anak ng chocolait ( Philippine Blog Awards Finalist: Best Single Post )

3:58 ng madaling araw. Sa dyip ang eksena. Batuhan kami ng titig ni miss. Wala naman ako balak ligawan siya, nagkataon lang na maganda ang katawan niya at malamig. Isa pa baka ma-late ako. Baba kaming dalawa. Magba-bye sana ‘ko kaso naalala ko hindi pala kami magkakilala. Sa unang lightpost na madadaanan ko may tatlong nagtitinda ng pandesal. Hindi naman ako gutom pero feeling ko kailangan kong gumawa ng maganda at maliligtas ang kaluluwa ko pag bumili ako ng pandesal. Naglabas ako ng sais. Bumili ako ng tatlo, kapag dalawa lang mukha naman akong kawawa. At baka mainis pa sa ‘kin si manong eh ilibre na lang niya ko. Kapag apat naman baka idahilan pa niyang wala siyang panukli sa sampumpisum plata ko, maisahan pa niya ko magrequest pa siyang gawin ko nang lima. Matusok ko pa mga mata niya, bumili na nga ‘ko eh. Sakto lang talaga yung sais na nadukot ko. Kung paano ko nga pala napili si manong sa tatlong nagtitinda eh random lang yun. Nakalimutan ko magbambantot eh.

Diretso ako ng 711. Liko pala. Pinakamakulit ang 711 sa may main gate ng Clark, madaming tao palage. Pwede’ng uminom, magsuka at magsuntukan. Pumasok ako sa loob diretso sa paborito kong section, liko pala, multiple choice pero hindi na ‘ko nagbambantot, dampot agad ng paborito kong chocolait. Tiningnan ko kung may nagbago sa drawing ng pakete, wala. Bayad sa kahera. Ngiti siya. Sige na nga ngiti din ako. Labas ng store. Masaya na naman ang mga good bacteria sa tiyan ko neto.

Konting hakbang lang, mga labinlima siguro, nasa hintayan na ko ng shuttle service. Pag si madam gloria yun baka 45 paces inabot. Tumingin ako sa harapan sa may tabi ng driver, may mug ng istarbaks sa upuan. Ibig sabihin may uupo na dun. Bakit di na lang kaya siya nagdala ng marker sinulatan niya yung upuan ng “akin to”. Umupo muna ko sa kung bench mang matatawag yun. Maya-maya lumapit ang driver, akala ko hihingi ng chocolait ko hinigpitan ko hawak ko ah, sabi niya, “boss isa na lang aalis na”. Umiling ako. Sasagot sana ko pero sarap na sarap ako kumakain, iniimagine ko pa nga grade 1 ulet ako. Sinabi ko na lang sa sarili ko, “isa na lang pala kulang bakit di ka na sumakay..”. Ayun may napasakay siya.

Natapos ko ang kinakain at iniinom ko. Sinisipsip pala. Sumakay na ko sa kasunod na shuttle. Hindi ko na pinangarap na maupo sa harap, sa likod na lang. Sasabihan ko sana yung driver ng “boss alis na tayo ayokong naghihintay” pero malabo’ng mangyari’ng sundan niya ko kahit anong astang gangsta gawin ko kasi mas mukha siyang gangster. Baka i-pile driver niya ko. Hindi ko na tinuloy dahil hindi naman akin yung sasakyan at tutal busog naman ako. Wala akong cellphone nun kaya wala akong kinakalikot at fini-finger kundi ang ilong ko. Naisip kong pumikit muna at sumandal bahagya at magmuni-muni at magreminisce at magrecollect at magmeditate na kunwari kasama ko sa loob ng sasakyan si liv tyler, at ganun ang setting, naka-dim ang ilaw ng shuttle. Wala naman kaming gagawin na hindi pang-GP, magkwe-kwentuhan nga kami tungkol sa blue’s clues, care bears, at little mermaid. Eh may sumakay na naiwan yata ang pakialam sa boarding house nila, umupo sa likuran ng driver, totally opposite sa ‘kin dahil nasa kanang right side ako at sa kabilang extreme duln ng shuttle, mantakin mong naka-headset siya at nasa magkabilaang dulo kami eh dinig ko pa rin yung kaliit-liitang delay epeks ng gitara sa kantang pinapatugtog niya?! Ampucha may butas ba tenga niya?? Bakit di ka na lang nasagasaan kanina nung tumatawid ka?!

At nges hu sino sumunod na sumakay. Miss na may kausap sa cellphone. She’s cute from afar but far from cute. Isa rin tong walang butas ang tenga, at naiwan ang pakialam sa bahay. May pangarap mag-artista kasi panay tag-lish. Halatado mong sa call center nagtra-trabaho. At dahil sa call center din ako, halatado kong bagito. Hahaha. Nakakatawa. Proud kasi siyang sa kolsenter siya nagwo-work. Hindi po glamorous ang trabaho’ng to. Nuff wit da fagshit. I’m degrading my own. Hahaha ulet.

Huwag na natin tuksuin yung pangatlong sumakay kasi mukhang mabaet, at hindi naman ako talaga pintasero. Observant lang ako. At halatadong obvious lang sila. And the curious mind is a terrible thing to waste.

