angel locsin gave me a lap dance, yeah.

bandang alas-five-fortyfive ng madaling araw nung nakaraang past monday. off ko. hindi ko tiningnan ang oras pero alam kong ganun ang oras dahil may potpot na ng pandesal at nagwawalis na si aling barag sa tapat ng gate niya. precise yun. atomic time. at yun ang sabi ng relo. may gap kami ng kumot ko, paggising ko hindi siya nakayakap sa akin. log out na ang hanging disyembre pero malamig pa din. naiwan ko pang bukas ang pinto at dahil walang curtain ang aking walang kooperasyon na bintana eh magdamag akong binosohan ng buwan, buti na lang may suot naman ako natulog. ano siya sinusuwerte. tayo si potoystoys. pucha. what do i do. oh eff. lalaki ako, ano iisipin ko sa mga ganung pagkakataon. bahala na.

kinapa ko sulok ng mga mata ko kung may muta, wala. bumangon ako at sinigurado kung si aling barag nga yung nagwawalis, umaasa na baka si maja salvador lang pero hindi, si aling barag talaga. leche. sinara ko pinto para hindi na mang-asar at mang-buyo pa ang lokong lamig. pero gustong gusto ko talaga. gustong gusto. sige na nga. napilit din akong pilitin ang sarili ko na puntahan siya. ano ba maganda at masarap gawin sa umaga ganung oras at kalamig? hinarap ko ang pinto sa tabi ng hagdan, hinawakan ang malamig na door knob at pinihit ng dahan-dahan para hindi magising ang tulog na kaluluwa ng mga nasa kabilang kuwarto. mahirap na. nakayapak lang ako kaya dama ko ang lamig ng tiles. pababa ako habang finifinger ko ilong ko, satisfying talaga kiliti ng ganitong bisyo. isa na rin itong dahilan bakit sa buong paniniwala ko eh matalino ako kasi ang mga nerve endings daw sa ilong ay directly connected sa mga neurons ng tao. kumbaga friends sila sa facebook. kaya nasi-stimulate palagi mga neurons ko. wativir.

naalala ko yung two-step dance ni lolo sa pilipinas got talent, pamatay. pagbaba ko ng hagdan nakita ko siya nakatayo sa may mesa. walang imik. nilapitan ko siya pero hindi siya kumibo. hinawakan ko bewang niya. mainit. putanginaah. pag sinusuwerte ka nga naman. hinagod ko baka mawala ang init, aba dangdafucklollipop mainit pa rin, talande noh? ayos. iniupo ko siya sa mesa.

oh nagtataka ka bakit ko nilipat yung paragraph, gusto ko eh. gusto mo lipat ko ulet eh, huwag mo ko i-dare how dare you.

ayan, hmp. so iniupo ko nga siya sa mesa, give in lang siya. ang swerte kong lalake nung umagang yun. hinawakan ko tenga niya, pinisil, habang nasa bewang pa rin niya ang isang kamay ko. nang mga oras na yun maski A-B-C pa-recite mo sa kin hindi ko kaya, tangina. nakalimutan ko bang sabihin na patay ang ilaw at ang meron lang eh yung sinasaksak sa outlet na maliit na ilaw? sige heto, patay ang ilaw, ang tanging ilaw lang ay nanggagaling sa yung sinasaksak sa outlet. inikot ko siya, binuksan ang labi, at binuhos ang init. shet.  doon na naghalo lahat ng tamis, pait at sarap. naglapat ang mga labi namin. syempre pikit ako syempre. syempre. kadiri kaya pag nakadilat mga mata mo ano. nakakatakot yun. sino na nakabasa ng kapitan sino ni bob ong? wala lang, naghihintay ka naman ng sagot.

antagal kong nakapikit. halos humiwalay kaluluwa ko sa sarap at init.

kung puwede lang sumigaw ng i’m the king of the world nun eh hindi ko pa rin ginawa, magigising mga kasama ko sa bahay, basag trip ko nun.

parang pinagsanib na puwersa ng jabbawockeez at philippine all-stars ang dugo ko na gising na gising na at napakalanding dumaloy sa buong katawan ko. taragis. thank you Lord. thank you discovery channel. fuck you bill gates. tirik na mata ko.

buti na lang may mainit na tubig sa thermos. ansarap magkape, puta. namimiss ko pa rin ex ko hanggang ngayon.

adik na naman yung title noh?

Advertisements

41 comments on “angel locsin gave me a lap dance, yeah.

  1. sabi ko na kape rin yun eh.. ganyan din pakiramdam ko tuwing nagigising ako pag madaling araw.. (minus the soldier “reporting for duty Sir”, with matching salute!!).. anong pakiramdam yun? laging nanghuhubad ang kumot at nambubuso ang buwan..haylamig!!

