done.

malinis na kuwarto ko. wala na sa loser mode. maaga na ko pumapasok. nag-iisip na ko. salamat nga pala sa mga nidalaw. salamat sa mga naligaw. malinis na utak ko, pati tenga ko.

naisip ko lang, kasi nga di na ko nag-iisip, may mga bagay na hindi natin ginagamitan ng hand-eye coordination. gaya ng paghugas ng puwet. ewan ko lang sa yo. at napag-uusapan ang puwet baka may koneksyon to, matagal ko nang tinuturing na aphrodisiac ang manok. kasi nga kapag nanunuod ako ng showing cooks cooking shows eh kapag manok na ang manok ewan ko ba pero may whollistic (tama ba ispeling ko?) feeling. kasi naman yung mga parte ng manok, “breast”, “legs”, “thighs”, “neck”, tapos yung walang kupas na chicken wings, na kapag binabanggit nung gagung ingglisero’ng cook-cook-an eh “peck-peck ng menowk”.

para patunayan na nag-iisip na ko, tinanong ko sarili ko nung january ng enero 6, sino nga ba ang three kings? siyempre uto-uto ako at talentado kaya nagpasikat at kaya sinagot ko naman, sabi ko si gaspar, melchor, at.. ..king arthur. siyempre mupalakpak ako ah. salamat talaga sa mani’ng kinain ko. at gatas na dinodo ko.

pasensiya na sa mga ka-blog ko kung hindi ko nadadalaw mga blogs ninyo, busy kasi akong nagpapakatino sa trabaho. pramis kapag hindi na ko busy hindi ko pa rin dadalawin mga yun. hahaha. hinde siyempre, kayo pa, malakas putok ninyo eh. sa totoo lang wala ako perang pang-innernet at pang-outernet, kasi pinantotong-its at pinang-iinom ko. wahaha. joke-joke ulet. kapag break namin sumasaglits ako sa wreck room at pinapaalis ng puwersahan ang mga nagba-brabrowse, kapag nagigisnan ko ang blog ko na may mga dumadalaw at nagkokomento kahit inactive ako eh nagsesenti ako at naiiyak, salamat talaga, i love y’all. pag namatay ako sasama ko kayo lahat ano? basta naligo. at may baong isoy. matagal kasi ang biyahe baka mamumu tayo.

isa na namang entry na magliligtas sa buong pilipinas at sa kaluluwa mo. maiksi man sana nabilaukan ka habang kumakain at nagbabasa, sana may natutunan kang bagong new word, kahit wala akong nilagay. Naisip mo na ba na may mapupulot kang maganda kay satanas? Hindi mo alam ano. Hindi ba ka-adma-admire ang persistence at dedication niya? Sa lahat ng bagay may maganda. Kailangan lang talaga ng pagiging bukas ng isipan at hindi palagiang bukas ng zipper ng pantalon at tanggal ng strap ng bra. Putaena, ang talino ko talaga. Salamat talaga sa mga mani’ng kinain ko at mga gatas na dinodo ko. THE LORD IS MY SHOTGUN THERE IS NOTHING I SHALL FEAR.

Advertisements

42 comments on “done.

  1. @bons
    salamat tol bons, lagi ka na lang base hehehe, at mukhang nag-ahit ka pa hahaha, bawal walang balbas diyan di ba magtago ka na wapak!

    Like

  2. May isoy ba sa kuta ni satanas?

    Tang inumin mo hwag Milo, kala ko nasa Haiti ka, angel doon.

    Nagpapamisteryoso epek ang drama to arrive mo…wala pa ring wenta parang ako.

    At least buhay ka pang kupal ka.

    Like

  3. Talaga. Kulang ba ang mapa?

    Huwag kang mag-alala, Batanes mismo ang dadalhin ko sayo, pag nabili ko na.

    Buhekhek..

    Wait ang isoy sa amin yong nasa huling bahagi ng manok..tama ba ako?

    Like

  4. Nung una di ko makuha yung gusto mong sabihin sa comment mo.

    Truly nga tungkol kay satanas din ang part ng blog mo.

    Coincidence lang kaya? o magka-online talaga tayo? πŸ˜†

    Like

  5. @kaspangarigan
    hehe oo nga, di ba may post ka na dati na may koneksyon sa poste ko..

    @anjong
    tol wusSsupp!!
    Tungkol yun sa komento ko sa poste ni boss kas.

    Like

  6. @aninipot
    maligayang pagbabalik ani!

    @alaehboi
    salamat boss.

    @pinkdiaries
    ay sige lang kalat lang! =p

    @rllqph
    may bayad ang plug dito ha hehe.

    @etchosera
    kwarto lang, ala ko bahay.ΓΆ

    @mr. sleepyhead
    may registration fee?

    @kastoy
    bakit ngay?

    @timangkey
    hahaha, timang!

    Like

  7. bwahahaha taragis kang bata ka napatawa mo ko! ano bang gatas yang dinododo mo, baka expired na yan hahahaha! haizzz u make my day! πŸ˜†

    Like

  8. @dhyoyo
    talaga naman, basta yung may mga kung anu-anong protina?=p

    @Fr. Fiel
    oo nga padz!

    @vajarl
    sino si guico? Mapanuod nga yan hehe.

    Like

  9. May ad sya na lumalabas sa TV ngayon. Para syang magsasaka na gusto maging presidente. Wala namang masama, hindi naman dapat pagtawanan. Pero pag nakita mo sya, gugustuhin mo syang insultohin. Haha.

    Like

  10. weeee! natawa ako sa post mo. napakarandom! halata ngang malinis na utak mo… hahaha! idol ko yang manok na yan! lahat ng parts pwede kainin except yung mga feathers niya! amfufufu!

    Like

  11. helo yin hehehe kumusta na? ayos pa ba?? kasing-ayos ng kuwarto mo???
    (heto ang tisyu at baka masenti ka na naman wahahahaha.)
    Teka, ang tatlong hari ay sina Melchor, Gaspar at (hindi si king arthur kundi si….) Balagtas.

    Like

  12. @vajarl
    sige matingnan hahaha. ayan nieeksayt nko! May orgasmic satisfaction ba makukuha diyan??

    @lhen
    mismuku nuh.. =p

    @blakenwayt
    bisnes kaya tayo feather nuggets, tas pangalang kanto niya eh cotton buds hekhek!

    @taribong
    hindi ako senti aktibista mode nga eh hakhak.

    Like

  13. wala akong new word na nakita sa post na ito hahah

    tsaka mahilig din ako sa mani pero di ako dumododo ng gatas, kape na tlaga ako kahit nung nasa sinapupunan pa ako ng nanay ko

    Like

  14. Oo nga. Ibig ko sabihin andami ko pang nabasang poste, mga contests, bmx, real leaf, hehe. Sana ako na lang kapitbahay mo.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s