untitled

Kahapon uminom kami ng dalawang opismeyt ko, red horse, kaninang umaga maganda ang pag-upload ko sa trono, walang kaeffort-effort. Napansin ko ganun madalas, kasi nga pala gawa sa fiber ang alak, ang beer sa whole grains gaya ng biko at kulangot, at ang brandy sa duhat. Mabuti pa ang mga bakla kahit hindi magkakain ng fiber eh hindi na kailangan umire. Koneksiyon? PLDT myDSL.

Nung isang araw habang kumakain ako may lumapit sa akin na babaeng estudyante.

Siya: Kuya may oras ka ba?

Ako: Oo, ikaw?

Siya: Hihi.. Kasi may mga ipapakita ako sa ‘yo..

Ako: Ay huwag dito, madaming tao, bastos ba iyan?

Siya: Hindi kuya, mga products po ng org namin, member po ako ng [insert her organization’s name here], kuya tuloy mo lang pagkain mo sorry ha, sandali lang ‘to, pwede?

Ako: ‘pag tumanggi ba ‘ko may parusa?

mukha naman siya mabaet at hindi akin yung upuan kaya wala ako nagawa  um-oo ako. Isa pa mabait din ako. Inaya ko siya kumain. Pagkatapos ng narration tuloy ang dialogue.

Siya: Kuya may mga accessories po akong dala, baka mamahalan ka @ p50.00 pero for a good cause naman..

Ako ulet (siyempre tapos na linya niya eh): Baka pangdra-drugs mo lang ha? o pangfe-facebook mo?

Siya: Hindi po, pang-support po sa education namin talaga, nagwo-work ka po? Ako 2nd year, alam mo course ko? Alam mo yung SpEd?

Ako: Yung pelikula tungkol sa bus na hindi pwede huminto kasi may bomba yun di ba?

Siya: Special Education po, magtuturo po ako ng mga special children..

To shorkat da long istori short, napilitan akong maghubad sa harap ng maraming tao nagdonate ako ng P50 at binigyan niya ko ng burloloy sa cellphone parang token of lust appreciation, gawa sa kahoy na beads-beads. And i didnt mind. Iniisip ko kasi sa mga ganung pagkakataon baka si papa jeesus yun nagkatawang tao nangwa-wow mali, o kaya isang diwatang magbibigay ng reward.

Balik tayo sa kahapon, habang nainom kami sa 711 may lumapit sa amin na matandang babae na nanghihingi ng pagkain, lasing na yata ko inabutan ko ng bente, gusto ko manghinayang kasi sampung sticks na ng marlboro yun pero pampaganda na rin ng records ko sa langit yun. Kulang pa nga mga ismol diids ko sa mga kapilyuhan ko. Kaya kahit pag may nakakasalubong akong seksi iniisip ko si papa jesus siya, ngingiti ako ng simple, tas susundan ng tingin tas sasabihin ng taimtim sa sarili, “papa jesus i love you, ang ganda pala ng puwet mo..” dati may kinuhanan ako ng cellphone number, nang tinext ko siya tinanong niya “hu u?” sabi ko ako ang hinahanap niyang pag-ibig. Doon ko nalaman na hindi siya si papa jesus kasi hindi niya nalaman in advance kung sino ako.

Yung estudyante tsaka yung matanda, ako, ikaw, dumadaan sa madaming shit ng buhay. Pati si Bill Gates. Pag-alis ng bagyo yung  etits mo ay matatag ang maiiwang nakatayo, pagkaraan ng milyun-milyong taon at tone-tonelada’ng dagan ng lupa yung humble uling nagiging bigtime pornstar diamond, ang ginto dumadaan  sa napakatinding init ng apoy. Dont crack under pressure, kapag bumigay ka sa mga shit happens mo panis ka.

Tinago ko yung burloloy na binigay nung estudyante. May beads na yari sa kahoy. Nagsimula sa pulp. Fiber. Gaya ng brandy na gawa sa duhat nga ba?

