Tito Tatay

“ngayon lang ‘to pare, kapag di ko ginawa ‘to mamamatay ang pamangkin ko ngayong gabi,” sabi ng disi-siyete anyos na si Jared. “si Tam-Tam? Yung anak ni ate Weng?” pa-tangang tanong ni Makoy. “sumama ka na lang, pag naka-iskor tayo bukas na bukas pakakana ko sa ‘yo si Aira. Bilisan mo maglakad tangina may tae ba yang tsinelas mo?!”

“tam-tam.. tam-tam..” wala sa sariling sinasambit ng binata ang pangalan ng pamangkin, anak sa pagkadalaga ng ate’ng si Weng, na tinakbuhan ng syota. Alam na alam ng mga paa ni Jared kung saan tutungo kahit tuliro itong naglalakad. Walang magawa si Makoy kundi sumunod. Nagsindi na lang ito ng yosi habang humahabol.

Lumiko ang dalawa sa may KFC. Alas-kuwatro ng madaling araw kaya madilim at walang gaanong tao, maliban sa mga papasok ng trabaho. Na malamang ay sa call center. Tumigil si Jared. Huminto si Makoy at hinitit ang tangan na sigarilyo. “tarantado patayin mo yan, mahahalatang may tao?!” humitit muna ang sinabihan sabay laglag at apak sa yosi. Sumandal sa poste.

“ayan na may parating, humanda ka,” bulong ni Jared. “tol, babae yan e..” magalang na kontra ng isa.

“wala kong pakialam, ano sasamahan mo ko magtinda ng yosi sa terminal tingin mo makaka-tatlong daan tayo?? Tae.” dinukot ni Jared ang dagger na na-arbor kay Allen, katropa nung pumapasok pa siya. “pag inabot ko sa yo pera wag ka nang lumingon, wag ka papahabol. Bukas pa Maribel, dun ka dumaan sa kabilang kanto siguraduhin mong iuuwi mo gamot ni Tam, magkita tayo sa bahay.”

Tinanguan ni Makoy ang kaibigan. Limampu’t dalawang segundo lang ang lumipas pero parang tatlong oras na nang huling hitit niya ng yosi.

Dumaan ang anino, tumutok ang patalim sa tagiliran ng dalaga, “huwag ka sisigaw kundi butas ka, amin na wallet mo.” walang magawa ang babae kundi sumunod sa utos ng anino.

“tol..” isang kamay ang tumapik sa balikat ni Jared. Si Bugoy, “pera yan dre ah..”

“oo, para kay tam pre, may sakit.”

“huwag mo nga ko istirin gago ka? Sa akin na yan. Hoy miss ano pa ginagawa mo dito?”

tumawid ang dalaga ng kalsada at sumakay ng dyip. Nalibre cellphone at puri niya kay Bugoy. Apat na bugok pa yung dumating.

Bumibilis na paghinga ni Jared. Mas malaki sa kaniya ng isa’t kalahati si Bugoy, at naagaw na ang patalim niya. Mas mabigat pa sa tikles ng kamatis na binubuhat niya sa palengke ang kamay ni Bugoy na nasa balikat niya ng oras na yun. Akmang hahawakan na sa braso si Jared ng isa sa mga kasama ni Bugoy. “Makoy!!” hinagis niya ang wallet sa kasamang patpatin na kanina pa tulala. Hindi makagalaw si Makoy. “putangina pare damputin mo!!”

Noon lang nakita ni Makoy na magmakaawa ang maangas na kaibigan sa buong apat na taon nilang pinagsamahan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at biglang dinampot ang pitaka.

Hindi na lumingon si Makoy. Kumaripas ng takbo. Takbo. Lundag. Iwas sa makakasalubong. Liko sa kanto. Takbo. Suot sa eskinita, lusot sa kabila. Takbo habang nire-recite niya ang “tol babalik ako, tatawagin ko ang tropa, tol babalik ako..”

saulado ni Makoy ang buong bayan. Nakauwi din siya dala ang gamot ng bata, pagkatapos niya takbuhin ang katumbas ng labimpitong basketball court na liko-liko. Sinalo ng mga tuhod niya ang kaniyang mga kamay para bawasan ang pagod ng mga hita. Hinihingal pa rin si Makoy. Wala si Weng at ang bata. Si aling Josie ang nasa dampa. “si Ate?” tanong niya. “aba’y nagmamadali dahil tinext ondo’ng tanod sa kapitbahay na magpunta daw siya sa bayan?” walang malay ang matandang hilot sa mga nangyayari.

