FAST FARTS

ANG SUSUNOD MONG MABABASA AY WALA SA IBANG BLOG.

hindi ito.

ito.

oo yung susunod. totoo na to. pramis.

“releasing a fart be it deadly or not, if done wrong can make or break a situation.”

sigurado naekspiryens mo nang abutan ng nagbabadyang kriminal na utot sa mga lugar o pagkakataon na ayaw mong abutan ng nagbabadyang kriminal na utot. sigurado. kasi kung hindi sigurado eh siguro sana ang salitang ginamit ko. at malamang sa hindi ay pinangarap mo na lang na sana mag-out-of-body experience ka sa mga minutong yun. kung puwede lang. sige, sobrang over exaggerated. pero sa mga ganung pagkakatahong pagkakataon di ba ayaw mong may makarinig o makaamoy o makahalata at may makaalam na ikaw ang magulang ng talipandas na hangin? at gagawin mo ang lahat kahit si nostradamus pa ang kaharap mo para mag-deny to death mailipat lang ang bintang.

sigurado akala mo random lang ang poste’ng to. hinde. oras ko sa tong-its at alak ang ginugol ko dito. gaya nga ng sabi ko sa lahat ng bagay ay may mapupulot kang maganda. ano naman sa utot kamo, ewan ko din. sino ba nagsabing pulutin mo utot mo. pero masasabi mong close ang pagkakaibiganan o samahanan ninyo ng tropa o kahit ninyong magsyota kapag hindi kayo nagkakahiyaan na magparinigan paano magbeatbox ang a**holes ninyo. kaming magpipinsan nga ginagawa pa naming bonding activity yun eh. at may tatlong categories: best longest, best loudest, at what-the-fuck-did-you-eat fart. siyempre aside from the original bisyo namin na magpalayuan ng dura sa kalsada yun.

pero hindi sa lahat ng oras at milisegundo ay kasama mo ang mga taong kasundo mo. puta, ipapahalata mo ba sa taong hate mo at hindi mo friend sa facebook ang putananginang utot mo? siyempre oo gusto mamatay siya sa amoy pero ayaw mo pa ring mapagbintangan. kaya naisip kong i-share sa inyo ang isang bagay na sa tingin ko ay na-master ko na. at bago mo ko laiitin magbasa ka muna. at least ako hindi madamot, kaya ko nga shine-share eh. ano yun kamo? secrett. pilitin mo muna ko.. *tingala-sipol

ito ay ang      “the beautiful art and science of muffling a fart”

unang una mong kailangang malaman eh kung bakit tumutunog ang hangin. masikip ang daanan nitong butas at dadaan pa ito sa pisngi ng mga puwet mo kaya asahan mo na magva-vibrate ang mga yun. hindi mo naman masisisi ang Diyos kung bakit masikip yung butas, pucha pano kung tae na yun eh di laglag agad. may kaibigan akong gay ewan ko pero ganun siya. isa pa, kailangan pa nitong lumusot (yung hangin ang pinag-uusapan natin huwag lumihis) sa damit na suot mo. kung kailangan mo ng physical na paliwanag subukan mong hipan yung balat ng kendi habang ini-stretch mo. magaling. yung amoy wala kang control dun, pakialam ko ba eh masarap ang shawarma, at nakakadalawa ako, ang importante maitago mo yung tunog.

unang posisyon, madali lang: nakatayo, o naglalakad. pwede kang magkunwaring nagteteks at magpahuli ng konte sa paglalakad. o kaya huminto at abutin ang sapatos mo at umastang magsisintas. maginhawa pa. ngayon kung syota mo ang kasama mo, huwag mong gagawin yung teks, siyempre iisipin niya may iba ka. at kung mahal ka ng syota mo huwag mo rin gagawin yung sapatos, kasi malamang hihinto siya para magsabay pa rin kayo. ano gagawin mo? i-break mo siya sa oras na yun. kung hindi mo kaya eh sabihin mo nag-aaral kang mag-turntablism at sabayan mo ng pag-beatbox ang pag-utot mo, bilisan na lang ang lakad para hindi umabot sa ilong niya yung amoy. ngayon kung nakatayo naman kayo ng kahit mga sino o sabihin natin boss mo, at nasa opisina kayo o elevator, tawagin mo lahat ng santo habang pa-inhale ng bahagya (oo bahagya lang kasi baka masobrahan eh kumawala at mag-iskandalo), tigasan ang diaphragm, at umexhale ng dahan-dahan. sasabay yung utot at makikisama. bago pa man niya maamoy yung utot eh kausapin mo na sino man kasama mo sa mga oras na yun para hindi ka pagdiskitahan. pag tingin mo eh kakanta na yung amoy, kunutin ng konte ang noo o kilay habang nakikipag-usap ka para kunwari naamoy mo din at nagtataka pa. at puwede mo gamitin na finishing ang mgalinya’ng to: “boss naamoy mo yun? san kaya yun?”, “boss pwede bumale?” “tangina tol may patay na pusa yata dito?” or kung madami kayo eh: “ambastos naman ng pukinanginang umutot na yan!”. patawarin mo na lang ang sarili mo dahil alam mo ikaw yun.

