Shadap Koala Boy, Gusto Ko Eh..

Magandang umaga. Isa na namang posteng magliligtas sa kaluluwa mo. At eventually, yes, eventually, the Philippines!

Lagi ko inaabangan ang that fateful day na biglang may mag-e-email sa akin ng “Yin, muntik na ‘ko maglaslas ng tite/ magsakal ng puke noon pero nang mapadpad ako sa blog mo napaisip ako, at nagbago ang buhay ko, ang lahat, salamat..” (J.Kulisap, don’t dare..) pero wala pa, thank Google.

Marami tayong gustong abutin/gawin, as in madaaaaami, pero bilang lang ang mga tao’ng pwedeng masulat sa mga aklat, ang tungkulin ng iba ay magbasa at matuto sa moral lesson of the story ng aral ng buhay ng biography ng iba, hindi ko pa alam kung alin ako sa dalawa, pero sa ngayon alam ko sa tingin ko sa palagay ko siguro maybe malamang sa malamang manaka-naka andun ako sa pangalawa. Hindi pa kumpleto’ng A-Z ang buhay ko, at wala akong reklamo dun, ikaw ba? Kapag tingin mo kumpleto na buhay mo matakot ka na, mamamatay ka na mamaya, you’ll be seeing dead people.

Kaya ngayon ilalatag ko ang mga gusto ko pang gawin, at least ilan sa kanila. (Wala akong cancer, busog lang ako at tinatamad pang mag-linis ng kuwarto)

Bago pa i-delete ni papa Jay ang account ko dito sa mundo gusto ko gawin ang mga nakakatuwang bagay gaya ng sumigaw sa loob ng bangko ng “HOLDAP ‘TO, LAHAT DAPA!!”, tapos uupo, putaneks ang sarrrap ng feeling nun. Pinakamalapit na nagawa ko ay ang sipain ang pinto ng CR at gulatin ang kaibigan kong tumatae nang sumigaw ako ng “Police! Get down on the floor!!” Nung haiskul at kolehiyo kapag siksikan naman sa gate nilalabas at tinataas ko wallet ko sabay sabi ng “NBI ‘to, padaan, padaan..”, yeah, panis ang guard. Gusto ko din magkumpisal minsan at sabihin sa pari na hindi ako naliligo at tanungin kung kasalanan ba yun, marinig lang kung anong pangaral ang ibibigay. Pero minsan ko nang sinabi sa instructor ko sa college na buntis ako, para lang ma-excuse sa klase, ayun hindi naniwala.

Lipat talata muna. Tingin ng oras, 7:22 am. Magkakape ulet ako 8:04 am.

Bagong talata ulet. Teka ‘di ba dapat ang talata may indention?

Sige isa pa. Game. Trip ko din nambabati ng mga nakakasalubong ko kahit hindi ko kilala, ang kulet makita ang mga reactions nila, kaya isa din sa listahan ko ang manlibre ng jollibee value meal sa isang taong di ko kilala. May driver ng jeep na ‘kong nalibre ng buko juice, may naalok na ‘ko ng yosi, pero iba pa rin kapag jollibee, hindi natural. May idol ako dito sa buladasphere nanlilibre naman ng istarbaks sa pulubi. Susubukan ko rin yun, hindi dahil gaya-gaya ako, kundi dahil adik ako. Yun lang, walang ibang dahilan.

Nasubukan ko ng magdaster ng polka dots at naka-sapatos, nagsasapatos din ako ng hindi pares, maglakad kaya ko sa SM Clark ng nakaganun?

Hindi ko nilagyan ng numero ang mga gusto kong gawin kasi wala namang bilang, may madadagdag pa, at baka mainip ka lang dear mambabasa, ang punto ko lang ay huwag mainip sa buhay, andaming pwedeng gawin, kung may hindi ka magawa gumawa ka ng iba, kung magrereklamo ka lalo ka lang susutilin ni papa Jesus, tapos mapapamura ka na lang ng tanamits, anampusa, putik, putong inamoy. Adik-adik pero gagawin ko lahat neto habang may oras.

Oo nga pala, nangangalap ako ng 1 milyong pirma para magkaroon ng snow, yung totoong snow sa Pilipinas.

Advertisements

86 comments on “Shadap Koala Boy, Gusto Ko Eh..

