if we turn ( coke, dinemanda si manny pacquiao)

oh juan, oh juan, oten! yan malamang ang sinigaw mo nung nakaraang byernes ng hatinggabi at hindi lang ni aling baby tuwing brownout.

nagawi ako sa bahay ni xG kanina at may parang mtv cribs siya’ng poste dun. naalala ko tuloy yung kwarto kong inabutan ni 2010 na nakabuyangyang, kita kaluluwa.

sa ibabaw ng kama ay mga kaha ng marlboro, cotton buds (hindi johnson&johnson’s ang tatak at hindi ba dapat cotton sticks tawag sa mga to?), caps (hindi condoms), black jacket kong my mickey mouse na logo sa dibdib, itim na backpack kong may maliliit na prints ng mapa ng pilipinas in white, lighter na binili ko sa 711, lighter na binigay ni ate tindera sa tindahang bilihan ko (nung binigay niya sa kin yun eh tanungin ko sana siya kung pinapasunog na niya yung tindahan niya), mga barya (oo, barya lang meron ako naubos na, actually walang naubos eh, inisip ko na lang naubos nga), kung natatanga ka na sa kakabasa pasensiya na mahina ako sa construction ng mga pangungusap, mabuti nga gumagamit pa ko ng tuldok at mga kuwit eh. ayun nga tuloy lang natin, itim na SA Spurs jerrzzii ko, isang hotdog pillow na pinalamanan ng 2 t-shirts, isang towel, at isang sweater. para tumigas. langyang unan, impotent kasi. tas susi, id at lanyard ko sa kompanya, death note notebook ko, strap nung isang bag ko na puno ng buttons, bolpen ko, minemorize ko kanina yung pangalan ng bolpen na yun pero hindi dumikit sa dila ko. tsaka yung headset na peke na binili ko ng p150 na malapit nang masira na gumagana pa rin na nandun sa ibabaw na kama.

sa ilalim ng kama ay mga resibo ng cebuana nang sinanla ko selepon ko ng di ko na maalala kung ilang beses, resibo ng LBC na naglalaman ng tracking numbers, mga resibo sa 711, isang bente’ng lukot, kaprasong papel na pinagsulatan ko ng number ni.. ilang bentsingko na sinukli sa ‘kin ng SM (pag mga bente-singko’ng to naipon ko bibili ako ng pony shoes, sa SM.. lintik at pangit lang ang walang ganti).

sa gilid ng kama malapit sa ulunan ay ang wrapper ng rebisco extreme, extension cord, uniporme ko sa kumpanya, at wallet chain ko na gawa sa pins ng Coke-in-can’s (oo tinawag kong pins, di ko alam tawag dun, tamad na kong magWiki), sa bandang paanan ay gitara, laundry basket na punong-puno ng labahin at pag sinabi kong puno eh umaapaw at naglalaway pa (syempre make the most of it ika nga, taena trabaho niya yun eh), 3D electric fan ko at isa pang electric fan. wala kong kaproble-problemang baka ma-suffocate neto. nakasampay ang kulay beige kong tuwalya sa pangalawang electric fan. sa tabi ng electric fan ay dalawang mugs na pinag-inuman ko ng milo, at kape, respectively. (hindi ko pala binanggit ng hiwalay yung 2 mugs na parang magkasunod kaya pakibura na lang yung salitang respectively sa utak mo). sa may pinto ay ash tray na puno ng ano pa nga ba eh di hindi pera kundi upos. sa labas ng kuwarto ay may terrace, dun nakatambay ang isang bote ng red horse, san mig light, malaki’ng pop at mga balat ng kung anu-anong kinain kong chicherya at tinapay kaulayaw ang mga langgam. disiplinado nga ang mga langgam, alam nilang pag pinasok nila ang kuwarto ko eh their asses are doomed. ah oo, may isa palang orange na hanger na nakakalawit sa grill ng bintana’ng may sliding glass.

sa utak ko naman makikita mo (yun eh pag may angas kang tumingin sa butas ng ilong ko) ang trabaho, rest-day-work, o.t. , promotion o resignation, si ex, si bago, si potential, si papa jay, si satanas, alak, mga anghel na sumasayaw, si maja salvador, si ermats, si lolo, si bayani fernando (oo, taena hindi kita makalimutan kagabi binanggit mo ng isanlibumpisong beses yata ang salitang “surveys” ng “saaarrrveis”, at huwag na huwag mong gagawing pink ang pintura ng hati ng kalsada!), yosi, alak, pera, luho, pilipinas, eleksyon, ang mundo, ang universe, at ang aking mga pangarap.

nagtataka ka na naman sa pamagat ng entry. heto na ang bagong taon, ang 2010na lalandi sa akin. ewan ko sa yo pero huwag ka masyado naniniwala sa new year ek-ek. gawin mo kaya araw-araw. sige baka makatulong yung p365 mo. ewan ko sa yo pero ako hindi ako magbabago, walang mali sa akin. ang mundo ko ang babaguhin ko. at aayon ito sa buhay na gusto ko.

Advertisements

37 comments on “if we turn ( coke, dinemanda si manny pacquiao)

  1. ahahaha! natawa ko sa pink na hati ng kalsada! hehehe…
    ayos laman ng utak mo ah, balanse lang. pero mukhang lamang un alak, dalawang bese mo binanggit e. hehe…

    at OO! nagtataka ko sa taytol mo! hahahaha 😀

    Like

  2. ang hirap namang magkomentu ditu, hindi ko tuloy alam baka maging magulo din koment ko,hay yin, mag ayus ka ng kwarto ha?! 🙂

    peru itu, maayus itu at maganda, ” ewan ko sa yo pero ako hindi ako magbabago, walang mali sa akin. ang mundo ko ang babaguhin ko. at aayon ito sa buhay na gusto ko. ” hehehe.. 😀

    ciao!