P.S.        Bakit hindi na lang ubas ang tagalog ng kulay violet kesa ube?

Advertisements

88 comments on “untitled

  1. may ganong feeling nga na parang pag may lumapit syo e, u will think na malamang padala ni papa god un syo para i test ka kung kaya mong i share yung bente mo o ung kahit ung time mo lang.. ilang good dids pa, makaka lapit kana sa gate ng palasyo..:)

    Like

  2. hehehe iba-iba rin kasi ang kulay ng ubas (green, red, violet, black), hindi consistent. buti yung ube, bayolet talaga (pero minsan may mga variety ang ube na puti sa gitna/loob, siguro hindi makasalanan yun….)

    Like

  3. Bilib na talaga ako sa’yo. Anggaling mo kabaleyan! me maipagmamalaki na rin ako, sariling atin. hahaha. (bukod sa puto) di ko lang alam kung saang bayan ka eh. hahaha.

    Alam kung tungkol dun sa bus na may bomba, si keanna reeves yung bida dun diba? at si tantra billups? hahaha . kinuha mo sana yung number nung SpED student na yun. hihihi..

    hirap bumase dito sa’yo. kung di ko pa nakita na me puna ka sa page ni manang nars, di ku malalaman na me bago kang post.

    Ingat lage Godbless.

    Pee Est – dagdagan ang good deeds sa buhay. hahah

    Like

  4. @cathy
    tinatakot mo naman ako niyan, ayoko pa ma-detail dun. Mischa cath!

    @taribong
    anemic yun, kuya kim ikaw ba yan??

    @jason
    tol jason mobile ako hindi ko ma-access sina strawberry at ponkan! Huwaaah!

    @narsmanang
    buti na lang pobre ako, baka nga budul-google gang yun..

    @chevybo
    pare taga-calasiao ka ano? Calasiao catholic nat’l. HS b ung ccnhs?

    Like

  5. hello Yin.. u’re back with good deeds..in a few hours ill go with hang over..=)

    halos laging kasama si papa J. sa post mo.. kahit minsan gagawa ka ng kalokohan iisipin mo muna sya.. parang sisi muna bago ung sin?.. ay di naman sin un.. naughty lang..=)

    lahat naman talaga dumadaan sa shitnez ng buhay.. yung desisyon mo ngaun baka iba na bukas.. at hindi lagi eh tanga tayo,. natututo rin!!.. tangenkss ka pag bumigay ka, minaliit mo ang kakayahan mong talunin ang trials ng life..

    Like

  6. Hmmm…dinadaan daanan ko lamang ito kahapon pa. Hindi ko binabasa talaga.

    Para naman medyo lumakas ako kay papa Jesus, binasa ko na…baka ikaw si Papa Jesus eh..natatakot na ako…napapaligiran na ako ng mga taong may mabubuting puso.

    Akala ko mahal na mahal mo si ERAP, bold na bold ang inangkin dito sa bahay mo.

    Like

  7. Hala sya din yung babaeng highschool o college na nangharang saken dun sa may intramuros sa may KKK. sabi nya.. kuya sandali lang..

    (kala ko hihingi ng… iniinom kong zagu) tapos ayun may parang ano nga. pinakitang borloloy. kamuka nung sa description mo. sinabi saken 50 pesos nga. nagkataong pupunta ko sa MOA para mag-gala. Pamasahe ko na kasi yun bak and port.. aw bak lang pala.. ayun. sabi ko, a may lakad pa ko. sorry.. wala din akong pera.

    ube. kasi pag ubas – with S na. Plural na. awts. haha!!

    Like

  8. @ani
    ani pasalubong ko?

    @boss j.kul
    sumasahod ka pala ng sitenta kyaw pakain ka na! Ambigat talaga nung site mo di ko maaccess pag mobile.

    @jason
    naisahan nga yata ko eh haha.

