Karma Sutra (a bedtime story)

Freestyle lang. Pag humingi ba mga anak mo or mga magiging anak mo ng kuwento bago matulog eh may maiisip ka ba? Ako malamang wala. Kaya ngayon pa lang pra-practice na ‘ko. Kasi practice makes killer.

Game. Kapit.

At oo, ganito ko talaga ikwekwento sa bata, unedited. No cuts.

Game ulet. Sa isang malayong kaharian.. Putangina bakit pala wala pa nakakaisip neto.. ulit.. Sa isang malayong kareynahan, may reynang unano na nakatira sa isang palasyo, tawagin natin siyang GMA.. GMA! Ayan tinawag ko na siyang GMA, ikaw naman. Sawa na siya kapepetiks kaya binabalak na niyang magresign, at syempre dapat may papalit, di ba? Kaya naisipan niya magpakontes. Tatawagin niya sana ang pakontes na “pasiklaban” pero may nagsuggest sa twitter na tawaging “huz ya pimp now?!” kaya yun na lang itinawag niya.

Mula sa likod ay papasok ang isang kawal, may dalang kalapati at maliit na piraso ng papel, “madam, nasabat po namin ang mensaheng ito”, anang kawal. “Ano sabi?” anang unano. “Babasahin ko po ba?” tugon ng kawal, “aba’y putangina oo?!” bulyaw ng reyna. Binasa ng kawal ang nasa papel, dahan-dahan, “guys, mag-han-da ka-yo, i-sa-sa-ga-wa na-tin ang pi-na-ka-ma-la-king pag-a-al-sa sa a-raw ng pa-kon-tes ng duwende. mis u pipol. LOL”. Nagwala ang reyna, biglang tumugtog ang “party in the usa” sa background, “puuutangina buhay pa yang Joma Sison na yan??! Aaarggh!” Naalarma ang reyna kaya pinaagahan niya ang patimpalak, imbes na June 29 eh ginawa niyang June 18 na lang. Bukas yun. Yata. Baka kasi mag-endorse pa si Chiz Escudero ng ibang petsa eh paniwalaan naman ng mga tao kaya syempre agad pinakalat ang balita sa facebook, multiply, twitter, at sige na nga, pati sa friendster.

Datingan ngayon ang mga gusto sumali, syempre ginanap ang paligsahan, syempre buyuhan, syempre natapos din ang labanan, syempre may nanalo. Bakit di ‘ko idinetalye yung nangyari? Eh putangina gusto mo ba ipatugtog ulet yung alangyang “dagat ng basura” jingle??

So ayun, nanalo si Noynoy bilang hari, at si Binay bilang vice-hari, tawag sa kanila eh Noynoy-Nognog. One who smokes, and one who is smoked. Pabalik ng palasyo nakasakay sa karosa ang pa-resign na reyna at ang bagong hirang na hari, walang imikan ang dalawa, bakit? Eh hindi nagyoyosi si GMA eh, ano pag-uusapan nila?! Pero hindi nakatiis si Noy, bumato ng linya, “ang bagal ng sasakyan natin Madam, hindi gaya ng mga kotse sa Need4Speed.. Nalaro mo na ba ang “Halo”?” Sumagot ang unanong reyna habang nakatingala sa lalaking kausap, “what do you think of me, a kid??!” sabay irap. “chinese garter, oo! Bakit, dine-dare mo ‘ko? Hmp!” banat ulet ng reyna. “Anyway Madam, ano sa tingin mo dapat ko gawin, kasi hanggang ngayon bitter pa rin si Mar, akala niya nilaglag talaga siya, and Koring, oh God she’s so not talking to me!” Hindi umimik ang unano, kumuha ng marker, oo Pentel, at sinulat niya sa palad niya ang “=p” at “bleeeh.” at bumungisngis.

Nakabalik ang karosa sa palasyo, pagpasok nila sa loob naka-on ang tv, pinapakita si Korina habang nagla-Laban sign sa concert ng Tears For Fears. Si Erap na nakaupo sa sala, na kausap ni Nognog, na huwag mo tanungin ano ginagawa niya dun, ay bigla napatanong kay Binay, “sa channel 2 na ba pinapalabas ang “Laban o Bawi?” pare?” Sumagot si Binay, pero hindi dinig ang sinambit niya. Medyo hindi rin siya gaanong kita sa background, kailangan i-adjust ang contrast.

Tulog na yung bata, huwag na natin tapusin yung kuwento.

Advertisements
By akosiyin Posted in Uncategorized

49 comments on “Karma Sutra (a bedtime story)

  1. Walastek babangungutin ako sa kwento mo. Natawa ako na kailangan pang i-adjust ang contrast para makita si Binay. Sa black and white setting siguro lulutang sya. 🙂

    Like

  2. ok. ang tanga ko. karma sutra lang tumatak sa jutak ko. nadisregard ko un parenthesis part. a bedtime story pala. hahahaha sowi naman.

