Kris Aquino sinampal si Ruffa Gutierrez. Showbiz na din ako.

Kanina nanunuod ako ng PBA nang biglang nilipat ng kasama ko ang channel, the buzz, at ayon nga, sabi ng baklang matanda na si kuya Boy Abunda eh nagkita daw si Kris Aquino at Ruffa Gutierrez sa MOA sa opening ng isang store at ang hindi alam ng bawat isa eh dadalo pala yung isa. One papaya plus one iyakin equals one crying papaya. Nang magkita daw ang dalawa eh nagbatian naman, hindi ko alam kung paano pwedeng magbatian ang parehong babae pero sige pagbigyan na natin. Kasing-adik ko pala yung may-ari ng store kasi naghahanap talaga ng gulo. Bakit kaya hindi na lang si bro. Ely Soriano at anak ni Mang Manalo ang kinuha niya. Mas masaya yun. At dahil adik nga ako eh siyempre imbento ang unang talatang ito. Sapat ang tulog ko sa linggong ito kaya nagbabalik ang creative juices ko. Kaya naman hindi creative ang poste’ng ito.

Lipat talata. Hitit ng yosi. Tingala sa langit. Buga. Mamaya na yung utot.

I hate you Jamby Madrigal. Inaway mo si Judy Ann Santos eh.

50% hindi ko iboboto si Manny Villar. Pero hindi pa ibig sabihin na 50% iboboto ko siya. Tsaka putaena bakit ba para kang laging may nginunguyang kendi? Tsaka para kang sobra sa botox, sir. Sabi mo kung gusto mo yumaman eh sana bumalik ka na lang sa pagnenegosyo. Lul, pinakamalaking negosyo nga ang pulitika eh. Kung yung milyon-bilyon na gastos mo sa political ads mo eh binigay mo na lang sa amin baka maging favorite color ko pa ang orange. Tsaka bakit mo ko tinatanong kung nasubukan ko na bang maligo sa dagat ng basura, nang-iinggit ka ba? Alam naman natin na kinukuha mo lang simpatiya ng mga nasa class D at E eh. Sana di ka manalo dahil kay willie revillame. At sana kapag nanalo ka naman eh tigilan yung pagiging trapo. Ganun din po tingin ko kasi sa iyo. Mahalagang pinapahalagahan ang mga mahahalagang tradisyon. Pero hindi ang mga tradisyonal na pulitiko. Sana ang manalong pangulo eh willing pa rin gumastos ng daang milyon kapag nakaupo na. Di ba? Di ba? Di ba?

Kasi sana ang eleksyon gawin na lang nating laro, contest, gawin nating “agawan blade” tingnan natin sino mapursige. Oh ano.

Isa pa si Bro. Eddie Villanueva. Gusto ko po ang hangarin ninyo. Pero hindi bagay ang pulitika at relihiyon. Parang spaghetti na sinahugan ng kikiam at fishball. Baka pag may angal pa ako sa congressman namin eh pagsumbungin mo ko kay papa jesus, pero idol kita sa persistence. Pramis.

Shet madilim na pala, trenta lang load ko baka ubos na hindi ko maiposte to. Ngayon na lang ulet ako nagposte ng freestyle, nagtatae kasi yung bolpen ko.

Yung tungkol sa facebook ni Vice Ganda hindi totoo yun, ako gumawa nung 500,000 na fans niya. At itong sinabi ko na ito ngayon lang hindi rin totoo ito.

Gagawan ko sana ng isang buong poste si Jejomar Binay pero huwag na, sayang. Napayaman mo po ang Makati kasi mayaman na talaga ito, sabi nga ng isang nabasa ko: “how can you possibly suck as a mayor in Makati with all those bucks coming in from those companies?” oo nga naman. (hindi sakto yung mga words, pero ganun). Tsaka pucha baka dumating pa ang panahon na patuli ko ang anak ko eh palagyan mo pa ng tattoo sa pototoy niya ng “ganito kami sa Pilipinas”, anak ng.

Paborito kong kinakain ngayon pandesal tsaka itlog tas may cheez wiz at ketchup. Tas coke sakto. Ano koneksyon kamo? DSL.

Hanu?

Advertisements

48 comments on “Kris Aquino sinampal si Ruffa Gutierrez. Showbiz na din ako.

  1. akala ko totoo yung san unang talata. jukjuk lang pala. amp
    kala ko chismax na.

    malay ko dyan sa villar na yan. hindi ko talaga madig.

    itry ko kaya magluto ng ispageti na may kikiam at fishball at tenga ng daga. hakhak!

    wawawiwaw. masarap yan tol.

    hanu daw?

    Like

  2. @cathy
    di ko pa alam eh. baka si raul rocco.

    @carizza
    madam engineer. Hekhek.

    @eloiski
    anya kano? =)

    @taga-bundok
    anjong, may reply ako. LOL ka din. Hahaa.

    @beeftapa
    tapa at cheez wiz kaya tol?

    @j.kulisap
    gaya-gaya si ginoong kulisap ng komento.

    @etchosera
    oi mae etchosera ka na naman.