pangalawa eh habang nakaupo. pinaka-delikado ang posisyon na to, hapit ang mga suot mong damit, sandwiched ang mga buns mo, at kung nasa jeep kapa nakaupo eh sigurado vinyl pa ang covering ng upuan. tatalbog ang tunog at amoy noon at hindi maku-cushion. kapag mga simpleng upo na nakatambay lang naman kayo eh mag-cross legs ka lang okay na, o kaya may sinisipat ka sa malayo na kailangan mo medyo humilig patagilid ng konte. tas  sundan mo na lang ng finishing lines. kung sa jeep naman, kunwari dudukot ka ng bayad. kaya mula ngayon eh huwag ka kaagad magbabayad pagsakay mo hanggat hindi ka nauutot. at kailangan may pera pareho yung bulsa mo. kung sa tingin mo arrogant talaga yung utot at hindi makukuha sa konting taas ng kaliwang puwet lang eh kailangan may panyo o wallet ka sa back pocket. pramis. sa simbahan kapag inabutan naman ako ng ganitong dilemma eh lumalabas ako. ayokong magkasala ang mga katabi ko sa crib ni papa jeesas kapag nagmura sila.

pangatlo. anong posisyon pa ba ang hindi natin natutukoy? nakahiga, oo. halimbawa, yung tipo bang patulog na kayo at hindi ka makatulog kasi nga adik ka. anu-anong kape ang iniinom mo kasi. at binreak ka pa ng bf mo. tas magwawala pa tiyan mo bigla ka makakaramdam ng utot. kelan gustong gusto mo sumigaw sasabay pa ang leche’ng puwet mo na gusto din mag-shout out. eh nasa hotel pa naman kayo ng mga workmates mo, kasi may trabaho sa field kaya out of town kayo. ano gagawin mo? eh nagkukuwento si boss na katabi mo? o yung hot chick na katrabaho mo? pakamatay ka na. pero kung lalabas ka rin lang naman ng kuwarto at bababa ng hagdan para lang kumuha ng kutsilyo panaksak eh umutot ka na lang sa hallway. di ba?

pag final judgment at kaharap mo si st. peter o kung sinuman ka-relyebo niya sa gates of heaven at nauutot ka na, ano gagawin mo?

Advertisements

42 comments on “FAST FARTS

  1. utot naman? hahaha. natatawa ako sa lalim ng tangalog este tagalog mo. Grabe!

    pero I agree, cguro masasabi mo lng na komportable ka sa isang tao kapag nagpaparinigan kayo ng beatbox ng assholes nyo. wahahaha! 😄

    Onga pla, salamat naman at winelcome moko sa buladasphere. At least meron akong masayang online friend ngayon! WEEE! 😄

    Like

  2. ayt! malalaim na ba yun? hindi ko man alamna marunong ako ngpormal na tagalog eh, tinotopak lang ako. pero matino na tong nabasa mo. dagdag kita sa blogroll ko ano. salamat sa pagdaan! oo prens na teyu! hekhek.

    Like

  3. Bow talaga ako sa’yo Idol! Yin Yang the Fart Master.

    Lately, i’ve been experiencing too much utotan. Ahaha! At work, in bed, while walking and even when i’m sleeping… Nakatalukbong pa naman ako. Aw, iba na pala yun… Shit. Ano ba?!

    Like

  4. Ako may kakilala ako napapa-lets go niya utot niya habang nagdiya-jogging. Yung dulo ng lets go, ang haba. tooooooooooooooooooooooooooooooot. Talent ba yun? 😆

    Like

  5. May sasaklap ba sa utot na ikinulong at walang karapatang lumaya? Utot na nga ginagawa pang alipin ng lipunan?

    O sige..sige..nasa MRT kayo, patingin tingin sa mga chicka babes at sa mga cuteness na boylet…biglang may nagpasabog ng maitim na budhi ng adik na tikbalang…matutunang mong magmura kahit hindi mo sinasadya.

    Heto pa, paano na lang kapag nakikipagniig ka tapos biglang umkesena ang Utot..ayawan na o papatayin mo katalik mo?

    Kung nabebenta ang utot, magkano kaya?

    Like

  6. pag final judgment at kaharap mo si st. peter o kung sinuman ka-relyebo niya sa gates of heaven at nauutot ka na, ano gagawin mo?

    …magpaka totoo ka, ilabas mo na mejo lumayo ka lang ng konti at ilabas mo ng pagkalakas lakas hahaha. atleast malau ka ng konti 😛

    Like

  7. hahahahaha! ayos! at may lesson pa palang talaga!
    isa kang dakilang fart master! naks!
    parang ang galing galing mo tuloy magpalusot, feeling ko.
    hahahah!

    ang adik mo!