    Like

  9. npdaan!kc nkalabas c browny, late n ung paalala u e, nkalbas nko! ehehe..
    infairnesz nramdman q ang kbaitan u s wentong ung e2!
    kht na asusual nligaw n nmn aq! ahaha.

    hnd aq nagsara dhl msya aq!! ahaha..
    at tama wg u meng aalisin s link u kundi lagot k ky papa bro! ehehe.

    Like

  10. hehe… sa mga kagaguhan ng buhay kaya pa rin nating maging matino… at oo nga pala tungkol sa sinabi mong ung violet ay dapat na ubas na lang ang tagalog… di ko alam kung paano tatanggapin yun ng mga nagtitinda ng ube na tatawaging ube na kulay ubas..

    Like

  11. Wait lang, tawa ako ng tawa sa term mo. Nag ‘upload’ ka sa trono. Hahahaha.

    Abnoy ka Yin. Pwet talaga tinitingnan mo? Haha. Yari ka pag nameet mo si Betty Boop. Baka di ka makatiis. Lol.

    kelangan natin ng at least 20g ng fiber araw araw. Actually na oobsess na ko sa pagbibilang ng fiber intake ko every day. Hindi ko kase maabot ang 20g.

    Like

  12. Pukenengneng, baka may mga tao ng umaabang sa akin dahil sa 70k na yan…anak ng yawa…naman mga tsong.

    Pag nangyari yan, every week magpapakontes ako..pahabaaan ng ano..palakihan ng ano…

    mga tarantantadong balatong kayo..hahha

    Like

  13. taragis ka yin natatawa ko sa mga words of wisdom mo kuno hahaha pero kahit pabiro may laman ampotek tinatamaan ang kalamnan ko weh… ako di ko ineentertain yang mga for a cause biz na yan… minsan kase kahit singko wala ko dala kundi ang karampot na katinuang natitira sa sarili ko… masarap tumulong lalo na kapag nakita mo ang mga sinserong ngiti nila… kaso kapag butas ang bulsa sorry sila isnabera ko… 😆

    Like

  14. @orville
    o kaya kulay talong di ba? Sanayan lang naman yan eh. Ayan binigyan mo ko ng ideya. Kulay talong hahaha.

    @themizpah
    sige po, dagdag kita pag totoong computer ang hawak ko.

    @Sphere
    walang anuman! aba’t nambibintang ka ha? Tatlo lang kinain ko dun!

    @vaj
    buhay pa ba si miss betty boop? Di ba pinalitan na siya ni keroppi?? Madali lang yun, bili ka ng isang kilo ng anumang fiber tapos i-divide mo ng fifty, sakto 20g yun!

    @J.Kulisap
    hahaha. Aminin na kase!

    @joy-o-joy
    nataon lang talaga na may laman bulsa ko noon, ilang points kaya na-earn ko dun? Tagal ko na di nagle-level up eh! Aling kalamnan masaket?? Masahe na!

    Like

  15. @chevybo
    nadadaan ako calasiao pauwi non tol, isang siyudad lang pagitan natin! Nabasa ko binanggit mo yata sa komento mo sa isang blog, kay nhix yata?

    Like

  16. Yintot… congrats sa magandang pag upload sa trono. Isa siguro yan sa mga senyales sa nagawa mong gud dids, gawa ka pa gud dids para di mo na rin kailangan umire… koneksyon din? SmartBro!

    Like

  17. ahhh ayos ah, ang liit ng mundo eh noh? pag umuuwi ka galing sa workplace mo? hehehe. sana isang araw ay makadaupang palad din kita kabaleyan. naks! ingat godbless! 😉

    Like

  18. Hala!!! hehe wala lang napa-hala lang. adik lang..

    magandang umaga!!!

    shaks. natawa ko dun sa usapan nyong
    “huwag dito maraming tao, bastos ba yan” ahah!

    Like

  19. @len
    daan lang ate. Ate len. Hekhek.

    @teentoinks
    mas mabilis ba yun?