    Like

  3. bago pa lang ako eh.., wala pa ko ideya sa mga sinabi mo..wahaha.., review ko ung financial status ng makati.. at yung sa politikos?.., hmm., tagal mo nga nawala.., nakabalik na ko ngaun lang ulet kita nabasahan d2..wahahaha

    Like

  4. @leemi
    binasahan.. Parang ginawang basahan, hahaha. Welcome back!

    @eloiski
    bassit laeng manang, anya metten ngay, hahaha. Makatarus ak.

    @hoshi
    ng kahel gusto ko. ng kulay kahel na damit hinde. Sila magulo!

    Like

  5. adik ka… akala ko naman may kinalaman talaga kay kris at ruffa or anabel rama hahaha…

    at may porsyento-porsyento pa ang pagpili mo ha…
    napanood ko kagabi ang harapan ng mga tatakbong mga vice president, di ko alam kung fans dito si loren legarda pero natatawa ko sa mga sagot niya :)))) laftrip! πŸ˜†

    Like

  6. @neil
    aba napansin mo neil?

    @dhyoy
    di ko nga napanuod ng buo yun, sa news na lang, hindi niya ko fan, pero wala ako gana gisain si madam loren.. Pro-girlpower ako eh, good luck na lang sa kaniya.

    Ava, nefensin mow? Hahaha.

    Like

  7. “Bakit kaya hindi na lang si bro. Ely Soriano at anak ni Mang Manalo ang kinuha niya”.

    Hindi mangyayari yan Yin. Hindi naman lumalaban ng diskusyon yung isa. Takot yatang mabuking na walang alam sa Bibliya. πŸ˜†

    Mabuteng met nga rumwar diay maysa! Awan met ti ammo na kabsat….

    Like

  8. Yin, hindi halata na hindi mo talaga gusto si manny..
    hmm gusto ko pa naman sya.. ya tuloy gusto ko lumipat ng iboboto…
    si noynoy.. ayos buh yun.. siya nalang kaya…
    wahahaha

    buti nlang at nakabalik pa ako dito..
    na miss ko rin to…

    Like

  9. ay bassit lang aya manong. makatarus ka? makakaawat. data makatarus ket ammuk pangalatok sa… angabalin. makatarus ak met pangalatok.
    apir! nagadu ta ditoy nga ammu ang-ilokano?
    taga-ayan ka aya?

    Like

  10. @taga-bundok
    asan asan?!

    @nuno
    tol nakakagulat ka, ano nangyari sa iyo? pasensya nagulat kita nagkaganyan ka?

    @colourful
    salamat nikko.ΓΆ

    @frankie
    ako din akala ko totoo!

    @ani
    digest digest. impacho.

    @neil
    hindi nga?? Owss..

    @gerald
    gatas na lang!

    @carizza
    dun din pupunta yun!

    @kaspangarigan
    ay tang di ko naintindihan yung dulo!

    @missbroken
    hindi naman, pumipili pa lang, kailangan vigilant.
    Si raul rocco nga.

    @eloiski
    hala wala namang murahan eloi! si tapa, si manong kas, si anjong, si.. J.kul?

    Like

  11. P.A.N.A.L.O.
    woohoo! ganda. thumbs up! πŸ˜‰ croc tears + sinungaling = kris aquino! pareho sila ni noynoy aquino!
    sana di sya manalo..
    blog more friend. happy summer!

    Like

  12. buti nahanap ko ulit yung pritong pretsels. eto, nakabasa na naman ako ng post nyo at napangiti. ^^ babalik at babalik po ako! hehe. at wala pala akong masyadong ikokomento sa mga pulitiko.. feeling ko kasi lahat sila parepreho. kawawa naman pilipinas. ang sa akin nalang tuloy, ok na kahit mangurap pa sila ng mangurap, saksak na nila sa baga nila lahat ng pera.. pero kapalit nun dapat lumebel man lang ang pinas sa singapore. dba dba? at naintriga din ako dun sa color coding.. orange si villar, pink si ganito, green si ganyan. hahhaa.

    p.s
    naintriga talaga akong basahin ung sinampal ni kris aquino si ruffa. lol. showbiz na rin ako. ahhahha! pero ok lang kahit sabog sabog ung topic, enjoy naman basahin. parang kausap lang talaga kita.

    Like

  13. kung titignan ang mga rason ng mga boboto kay villar, sabi nila na sumubok tayong magkaroon ng presidenteng ekonomista, artista, sundalo (ba?), housewife at abugado pero palpak tayo… susubukan naman daw nila ang isang businessman… tumpak ka kay binay… imposible nga naman siyang pumalpak dahil sa naguumapaw na ang bulsa niya (allegedly) kaya naman marami pa rin siyang pera para pondohan ang mga proyekto ng siyudad…

    mahusay… mahusay… πŸ˜€

    Like

  14. Parang showbiz lang ang pulitika no? At ang showbiz ngayon, parang pulitika na rin.

    Like

  15. ako din yin, gsto ko din ng pandesal wd chiz…

    pero in fairnes naloka ako sa first part ha. at ayoko ng isyung pulitiko… pwede ba? spare me pleeeaaase… hehe

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s