yosibumbong

kahapon.

gaya ng dati nakasakay ako ng dyip papuntang trabaho pero hindi ako nangungulangot kasi wala namang nakabara sa ilong ko. isa pa may kaharap akong magandang babae at pangalawa, kahit pa may mahukay at maihahandog akong biyaya para sa mga sasakay at uupo ay hindi pwede dahil wala ng bakanteng upuan. sori kay satanas wala siyang narinig na nagmura sa dyip na yun ng oras na yun.

wala namang roadside incident kahapon kaya sa loob ng dyip ang  eksena. binato ko ng titig si miss maganda na kaniya namang sinalo pero sandali lang at binalik din niya ang atensyon sa cellphone. trip ako, marunong kaya siya ng mental telepathy? masubukan. hinintay ko maligaw ulet ang mga mata niya sa akin at nang magkaroon ng pagkakataon inutusan ko siyang ngumiti. magbiro ka na sa lasing wag lang sa tumatae aba’y ngumiti?! pero tipid. gaya ng pagtitipid na ginawa sa palda niya.

an dis led me tu da paking kweschown: mura ba talaga ang tela’ng checkered? karamihan kasi ng estudyante’ng babae dito sa angeles eh ang iiksi ng uniform na palda. yuck, poor. (tanga, poor ka din. -konsensiya) dagdag mo pa yung mga emo-emohan na iskwer-iskwer ang lonta, ang iksi at ansisikip putangina pag ako nagsuot nun putangina talaga magmumura mga betlog ko sa discomfort. maawa kayo sa mga semilya ninyo!

di ko agad pinaniwala sarili ko na may special powers si miss seksi, baka tsumamba lang siya. kaya once more times isa pa. nayoyosi na ko pero hindi pwede kasi concerned ako sa kalusugan ng mga katabi ko kaya lumunok na lang muna ako ng laway. nag-ready na ko. ready na rin pala siya.. na bumaba. tsk-tsk. di ko na malalaman kung kagaya ko siya’ng pinipilit ang sarili at mga kaibigan na may mga heroes talaga.

kanina. madaling araw.

nag-simbang gabi kame.

noon lang uli ako napasok ng crib ni papa jesus simula ng mapadpad ako dito sa pampanga. anlaki na rin ng gap namin. nung una nahiya pa ko tumuloy sa loob pero alam ko na lagi akong always welcome. madami ng tao, wala pa si father, front act muna pinanuod namin. lingon-lingon. hintay-hintay. mas madami na ang tao, wala pa rin si father. nililikot pa ng mga tech niya ang projector screen, sound system at stage. para ka talagang naghihintay ng artista. tiis. lingon-lingon. hintay-hintay. siksikan na. maya-maya nakita ko ang entourage ni padre, nasa balcony kasi ako (papa j salamat at walang naka-plunging-plunging-neckline na suot kanina, yur sow totpul). nag-umpisa ang misa.

sa madaling salita (di pa kasi ako nanananghalian) kahit sa salitang kapampangan dineliver ang misa na di ko naintindihan, nagrereklamo ang mga binti at hita sa pagtayo ng matagal, nadagdagan ang puyat, walang problema. gagawin ko para kay papa jay. gaya ng gagawin mo lahat para makita o makontak ang isang kaibigang matagal nang di nakikita o nakakausap.

paglabas ko ng chapel putangina anlamig.

Advertisements

21 comments on “yosibumbong

  1. nako sa dami ng nabasa ko dun ako sa pants ng emo natawa ng sobra-sobra. tama ka. kahambal-hambal ang lagay ng kanilang mga semilya sa ganong pagkakataon. ang cute ng site mo. i like your attitude. regular na ko dito LOL. nga pala, hindi ako taga pampanga pero dahil walang SM dito sa bataan eh diyan pa ko nagsshop.

    Like

  2. hehe. lamig nga kagabi nakatayo na nga lang ako. kasi naawa naman ako dun sa matatanda na di makaupo. tapos ako bata pa naman paupoupo lang. hehe. grabe ka tol makatitig ng babae. tiyak napansin ka nun. di kayat may gusto na rin yun sayo?…

    Like

  3. haayysst.. nakakatawa’t naisip mong masipag ako..haha!

    pero pota! akala ko ako na yung nakasabay mo sa jip e^^
    bigla kong nabasang nasa pampanga ka pala.. pakshet!