    Like

  3. Buwinas ka pre, pinaelek mo ak lasid saya’y postem lamet ay. Na-imagine ko yung pagsulat ni GMA ng “=p” at “bleeh” sabay bungisngis! ang kulit. Hahaha. Adik ka lasi.. Idol. Alam mo yung tipong nai-imagine ko yung scene, dahil sa pagkuwento mo. Makatotohana, parang sa isang kareynahan lang ah. Hahaha. Ingat pre!

    Like

  4. yun naman oh, bumalik na talaga siya…wala kang kupas, napatawa mo na naman ako na labas ang ngala ngala 😀

    Like

  5. wan hu smokes and wan hu is smoked- mapanglait ka Yin…mapanglait..baka matutunan ng batang manglait.

    Kumakain ako ng ginataang unano, masarap parang kinunot na pating lang.

    Like

  6. @salbe
    persbeys. Pwedeng hugs and kissesses galing kay J. Kulisip premyo ko sa ‘yo? LOL
    Kontrahin natin ng Bonamine yung bangungot, hehe.

    @kuhracha
    jc.. I love you. And your eyes. And your hair. And.. Oo pong ka! Chow! Todas!

    @ettedanrebzednanref
    walanghiya, parang umakyat ng 36th floor ang utak ko sa pagtype pa lang ng name mo badet!!

    @kayedee
    pra-praktisin ko din yun, ikakanta ko yung pagkukwento ng story telling ng kuwento, gagawin ko ng play! Hahaha..

    @chevybo
    hahaha, antoy gagawaen mo?? Salamas ya balbaleg pare agka unsasawa. Agak ni akakar abong mo, nu niiyan ko lay ipilak ed kontes nen laki kulisip ah..

    @kikilabotz
    ako din tol tawang tawa sa mga kuwentong ipis mo, ang hirap lang mag-iwan ng dura sa blogspot! Mubil akuweh..

    @sunnystarfish
    nasali ka ba sa kontes ni g. Kulipas? Gusto ko sana matambay ‘let sa bahay mo, saka na pag nai-post ko na entry ko.. Hugs.

    @J. Kulapo
    hindi ako mapanglait. Mas iinumin ng bata ang gamot kapag matamis, o lasang babolgam. Gets? =p

    @aninipot
    hindi naman siguro ani, nasa diskarte yan.

    @kabsat tarbs
    manong tarbs madik ammu ag-ilokano, bas-sit laeng. Ti kua, kasta kastoy ken ket, hehe.. Anya met-ten.. Hahaha. Salamat.
    Ang “salamat” walang lokal o rehiyonal na translation ba? Kakamangha.

    @timangkey
    tol hindi din, yung iba yung hindi pa pag-concede ni Jamby kay Acosta. Hehe.

    @barrycyrus
    wehhh.. Naintindihan mo?? Tagalog kaya.. Amerkano ka eh. =p

    Like

  7. AYOS… akala ko talaga green… pero ang dumi talaga ng pulitika… hmmmm.. kawawang bata.. polluted agad ang isip. Naku baka mapanaginipan niya ang dwende ang kapre at ang…. dilimmmmmmmmmm

    Like

  8. Anggapo.. haha. Manaalagar ya ideya’d untumbok ya potek! este poste’k. Hehe. Anggapo’y problema pre, sikani. Matsil ka’d siyak! nakanaman! Araratan! ibagak lawari’d diya ingen et, maong ta inpaunam la. Tani abente uno la nu lunes. Hehehe. Sige siren, ta alagaren ko panbisitam tan amay balon postem. Wala’y request ko manaya pre, gawa kani’y sakey ya unya! bali-bali lasi! hehehe

    Happy Wikend! Be blessed!

    Like

  9. @kuh
    gudeym.

    @barrycyrus
    you are! You are! LOL

    @shynyrd
    hala! Green daw yehehe.

    @chevybo
    oo nga, sige manggawa ak ni hehe. Ano yung pinauna ko na sinasabi mo?

    Like

  10. hahahaha ! si kuya toyo,mas adeek pa yan kesa sa mga alamat na imbento ng papa ko (nun nabubuhay pa sya :c )
    hehe, isa pa! isa pa 😀

    Like

  11. @anjong
    labyu pare. Muahtoo.

    @geylii
    alamat gawi ni papa mo? Wento mo wento mo dali!

    @pong
    galing ako dun pong, ayaw dumikit ng komento ko, gusto ko sana sabihin klap-klap sa ‘yo at si ermats ay dating guro. Sana matupad pangarap mo (natin) na yan.

    Like

  12. Sa pagbasa ni Reyna GMA sa letter, naalala ko ang isang scene sa Alice in Wonderland na biglang sumigaw si Red Queen ng ‘OFF WITH THEIR HEADS!!!’ Hahaha. Laveeet.

    Ayoko ipatugtog ang dagat ng basura! Gusto ko yung Party in the USA! Yehhiye hiyehiye. It’s a party in the usa hehey. Taeng Miley yan.

    THE ONE WHO SMOKES AND THE ONE WHO IS SMOKED.

    OMG HALABEEET! Parang barbeque si Binay! LOL

    Like

  13. @vajarl: susyal ka. bbq naisip mo sa “smoked”. ako, tinapa!