    @chevybo
    dati nung nag-aaral pa ko. Layo ng calasiao sa pampanga hah!

    @jason
    hala. Hahaha.

    Like

  20. ay napaka bait mu naman ayiii, well tungkol sa tanung mu about sa tagalog version ng violet ahem hindi ko masasagot yan, heje marahil siguro kumakain ng ube ang taong nagpangalan sa violet na ube dahil marahil magkasing kulay ito tionksz…………. lol walang koneksyon?????????????? padaan lang po!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    Like

  21. @ianyce
    hindi ako mabaet. Hinde. Ano ba kayo! Mga nang-iinis ba kayo ha? Pitikan na lang ng bayag eh!
    Tol welcome. Hindi ako galit ha. Huwag mabibigla.

    Like

  22. Si Taribong ang nagpauso ng 70k pero siya 100k ang alam ko sa kaniyang sweldo.

    Nakasabay ko siyang magbawas ng pera sa ATM niya, may sariling ATM na nakalaan kay Taribong, kanya lang.

    Like

  23. ayos ka talaga! may pandamang kalakohan yun ba yung tagalog ng sense of humor. medyo hindi ko lang malaman kung saa pa-boundary kung pa-green or pa-violet.

    di bale, puno naman ang fiber ang tienes na ito kaya go go go.
    ako rin nagbibigay kapag trip pero madalas ngayon hindi. lalo na roon sa mas malaki pa ang katawan sa akin. ginawa ng hanap-buhay ang panlilimos.

    Like

  24. wahahaha! may ganito ding nangyari sa akin eh. may lumapit namang lalake sa akin nung andun ako sa sm. akala ko kung ano na. ayun pala magbebenta ng bracelet. syempre wala akong pera. paano magbebenta pa sa akin? sa isang hamak na estudyante. nakuuu. eh kaso gusto ko sana bilhin kaso nga lang naipambili ko na ng zagu. ayun. sorry nemen.

    Like

  25. @themizpah
    secret. halungkatin mo sa mga poste ko para ma-promote ang mga ito hahaha. Pero baka bugbugin mo ko kaya sagutin ko na rin, kolsenter po sa Clark. Huwag mo ipagsasabi ha, tayo lang nakakaalam nun.

    @J.Kulisap
    alangyang tari yun oh, ano pangalan ng mga ATM machines niya at ma-distrongka at manakawan?

    @taribong
    pautang nga dude.

    @lhen
    okey lang po ate len, miss na kita. Yung pang-tuition ko hah.

    @hitokirihoshi
    tuwing sinasagot ko mga komento mo binabalikan ko nick mo baka mamali ako ng tipa. Pwede bang habaan mo pa? Hayaan mo na yung malaki ang katawan, baka pangji-gym nia, wawa naman.

    @eloiski
    baka talent scout yun, kunin kang artista, sana binigyan mo ng zagu. Di ba dapat yung mga talent scouts may suot ding neckerchief?

    @gerald
    musta na tol!

    @J.Kulisap ulit
    hahaha. (Nakalimutan ko tumawa sa unang sagot ko)

    Like

  26. natawa ako sa punchline sa SpEd. naalala ko kasi na ginawan namin ng movie report (un nga ba tawag don? whatever) un movie na Speed sa physics subject. dapat daw kasi physics related un movie. ay may gumamit kaya samin ng titanic non? yay haha weird.

    me batang nanghihingi sa ken ng coin kanina, di ko binigyan. bad ba ko? tsktsk.

    Like

  27. @themizpah
    oo nakikita ko ex mo magkasama kami kahapon, hahaa.. Joke lang po. Hindi po doon huwag ka mag-alala.

    @tsenn
    pwede rin kapag ginamit ang relasyon ng mass ng pototoy ni jack sa bilis ng paglubog ng barko hehe. Hindi ka bad tsenn. Pretty ka.