Naghahabulan ang mga paa ni Weng, si Jared daw nakita sa may 711. Pagdating niya sa labas ng establisyimento madami ng tao. Alas singko y medya na ng umaga at madami nang pumapasok sa trabaho. Ang mga pauwi ay may oras pa para makiusyoso bago matulog. Sumiksik si Weng sa kumpol ng mga bangag at bagong gising. Doon niya nakita ang katawan ng kapatid na unat sa tabi ng mga nakaparadang motor. Basag ang mukha. Tadtad ng saksak. Malamig at walang hininga.

“dikong..” hahagulgol na si Weng..

Itinaas ng batang si Tam ang kamay niya at may tinuturo. Iba ang direksyon ng daliri pero alam ng ina na nakalaan ang turo nito sa tiyuhin..

“pap-pa..” sambit ng bata sa pinaka-una niyang salita.

***HAPPY DADS’ DAY TO ALL FATHERS AND TO ALL SINGLE MOMS WHO HAVE TO BE DADs AT THE SAME TIME.

Advertisements

45 comments on “Tito Tatay

  1. Napatigil ako ng matapos ko magbasa ng sangkatutak na kakaibang pinoy words, bigla kong nabasa ang ‘hinugot ang dagger’. Yerso conyo. Hahahahaha.

    Potragis na mga holdaper talaga oh. Heano kung mesaket gagu leche tanga. Maistrok ka sana boplaks. Magtrabaho ka leche.

    Affected? Haha.

    Teka, may balak ka ba gumawa ng Precious Hearts Romances? Hehe. Nalimutan ko na halos kung pano ka magsulat ng hindi nagkakaligaw ligaw sa isang sentence. Ayosh! 🙂

    Like

  2. Nalito ako naligaw ng saglit hindi ko mahanap ang tsinelas na may tae! shaks! na bugoy na yan okey na sana ang dskarte ko hara hara sa daan…

    tama si Vajarl gumawa ka na lng ng pang Precious Hearts Romance hindi ka bagay gumawa ng pang SOCO mahihirapang malutas ang kaso pag nagkataon…

    Tol, babalik ako hahanapin ko lng ung tsinelas ko:-)

    Like

  3. Na-sad ako. Di ko alintana ang dagger, tsinelas na may tae, ang susyal na pangalan ni Jared at kung anu-anu pang shit.

    Na-sad ako, yin. Ang buhay ng isang mapagmahal na tiyuhin, nakitil dahil sa halagang 300pesos? Ang brutal ng tadhana…

    Like

  4. Alam mo ba na maaaring simbaba lang ng isang redhorse ang buhay mo? Pwede kang magpapatay ng tao, at ang bayad mo redhorse lang. Totoo yun!

    Ang kasakiman ng tao ay tumitindi. KUmaclimax. Maligayang araw ng mga ama sayo Yin. Mwah.

    Like

  5. nakakalungkot naman tong post na to para sa father’s day.. pero eye opener to kuya yin sa mga ganong tao… oo nga para sa anak nila yon pero masama yun eh mangholdap… pano na lang ang taong hinoldap at kinikitilan ng buhay…

    hayyyst….

    😦

    sabi na eh babalik si kuya yin!

    Like

  6. @vajarl
    may nauna pang inggleshed word dun, yung kulsintor. Belat. Hahaha. Di mo suot salamin mo ano?!

    @sphere
    ano na nga ibig sabihin ng soco? Seksonchat.ohmaygad??

    @kuhracha
    late happy fathers’ day, tita jc. Na-sad ka talaga. Kasi si vaj at sphere natawa eh.

    @narsmanang
    sikat na ‘ko nang nadulas ako sa hagdan nung haiskul. Magsama ka naman pag nagala ka!

    @maelfatalis is in the sky with diamonds
    hi babe mae amistchu. Ang alam ko sa apat na red horse may nagagawang bata. Ganun din sa ‘yo, musta kay Ziggy!

    @jason
    ikaw ang nawala! At wala pa yun ispigeti!

    Like

  7. ito pala un kahapon pa ito sinasabi sa akin di ko makitakita, naunahan na ako ng lahat. huhuhu

    ang ganda naman nito. ito na ang fave ko sa mga entry mo yin. ang bigat. huh. naiyak ako sa totoo lang, mababaw kasi luha ko.

    Sa mga single mom, proud po kami sa pag tataguyod at pagpapatuloy nio sa pag aaruga sa inyong mga anak.

    salamat dito ha.

    Happy father’s day po sa lahat.

    Like

  8. man ang baho,,,ano ba yun
    teka hugasan mo nga muna ung tyepepen mo umaamoy!

    great litle story Man, teka punta lang ako C.R. balik ako….(himihikbi!)

