oh juan, oh juan, oten! yan malamang ang sinigaw mo nung nakaraang byernes ng hatinggabi at hindi lang ni aling baby tuwing brownout.
nagawi ako sa bahay ni xG kanina at may parang mtv cribs siya’ng poste dun. naalala ko tuloy yung kwarto kong inabutan ni 2010 na nakabuyangyang, kita kaluluwa.
sa ibabaw ng kama ay mga kaha ng marlboro, cotton buds (hindi johnson&johnson’s ang tatak at hindi ba dapat cotton sticks tawag sa mga to?), caps (hindi condoms), black jacket kong my mickey mouse na logo sa dibdib, itim na backpack kong may maliliit na prints ng mapa ng pilipinas in white, lighter na binili ko sa 711, lighter na binigay ni ate tindera sa tindahang bilihan ko (nung binigay niya sa kin yun eh tanungin ko sana siya kung pinapasunog na niya yung tindahan niya), mga barya (oo, barya lang meron ako naubos na, actually walang naubos eh, inisip ko na lang naubos nga), kung natatanga ka na sa kakabasa pasensiya na mahina ako sa construction ng mga pangungusap, mabuti nga gumagamit pa ko ng tuldok at mga kuwit eh. ayun nga tuloy lang natin, itim na SA Spurs jerrzzii ko, isang hotdog pillow na pinalamanan ng 2 t-shirts, isang towel, at isang sweater. para tumigas. langyang unan, impotent kasi. tas susi, id at lanyard ko sa kompanya, death note notebook ko, strap nung isang bag ko na puno ng buttons, bolpen ko, minemorize ko kanina yung pangalan ng bolpen na yun pero hindi dumikit sa dila ko. tsaka yung headset na peke na binili ko ng p150 na malapit nang masira na gumagana pa rin na nandun sa ibabaw na kama.
sa ilalim ng kama ay mga resibo ng cebuana nang sinanla ko selepon ko ng di ko na maalala kung ilang beses, resibo ng LBC na naglalaman ng tracking numbers, mga resibo sa 711, isang bente’ng lukot, kaprasong papel na pinagsulatan ko ng number ni.. ilang bentsingko na sinukli sa ‘kin ng SM (pag mga bente-singko’ng to naipon ko bibili ako ng pony shoes, sa SM.. lintik at pangit lang ang walang ganti).
sa gilid ng kama malapit sa ulunan ay ang wrapper ng rebisco extreme, extension cord, uniporme ko sa kumpanya, at wallet chain ko na gawa sa pins ng Coke-in-can’s (oo tinawag kong pins, di ko alam tawag dun, tamad na kong magWiki), sa bandang paanan ay gitara, laundry basket na punong-puno ng labahin at pag sinabi kong puno eh umaapaw at naglalaway pa (syempre make the most of it ika nga, taena trabaho niya yun eh), 3D electric fan ko at isa pang electric fan. wala kong kaproble-problemang baka ma-suffocate neto. nakasampay ang kulay beige kong tuwalya sa pangalawang electric fan. sa tabi ng electric fan ay dalawang mugs na pinag-inuman ko ng milo, at kape, respectively. (hindi ko pala binanggit ng hiwalay yung 2 mugs na parang magkasunod kaya pakibura na lang yung salitang respectively sa utak mo). sa may pinto ay ash tray na puno ng ano pa nga ba eh di hindi pera kundi upos. sa labas ng kuwarto ay may terrace, dun nakatambay ang isang bote ng red horse, san mig light, malaki’ng pop at mga balat ng kung anu-anong kinain kong chicherya at tinapay kaulayaw ang mga langgam. disiplinado nga ang mga langgam, alam nilang pag pinasok nila ang kuwarto ko eh their asses are doomed. ah oo, may isa palang orange na hanger na nakakalawit sa grill ng bintana’ng may sliding glass.
sa utak ko naman makikita mo (yun eh pag may angas kang tumingin sa butas ng ilong ko) ang trabaho, rest-day-work, o.t. , promotion o resignation, si ex, si bago, si potential, si papa jay, si satanas, alak, mga anghel na sumasayaw, si maja salvador, si ermats, si lolo, si bayani fernando (oo, taena hindi kita makalimutan kagabi binanggit mo ng isanlibumpisong beses yata ang salitang “surveys” ng “saaarrrveis”, at huwag na huwag mong gagawing pink ang pintura ng hati ng kalsada!), yosi, alak, pera, luho, pilipinas, eleksyon, ang mundo, ang universe, at ang aking mga pangarap.