  1. awww base ako sa madaling araw dito sas saudi!@ nag aadik ka na naman yin!!!
    pero sige lang adik man ikaw may kilala kapading papa Jay! kaya angat kapadin sa mga taong normal ngang masasabi pero halang naman ang kaluluwa ni si Uncle Sat hindi sila tatangapin bilang kawal; anyway, ready kanaba talaga sa snow sa pilipinas!? pag nagkaroon nun malamang mabuo na naman ang mga tulay na yelo na mag uugnay sa pilipinas at karatig bansa nito(borneo, malay etc,.) edi ayos na naman may bagong lahi na naman sa pinas wahaha!

    parang trip ko din yung manlibre sa jollibee sa isang tao o batang hindi kakilala! ung tipong hindi nila ineexpect! pero mas ayos at simple ung buko juice sa mamang driver na init na init sa pagmamaneho! saludo ako sayo dyan yin!!

    Like

  2. korak. ang dami2 pwede gawin. chinese? LOL.

    teka, may pwesto ako jan sa may quiapo ah. pulubi ako. gusto ko ng starbaks. choc java chip frap ah. demangding? oh kya kahit jabi 39ers na steak. solb. tara? kelan? 😆

    Like

  3. @bonistation
    taragis tol Bons kumusta?! Base ka nga hehe, hindi naman matao dito eh. Si Jason nagpapatahi na daw ng makapal na jacket, hahaha.

    Like

  4. shaks! yung pinapatahi kong eskimo malapit na daw matapos.. ilang pirma na lang ba ang kulang??

    teka sino yung nanlilibre ng starbaks sa pulubi? malamang sa malamang eh malilibre nya rin ako! yahoo

    kuya yin penge pera

    Like

  5. hindi q alm ang talata, anu b yun?

    hmmm napaicp aq dun ah! kc aq marami pa akong d nagagawa e:(

    at isa dun ay makurot ka sa singit dahil tumira ka na naman ng kung anu jan!! ahaah

    Like

  6. Ewan ko kung kilala mo yun, basta makulit magblog siya. Madami pang pirma eh, gawan ko kaya ng dedicated FB account tingin mo jason?

    @kayedee
    hehehe, talata? Tanong mo kay J.Kuli! Mahaba ba kuko mo? Masakit yan!

    Like

  7. palakpak ako dito! adik ka, yin! adik! marami na rin akong naisip na ganyan kaso wala akong lakas ng loob! mahiyain kasi ako! baka sabihin bakit ganun umasta ako samantalang sa TV mukha akong anghel!hehe

    Like

  8. may pangkaskas ako sa bahay, punta tayo sa megamall, dun sa ice skating rink! ewan ko lang kung ilang araw natin matatapos yun para magka-snow kahit sa isang barangay… ehehehe… 😛

    Like

  9. @ani
    kilikili ko lang inaamoy ko, ikaw dahon tsaka bark ng puno, sino adik sino? lol, lablabs anii!!

    @runmdrun
    saang palabas? Saang palabas? Hahaha. Takbo ka ng takbo eh hindi kita nakita. Mas ayos nga kasi takbo na lang tayo kapag bumunot ng baril ang sikyu!

    @sows
    kasi ginamit dati ng kapatid mo blog mo, kaya kala ko siya pa rin andun. Galing ako sa bahay mo, yaw pumoste ng dura ko, sagutin ko sana si kuya Jess hahaha.

    @ako
    ano gagawin nating blower? Unahin natin sa amin ha? Punta ka sa pinoywp, pirma ka.

    Like

  10. hindi naman tayo magkakilala di ba? i’m a stranger. yehes ililibre mo ko sa jollibeee. pero ayaw ko sa jollibeee. pwede sa mcdo na lang tapos oorderin ko eh yung monster coke float. ayun oh!

    itry ko nga gamitin yung nbi achuchu. hakhak.

    ano ka ba? nakaon lang kasi ang heater eh noh.

    Like

  11. sana magkataon na ako ang malibre mo sa starbucks..yahoong yeheyy.. tama wag dapat mainip sa buhay . maging masaya sa bawat patak ng tubig na nasasayang..ahahah

    Like

  12. live life to the fullest – yan ba moral ng entry mo? o it’s better to give than to receive? :O

    Like

  13. Tae kung sakin mo nagawa yung pagsipa sa pinto ng CR sabay sabi ng police baka nasakal kita to deaaaath. Haha. Tae you. Lol.

