nanalo akong P1M pota!

oh ha, oh ha, bagong post hehe. sino na nakakita sa akin? sino may gusto maglagay ako pic ng matalino’ng engot na loko’ng mokong na sinto-sinto’ng kaladkaring pakipot na sobra sa takaw sa tulog at pagkain na kanina lang ay nanalo ng p147.00  sa tong-its sa apartment nila na ka-blog ninyo dito?

(katahimikan…)

sige isip lang hehe. pinggerin kalkalikutin ko lang tong keyboard. (taena antigas ng keys neto lalo espeyshuli tong space bar daaamn  awts eff..)

hindi man life-changing o penis-enlarging environment-friendly o breast-enhancing influential ang mga posts ko sa blog ko eh mga parekoi marekoi anukamanoi pinagtitiyagaan ko makipag-contest ng walang kurapan versus  sa monitor at magsadya sa innernetke-fey at ibuhos ang aking kamalayan dito. hehe.

last undas wala pa ko sa WP. miss ko na si lolo, hindi ako nakauwe ng undas nung nakaraang last year. na-miss ko yung kunwari ganadong maglinis ng puntod para lang makasulyap ng mga bebot, maghanap ng pangalan ng mga kakilala sa mga lapida baka may update, makipagtaguan sa mga pinsan sa sementeryo, pagkatapos maglinis eh uminom ng coke tsaka kumain ng matigas na tinapay (yung p6 isang balot tas 12pcs hehe, masarap kaya yun!), [hindi ako marunong magpintura ng puti kaya nagbabayad kami para  dun sa altar (granite yata yung kina lolo’t lola kaya no paint needed)], kausapin si lolo’t lola sa puntod nila na parang alive and kicking pa rin yung dalawa (syempre through thoughts lang, hindi aloud nor lip synch ayokong mahalata akong sira-ulo), at sa mismong araw ng mga dedbolites eh libot sa buong kalawakan ng magkabilaang compounds- naka-alerto baka may makasalubong ka’ng ex o dating niligawan, kaibigan o kakilala, o kaya eh bangkay. masaya pag pagabi na, wala lang, nasabi ko lang. talaga naman di ba.

paguwi sa bahay hilamos hugas kamay baka may kumapit na tamud bad spirit tapos sindi ng mga kandila sa harapan ng bahay lalo na sa may gate, yung mga kamag-anak natin eh sila naman daw ang dadalaw kaso low-tech kapag matagal ka nang nabulok kasi wala’ng night vision goggles man lang kaya dapat maliwanag ang entrance. wala naman akong reklamo dun, huwag lang silang papahatid pauwe. pucha suntukan na lang kahit lolo pa kita hehe. aylabyu ‘lo.

maya-maya kainan na. ginataang di-ko-alam-ang-tawag-sa-tagalog. basta biko yata yun. yung berde’ng bigas? binabad ba sa fudkoloring yun? basta ansarap gumawa ni ermats ng ganun! kaya kong ubusin isang plato nun antakaw ko nga daw hehe wala ako pakialam kung gaano na nakain mo basta natikman mo na okay ka na akin na yung tira bwahahaha. masarap sa kakanin malamig na tubig at hindi juice. pero ako coke ako for life. wala nang kainan ng hapunan kasi busog ka na naman sa sementeryo ng halo-halo, kung ano-anong klase ng tinapay, tinusok, at tinampal tinimpla.

at syempre pagkatapos kumain eh ano pa ba inuman na. sori sa mga miyembro ng PAWS at mga konserbatibo pero oo pag mga ganitong okasyon umuuwi mga pinsan kong palagi ding uhaw at ang specialty pulutan eh— takpan ko muna ulo ko baka may biglang sumalpok–

di ko na lang sasabihin. ang makahula matalino.

isang linggo pa. nakakainip. makauwi kaya ako?

naiisip ko na lang tong post na to dito sa anamputiknyetashets na shop/cafe/slowconnectioneklavushitnessplace na ito at naisip ko na lang din ito: putangina buhay pa ako. madami mang problema ang saya mabuhay di ba?

huwag ka nang magtaka sa title, kilala mo na ko. =p

Advertisements

15 comments on “nanalo akong P1M pota!

  1. ..hmmm ayos ka sa trip ahh. haha! at talagang hindi halata na galit ka sa shop na pinasukan mo jan? wahhhaa!btw sang place ba? hehe
    ..sige, enjoy enjoy lang parekoi. 🙂

    Like

  2. @flamindevil
    sshhhhh. anung sinasabi mong aso?
    oo nga, nakakamiss yung nakaupo ka lang sa gilid ng puntod.

    @joan
    ay nahalata mu ba? sori ayan nabuking mo pa ko ate!

    Like

  3. biko nga yun, peborit ko rin yun^^

    pero ano yung pinulutan nyo?! ASO??

    i hate you na yin! i hate you!! bakit ka ganun!!!!

    may alaga ko 2dogs! i hate you talaga!!!

    hindi na ko tatawag..

    pakshets you!!

    Like

  4. naku naku what an optimistic post! hehe! tama sarap mabuhay kahit daming problems, kakaloka na nga eh, heheh! wag lang sana matuluyan.. natuluyan na nga ata eh.. happy undas sayo ^__^

    Like

  5. masaya nga ang buhay kahit maraming problema. malapit na naman ang pag-aalala sa mga yumao. may pagkakaabalahan ka na naman. hehe.

    keep posting!

    Like

  6. @iriz
    yung puntod na lang inaalagaan namin. hirap alagaan ni lolo’t lola, abo na sila eh. tsaka hindi na sila malikot ngayon, hehehe. salamat pa rin!

    Like

  7. haha..ang kulet mo!

    pulutan tlg ah..at hnd ka galet sa environment mo ah, hnd halata!

    bagong namboso lang ako d2! paboso ulet nekstaym ah?! 😉

    Like

  8. @naglalambingnacute
    pengeeeh!

    @sows
    ui hindi ako galit sa envirolment ano pinagsasasabi mo diyan hmm?
    sige boso lang ng boso hindi ako maselan hehehe.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s