nagtataka ka na naman sa pamagat ng entry. heto na ang bagong taon, ang 2010na lalandi sa akin. ewan ko sa yo pero huwag ka masyado naniniwala sa new year ek-ek. gawin mo kaya araw-araw. sige baka makatulong yung p365 mo. ewan ko sa yo pero ako hindi ako magbabago, walang mali sa akin. ang mundo ko ang babaguhin ko. at aayon ito sa buhay na gusto ko.
huh parang ang gulo ng rum mo, parang rum ko lang sa kaguluhan bwahaha
LikeLike
Wow, ang galing naman. Babaguhin mo na mundo mo? Nakakabilib naman…
alam ko hawak mo, walis??!? Happy new year!!! Hehehe
LikeLike
mukang kailangan mo talagang maglinis ng kwarto. ang daming kalat haha.. HAPPY NEW YEAR
LikeLike
ahahaha! natawa ko sa pink na hati ng kalsada! hehehe…
ayos laman ng utak mo ah, balanse lang. pero mukhang lamang un alak, dalawang bese mo binanggit e. hehe…
at OO! nagtataka ko sa taytol mo! hahahaha 😀
LikeLike
ang hirap namang magkomentu ditu, hindi ko tuloy alam baka maging magulo din koment ko,hay yin, mag ayus ka ng kwarto ha?! 🙂
peru itu, maayus itu at maganda, ” ewan ko sa yo pero ako hindi ako magbabago, walang mali sa akin. ang mundo ko ang babaguhin ko. at aayon ito sa buhay na gusto ko. ” hehehe.. 😀
ciao!
LikeLike
ahaha!
sang sarap magkaruon ng sariling kwarto…
hay, kung ako siguro meron sariling room… ewan lang.
LikeLike
happy new year! ang gulo ng kwarto, sing gulo ng pamagat! hehe. mag ayos ka nga sumbong kita kay bayani, pero natawa ako sa “wag mong gagawing pink ang pintura ng hati sa kalsada, pilipinas lang siguru ang kakaiba pag nangyari yun! pinoy nga naman, pinoy lang!
disiplanado ang mga langgam, astig!
LikeLike
beige ba talaga kulay ng tuwalya o libaging tuwalya? hahaha. Baka may nakapilipit pang brip na may tae sa sahig ha utoy?
Nakilala ko rin si Aling Baby…salamat kay prinsesa maribubot, libre kong nakilala si Aling Baby, si Tessa, gusto ko ang karakter ni Tessa pero may gusto ako sa sinabi ni Mang Ernesto don..umeepal pero may dating. Wala lang, gusto ko lang sabihin, huwag ng magreklamo. Masarap maghalu-halo.
‘Yin, nasakit ang ulo ko sa taas.
LikeLike
happy new year po……
LikeLike
hindi ako magccomment sa blog mo.haha la ata ako masabi.. dumaan ako para ipaalam na iaadd kita sa blogroll ko.. nauntog ako eh, naisipan ko bigla. Happy new year. :))
LikeLike
ang gulo ng entry, title at kwarto? haha. happy new year. 🙂
LikeLike
bakit si bayani fernando naisip mo?haha.
grabe, iniimagine ko palang parang nilanggam, inipis at dinaga yung kuwarto mo sa utak ko eh.haha.
maumay bagon taon! 😀
LikeLike
ppssttt! gising!!!
LikeLike
Tama silang lahat ang kalat-kalat mo.
Maglinis ka naman. 😆
Buti na lang gumamit ka ng tuldok at kudlit kung hindi na mention mo yung number ni … Sino ba yun? oyyyyyyy, Crush mo?
Naisip ko, gawa kaya ako ng blog na walang tuldok at kuwit, babasahin kaya ng madlang people? 😛
LikeLike
Haha…matagal na akong nagdaan sa makalat at magulo….ang tsarap ng may konting kaayusan…pero kung saan ka masaya…ok lang…be yourself..hehe…nagugulo na rin yata komento ko..hehe
LikeLike
hahahas.. gulo nga… mag ayos ka ng kwarto mo.. hehe
LikeLike
@etchosera
wala kang ideya hahaha.
@taribong
jackhammer bwahaha.
@walongbote
happy new year jennifer!
@davin
masanay ka na hekhek.
@pinkdiaries
nag-ayos na poh inay. psssstttsss!!
@taga-bundok
hindi ko sarili yung kuwarto, naku kung sarili ko lang!
@bons
baka pati yung mga langgam mahiya tumawid wahahaha.
