i’ll stick around

late na yata ang new year post ko, pero sabi nga huli man daw at magaling talagang magaling. labing-isang araw na rin ang iniluwal ng taon na ito, lumipas na ang a-uno at karamihan sigurado ay nakakalimot na sa mga binitawang pangako sa mga sarili. hindi ako gumawa ng new year’s reso ko, huli akong gumawa nung nasa high school pa, o 1st year sa college, o 2nd, o 3rd, ewan.. putik.

matagal ko na’ng gustong tanggalin ang paninigarilyo pero hanggang ngayon nagrereklamo pa rin ang baga ko sa usok. ilang bagong taon din ang nagdaan na sinubukan kong wag magyosi sa mga unang araw ngunit subalit pero but WTF ansarap magyosi eh. andami kong naging kaibigan dahil sa sigarilyo. nandyan ang nakatayo ka sa labas ng anumang building na kumakanlong sa yo at maya-maya kakwentuhan mo na ang isang taong noon mo lang nakita, o may magandang chic na manghihiram ng  lighter, o nakatayo ka sa tabi ng kalsada habang nag-aabang ng sasakyan at si pare’ng tindero ng taho makikisindi. tambay ka mag-isa ng bilyaran at hindi mo alam pwede ka ng bumuo ng banda, dahil sa yosi.

oo nakakaasar ang mga tao’ng walang pakundangan at walang pakielam kung may nagko-kombulsyon na dahil sa usok.  hindi ako isa kanila. anamputiknyetashetz tungkol sa new year’s resolution at buhay pag-ibig ang gusto ko’ng sulatin kanina ah, bakit nauwi sa carbon monoxide?? sige tuloy na lang. mabaho nga ang usok ng sigarilyo, kaya kung walang pagkakataon para mag-tusbrash bumibili ako ng coke para pamumog. ah oo nga pala syempwe mints.

refresh. madami ang gumagawa ng new year’s reso at hindi tinutupad. para kang nagbilog ng kulangot at hindi mo rin ipinitik, den wawasdat for??

walang masama sa paggawa ng mga ganun. pero hindi na muna ko gagawa ng sa akin ngayon, alam ko namang di ko maitatakwil ang paninigarilyo kahit kailan eh. siguro sa mga darating na panahon. sana hindi pa ko inuuod bago dumating yun. bawasan ko pwede pa. sige try. i’ll start hmmm, later. alam ko pagtayo ko at paglabas dito magsisindi ako.

tumataas ang levels ng  glutamine kapag pinapasukan ng nicotine ang katawan. at tumatalas ang pag-iisip ng isang gaya ko sa mga oras na yun. karamihan ng tula at proses na tsinamba ko, ng mga kamalayang binuo ko, ng mga gas na minanufactyur ko,  ng mga handouts na nirebyu ko, ng mga riffs at kaskas na inimbento o kaya zinipra ko, at mga ubo’ng pinakawalan ko, [pero p.s.i.k. (para sa iyong kaalaman) wala kong t.b, bwahahaha] nabuo sa  piling ng usok ng yosi.

good luck sa mga reso’s mo, sana matupad. ako naman ay maninigarilyo pa rin para maisip ko na kung paano ililigtas ang mundo, paano yayaman ang pilipinas, at paano gaganda ang buhay. pag-ibig? hahaha.

adik.

sa uulitin.

Advertisements

27 comments on “i’ll stick around

  1. ay new years resolution ito… di pa naman late january pa rin naman at bagong taon pa rin… hehe!

    cge magquit nang magsmoke ha… kaya mo yan!

    Like

  2. cancer..

    ang sign ng bespren ko.

    wala. walang kinalaman yung comment ko. sus.

    kung mamamatay ka sa tb o lung cancer, at least alam mong ikaw ang may kasalanan. o diba. pride! hahaha

    Like

  3. nako hindi na ko gumagawa ng mga reso kasi naman hindi natutupad LOL parang may sumpa. yin you smoke so much! alagaan mo ang iyong health!

    Like

  4. wawasdat for??

    heheheh, di rin ako gumgwa nyan.. skul lang kasi
    ang pumupilit at may kasama pang pananakot
    para lang sa new year’s resolution!

    anyway, pwde k naman gumwa kung trip mo..
    tapos ilagay mo

    1. mamatay na kayong lahat! basta di ko titigilan ang yosi!!

    bongga^^ malay mo may himala.. diba nga lahat
    ng new year’s resolution di naman natutupad:)

    Like

  5. @yhen
    opoh inay=)

    @joffred
    yemen. shalom.

    @vera
    yield naman ang sign ko ahahaha. ano ba kasi bago mong URL ?

    @prinsesamusang
    i dont smoke so much poh. i smoke cigars hahaha. yah binabawasan ko na.

    @stormy
    oo nga, dapat baliktarin di ba?

    Like

  6. Siguro the best way to start controlling this vice is to lessen the number of sticks. It worked for my friend. Dati nakaka-kalahating kaha sya a day, binawasan ng isang bilang every week hanggang sa completely nag-stop na sya. It wouldn’t always apply to everyone. It would really depend with your motivation. Don’t force yourself too much if you really feel you can’t do it yet.

    Thanks po sa pag-visit sa bahay ko. Add kita sa blogroll ko po. ^_^

    Like

  7. ei..qo nga may nakilala nagyoyosi breyk taz kinuha number qo..taz binigay qo…ayun fwend qo na, dahil yan sa yosi ah’ slamat sa yosi’

    Like

  8. @emilayskie
    ayt salamat poh. at salamat sa pagdaan, add din kita=)

    @yhen
    hahaha.. peace out=) ninang nga eh di ba?

    @cee
    oh? nakz.. baka manghihiram lang sana ng lighter kaso nahiya kaya number na lang hehehe.

    Like

  9. @walongbote
    indi aman aku apromise ahh.. binalikan ko nga tong post ko at binasa ulet kahit ako nagsulat kasi baka hindi ako conscious noon pero wala naman akong nakitang salita’ng “promise” eh? i got dirty, and dirty, and dirty, and dirty but see- i washed my hands! sorrrri na haaah….. =)

    @stormy
    amp!

    Like

  10. wuy salamat sa pagdaan sa kubo ko ha!

    dati sabi ko sa isip ko..hinding hindi ako titigil sa pag yoyosi…eh nag buntis ako..napilitan akong tumigil…after manganak..yosi na naman..tapos sa hindi ko malamang dahilan..natigil ulit,tinatamad lang ako bigla..ngayon..nag yoyosi na lang ako pag trip ko..minsan sa isang linggo o buwan pa nga minsan!

    go lang ng go..pag may naramdaman ka na ititigil mo din naman yan kahit hindi ka pilitin…hihihi

    Like

  11. =)

    magulo ka. proud ka bang naninigarilyo o ayaw mo na pero hindi mo mapigilan?

    di ko maintindihan.

    [m sick. running nose]

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s