taob-tihaya-tagilid-akeyn!

maraming bagay ang hindi ko inasahan nitong nagdaang pasko.

una: yung maagang bigayan ng sahod (dapat lang).  ibig sabihin maaga pa lang wala na kong pera. bago pa man dumating ang bagong taon. pero ayos na yun kasi maaga ako nakapagpadala sa bahay. ipapadala ko rin sana yung ham na bigay ng kumpanya kaso duda ako dun sa babae sa LBC baka palitan niya ng ma-ling. akala namin nagkamali ang kumpanya at nagbigay ng bonus sa mga empleyado, kami pala ang nagkamali. inkamtaks retorn pala yowng ekstra na dumagdag sa pera’ng piniga ko sa atm card ko. pinagpala ang kumpanya, hindi sila nagkamali eh. (“dare you to move” playing) eniwey, salamat pa rin. oo naman!

pangalawa: hindi ko inasahan na pagtiyagaan hanapin ng nakabunot sa maliit na kapirasong small piece of paper kung saan ko sinulat ang codename ko para sa palitan namin ng exchange gifts ang dalawang libro na sinulat ko sa wishlist ko na alam kong madali namang hanapin dahil sinulat ko naman  dun sa papel kung saan ito nagkukuta. ang galing, nahanap nga niya. talagang hahanapin niya kasi mahirap ang ibang options sa wishlist ko. mazda3, xbox 360, plasma tv, si roxanne guinoo, at syemps, WORLD PEACE.

pangatlo: hindi ko inaasahan na hindi niya ko iti-text nung bisperas. kalimutan na, hindi ka naman artista.

pang-apat: hindi ko inaasahan na magti-text si ex. salamat sa pag-alala.

pang-lima: hindi ko to inaasahan noon, na ako ang bibili ng beer na ininom ko noong pasko, kasama ang pulutan, yosi at sipol. malapit na yata akong yumaman, hahaha.

pang-anim: inaasahan ko na to, pero mas mainam sa kili-kili kapag hindi ka masyadong expectant. kagabi lang pinirmahan ko ang pinakamaganda na yatang papel na nakita ko sa buong buhay ko (as op da mowment), ang evaluation ng over-all performance ni yin sa nakaraang anim na buwan ng petiks sa kumpanya. hehehe, masipag ako sa totoo lang. syemps, pasado. kung walang tatamang asteroid sa pampanga nakikita ko nang nakaupo’t naghihintay sa akin ang mga leave’s ko, medical benefits kasama yata pati spa oppurtunities. pagkatapos ko pirmahan ang pael nagdiwang kaagad ako. nag-break at nagyosi ng bongga’ng bongga. pero hindi pa ito ang totong moment. evaluation pa lang pala yung pinirmahan ko, hahaha. eh sabi ni boss-amo-team-leader medyo sure na yun eh. kumbaga siguro sigurado na yun!

gaya ng dati kailangan ko maligo, magbihis at pumasok kaya magpapaalam na ko tatayo na ko sa kinauupuan ko.

ang asal sa buhay kailangan para ka lang naglalaro ng teks (dapat naruto yung teks, hindi petrang kabayo. masyado nang luma yun, bogaloids!), taob man o tihaya, tagilid man o dapa, sabihin mo sa ‘yo. ano man ang ibigay sa ‘yo ng buhay lunukin mo. ngayon kung ikamamatay mo yun, tanga ka.

narinig ba kitang tumawa? bakit, korni ba? syatap.

masyado nang gasgas ang “maligayang pasko at manigong/masaganang bagong taon”, ni hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng manigo..

iiwan ko sa inyo ang closing spiel ng team namin. eto yung malapit na kami mag-log out, nabubulol, manhid na ang panga at mga labi:

teinkiperkohling, HALI-HALIDEYS!

Advertisements

15 comments on “taob-tihaya-tagilid-akeyn!

  1. @jex
    hindi pare, alam mo ibig sabihin eh. niloloko mo naman ako. kamusta? parang babalik ka pa para sagutin tanong ko noh? hehe.

    @stormy
    bongga na ba yun? alam mo ba na tinatanong niya kung nasaan regalo niya? =p

    @callcentergal
    ang alam ko kasi ang “manigo’ng” ay shorkat ng “maligo-ka-naman-ngayong” =)

    Like

  2. yin! nakakatuwa naman napaka unexpected naman ng mga nangyari sayo LOL pero congrats sa evaluation ha more painom to come for you! happy new year! dapat next year kasama na ko sa painom at payosi mo ng bonggang-bongga!

    Like

  3. @prinsesamusang
    ay bakit nexyir pa? amin na cel number mu! hehe!

    @yhen
    oo iingat ako. naka-bulletproof vest nga ako eh, nasa pa-weldingan pa kasi yung viking shield ko. kaw din neh!

    @ana-banana
    tenchuuuu”,

    @stormy
    paano ba feeling ng nato-tomboy? paki-detalye nga? weheheh..

    Like

  4. misyado kang KJ. eh anong masama sa nakasanayang greeting. ah basta. happy new year sayo!

    sweldo?? ano yon. putangina i barely felt it.

    teks. pog na yung naabutan ko. o wala talaga akong masaya na childhood?

    (nabura nga pala yung mga entries ko)

    Like

  5. happy new year!! 🙂

    ang dami mong reklamo sa 2008. haha. pero nakakatuwa ung nilagay mong wish ah. puro mamahalin. haha. pero world peace? owwwws! parang beauty pageant lang! lol.

    hali-halideys din! lmao.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s