    Like

  4. @prinsesamusang
    papasok siguro akong naka-boxers pero yung ganung pantalon hindi muna. “muna” kasi magsusuot ako kapag may magbibigay sa kin ng plasma tv hehe.

    Like

  5. hmmm…

    me ginagaya ang bata sa pagmumura.=)

    puro putangina e. la bang talsik mo lumalaway? haha.

    stig ng mcarthur di ba? hapi holidays. oblation run kahapon. beri holy shetz! malmap xa sa boxer mo yin!!! haha…

    if you want, il send you some of dat event’s pix. ul love it.

    Like

  6. hehehe… nagayuma ka ba sa makamandag na tingin at galaw ni miss seksi? aba apat ganun ang niyayaya mo sa pagsimba para dika lamigin… siguradong mag iinit ka nun… hehe

    Like

  7. @a.b
    atagal nako amumura sa “in bloom” pa keya? pangalatok, ilokano at alien nga lang kaya hindi mo alam na nagmumura na ako nun=) si noel tsaka si lolo magkakatuluyan yun sa dulo.

    Like

  8. @yhen
    ipokrito ako kung sasabihin kong wala akong niyaya nung gabi bago nun, buti hindi sumama mas naging solemn naging pagmamakaawa ko kay papa jay na ma-regular na ako’t wag niya pababayaan sina ermats habang wala ako sa bahay.
    =D

    Like

  9. may gusto ka sakin? hahaha.. baka ako nga yun nasa jeep.. hahaha.. 🙂

    anyway MERRY CHRISTMAS! a christmas greeting is awaiting for you in my blog. Pls. Take a look.
    and also here’s my greeting card. click this ECARD
    Hope you like it!!! More blogging year’s for us to come!! mwaaahh..

    Like

  10. Hahahaha. Natawa ako dun. Anyway, never pa akong nakapagsimbang gabi. Buti pa ikaw.. hehe. Pero grabe ah, pati yung miss, pinagtripan mo. lol.

    thanks nga pala sa pagdaan.. 🙂

    Like

  11. pansin ko nga din mahilig sila sa de guhit na palda at nakulangan ng tela

    eh bawal naman kaya mag-yosi sa pampanga..oi kapit syudad tayo..zambales lang ako..

    every friday nag-iikot kami mga 20 motorsiklo trip trip lang..pero now hindi na iniwan ko na sila..dito naman ako sa buhanginan mag-iikot 🙂 na-link kita

    Like

  12. smirk.

    hayun ang tawag don sa ngiting tipid na mejo mukang constipated.

    tapos naiinis ako lahat nalang naka checkered o plaid ngayon. dalawang bwan ko na ata nirereklamo to.

    Like

  13. Masarap ang url mo.

    Hindi dinadaan sa mental telepathy ang mga babae! Nilalapitan. Kinakausap. Gamitin nyo ng tama ang prebilehiyo na makapili ng bebot na gusto nyo. Mabasted man kayo ang laking sarap ng masabe mo sa isang tao ang mga kinikimkim mo. Kayo lang ang meron nyan. Dahil kahit pagbali-baligtarin natin ang mundo….hindi namin pwedeng gawing dyowa ang isang lalakeng hindi kami nililigawan. {like prince william..haays} Kaya sa iilang pwedeng magkamali dun lang kami pipili, hindi katulad nyo…iskay’s da limit…pakapalan na lang ng mukha..

    Ayown. Welcome sa wordpress. At least nakadaan ako bago mamaalam..

    Nga pala hindi bitter ang pangalan ko at hindi ko rin pala blag ito…pasensya na sa rant ^^’

    Like

  14. me mental telepathy ka pang nalalaman. ..ahaha…pasalamat ka nalang at ndi nagsungit. GUsto ko sana magsimbang gabi, kaso alipin pa ak0 ng higaan pag madaling araw.

    Anjan ka pala sa Pampanga, malapit nalang yan dito sa Zambales.

    Merry Christmas kabsat!

    Like

  15. @mariel
    tenchu sa pagdaan=)

    @vera
    polka dots na pyjama kaya nila?
    honga pala bibili pa ko nun.

    @helena
    masarap url ko at sweet ka^^,
    alam ko po yun. yaan mo pag akita ko ikaw o akasakay sa anumang puv kwentuhan tayu=)

    @ellieshe
    hindi ko na nga ide-develop.. oo dito ako sa pampanga.
    halihalideys kapatid! :p

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s