    Like

  2. hahaha… habang nagbabasa, iisipin mo na kape yun pero maiisip mo na pwede ding bastos dahil sa title. lakas talaga ng impact ng title. hehe.

    pengeng kape! haha. 😀

    Like

  3. putcha! slow b aq at cla n-getz nla agd ang wento u, smantalang aq pniwlang pniwala! hahah.. idmay mo p c angel! hehe..

    pakape n nga lng! 🙂

    Like

  4. Masarap nga ang hinanda mong kape sa amin. Sa susunod na balik ko dito medyo bawasan mo yung asukal at mataas ang sugar level ko. 😆

    Like

  5. anak ng gagambang bahay.

    Yin..sino si Barag, pwede pa ba sa akin yan?

    Oo chikababes mo na ‘yan.

    Lupeet mo.

    Like

  6. Adik nga sa title!

    At nabasa ko na ang Kapitan Sino. Hindi ko nga lang nagustuhan yung ending. Anyways, hindi ako masyado sa kape. Chocolate drink ako! Ovaltine!

    Like

  7. haha, sabi ko na nga ba kape lang sa dulo… haha,

    hmmm, nabasa ko na ang kapitan sino, at sa tingin ko kung i-rarank ko lahat ng books ni bob ong, sya ang pinakahuli asyd sa yon tlaga ang pinakahuling labas na libro..hehe, ewan! nakulangan ako o baka dahil alam ko na agad ang ending kahit nasa kalahati pa lang ako…

    Like

  8. @mr. sleepyhead
    madaya ka, dalawa site mo isa lang sa ‘kin. pag-isipan ko. Hahaha. Sure.

    @leemi
    weh, di nga.

    @taribong
    bakit ang pandesal sinasawsaw sa kape? Di ba pwedeng ipalaman na lang yung kape?

    @narsmanang
    hala saan nanggaling yung bastos.. Hala ka..

    @kayedee
    buti ka pa nga eh, anki-k.j nila.

    @cAthy
    kaulayaw. Hahaha.

    @carizza
    hahaha, ang weird ng comment na to.

    @rllqph
    matulog ka na huy, mata mo oh.

    @jowyow
    palitan ko na ba name mo sa links?
    Galing sa beans na idinumi ng isang diwata. Panis sayaw ni mommy D!

    @kaspangarigan
    may equal tayo uncle.

    @J.Kulisap
    si aling barag si aling barag. E-mail ko sa yo number niya. Datkom ka na pala. Palitan ko kawing pag di ako mobile.

    @anj
    may ilaw naman.

    @aksoriyalmo
    masyado ka sa ovaltine!

    @oddblood
    tama ka. pag may yelo’ng kape nilalagok ko naman.

    @beeftapa
    ambastos mo mag-isip at magkomento taps!

    @jexy
    tol naisip mo na bang pwede mo palang pagkaperahan ang kulangot kung ganon nga? Tambay ka sa edsa, mass production. Hehe.

    @mr. Nonsense
    brown kulay ng kape ko kuya jess.

    @aninipot
    pwede ka na manghula ani! pero may bago ulet si bob ong.

    @walongbote
    hindi ah. kaw ha. Wet throat tawag dun.

    Like

  9. langyaoh. akala ko nameet mo nga si angel locsin. nakakaewan ang title. nakakaewan! hakhak!

    pero alam ko naman na hindi tao ang tinutukoy mo. alam ko na kape lang yan! hakhak! akala mo ha?

    ui alam ko na may bagong book si bob ong,,, ang chenes eklavuu ng trailer… anu yun satanista words?

    Like

  10. @teentoinks
    kape talaga Tin!

    @ani
    ano site niya?

    @taribong
    sawsaw ko na lang yung pandesal sa condensed milk, makalat kapag ipinalaman.

    @jowyow
    sige sige.

    @eloiski
    hindi ako makapagkomento sa site mo kapag mobile ako =c

    Like

  11. yan, dahil nkabasa ako ng kape, gusto ko na uli mgkape. teka order munaq d2 net cafe. …


    after 3min, dumating din kape

    *slurp, slurp,slurp*
    ahaaaa, *kunot noo* bat ganun? lasang 3-in-1? mahal pa naman. kala ko lasang latte. ge, ok na rin.
    1tym, kape bonding tayo yin ha. 😉

    Like

  12. @duking
    hindi ko na pala nasagot ‘to ano? Masaya ako na ganun.

    @eybi
    sige. Text na lang kita kahit di mo na mabasa ‘to.

    @jongskie721
    hanungadawkasi?

    Like

  13. Oo nga eh, nung may nakita akong nag-iisang kopya sa National hindi ko binili, ngayon wala na. Alam ko may bago na siya eh. Naiintindihan kita bakit hindi mo siya mimis. Tara kape?

    Like

  14. naku bat di mo binili? tingin ko meron pa sa NBS cagayan de oro 🙂

    tsaka di ko pa nabibili yung pang walong libro ni bob ong 🙂

    tara kape tayo, yung black…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s