    Pag weekends may mga times na nalilimutan ko maligo. Wala naman akong keber kung kasalanan yon. Lahat nalang kasalanan.

    Meron akong list ng mga gusto kong gawin bago ako mamatay. Pero ni isa sa kanila wala pa kong nagagawa.

    Akina, papirma dyan sa petition mo.

    Like

  14. yehey, saan pipirma para sa snow flakes babies este snow na white.
    malalaman kong agad na ikaw si yin dahil pagbalik ko magkikita tayo sa SM Clark. Malapit doon ang una kong pinagturuan. Kaya huhuntingin kita sa kagubatan ng Clark.

    Maibang talata naman, tapos na ba ang Texas Instruments.

    Like

  15. @eloiski
    ay iba yun, pag nagawi akong baguio yun, surenessess!

    @kikilabotz ang hottest blogger
    ekshuli hindi ako mahilig sa starbucks, at ako yung pulubi na ililibre ko, hahaha.

    @irishprecious
    ayun, hindi ko nailagay, “try not to be a man of success, but a man of value.” – albert einstein

    @vajj
    resisting arrest yun at assaulting an officer, hahaha. Punta ka pinoywp, tapos gagawa din ako fb acct para dun hahaha.

    @etchosera
    hindi pa. Mamumundok na yata ako hahaha.

    @pongskie
    sa pinoywp! Yung TI tapos na, astig nga ng uniform nila nakikita ko sila sa 711, hindi naman ako nakakagala sa loob mismo ng Clark. Kailan ka uwi?

    Like

  16. SNow sa Pilipinas??? tama ba basa ko Snow sa Pilipinas…Ayos sa trip ah! tamang adik lng!!! 🙂 try mo muna kaya linisin o punasan mga bituin at buwan pansin ko hindi na masyadong makintab o maliwanag eh…

    Like

  17. YIN.

    HAHAHA.

    Love it.

    Isa na namang post na weird pero hindi pala.

    Gets?

    Love,
    Justin Bieber

    P.S.
    Hindi naka-indent ang mga paragraph ko. Magkumpisal din kaya ako?
    P.P.S.
    Dahil nakakita ako ng signs of possible terrorism sa site mo ay bibigyan kita ng search warrant, kaya dapat mo nang linisin ang kwarto mo.
    P.P.P.S.
    Pano ginagawa yung magsakal ng puke? Haha.

    Like

  18. Yin kung sakaling manlibre ka sa taong di mo kakilala… tandaan mo HINDI TAYO MAGKAKILALA ha. Nakita ko na mukha mo sa post ni Kayedee, kaya wag ka na umangal kung sasabihin kong ako ang NBI at ikaw ang nawawalang preso. ADIK din ako sa kape. Teka lang magkakape muna ko.
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    At tungkol naman sa 1milyong pirma para sa snow sa pinas, suportado ko yan.. san ba ko pipirma? Adik ka na naman Yin!

    Like

  19. @jason
    sige i will.

    @sphere
    tama ba basa ko? Punasan ang mga bituin at buwan? Parang adik lang ah! Hahaha..

    @carizza
    wala kang makikitang ebidensiya. Asa ka pa. LOL
    Yung isang tanong mo, yun pala ang nananakal, hahaha.

    @PrinsesaNgDrama
    yey!
    Hindi ko alam, lasing ako nun!

    @teentoinks
    teka, sino ka po? Hindi kita kilala. Wahaha. Update kita kapag may account na yung proyekto. FB mo kasi!

    Like

  20. para kang si bob ong.. pero ayokong magka-snow dito, kasi pagnagka-snow dito, it means super di na balance ang nature natin… isang napakalaking problema yun.. hehehehehe

    Like

  21. Ahaha! Sorry naman. Ngayon ko lang ‘to binasa.

    Yun pala yun. At least ready na ako sa snow. Naka-bonnet na ako.

    Ikakampanya ko nga dito sa Kuwait ang signature campaign mo.

    Teka Yin Yang… Nuon pa man sinabi ko na ‘to. IDOL!!! Shet man. Palibre naman dian.

    Lakas tama ka ‘tol. Ewan ko pero adik ka talaga.

    Like

  22. isa kang alamat. dahil sa poste mo nawala ang katamaran ko. maraming puedeng gawin. kasalanan man pero may naiisip akong ganti sa mga nagkasala sa akin. ingat lagi ‘tol. muah!