@J.Kulisap
beige talaga. talaga. ano tagalog ng beige?
@rllqph
ganun din sa iyo.. ano ibig sabihin ng rllqph?
@irishprecious
ayan may nasabi ka na! =p
@narsmanang
oo, ang gulo ng mundo hahaa. aminyunyir nang!
@modernonglapis
hindi naman, parang dun ko lang pinatulog si angel locsin ng ilang araw at nag-coloring book kami hehekhek.
@pinkdiaries
gising na poh inay. naglinis na po ako hehehe. salamat poh. lhen hmp!
@kaspangarigan
babasahin ko yun boss!
@superlolongpinoy
sinubukan ko lang lolo hehe. never again. sana. nilinis ko na.
@orville
oo tol, vinakyum ko nalahat wala na natira hahaha.
**salamat sa lahat ng dumalaw sa kwarto ko, akala ko kasi tutulungan ninyo ko maglinis, mga walang kwenta!! hahaha. peace, love y’all!
LikeLike
teka lang ah!
nahilo ako sa pagbabasa.
parang naiimagine ko kasi ang setting!
naiimagine ko habang nagtattype ka iniikot mo din ulo mo! tinitignan bawat sulok kung ano man meron dun!
ang hirap nun men!
at apir! may deathnote notebook ka! meron din ako nyan!
LikeLike
yin ibang klase yung ending mo! bigatin ka talaga!
LikeLike
o anak, musta naman?! toinks! 🙂
LikeLike
uhmmm pwede bang magpart time sayo… aayusin ko kwarto mo haha! anyway happy new and gudluck…
LikeLike
naloka ako sa pagbabasa ng mga post na di ko pa nabasa….di na ko magkocoment sa iba….last year pa yon…hehehe….
haha, bkat bigla mo namang binida si pacquiao……
gulo ng kwarto mo…. pwede akong maglinis ng libre basta, lahat ng sa tingin kong pwedeng itapon, itatapon ko…hahaha, para wla kanang gamit na maiwan…
magulo din utak ko kaya hayaan mo nalang.
LikeLike
Hi pareng yin, dinala ko na sayo ang aking prinsesa aninipot. aus na ba yown?
LikeLike
“hindi ako magbabago, walang mali sa akin.”
tokwa. yan si kuya yin! 🙂
LikeLike
ang galing pero ang gulo ng kwarto!!
si bayani at ang pinapangap mong pink na hati ng daan (pinapangarap kse naiisip mo sya??)
goodluck sa 2010 mo!!
LikeLike
paguluhan ng kwarto. runner up ako. LOL
natuwa ako sa walang mali sa akin. ang mundo ang babaguhin ko.
ayos! 😀
LikeLike
Yin padaan. Happy New Year! 🙂
LikeLike
parang si Jkul na rin mag-blog to…walang katuturan 😛
LikeLike
magulo eh..
dapat dito eh idagdag mo ko sa blogroll mo kaibigan..
new blogger po…
thanks.
LikeLike
parang ang sarap tumambay sa kwarto mo….hindi masalimuot, parang makakapagisip ka ng malalim at mahusay..hehehehe..
isipin mo nga naman kung magiging pink ang hati ng mga daan..pak! ang landi lang tignan nyahahaha
anyways, nakikidaan lang sa yong espasyo sa blogosperyo..gudlak sa 2010 mo!!!
LikeLike
ahem… ikaw ba’y nakatulog na sa pag-aayos ng kwarto?
o baka naman pinapak ka na ng surot, ipis at anay na namamahay dian?
nawala ako ng ilang araw… wala ka pang bago ah… busy? busy? bakit? hindi pwede.
LikeLike
Yin, labas na, wala na sila. Bilis..takbo..tanggalin mo na ang iyong tsinelas.Karipas, bilisssssss.
LikeLike
haha naimagine ko ang linis ng room mo haha..lols…
di nga sinabi ni bayani fernando un..nak ng teteng wala talagang boboto saknila ni gordon..
heneways..napadaan yin..
LikeLike
Tao po?! Tao po?!
LikeLike
baka maging magulo ang comment ko sa gulo ng kwarto mo kaya babatiin na lang kita….happy new year!!! at mabuti naman at nadisiplina mo ang mga langgam mo..kung hindi…malamang pati bayag mo may pantal..ahahaha!
LikeLike
hoy yin!! nasan kana!!?
LikeLike
akala ko na kung bakit idinemanda ng coke si pacman ehehe
LikeLike