Bumaba na lang muna ako para magyosi. At ngumisi. At tumawa ng bahagya. Pasimple. Maya-maya sabi ni gangster dalawa na lang kulang. Syempre sumakay na ko, sakto kaming dalawa eh. Ibig pala niyang sinabi eh dalawa pa sa loob. Akala ko talaga kasama yung upuan niya. Kawawa yung huling umupo dahil masikip na at lalaki siya. At hindi ako mapagbigay. Ako kaya pinakaunang sumakay.

At ikaw ba naman ang under the influence of cocoa.

Talking about what comfort foods can do. LOL.

Hindi ko pinaalam sa PBA yung title ng post na to, mapangahas ko lang sinubukan, hindi naman nagka-error at hindi nabiyak ang lupa, kaya hinayaan ko na lang. Akala mo totoo ano.

Advertisements

51 comments on “anak ng chocolait ( Philippine Blog Awards Finalist: Best Single Post )

  1. kAla ko PBA nominee ka haha! pede ka naman dun why not!!? haha! anyway, ganda ng kwento ah hiningal na naman akong basahin, at na visualize ko talaga ang setting! galing mong mag kwento eh!! aprub!!!

    penge tsokolayt!

    Like

  2. I like your curious mind… the terrible thing to waste, ye knw what i mean!?

    Anyhow… gusto ko si Liv Tyler pero i suggest na DORA the Explorer na lang ang pagkwentuhan nyo… (eh bat nangengelam ako? bitbit ko si pakialam eh) kasi she don’t wanna miss a thing. At ano ba pinagsasabi ko? Who cares I’m under the influence of caffeine! PENGE RIN TSOKOLAYT!

    Like

  3. isa pang kakulitan ni Yin ang entry na ito hehehe…nakakapagod nman basahin un pero naka relate ako dun sa wlang butas ang tenga hahaha kasi ung babae na madalas kong maksabay sa Bus eh ganun as in parang ung driver ng bus ang nagpapaptugtog at dinig ng mga pasahero (naka headset ung girl ha) hahaha

    Like

  4. @bons
    tol may live updates ka ba pre? Aba’y pangatlo’ng three times nang unang first base ka eh? Galing ako sa bahay mo anamputik mas current pa pala blog ko kesa sa ‘yo eh naka-dalawang post lang ako ng enero eh?

    @teentoinks
    naisip ko rin si dora kaso baka i-relate siya kay liv tyler eh makasuhan ako ng minor abuse. You like my curious mind, really? Awts. Ano ba pakialam niya sa pakikialam ko?? Hakhak.

    @etchosera
    at madalas mo makasakayan ha? Good luck na lang? Dapat alam mo na facebook niya! Oi, maligayang pagbabalik! Heto sa ‘yo: bwahaha. =p

    Like

  5. bwahaha pala ha ganun wahahaha..uu madalas nga…kanina natawa ako sa isang kabayan na kasasakay ng bus hinahanap nia kung sino ung malakas mag sounds den ng makita nia na naka headset napa tingin sia sa akin at naka iling wahahaha….kumusta nman

    Like

  6. @etchosera
    hahaha, di na lang ni-loudspeaker neh?? akala ko ako lang may karumal-dumal na karanasang ganun eh..

    @teentoinks
    matagal na kita gusto idagdag kaso cp kc gamit ko hindi pc o cc o pp, ayaw ma-add ng links, basta pag nagka-chance ako magkompyuter asahan mo itaga mo sa adobe!

    @pads
    di nga poh? My pang-4 pa?? iyyeaaahhh!!!

    Like

  7. hahaha! ang kulet mo yin. sgiguro nung bata ka, ikaw ung tipong pag me bisita e ikukuha na lang ng pagkain sa mesa tas sasabihan “oh eto pagkain mo, dun ka na sa kwarto. wag kang magulo.” wahahahaha 😀

    Like

  8. Buti na lang di ako sumakay dun baka na okray mo rin ako.

    Sa kabilang bus kasi ako nakasakay. Nakita kita nangungulangot.

    Uy, baka maniwala ka ha? 😆

    Like

  9. @beeftapa
    hahaha. hindi naman. Ako ang humaharap sa bisita.

    @kaspangarigan
    ankol tinted kaya yung bintana, hindi ako nangungulangot sa aktong ganun, nag-iisip ako.

    Like

  10. anakngtokwa naman yan oh! akala ko nominated ka! amp!
    hahaha! naiimagine ko itsura mo. kasi kasi ganyan din ako eh. lalo na sa pagkain. feel na feel ko ang pagkain… hakhak! parang bata lang eh.
    pag nasa loob naman ng shuttle eh wala akong pake sa mga pasahero… basta ang importante eh nakaupo ako… at oo nga pala, hindi naman ako nagshushuttle… nag-eerpleyn lang!

    Like

  11. haha, kaya naman pla sinabing sensible daw sya… hahaha, mukha nga, ibang klaseng pagkasensible nga lang…may halong okray na to eh!…

    tama si kuya kulisap, medyo iba ang post na to… but still mganda parin.

