Make money while reading this post.

Matagal ko nang hindi ginagawa to, hindi ang manuod o magbasa ng porn, mobile kasi ngayon, kung wala ka pa ring clue eh sasabihin ko na para hindi kinikilig singit mo. Matagal na kong hindi nagpo-poste ng quickie as in impromtu at walang drafts, walang kuwit at tuldok, at ang record ko ay katorse minutos. Bi-break ko siya ngayon.

Game.

Hinga ng malalim.

Tumigil na ba ang mayon sa pagaalburoto kasi kung hindi pa ay hilingin ko sana na magtext tayo sa 2366 ng MAYON OFF para na rin sa mga kababayan natin doon kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makahanap ng dvd ng fantastic 1 hanggang 3 kasi nga di ba fantastic 4 agad eh nasaan yung prequels at kung curiousity killed the cat eh greed resurrected it kaya wala kang mahahanap sa isang malinis na ilong kundi fingerprint lang kasi ang usok ng kumukulong tubig sa takure ay kaluluwa ng mga germs at ang isang maliit na takure ay madaling kumulo gaya ng maingay ang lata kapag walang laman at ang necessity is the mother of all inventions kaya mabuti na lang hindi nag-condom ang tatay kung hindi sa simbahan din ang tuloy ng ikakasal at sa dagat ng nagbabagang tae malulunod ang mga taong nagbebenta ng droga sa nanay ni jason ivler at mga kawawang bata kung bakit kasi hindi na lang tayo sabay-sabay umutot sa garapon at ipunin para gawing alternative source of energy para magkapera ang gobyerno at mabalik ulet ang dating sikat na nutribun and the sun is the center of our solar system while you are naglalaway na kaka-wait for the elusive tuldok or at least a cheap comma because the meek shall inherit the earth kung hindi pa man natin ito nasisira nang tuluyan kasi kung hindi mo pa alam na ako ay nagsusuot ng hindi pares na sapatos at nauuto naman kitang magbasa ng forever walang kwenta pero nakakaadik na mga poste ko at hindi ko babawiin kasi nai-type ko na kaya patuloy ka na lang na mag-aabang sa tuldok sa katapusan ng wala yatang katapusan na poste kong ito subalit hindi pa tapos kaya bago pa man mangyari yun ay tatanungin kita may natutunan ka ba sa mga dinura kong salita ngayon?

Hinga ulet ng malalim.

Ayun, tandang pananong at tuldok, may kasama pang kuwit. Tapos na pala.

P.S. otso minutos. Na-break ang record. Pero maiksi yata.

Advertisements

29 comments on “Make money while reading this post.

  1. base! ibig sabihin ba nyan follower mo nako talaga? kasi una ako palagi. nagtext nako sa 2366 ng MAYON OFF., nagreply sabe tapos na daw ang promo! lols! wala ng ganun.. at yung NUTRIBUN uyy extra haha ano nasa isip mo nung sinabi mong nutribun? hehe!

    ge na, nakakahingal pala ang post na walanbg tuldok. otso minutos din akong hindi huminga! wo!?

    Like

  2. Nirap ko pare at palagay ko tatalunin ko si Gloc9 (sana tama ako sa name).

    Nakuha ko naman ang nais iparating kahit anong mangyari titipa din ako dito dahil mapagpatol itong iyong katoto minsan kapag binasa ko lalong lumalabo ang mata ko dahil halos lamunin ko na ang salita mo dito wala ng mayon napagod na sa kakaarte dapat si ampatuan ay doon nililitis sa bunganga ng mayon don na rin magrally ang mga kandidato isama na silang lahat nutribun ang kinakain ko noong nasa elementary pa ako may kasama pang korean bug o basta garapata yata yown pero masarap naman kaya siguro pinalusog ang limang gramo kong utak andyan na ang boss ko paparating na baka pauwiin ako dahil nakita niya akong nagmamadaling tumipa dito sa kuta mo

    Like

  3. whew!…hiningal nga ako sa pagbabasa…lumiit lahat ng letra…hahaha

    ano to? paligsahan na wag gumamit ng tuldok at kawit bakagustomorinwalangspacemasubukanngatinganannatinkungmaskayamoto
    infernes…. kahit halo-halo ang binasura mo dito, ok naman kasi pinangiti mo ko, ayos ang simula ng araw ko…haha, ayan, di ko kaya ang ginawa mo at di ko rin kayang magsulat ng walang space, automatic na yatang may tuldok, kuwit at kung anu-ano pang mark pag ako ay tumipa…o cge, lilipad na ulit sa aninipot, babels…