    Like

  8. hmm..palagay ko naman dahil natural na sa ating mga tao yan eh siguradong may sari-sarili na tayong secret contingency plan ‘pag umatake ang utot na yan (madeads na’ng magdedeny!) hehe..pero teknyu pa din sa pagse-share ng iyong kaalaman.. :]

    Like

  9. Haha. Natawa naman ako dun Ate Yin. 😀 Haha. Ngayon na nga lang ako napadpad ulit sa blog mo, maabutan ko pa ay UTOT. xD Haha. Nays nays. Palakpakan! At pasensiya ka na nga pla at hindi ako masyadong nakakadalaw sa iyong E-bahay. Nagrelocate din pala ako ng e-bahay. gudangmo.wordpress.com na po ang aking bagong tahanan. Wala lang, nagsasabi lang 😀 Hehe. 🙂 Ayun. 🙂

    Like

  10. @Mr. Nonsense
    ahahaha.. mahanap nga lokong yan at makabuo ng banda! ako din boss jess sana magawa ko yun na hindi kumain ng karne ngayong holy week.

    Like

  11. @taribong
    your exhausted pare!

    @taga-bundok
    oo nga tol, pero magsabi ka pa rin pag nakauwi ka na, mag-stripper tayo sa fields avenue hahaha.

    @pinkdiaries
    di na, basahin mo na lang yung blakbook ni B.O. =p

    @kaspangarigan
    blessing yun uncle.

    @kayedee
    opo. =p

    @J.Kulisap
    malamang kada kilo yun boss J.K. nasa tangke.

    @lakwatseraako
    owss, di ngaahh..

    @livingstain
    walang anuman tol. salamat din.

    @onealberto
    minsan maiiwasan din, pero sikretong malupit yun.

    @etchosera
    kaso di ba puro ulap dun sabi ni ax, baka biglang may mabuong low pressure area dun eh bumagyo magalit si san pedro.

    @pseudonym
    ano yun tol? laka pa e-mail eh.

    @aninipot
    di ko lam sasagot ko ani..

    @eloiski
    sa baguio ba hindi kinakabagan??

    @ax
    malamang sasagot yun: sure, yungkulay red, green, at yellow ha?

    @pinkdiaries
    eto gising na ohh..

    @carizza
    hahaha. ang kulit din.

    @gerald
    kawus din!

    @missbroken
    ay masama yun. indolence.

    @lemon writer
    ha ayos.

    @superlolongpinoy
    hindi ako sure ‘lo, baka kasi walang kamote dun eh.

    @oddblood
    salamat pare. welcome sa crib.

    @ewongx
    that is.. crazy!

    @KUYA GUDANG
    oh ayan gantihan na. hahaha. sige palitan ko link mo dito. salamat guds!

    @taga-bundok
    hmm. hmmmm. hmmmmm. hahaha. walanghiya ka wag mo ko pag-isipan ng masama.

    Like

  12. putsa! kwentong hangin! lols! mas ok pag kumain ka ng longanisa! hihi! pero bakit nga ba ang uto pag tahimik mabaho? pag may tunog naman parang walang amoy!? haha

    Like

  13. iwas lang sa cheese, beans, cabbage and the likes… gassy food kasi yun… kung hindi talaga maiwasan, umutot ka sa open air… hindi naman bawal mag-excuse eh. sino ba naman ang taong hindi umuutot?hehe

    Like

  14. taragis na yan, nsaan ang bolpen ko! magtetake down notes akow… 😆 hahahaha! kapag nauutot ka e di umutat ka sos yan kapag may nagreklamo sabihin mo baket mabango ba utot mo? 😆 shet nauutot este natatawa ko!

    Like

  15. Wahahaha! Dang kulet ng utot mo Yin! I mean ng post na ‘to. hehe.

    Ok lang yun, lahat naman dumadaan sa ganyang stage! Ewan ko lang kung sa langit eh mapapautot pa ko. hehehe. 😉

    Like

  16. bwahahahaha natatawa ako wahahaha ang kulet mo yin..

    nauutot tuloy ako wahahaha

    soska dami ko natutunan.. yun pinsan ko nga sa sobrang komportableng saken pag magkatabi kaming nanunuod ng tv umuutot sa tabi ko ampupuh di mo alam kung anong kinain mapapamura ka talaga sabay magkatabi na nga kaya ayaw pa aminin 😆

    Like

  17. “pag final judgment at kaharap mo si st. peter o kung sinuman ka-relyebo niya sa gates of heaven at nauutot ka na, ano gagawin mo?”

    >>> Magpakatotoo ka, umutot ka. Baka yan ang magpapasok sa iyo sa heaven ang pagiging totoo mong tao.

    Like

  18. @carizza
    huwaaah.. Ngayon ko lang pala masasagot to..

    @missbroken
    isa pa ‘to.. Hehe..

    @bons
    kasi mas madami ang solid particles, mas matunog ang hangin, hahaha.

    @joyo
    oo mabango utot ko. Hahaha.

    @PND
    malamang kasi puro nga usok dun!

    @ate adelle
    mahuhuli mo yun ‘te, kuha kang plastic.

    @salbehe
    ako ang gagawin ko tatanungin ko kung kailan ang sangkap pampalutong ng chickenjoy.

    Like

  19. hahahah . ang kulet! habang binabasa ko to , nakatakip lang ng kamay bibig ko . laftrip . haha naranasan ko na yan . pero ayokong ikwento . nakakahiya hahaha

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s