    Like

  9. @timangkey
    fist in my chest, man. Pipadursdi.

    @etchosera
    tahan na. Sisipunin ka. Thanks.

    @beeftapa
    ako to tol, nakaapak lang ng tamtaks. Teka, ayaw mo ba patawag ng name mong *****? Hekhek!

    @ajlation
    oi tol! May tuwalya sa likod ng pinto, huwag yung puti, yung blue.

    Like

  10. haha ikin..ikin,,kin..kini,,-..ehm hay! naku naman ,,,ok serious . I clicked the group of words there on the right side of your blog..akala ko kung ano un hahaha pinoy nga naman pagka inosente…hmmm..

    salamat sa blue towel sensya na sa sipon…ewww yikes haha!!!
    naalala ko ung McArthur ni Bob Ong sa poste mo…parang sabogaloids lang ahehehe…

    Like

  11. @wanderingpiscean
    weh.. Di nga tol? Shet. Naiba na tema ng site ko, wag kayo mag-iyakan, suri na. Ayun, pasok pa din, wordplay lang. Hehe. Thanks tol.

    @vajarl
    palusot! Palusot! Hahaha.

    @ajlation
    honga noh? Subconscious at work, shet, sina Cyrus. May tama ka!

    Like

  12. @yin..
    medyo pula mata ko eh ahehehe

    @eybi
    tama ka paminsan minsan ibang putahe na man alam mo ung medyo raw ,kumbaga eh half cooked lang ahehe!?

    Like

  13. hehehehe ang galing kase ng poste mo eh! hik! napapaalabyu ako 😆
    di ko napapanood… sinong bida? 😆 anong year? kumita ba?

    Like

  14. Aro, grabe met! maermen ya’y postem. Balet ta, bali-bali. Sarag mo la lasi’y mangawa’y istoryad DZMM. Hahaha. Galing! Happy Father’s Day ‘tol!

    Like

  15. aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh :'((
    bakit ganun ?? 😥

    naiyak ako .. kuuuuuuyyyyyyyyaaaaaaaa yyyyyyyiiiiiiinnnnnnn

    d ko mahagilap ang tamang salita . basta nabasa ko na .

    Like

  16. @chevy
    Hahaha. Samtak diyad xerex!

    @Bunso
    meron na bunsu!

    @kyakototentimes
    tenchu kK. Kamusta ka na?

    @geylii
    ayii, surii. Mischa!

    Like

  17. kuya *hug* maganda naman ee . nalungkot lang ako
    naisip ko agad un mCarthur ni bob ong at un kapitan sino . ayoko lang ng
    may namamatay, 😀

    Like

  18. ahh basahin mo na kuya, dali dali maganda^^ worth it
    hmm .. wala akong post para sa fathers day, kinakalma ko pa emsyon ko e
    haha , nauunahan kasi ako palagi ng emosyon ko, kaya kadalasan di ako makapagsulat ng tama . hehe
    basahin mo na po

    Like

  19. @geylii
    ilambeses ko binalik-balikan sa National yun, tinitigan ko lang, ewan ko bakit. Punta din ako bahay mo maya-maya. Still going thru that issue? Huwag mo susupress emotions mo, labas mo lang. Creativity is at its finest when emotions are at their strongest. Take advantage, pero huwag mag-dwell dun. It should just be a phase.

    Like

  20. ewan ko ba kuya kung bakit, para kasing natatakot ako baka mali ako, pano pag may nasaktan ako dahil nilalabas ko un nararamdaman ko, ewan ko po hindi ko talaga alam pano , kala ko nga thru writing ok na, though big help kasi meron ako napaglalabasan pero alam ko sa sarili ko na napka dami kong reservations .. d ko po tlaga alam ee. kuya, asan ka po ?

    Like

  21. @geylii
    nasa puso mo? Hahaha. I-assess mo, kapag pinigil mo ba yan sino unang magbe-benefit? Kapag nilabas mo sino magbe-benefit? Base to base casis kasi yan. Pero tingin ko lang yung situation mo dapat nilalabas mo kasi ikaw ang nahihirapan. Do it for yourself, and not for others. YM na lang kaya tayo kesa dito, hahaha. hardkloud ID ko.

    Like

  22. eto, tamang inlove na ulit. haha. diba nagcomment ka dun sa post ko..*yihee..kinilig ako dun* hahaha! ayun, kinabukasan, nasulit naman ang pagkainis ko. nakipagkita sya sa akin. deyt-deytan kami. haha. <3<3<3

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s