    @pong: di ba sabi ko sayo, naka apat na base ako? tapos nakalimutan kita ireserve. isa to don.

    @yin: wala. suplado ka sa ym.

    Like

  14. @mam kuhrach
    ito ba yun, pasensya naman.

    @kuya yin
    pag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko ang rason mo.
    parang recycle na yan eh. ahahaha

    Api Pader’s Dey!

    Like

  15. @vajarl
    indak vaj, indak! Hehe.

    @kuh
    sumbatan na ba.. Muah. =p

    @pong
    check mu pa po mga tagahatid, wehh.. Hehe..

    @bunso
    hindi bunso. Toink!

    Like

  16. adik naman ng post mo.

    kung saan saan na naman napunta yang isip mo.

    pakibilisan naman ang pag post ng sa pasiklaban bago pa kita silaban hahaha.

    sori naman late na naman ako makaalam na may bago ka 😦

    Like

  17. …tapos biglang susulpot ang mga kamaganak ni Noynoy na may chest hair sa saliw na ” I like to move it, Move it i like to, Move it!, tpos mag eecho sa kabilang banda ng MOVE IT!!!, ibang lahi ito isang uri ng unggoy na anak sa labas ng mga pusa na kulay asul pag di pa naadjust ang contrast pero pag naadjust na nagiging violet ang kulay tpos biglang tatayo si Binay na bagong gupit ang bangs tpos biglang ilalabas ang sixpacks para akitin si Korina tpos biglang iindak sa saliw na Bad Romance ni Lady Gaga lavet!!!

    …tpos biglang sisigaw si Imelda Marcos sa di kalayuan mapapansing bagong gupit din nagpabangs pero kinulot sa saliw na….

    …ay tulog na pala ung bata 🙂

    Like

  18. @etchosera
    late! Hehe.

    @vajarl
    hahaha. Puwede bang langgonisa na lang?

    @sphere
    alangya, pang-sequel! Hahaha. Magaling ka na nga wala na ang sumpa ng alimango Anne!

    Like

  19. @ Yin dipa tapos bilang pangtapos na number biglang darating si Gary V. at Ogie Alcasid duet sila habang inaawit ang kanta ni Justin Bieber na Baby, baby, baby, oohhh baby, baby ohhh, baby baby ohhh

    tpos ipaparemix ni Villar at Miriam Santiago ung kanya ni Justin na baby, baby ohhhh baby, baby ohhh…

    shaks! tama na nga ahahaha

    baka bumalik ung sumpa ng alimango sa pinaggagawa ko d2 sa site mo…

    Like

  20. title nalang po muna mahaba po kasi e,

    alamat ng calachuchi, tsinelas, bawang, pakwan tapos un pinya nya po iba

    waa ,. naaalala ko si papa , naiyka nga po ko sa church kanina fathers day presentation po kasi . la lang ayoko dito mag emote .

    hi kuya yin! 😀

    Like

  21. @sphere
    mga engineer na babae likas bang makukulet? Kasi noon yung mga kaklase ko walang kulit sa katawan. LOL. Magaling ka na nga, yey!

    @geylii
    ay ang galing ni papa mo. *klap-klap! Maka-isip nga din ako. Hmm.. Alamat ng.. babolgam kaya..

    @jason
    lensyak na bata nagtutulug-tulugan lang pala eh!

    Like

  22. Ahahaha hindi naman nahawahan lng ako ng mga kasamahan kong adik d2…

    ung isang FM station d2 naghahanap ng kamukha at kasingboses ni Justin bieber karamihan sa sumasali mga Pilipino naisip ko lng sana kantahin ni Gary V sa ASAP at ni Ogie sa Party Pilipinas ung baby, baby, baby ohhhh ano kaya itsura ni Gary V ahahaha

    magandang araw yin…namiss lng kita kaya mkulit ako:-)

    Like

  23. Sasabihin ko sana “ba’t di ka pa gumagawa ng poste mo para sa Kamalayang Malaya.” Kaso, “impaunam” met la.. Hehehe.

    Like

  24. Ang galeng ng kwento.. bed time stories nga kase natatamad pa ko tumayo.. ke aga pa.. :p

    hindi na ko nakakanood ng news sa Pinas.. hayys.. dito lang ako magbabasa lagi for update.. heheheh..

    Like

  25. @ Yin ah oo si Manny Pacquiao hang galing nisip mo yon ahahah kakanta ng kay Justin Bieber na Baby, baby ohhh malamang sa Party Pilipinas ito magaganap ahahaha eh sino ung nagrarap ng when i was 13 i met my 1st love malamang si Jovit yong sa PGT…duet sila ni PAcman acoustic version.

    oo sumali ako ung Sensual na pagdating sya nga pala bat ba di mo nako binibisita:-(

    Like

  26. @sphere
    tagal ko hindi nagbloghop, galing na ‘ko dun, kasi gusto ko maposte muna entry ko kay lolo bago ako gumala. Nasa kamalayan entry ko mga komento ko hahaha. Kayanin kaya ni Jovit? Hahaha.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s