    Like

  12. @eloiski
    wala lang dalang bag? Hahaa. Bakit mo tinakpan ng camera mukha mo? Hmp!

    @J.Kulisap
    iba komento mo kuya j.k, pagmamasid.

    @ani
    oo nga pagkaposte ko pagdating ko sa bahay mo ganun inabutan ko hehe!

    Like

  13. @yin, naku pintasero ka pala sa personal, ay obserbant pala.. hehhe.. 🙂

    anyhow inihaw, natuwa aku sa post mu, ay natawa pala, bwwahahaha..

    ayoko ng chokolate! pretsel gustu ko! lol

    Like

  14. @pruelpo
    unsuspecting curious mind yun. Kailangan pa rin may kaakibat na awareness. Como esta pruelpo!

    @machongbutiki
    magaling kang magbasa tol, it takes both the writer and the reader for a story to rise. Apir.

    Like

  15. gnun b un pag s col center nagwowork taglish magslita?? hmmm…=)
    na curious 2loy aq kung npsakay aq dun, ano kya ipipintas i min mpapansin u skin hehhehhe..

    Like

  16. alam mo kung ikaw makakasabay ko sa mga jeep, at ganyan ka pala super observant.. naku, iisipin ko na lahat ng lalake ganyan.. hanu ba.. akala nyo kayo lang, kami din mas matindi kami mamintas.. haha.. 🙂

    Like

  17. mejo sumakit mata ko bago natapos basahin to…,
    …. pero oks ..hhehehe.., galing nang bawat galaw..,

    parang ganyan ako kalikot pag naghihintay….

    Like

  18. panalo talaga mga kwento mo yin! natawa na naman ako dito! hahaha. minsan kasi talagang nakakainis yung mga may butas ang tenga hanoh? o talagang sadyang bungol lang talaga sila. hahaha. 😀

    Like

  19. nice nice. haha. pwede mo naman atang isali ito ah. ganda kaya, parang nasa eksena ka mismo pag binabasa mo. hehe. mejo nakakapagod lang basahin kasi tuloy tuloy. pero maganda, promis! haha. 🙂

    Like

  20. @j.kulisap
    ok lang j.k, kaw ba? May halong ingles na yata sa kuta mo?

    @pinkdiaries
    sige sige, pero yung mantika napagprituhan na ng longganisa?

    @kayedee
    yung gurl na yun oo =p
    sabi ko naman hindi pintas yun, napansin ko lang sila kasi obvious sila.

    @walongbote
    adik lang ako ng umagang yun. =p

    @cAtHy
    hindi naman umaandar yung shuttle eh? Ö

    @leemi
    oi bagong tambay, welcome leemi! Salamat sa pagtitiyaga. At nagkomento ka pa! Natatakot na ko baka makasakayan kita hehe.

    @PrinsesaNgDrama
    woi kamusta pnd! ok lang sana kung di ko kasama si liv tyler eh, kakahiya tuloy sa kaniya, iniwan ako nabokya pa ko.

    @orville
    pati comment ko? Aba’y salamat sana may premyo hahaha. Sige balik lang tol, may pagkain sa ref kuha lang.

    @prinsesamusang
    sa lakas ba nung tugtog? Oo, sa clark, san company niya?

    @gerald
    yoko nga, pumunta ka lang dito para pa-change ng link ano ka hilo? Hahaha, oo nga dumatkom ka na, sige tol pag di na ko mobile ano.

    @narsmanang
    hindi ka naman seryoso tumatawa ka ‘te eh.

    Like

  21. hahaha! potaeness na yan akala ko nominee ka hahaha! pero pwede! hehehe…

    ramdam ko kung gaano kataga kang naghintay sa shuttle bus dahil halos napintasan este napansin mo na lahat ng sumakay… parang alam ko na kung san ka nagwowork ehehehe… call center…nadadaanan ko yan kapag papunta ako sa Liberty Interiors 😀

    Like

  22. @p0kw4ng
    hahaha, kulet mu talaga. hmp.

    @taympers
    wala namang taympersan yun ha? hekhek. salamat.

    @dhyoy
    hot air balloon fez na ulet joyo!

    @ax
    bolatis ka ax. hekhek. tag mo na ko sa beys-beysan!

    @eloiski
    nakasampay pa sa harap imbes sa likod kamo! send ka pic sa kin, sa kin lang, baka hindi kita kilala eh. hahaha.

    @orville
    hugasan mo lang kung anumang gagamitin mo tol ha.

    @lhen
    sige bili ka na ng coke!
    galingan mo sa tag-gan ha?=p

    Like

  23. eh hindi mo naman po talaga ako kilala eh… hahaha! ayaw ko nga! kakahiya! baka mamaya madiscover ako.. wala na… makakalimutan ko na ang blogging. di na ako makakabloghop. di na ako makakacomment… busy na ang buhay ko.. sa tibi niyo na lang ako makikita… ayun lang naman! hahahahahaha!

    Like

  24. Are you still single? Looking for the right place to mingle? Look no more! Because I have seen the best link for you! Just click here for more details.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s