    Like

  4. hinika ako kakabasa nyan ah.. ibig sabihin ganyan kagulo utak mo? gusto ko rin subukan yan kaso siguradong mabagal kong maisusulat kase puro numbers.. haha

    Like

  5. Ang liliit naman ng mga letra ang haba pa, walang tuldok man lang o kawit, nagsasayawan na sila sa paningin ko 😦 kapag nagka-eye damage ako, sisingilin kita total hindi naman ako rito kikita.

    Like

  6. Apir sa pagpopost ng walang drafts! I’ve tried writing on paper first before typing it on my blog, didn’t work out for me. I don’t know why, siguro dahil sa puntong nasa harap na ko ng computer para i type ang nasulat ko, iba na ang tumatakbo sa isip ko at yun nalang ang gusto ko isulat.

    HININGAL AKO!!! Hahaha. Shux, naubos ata energy ko don. Hindi ko kase sinunod ang paghinga ng malalim sa simula. *punas pawis*

    Ako lang ba ang mas interesado pa sa nanay ni Jason Ivler kesa kay Jason Ivler? Naaliw ako sa acting skills nya eh. πŸ˜›

    Like

  7. Curiousity killed the cat pero potek 9 ang buhay ng pusa.. gustuhin ko man suportahan kita sa alternative source of energy na mag ipon ng utot sa garapon baka makiisa ang bansang NoKor sa napipintung paggawa ng Weapon of Mass Destruction, still necessity is the mother of all inventions.
    :))

    Like

  8. hiningal ako.. parang umakyat ako ng bldg ng hindi nag lift!
    na aliw ako sa MAYON OFF sa 2366! bakit nga ba d pweden ganon nlng GLORIA OFF πŸ˜€

    Like

  9. Dito puedeng mawala ang tuldok at kudlit pero sa Bibliya hindi puede yan Yin. πŸ˜†

    Mt 5:18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

    Like

  10. @bons
    tol naisip ko sa nutribun?? alam mo kung ano? alam mu!!

    @j.Kulisap
    bigay mo url ko pustahan mapro-promote ka lolo j!

    @ani
    lipad ani lipad!

    @pinkdiaries
    7:59 yata lhen hehe.

    @beeftapa
    asan na yung tapa almusal ko??

    @taribong
    hahaha. Hahaha. Pota.

    @irishprecious
    uy regular na din siya dito oh, may increase ka na next payout hehe.

    Like

  11. @taga-bundok
    ah hinde, mali.

    @gerald
    tol ano ba labas sa jueteng?

    @wildcat
    sige papadala ko paypal ha?

    @vajarl
    oo, talo na si mommy D, mahal na kita vaj, masunurin ka eh!ΓΆ

    @nicki
    dinura, haha. Kakatuwang comment.ΓΆ

    @Pinoy
    itinype ko po. Wahaha.

    @teentoinks
    huwag ka mag-alala kapag nagkagiyera padala natin si manny pacquiao.

    @dhyoy
    ano siya sinuswerte libre kampanya. utot. Muahbajhoy.

    @cAtHy
    pustahan di mo pa nasubukan hindi mag-lift eh!

    @etchosera
    wui active ka pa rin naman eh!

    @mr. nonsense
    mang jess may kamukha ka talaga eh!

    @superlolongpinoy
    sana abutan ng mga apo ko ‘lo, na maayos pa ang mundo.

    @lhen
    lhen pasalubong ko hmp.

    @kaspangarigan
    ankol may tuldok naman sa dulo eh huhu.

    Like

  12. ui nacarried away ako dun ah… hindi rin talaga ako tumigil sa kakasalita! at oo nakakhingal! pero ang saya! wapak! may sense na medyo makulit na ewan… pero cool!

    sa uulitin!

    ayy oo nga pala… kilala mo na ba ako… ako si eloiski.
    nice meeting you…

    exlink po… hahahah!

    Like

  13. @blakenwayt
    ay
    @eloiski pala
    oo naman, crush na nga kita eh, alam mo na ba? Taka ko nawala ka sa links ko, pag may naagaw akong computer link ulit kita.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s