finger linkin’ good

pangatlong poste ko na hindi ko pa rin gawa blogroll ko.

pangatlong poste ko na mukha pa ring notbuk ng grade one ang blog ko. mabuti pa ang notbuk ng isang batang nasa grade one, maski papano kahit paano. mabuti pa nga yung mga nasa grade one ngayon marunong nang gumuhit ng ari ng lalaki. ako sa grade 6 na ako natuto. ari ng babae kasi sinasanay namin noon ng kaibigan ko mula grade 1 hanggang grade 5.  nagtataka lang ako bakit yung guhit niya mukhang tinapay, yung sa akin pusa.

batok. balik sa problema. bakit walang options yung “mga kabit/blogroll” widget koooo???!! paano nga ba ilagay ang links ng mga idol ko?! waahh.. saklolo dr. margie holmes! wala nga bang options o calculator  at #*$@*# lang talaga ang alam kong kalikutin. kawawang yin walang dadalaw sa blog mo kung hindi mo masusuhulan ang mga pinagmamakaawaan mong dumalaw dito sa blog mo at isama ka sa sarili nilang blogroll sa pamamagitan ng paglagay ng links nila dito sa blog mo. batok. (sana naintindihan ninyo ang diwa ng huling pangungusap. bobo lang talaga sa construction ang nagsusulat. -ed)

ekskyusmi kay kuya.

ako: kuya may banyo kayo?

siya: oo, kayo?

ako: pwede makigamit?

siya: tinatanong mo?

ako: boss naiihi na ko.

siya: sa kanan.

ako: ako iihi?

siya: sa kanan yung banyo.

ako: ibig ba sabihin nun pinapayagan mo na ko?

siya: na umihi sa may kanan?

ako: sa banyo..

siya: oo.

bukas ng pinto. sara ng ilong. sara ng pinto. bukas ng zipper. dukot. pikit ng mata. diskarga. kilig. ngiti. pagpag. dilat ng mata. suksok. sara ng zipper. hugas. bukas ng pinto. bukas ng ilong.

ako: “salamat kuya.

kalikot  ule ng putanginang dashboard. kaunting tunganga pero hindi ko talaga mahanap ang hinahanap ko. huwag ko kaya hanapin. mas madali pa yung final interview sa akin dinugo lang ang ilong ko, eto kahit anong gawin kong finger sa utak ko wala akong makulangot na pag-asa. dinudugo na batuta at hintuturo ko.

miniskol ni kuya ang pansin ko, sabi niya wala na daw akong pera. translation: dalawang oras na ko. dalawang oras na kong nakaharap sa monitor ni hindi ko naayos ang blogroll ko. ni wala kong blogroll. ni. putik, kwarenta pesos na naman ang humiwalay sa kaluluwa ng wallet ko walang nangyari. pinambili ko na lang sana ng chopsuey, mapapakain ko pa yung inidoro namin kinabukasan.

labag man sa kalooban ko tumayo na ko. ang gleng-gleng ko talaga biruin mo tumunganga ako ng dalawang oras nagbayad pa ko ng kwarenta pesos.

Advertisements

18 comments on “finger linkin’ good

  1. Di ba bago na yung admin ng wordpress.com ngayon, hmmm, search mo na lang yung “add link”, hehe. lam ko may search function yun e:P somewhere. Gudluck!

    Like

  2. @arvin
    parang nakita ko na, yaan mo pare maisasakatuparan ko rin to. salamat sa pagdaan. may libreng free gift sa counter bago ka umalis kunin mo. salamat, hehehe..

    Like

  3. uuhhhmm.. okay naman blogroll mo:)

    tska okay lang mag mukang notbuk ang blog
    ganda nga e, malinis…

    yung akin dati parang binagyo..wordpress din ako dati:)
    wala lang trip ko lang lumipat… ingatz^^

    Like

  4. @walongbote
    oo naiihi na talaga ako nun pero kung utusan pa niya ko i-recite ang panatang makabayan ng pabaliktad suntukan na lang! sinama na din kita, dala kang merienda ha?

    Like

  5. putaena tawa ako ng tawa. parang parehas lang tayo magsulat. taena kung lalake ako malamang ganyan din ang pagkakasabi ko ng bawat salita.

    lalake ka ba. oo. malamang nagpapagpag ka eh. diba. hahahaha

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s