keverluchenezcheezy

dear ate charo,

wala naman akong balak sulatan ka. hindi ka naman kasi nagteteks. kaya lang paggising ko kanina makati ang kaliwang pisngi ng pwet ko, kaya heto ako ngayon, nagkakamot.

eksakto pang-anim na buwan ko nang nagpepetiks sa pampanga ngayon at pang-anim na buwan ko na ring nagpepetikz sa pampanga ngayon, not to mention pang-anim ko nang nagpepetiks sa pampanga ngayon. oo, kung hindi adik ang boss ko at kung walang lahing kongresista ang mga boss niya eh regular na nga ako disveriday. salamat fafa jeesaz. *ngiti-pwet

pero niga-smile man ang aking ass ngayon at may inuman mimiya eh alulungkot pa rin ako. 

dati nauubos ko ang dalawang pancit canton, may pritong itlog at kanin pa yun. kanina may  natirang 1 strand ng noodle. dati nakaka-ilang tasa ng kape ako, kanina hindi ako nagkape sa tasa. dati inaamoy ko kili-kili ko paggising, kanina wala akong gana. dati sinisimot ko ang naiwang palaman sa kutsara, kanina walang palaman. dati buhay pa si FPJ.

si singkit. siya ang dahilan ba’t ko nilo-loadan cellphone ko. siya ang dahilan kung bakit nagteteks ako sa kahit bawal sa trabaho, kahit inaantok na. siya ang dahilan kung bakit ako nag-oopen ng friendster kahit puro kahon lang ang laman ng account ko. siya ang dahilan kung bakit nanghahabol ako ng bus kahit mahulog ang tangan na sigarilyo. siya ang dahilan kung bakit ako nagsisimba’ng gabi kahit labag sa kalooban ko ang maligo. siya ang dahilan kung bakit ako napapanuod ng wowoee. siya ang dahilan kung bakit hindi pa ko bumibili ng ulam at nagpo-post dito. siya ang dahilan ng post na ito at hindi ikaw ate charo, helo? ano ka, artista?

bakit pa kasi kelangan pa niya mag-aral. pwede namang ako ang mag-aral at siya ang maghintay sa akin di ba? o kaya magboksingero ako at siya mag-audition maging commercial model ng sotanghon. imbyerna. sira na nails ko kaka-type. nag-iinarte na ko, wala pa naman akong dalang tisyu-chenez ahaha.

echosera ka singket alam ko alam mo na alam kong alam mo na ako nagtext sa yo kanina gamit ibang number kahit hindi ko sinabi na ako yun. miss na kita, pero ganun talaga. ika nga pag walang pera ang mga bading walang chupa, kaya nga everything is perfect in papa godsy’s plan. (hoy babae si singket at lalake ako ano iniisip mo?) hindi ko dadamputin yung blade anoh? ansarap kaya kumain. basta echos churva ka singket. hmp.

(akala ko ba para sa akin sulat na to? hoy tarantado palitan mo na nga yung pangalan ko sa taas?– ate charo. santos. concio.)

*sabunot. blog ko to loka!

akala mo lang singket wala akong sinseridad sa yo. pero meron. meron.

Advertisements

23 comments on “keverluchenezcheezy

  1. ngayon lang kita nakitang nagpost ng nakakatawa, at sobrang pinasaya mo araw ko yin.. iba talaga naidudulot sayo ni singkit eh noh.. alam ko miss mo na xa. pero hintay hintay magiging alryt at magsasama ulit kayo sa kama este sa mga gimik nyong 2.. nga pala nagtxt si ate charo sakin nagyon, as in now lang.. sabi niya “mahal ka daw ni singkit sobra..” 🙂

    Like

  2. @p0kw4ng
    siguro. kahit na singket yun nakakakita naman siya, ehehe.

    @s
    sows.. madam s ikaw ba yan?^^
    teka, miss mo ba ko?
    (pasubali kay ate heleyna: hindi po “singket” ang ibig sabihin ng “s” at opoh singket din si stormy pero isang factor lang siya tumama: miss ako ni stormy hahaha. hindi po siya si singket, ate. hihihi)

    @walongbote
    aba, painum ka na! kakatuwa naman, napasaya kita dahil nalungkot ako. hahaha. muah

    @czee
    go-go-go, gimme a c! =)

    Like

  3. aba aba.. hindi ako singket!!
    ayoko maging singket..

    pero oo.. namiz kita^^
    chorva mo talga nheng..hhhmmm:)
    itigil na ang drama.. inuman naaaa!

    ano ba yan, loka ka! getlakin na mga papa..go lang ng go:)

    Like

  4. amoy inalab dito! LOL. but this is a very interesting way to say it yin. i must admit i have to give you props for the creativity. LOL.

    Like

  5. ui, may lablyp… hehehe..

    me paramdam paramdam pang nalalaman… deretsahan na dapat yan… hehe!

    ang pagpaparamdam sa patay lang yun… hehe! 😉

    Like

  6. @azul
    oh? may universal law o teorya bang ganun?
    ako din natats sa pagdaan mo dito, ayan iyak na ko..

    @s
    singket ka singket=p
    patunayan mo nga? tawag ka nga sa kin? hahahaha.

    @prinsesamusang
    anung props? perahin mo na lang hehehe.

    @yhen
    ui, may comment… hehehe..
    para lang may post. wahahaha.

    Like

  7. Haha.. Mejo naguluhan ako. So si Yin yung si Singket? Togoinks. Slow ko. Harhar..

    Pero kakatawa tong post na to. Lalo na yung “at hindi ikaw ate charo, helo? ano ka, artista?” Hahaha..

    Like

  8. singket ? singket din ako, pero di ako si ate charo lalo d rin ako ung singket na sinasabi mo di2

    taga Q.C ako at ang salitang sapak e napulot ko lang sa kalye…

    that’s all

    Like

  9. @stormy
    sige na nga. hmp. =)

    @angel
    malas niya nakilala ko siya hahaha.

    @yhen
    oo nga eh, nagtutulog ako baka paggising ko artista na ko kaso paggising ko mas masarap magkape =p

    @jex
    hmmm, makayuko nga minsan pag nauwi ako baka may mapulot hehehee.. sapak.

    @flamindevil
    hala pare iligo mo kaagad yan, tsaka inom kang antibayotiks.
    salamat sa pagtambay^^

    @vera
    naman bera. di ko tuloy alam sasabihin ko. compliment ba yun o pintas?=) ayheychu na nga rin^^,

    Like

  10. nagpapakamushy di naman bagay. lam mo dapat binabasa mo yung buk ni . . . . . . kalimutan ko pangalan basta libro nya yung para kay b (o kung panu dinevastate ng pagibg ang 4 out of 5 sa tin.)

    dapat tong blog na to entitled para kay s.

    me raket na ko. nyaha. hosting. kaya eto me sakit. sad.
    pero nawala kasi nabasa ko tong (ehem) paswit blog na to . hmp

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s