    Like

  23. @anjong
    tol kwek-kwek tsaka pisbol at kikiam lang kaya ko ngayon tol, yung sa taas pag-iipunan ko pa yun. Mahirap magka-snow sa mid-east tol, kawawa mga camel.

    @animus
    tol mag-hunos dili ka, ano gagawin mo?

    Like

  24. matutulog sana ulet ako kase madaling araw pa lang dito..ninakaw mo naman antok ko..
    ang dami mo na pala nagawa Yin, parang sana next time tumakbo ka ring kandidato.. yippie!!
    at ilibre mo rin ako ng jollibee.. noon kase puro fishballs ung pramis mo napornada pa..=)

    Like

  25. next year pa ang uwi ko. ganun ba astig ang uniform ng TI? no id no entry din ba dun? tsaka no uniform no work?eheheheh

    sa next year pa uwi ko. walang injanan ha, dahil 2 rides lang ay nasa SM Clark ako kaya magkikita tayo, ililibre mo ako sa jolibi ha or dun sa eat ol u ken ha. anong bago sa sm clark ngayon kaibigang yin? si ex pala nagkita na ba kayo?

    Like

  26. putragus ka yin pinatawa mo na naman ako… pwede ba sa susunod balaan mo ako dahil napapalingon mga kasama kong tartols dito sa opis dahil bigla akong humahalakhak dito sa kinauupuan ko… parang naiilang na silang lapitan ako hohohoho! ayun ayos ang mga trip mo! like ko yung may jumejebs sa cr hahaha ano kaya reaksyon nung tumatae? 😆 uy yin itala mo sa kalendaryo mo na sa disyembre ah bente clear ang sked mo hanapin mo ko sa jollibee ililibre kita kahit magkano pero dapat sasayawan mo ko pag nakita mo ko hohoho! 😆 ayun!

    pero alam mo ba kung ano pinakatrip kong gawin yung rumamapa na nakatwo piece habang nagwiwindow shopping! 😛

    Like

  27. Uwi ka ba ngayong taon??

    Anak ng katipay, sira ulo ako pero baka hindi ko kayanin yung may kasamang naka-2 piece tapos nasa National Bookstore tumitingin ng libro o maghahanap ng CD hahaha.. May mga katrabaho ka bang Pinay diyan?

    Like

  28. @lee mi
    hahaha basehan ba yun sa pagkandidato tanginiks. Eh hanlayu kasi eh!

    @narsmanang
    surenesseses! LOL. Mali yata poste’ng to.

    @pong
    hindi pa ko nagawi sa mismong site eh. Tsaka hindi ko naman kilala ex mo hekhek. May bago sa SM Clark, may iniwan akong chewing gum sa may overpass hakhak.

    Like

  29. oo yin meron pero may asawa na wala ka ng pag-asa hahahaha! ako na lang kase 😆 bakit natatakot kang may ksamang nakatupis? eh maghelmet naman ako para di makita mukha ko hohohoho!

    yang pianapirmahan mo nga pala san ba pipirma sa Pilipinas lang ba yan, pwede pakidamay na ang Dubai!

    Like

  30. ahahahah akala ko nagmeet up na kayo eheheheh

    ganun ba, namimiss ko na nga diyan sa angeles eh, oo ikaw nga yung nakita kong tumambay sa may Fields Ave, ahahaha joke

    next year uwi ko kita tayo ha,
    kumusta na yung salakot?

    Like

  31. @joyo
    ibig ko sabihin hindi ka ba inuusisa kung ano nilalapastangan mo diyan sa pc, hahaha.. kase.. kase.. kase.. Sige na nga!

    @pong
    hindi ko naman po siya kilala eh.. Tsaka pag nakilala ko pa yun baka magtanong pa at madulas ako tungkol kay..

    @vaj
    ay di ka pa napuntahan ni rowjie?

    *matindi na ang demand, sa mga gusto pumirma hahagilapin ko kayo lahat sa Biyernes, sa ngayon kumakain pa kasi ako ng eggpie, marty’s, hansel, chocomani at coke. Maraming salamat. Mabuhey!

    Like

  32. Yin Yang… Agree ako kay Hito. Sana i-video mo naman yan. Ta’s upload sa YouTube.

    Pag-uwi ko ‘tol malamang nakapag-ipon ka na. Kaya aasahan ko treat mo sa akin. LOL

    Like

  33. @hito
    kailangan may kasabwat na magvi-video hahaha.