    Like

  28. una pa lng,
    “may oras kb? ikaw?”

    fota. ang kulet mo.

    tama sigihan mo ang gud dids mo ng matakpan kht konti ang bad dids mo.
    😆

    Like

  29. ang bait mo naman talagang binili mo yung key chain… ako kase never ako magpadala sa ganun… naniniwala kase ko na wag mo silang bigyan ng isda tulungan mo sila mangisda… sabagay malay mo nga test lang yun at si bro. talaga yun… dito mo lang makikita na you have a good heart talaga.. Stay that way 🙂

    Like

  30. @themizpah
    joke lang po. Hehe.

    @eloiski
    sensya na ha, hirap magcomment sa site mo, lalo pag mobile, ayaw magload ng page!

    @sows
    pwede ba kita gawan mg maganda?

    @ana_banana
    nakita ko lang kasi sarili ko sa kaniya.

    Like

  31. mahirap maipit sa mga sitwasyong gaya nun… marami kasi sa mga yan, scam… puro pakulo lang para mahuthutan ka ng pera… gaya ng adik sa kanto ng buendia at pasong tamo… or yung bata na nanghihingi ng pamasahe sa cubao… after 2 weeks, lalapitan ka pa rin nila para manghingi ng pera…

    ayos din ang pagkonek mo sa lahat ah… ayus…

    Like

  32. @themizpah
    hindi poh. secret na lang hehe. Luzon Visayas Mindanao Church?

    @J.Kulisap
    malambot, may fiber. hibla ng duhat.

    @lee mi
    akala ko kasi hindi ka na babalik diyan eh. nag-hibernate lang ako nakauwi at nakabalik ka na pala.

    @runmdrun
    tinanong ko naman siya eh, tinanong ko: “scam ba to?” sabi naman niya hinde, hindi ko lang alam kung nagsabi siya ng totoo, sana tinanongko din.
    DSL. hehe.

    Like

  33. binasa ko din. hehehe. madali ka pa lang maloko. pag nabangga kita bebentahan kita ng wheat grass, pero redhorse flavor. san ka pa sa murang halaga na isang daan, para may fiber ang pupu mo.

    Like

  34. @jason
    size ng red horse yun pareng jason.

    @len
    may project pa naman ako ate!

    @mr.nonsense
    nagbalik ka papa jess!

    @machongbutiki
    ayoko nga lolokohin mo lang ako.

    @lee mi
    oo nga sana next year na!

    @runmdrun
    no province md!

    Like

  35. Sa may taft pag naglalakad ako pa-school, maraming ganun, I mean referring dun sa mga lalapit sayo. Tapos minsan papakitaan ka pa ng resibo nila ng gamot, kasi nga malapit kami sa PGH, na kelangan nilang bilhin. Minsan para sa pamasahe. Pag nababa at naakyat ako ng LRT, madami pa din ganun. Minsan gusto kong magbigay, minsa naman nagbibigay naman talaga ako. Pero may mga times na napapaisip ako kung totoo ba sila o mga taong nagpapanggap lang. Sa panahon kasi ngayon, uso na yung sindikato or baka sa Santino ko lang napapanuod yun. Pero anyway, congrats sa iyong good deeds.

    Like

  36. Kahapon uminom kami ng dalawang opismeyt ko, red horse, kaninang umaga maganda ang pag-upload ko sa trono, walang kaeffort-effort. Napansin ko ganun madalas, kasi nga pala gawa sa fiber ang alak, ang beer sa whole grains gaya ng biko at kulangot, at ang brandy sa duhat. Mabuti pa ang mga bakla kahit hindi magkakain ng fiber eh hindi na kailangan umire. Koneksiyon? PLDT myDSL.

    …ang haba ng comment ko, eh kinapy paste ko lang naman..ahahahaha.

    Idemanda mo ako..idemanda mo ako

    Like

  37. Hindi ko makita ang comment ko! Nalunod na sya! Tatawagin ko si Aquaman para batuhin ka ng kanyang watter cannon bubbles super mega boom!

    Ha?

