag-alala.

pang-lima: hindi ko to inaasahan noon, na ako ang bibili ng beer na ininom ko noong pasko, kasama ang pulutan, yosi at sipol. malapit na yata akong yumaman, hahaha.

pang-anim: inaasahan ko na to, pero mas mainam sa kili-kili kapag hindi ka masyadong expectant. kagabi lang pinirmahan ko ang pinakamaganda na yatang papel na nakita ko sa buong buhay ko (as op da mowment), ang evaluation ng over-all performance ni yin sa nakaraang anim na buwan ng petiks sa kumpanya. hehehe, masipag ako sa totoo lang. syemps, pasado. kung walang tatamang asteroid sa pampanga nakikita ko nang nakaupo’t naghihintay sa akin ang mga leave’s ko, medical benefits kasama yata pati spa oppurtunities. pagkatapos ko pirmahan ang pael nagdiwang kaagad ako. nag-break at nagyosi ng bongga’ng bongga. pero hindi pa ito ang totong moment. evaluation pa lang pala yung pinirmahan ko, hahaha. eh sabi ni boss-amo-team-leader medyo sure na yun eh. kumbaga siguro sigurado na yun!

gaya ng dati kailangan ko maligo, magbihis at pumasok kaya magpapaalam na ko tatayo na ko sa kinauupuan ko.

ang asal sa buhay kailangan para ka lang naglalaro ng teks (dapat naruto yung teks, hindi petrang kabayo. masyado nang luma yun, bogaloids!), taob man o tihaya, tagilid man o dapa, sabihin mo sa ‘yo. ano man ang ibigay sa ‘yo ng buhay lunukin mo. ngayon kung ikamamatay mo yun, tanga ka.

narinig ba kitang tumawa? bakit, korni ba? syatap.

masyado nang gasgas ang “maligayang pasko at manigong/masaganang bagong taon”, ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng manigo..

iiwan ko sa inyo ang closing spiel ng team namin. eto yung malapit na kami mag-log out, nabubulol, manhid na ang panga at mga labi:

teinkiperkohling, HALI-HALIDEYS!