    @anjong
    sige ikaw magte-take ng footage tol!

    @sows
    speech of figure lang yun.. 😀

    @salbehe
    oo nga, akala ko nakulong ka eh, haha.

    @carizza
    depende, masayahin ka naman di ba? lol

    Like

  34. Sorry ngayon lang ulit ako nakapag-online. Ah, yun ba… May tendency kasi akong manakit ng kapwa. Hindi kasi ako madaling magalit. Hindi rin ako pikon. Kaso yung mga taong nagkasala sa akin naisipan kong gantihan. Marami pala akong puedeng gawin. Ayoko lang makakita ng kutsilyo. Naaawa ako sa mga gulay, sila na lang pinagdidiskitahan ko. Sorry ulet ‘tol. Clouded lang utak ko kaya iba dating sa akin ng maraming puedeng gawin. Salamat ‘tol. Peace out man!

    Like

  35. pipirma din ako. 🙂
    ang ineeeet ineeet na kasi dito….

    salamat yin at napatawa mo ako.

    gaya nga ng nasabi na: adik ka. in a very good way.

    Like

  36. Shaks, as in ngayon lang ako nakapasok sa site mo Sir. Nakahinga ako ng maluwag pa sa brip ko.

    Gawin ang magpapaligaya habang humihinga mas masarap kung nakakahawa sa iba ang kaligayahang ‘yan.

    Musta yin? Miss yah…ayusin mo nga lipstick ko, lalabas ako, magmomoling ako. Gusto ko nakaminiskirt ako, kita ang betlugan. tanananaaan. Hulihin kaya ako ni Lucio Tan kapag ganun Yin?

    Like

  37. trip ko namang humalik sa babaeng di ko kilala at kakasalubong ko lang. tapos dahil nasarapan siya sa paglalandian ng mahaharot na dila namin, aayain na niya kong mag-motmot.

    okey, wishful thinking.

    Like

  38. @carizza
    oo naman, engineer.

    @jongskie
    wait, wet..

    @jason
    malaki at mataba..

    @animus
    chill, chill..

    @cofiboi
    i love you na din tol, teka, ano kasi sinabi mo? lol

    @J. Kulikuli
    hindi mo bagay ang international red, dapat pink lang.. Kelan yung kontes?

    @jongskie
    nagbo-boyleg pa yan..

    @lio loco
    shet, nabuhay ka, congrats pare. Isa din yan sa mga trip ko, hindi tipong 1-time kundi araw-araw pero kakailanganin ko ng pampiyansa araw-araw nun..

    @vaj
    marie, puwede? Peace, vajarl.

    Like

  39. @mindsturbator
    im not a dude, im a dudung.

    @J.Kulipas
    shade ng red na pintura yun, nakita ko sa hardware store. Hahaha.

    @superlolongpinoy
    go go go ‘lo! Masaya ako ‘lo napaligaya kita. Sana hindi mahalay ang dating nito.

    Like

  40. Yin, na try mo din ba umakyat sa 2nd floor ng mall gamit ang “pababa” na eskaleytor?
    oops. kaadikan din ba ang ganun?

    Like

  41. @Ate RaponsOL (hahaha)
    ayoko namang sumikat eh, gusto ko lang ng sense of achievement, hehe. So nagawa mo na, taob na pala ko nun, di na kita sasapawan!

    Like

  42. san ba ako pipirma? at anong klaseng panulat ba? baka gusto mo tekpen? lintiknamanyanoh. anong papel? manila paper?

    ang init na kasi talaga. i can feel the heat. i’m sad.

    Like

  43. saan ka madudulas? kanino? hihihihi
    bakit hindi ka nagbalik koment about sa fields, palagay ko nga tambay tayo este tambay ka dun.

    Like

  44. sali ako sa trip mo,
    tara punta tayong radio station tas
    pa-page tayo dun nawawala yung remote sa tv.
    hakhak! 😛

    hahaha.
    grabe!
    ngayon ko lang ata nabisita blog mo.
    shame on me. hahahaha! :))

    Like

  45. Yin! Tol, ang kulit! pero nakakautwa yung mga gusto mong gawin. meron akong isa, isa lang naman na weirdong ginawa sa tanang buhay ko na hindi ko na mauulit pa. Pero neks taym ko na lamang sa’yo sasabihin yun. Pag nagkita tayo, as PERSONALLY.. ok?! hahaha..

    Mag-iingat lage at Godbless!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s