    Goodafternoon Yin! Yo yo yo yipiyow!

    Like

  38. wow! ang kool ng post na ito.. 😀 hahaha!! ibang level pala ang pagka mabait mo.. yin.. hehehe…

    ako hindi ako nanlilimos sa kalye…

    kase.. ano.. kase.. para may trabaho yung dswd (tama bang dept?) hehehe…

    mama ko nagtatarbaho sa caritas.. tas may tinulungan silang mag ina sa kalye,

    dinamitan nila tas pinakain.. tas binigyan pa nila ng mga second hand na mga damit para magmukha silang maayos..

    kaso: nung sumunod na araw, dugyot ulit silang magnanay…

    nung tinanog nila kung asan na yung mga damit: “pinamigay ko na.”

    kung bakit? ang sagot niya: “kase, walang manlilimos sa amin, kung maayos yung damit naming magnanay.”

    hmn.. tingin ko lang merong mali.

    Like

  39. Alangya, nakakatawa yung mga posts mo. Napaka-random din.

    Naku, kung ganyan ka talaga o kung sinuman kausap sa totoong buhay, baka mairita lang ako. Dahil panay ang hirit mo ng biro, haha.

    Naku, baka si Jesus yung babae na hindi mo pinansin at in-ignore o ini-snob mo lang para sa babaeng maganda ang physique at itsura. Patay ka :P, la ka ng pag-asa.

    Like

  40. @J.Kulisap
    hahaha.. Pucha kulang eh inaasahan ko buong poste yung kinapipeyts mo, hindi mo binasa lahat! Hinde!

    @vaj
    panlalaban ko si agua-bendita-man!

    @???
    Masaya siya sa career niya!

    @raspberryreich
    hindi aman kasi pinansin ko rin siya, maraming salamat sa pagdaan!

    Like

  41. @???
    Kay J.Kul yung sagot ko hahaha, kase nagkapipeyst siya ng ilang linya eh hehe. Sige poste lang, yvar? Ang hirap mo pangalanan sa maskarang ‘to eh?

    Like

  42. Aba hongah!! 😀 kay kuya kulisap ngah!!! pasensiya na. 😀 pinapakuluan ko pa ang masabaw kong utak eh.. 😀 medyo kumakalt pa kase.. Hewineys..

    Kung yung pulubi yung sinasabihan mo nun, hoga.. masaya sila sa kareer nila.. 😀 aba!! may Episode dyan ang imbestigador ah?.. na sinundan nila ang isang pulubi kung saan saan napupunta ang mga pera na kukulimbat, este, nalilimos nila sa kalye.. at ayun! toma! videoke.. at video karera lang ang inatupag.. o di ba?..

    Yung iba pa nga eh, mas malalaki pa ang katawan sa akin,, tapos, nagpupunas lang ng sapatos sa jip tas mangangalabit penge nah?.. aba!! chubra naman yun!!

    Mga tae nang nanay sila?! .. oops sorry.

    On a serious note.. hindi ko naman sinasabing ganun lahat ng mga pulubi…

    pero..

    dapat binoto nila si Manny Villar, para magtatapos na ang kanilang kahirapan..

    (anu daw?)

    Like

  43. Hahahahaa, hindi ko magets ang character ng maskara’ng ‘to, confused na suicidal na aktibista na makulet? Hehehe.. May mga nimamalimos na madalas ko makita pero yung nanay na yun nun ko lang nakita..

    Like

  44. yah.. uu, minsan nga lang daw magawi dun sa may si Mama, sorry, sabi nga niya sa akn. Ambait daw nung nagbigay sa kanya ng bente…

    ayun, pinambili niya ng Marlboro Lights..

    Like

  45. 😆 natawa ako.
    ang kulit ng pagkakwento.

    (pero binasa ko buong entry ha. pramis.)

    bihira akong nagbibigay ng tyagang makinig at bumili sa mga ganung achuchu eh. ewan ko ba.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s