anditonako

pagpasok ko sa internet cafe kung saan ako nagrerenta ng kompyuter nagsabog ang mga nandun ng asin, bigas at barya (for good luck) habang sumisigaw ng “mabuhay ang bagong tule!” welkam! dati kasi sa blogspot ko dinudura mga dumi sa utak ko at dun nilalabas ang kamalayan kasama na ang mga kakulitan, pagkakamali, at pangarap.

may sarili akong pc pero ayaw akong payagan ng kumpanyang pinagta-trabahuhan ko na iuwi ito. hindi raw sila nag-iisyu ng permit to carry.

tagatanggap ako ng tawag. naglilingkod sa mga taong nasa matinding kagipitan (gaya ng kung paano i-unlock ang cellphone). tumatanggap mula sa mga parokyano ng mura, ebak, batikos, papuri. madalas ebak, pero wala akong pakialam.

sa gaya ko ang tulog ay isang luho. nagbubunyi  na ang mga mata ko kapag may matinong apat na oras na tulog. ang pusa natutulog sa ibabaw ng tv, ako nakakatulugan ang tv. limang buwan pa lang kasi ako sa trabaho. siguro pag nagtagal mananawa masasanay din.

natikman ko na lahat ng mutations ng kape. intense, regular, strong, mild, choco, hazelnut, mango, orange, strawberry, langka, chilimansi, 2in1, 3in1, 16in1, 99in1, sachet, stick, naka-lata, bote, banyera, bariles. name it all, basta tinitinda sa 711.

bespren ko ang mga convenience stores. nandun na lahat kasi ng gusto mong bilhin pag sarado na si manang. pero may kulang. sana may CR. hindi ko alam kung may specie ng 711 na may libreng ihi, hugasan kamay at etchasan, lahat kasi ng napuntahan ko wala. tamu naman kung saan andami mong pwedeng bilhin na isasaksak sa bituka mo wala man lang mapagdepositohan sa oras ng matnding pangangailangan. how inconvenient..

how inconvenience pala.

wala pa akong mahanap na magandang puwesto sa naiisip kong magandang bisnes. “ear spa”. madami na rin kasi call centers dito sa clark, pampanga. ganito ang siste: papahiran ng dark choco ang tenga mo at sisilamutakin ng paborito mong hayop na animal of your own personal choice.

mild: pusa / alanganing mild-alanganing hinde: aso / hard: kabayo / hard-as-in-hard-talaga: tyranosaurus rex / deluxe: aubrey miles

kahapon perstaym ko ule umuwi ng probinsya namin, pagkaraan ng tatlong buwan, dalawang linggo, limang araw, tatlo’t kalahating oras at anim na segundo. kung mali man ang kwenta ko hindi mo na malalaman yun. wala ang mga pinsan ko, ayos lang si ermats lang naman talaga ang miss na miss na miss na miss ko. naiintindihan naman niya na kailangan kong magpayaman para mabayaran ang utang ng pilipinas sa IMF. huwag ka mag-alala meh hindi nagpapaligaw ang binata mo dito. kumekerengkeng lang. gagalingan ko ang pakikipagmurahan sa mga kano para ma-regular agad ako. mag-iipon, bibili tayo ng isang isla sa batanes papatayo ng bahay-bakasyunan na may sariling 711 sa loob. magtiwala ka sa kin.

ilang buwan na rin ang nakaraan ng  iposte ko dun sa kabilang site na may haharapin akong bagong trabaho, mga bagong pagsubok, mga bagong kaibigan, bagong buhay. luma pa rin ang cellphone ko, pero madami na akong bagong natutunan dito.

Advertisements

18 comments on “anditonako

  1. uy, nag comment si mr wordpress 😀 welkam sa wordpress — enjoy dito. sige add mo ko sa blogroll mo. add din kita. bakit hindi mo ilipat yung posts mo sa blogspot dito?

    Like

  2. @kalye11onse
    salamats dins sas pagdaans. miyembros kas bas ngs MIBs?
    (tongs langyangs sS keys nas tos sumusulpots sas bawats dulos ngs wurdsS)
    butis hindis nadamays yungs pangalans mus.
    salamats pares.

    Like

  3. bravo! bravo!

    bravo yin! me nagkoment ding maganda sayo! nyorks.

    yan hirap pagkolcenter e. nagpapamura ka sa mga bwakinangamang mga kano yan. kung tutuusin. kulang pa sinasahod mo yin.

    helleerr??!! ganda ng bati mo tas pag di magkaintindihan or me mpagbuntunan lang tlga ng galit mumurahin ka??

    over my luscious body as well as ur hunk body, DPAT DKA PUMAPAYAG E!

    buti nga sa mga kanong yan, bagsak na ekonomiya nila. hehe.

    kaya pg nkaipon ka yin, alis kna jan. negoxo ka na lang. bongga pa.

    nga pala, katakot pic mo..

    Like

  4. yung una kong simcard, akala ko 1234567890 ang PUK.
    😐 fail. kasama ba yung ganung serbisyo sa pagpapaalipin mo jan?

    ang galing ko magkoment. napaka chronological. reverse nga lang. ansarap magkoment sa mga virgin na blog. welkam sa wordpress. naway maasar ka dahil walang lalagyan ng cbox dito. manual ang blogroll at yan lang ang mga abeylabol na theme. hehe.

    yin? yin ka diba. ilalagay kita sa blogroll ko. na sa utak nakainstall. tinatamad ako ayusin ung andun sa blog ko. mas manual sa manual. andami kasi kalandian e.

    Like

  5. @vera
    hindi naman bastos lahat ng amerikano, masarap makakausap ng mga 70-year-olds na pero nagse-celphone pa rin hehe.. oo, kayapag na-PUK cp mo tawag ka sa kin ha?

    hindi naman ako nagpapa-alipin (*tinamaan mo yata pagkalalaki ko hahaha), ansarap nga ng atmosphere parang nasa bahay lang, yun nga lang gaya ng kahit ano’ng account may mga bad calls.. pero hindi na umuubra sa kin mga yun ngayon tumigas na tae ko kakakain-tulog=)

    Like

  6. ahhh… cal cener aegent ka pala… hmmm… makulit ka tlga. ahehehe
    kababayan kita, galing din ako pangasinan. 🙂
    at madalas ako sa angeles, last year, ay teka, ay tama, last year nga, 2009. 😀

    Like

  7. una kong pinuntahan yung “new comments”…
    goyo, kala ko meron bagong post yung “anditonako”…
    unang post pala ‘to sa wordpress… haha! at saan naman yung isang site mo?

    teka pala, matagal ko ng naitanong ‘to eh…
    hindi mo nasagot. …san ka sa pangasinan?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s