    Like

  3. happy new year! ang gulo ng kwarto, sing gulo ng pamagat! hehe. mag ayos ka nga sumbong kita kay bayani, pero natawa ako sa “wag mong gagawing pink ang pintura ng hati sa kalsada, pilipinas lang siguru ang kakaiba pag nangyari yun! pinoy nga naman, pinoy lang!

    disiplanado ang mga langgam, astig!

    Like

  4. beige ba talaga kulay ng tuwalya o libaging tuwalya? hahaha. Baka may nakapilipit pang brip na may tae sa sahig ha utoy?

    Nakilala ko rin si Aling Baby…salamat kay prinsesa maribubot, libre kong nakilala si Aling Baby, si Tessa, gusto ko ang karakter ni Tessa pero may gusto ako sa sinabi ni Mang Ernesto don..umeepal pero may dating. Wala lang, gusto ko lang sabihin, huwag ng magreklamo. Masarap maghalu-halo.

    ‘Yin, nasakit ang ulo ko sa taas.

    Like

  5. hindi ako magccomment sa blog mo.haha la ata ako masabi.. dumaan ako para ipaalam na iaadd kita sa blogroll ko.. nauntog ako eh, naisipan ko bigla. Happy new year. :))

    Like

  6. Tama silang lahat ang kalat-kalat mo.

    Maglinis ka naman. 😆

    Buti na lang gumamit ka ng tuldok at kudlit kung hindi na mention mo yung number ni … Sino ba yun? oyyyyyyy, Crush mo?

    Naisip ko, gawa kaya ako ng blog na walang tuldok at kuwit, babasahin kaya ng madlang people? 😛

    Like

  7. Haha…matagal na akong nagdaan sa makalat at magulo….ang tsarap ng may konting kaayusan…pero kung saan ka masaya…ok lang…be yourself..hehe…nagugulo na rin yata komento ko..hehe

    Like

  8. @etchosera
    wala kang ideya hahaha.

    @taribong
    jackhammer bwahaha.

    @walongbote
    happy new year jennifer!

    @davin
    masanay ka na hekhek.

    @pinkdiaries
    nag-ayos na poh inay. psssstttsss!!

    @taga-bundok
    hindi ko sarili yung kuwarto, naku kung sarili ko lang!

    @bons
    baka pati yung mga langgam mahiya tumawid wahahaha.

    @J.Kulisap
    beige talaga. talaga. ano tagalog ng beige?

    @rllqph
    ganun din sa iyo.. ano ibig sabihin ng rllqph?

    @irishprecious
    ayan may nasabi ka na! =p

    @narsmanang
    oo, ang gulo ng mundo hahaa. aminyunyir nang!

    @modernonglapis
    hindi naman, parang dun ko lang pinatulog si angel locsin ng ilang araw at nag-coloring book kami hehekhek.

    @pinkdiaries
    gising na poh inay. naglinis na po ako hehehe. salamat poh. lhen hmp!

    @kaspangarigan
    babasahin ko yun boss!

    @superlolongpinoy
    sinubukan ko lang lolo hehe. never again. sana. nilinis ko na.

    @orville
    oo tol, vinakyum ko nalahat wala na natira hahaha.

    **salamat sa lahat ng dumalaw sa kwarto ko, akala ko kasi tutulungan ninyo ko maglinis, mga walang kwenta!! hahaha. peace, love y’all!

    Like

  9. teka lang ah!
    nahilo ako sa pagbabasa.
    parang naiimagine ko kasi ang setting!
    naiimagine ko habang nagtattype ka iniikot mo din ulo mo! tinitignan bawat sulok kung ano man meron dun!
    ang hirap nun men!

    at apir! may deathnote notebook ka! meron din ako nyan!

    Like

  10. naloka ako sa pagbabasa ng mga post na di ko pa nabasa….di na ko magkocoment sa iba….last year pa yon…hehehe….
    haha, bkat bigla mo namang binida si pacquiao……

    gulo ng kwarto mo…. pwede akong maglinis ng libre basta, lahat ng sa tingin kong pwedeng itapon, itatapon ko…hahaha, para wla kanang gamit na maiwan…

    magulo din utak ko kaya hayaan mo nalang.

    Like

  11. parang ang sarap tumambay sa kwarto mo….hindi masalimuot, parang makakapagisip ka ng malalim at mahusay..hehehehe..

    isipin mo nga naman kung magiging pink ang hati ng mga daan..pak! ang landi lang tignan nyahahaha

    anyways, nakikidaan lang sa yong espasyo sa blogosperyo..gudlak sa 2010 mo!!!

    Like

  12. ahem… ikaw ba’y nakatulog na sa pag-aayos ng kwarto?
    o baka naman pinapak ka na ng surot, ipis at anay na namamahay dian?

    nawala ako ng ilang araw… wala ka pang bago ah… busy? busy? bakit? hindi pwede.

    Like

  13. haha naimagine ko ang linis ng room mo haha..lols…
    di nga sinabi ni bayani fernando un..nak ng teteng wala talagang boboto saknila ni gordon..

    heneways..napadaan yin..

    Like

  14. baka maging magulo ang comment ko sa gulo ng kwarto mo kaya babatiin na lang kita….happy new year!!! at mabuti naman at nadisiplina mo ang mga langgam mo..kung hindi…malamang pati bayag mo may pantal..ahahaha!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s