From kuya to Eedai

Matagal ko ng hindi nakikita ang dating prinsesa ng bahay, pasensya na hindi ako nakapunta nung kaarawan mo, andami ko na nga utang sa ‘yo. Hayaan mo babawi din ako, one-time big time. Sabi ko nga hindi na ‘ko sasampa ng bente-singko at heto malapit mo na ‘ko abutan, kaya nga fist locks lang at hindi na kita pinagmamano. Ang tito mo heto nagsusubsob pa rin sa trabaho, ngayon ko na lang napagtanto na sana talaga dapat sumali na ako sa “ang TV” nun, asawa ko na sana si Anne Curtis ngayon. Tapos siya na lang nagtratrabaho.

Dati hinahatid lang kita pagpasok sa eskwela, ngayon dalaga ka na. Huwag ka nagsususuot ng pekpek shorts kasi paalis pa lang ang tag-init, kasalanan mo pa sa mga madapuan ng kuliti. At kapag lumuwa kaluluwa mo baka hindi na yan bumalik sabi nga ni kuya Badoodles, magiging zombie ka. Hahabulin ka ng plants, sige ka. Lalo na ng mga talong. Kapag sinisipulan ka pakita mo lang yang gitnang daliri mo, kapag may kumuha ng number mo sabihin mo dalawa gamit mo, tapos bigay mo din number ko. Para makaliskisan muna, at makapagpa-load na din, hehe.

Kung magbo-boyfriend ka siguraduhin mong lalake. Wala namang eksaktong requirements, basta lang yung mabaet, at mapera. Para siya yung nagpapainom at hindi kami. Alam ko walang lalaking makakapag-paiyak sa ‘yo pero kung sakaling sutilin ka ng langit at dumating yung time na yun isumbong mo kaagad sa akin, tatanggalan natin siya ng etits.

Nami-miss ka na daw ni Meh, alam mo naman ang lola mong yun kakapanuod ng telenobela eh masyadong emosyonal. Eh di lalo naman pag naging artista pa ako. Ikaw ang sentro ng atensyon niya nun, at wala kami reklamo dahil nga walang anak na babae si ermats kaya ikaw ang prinsesa ng bahay.

Dati kinukutusan kita kapag masyado ka nang makulit, ngayon magpupulis ka na. Ipangako mo sa ‘kin hindi mo ko huhulihin pagdating ng araw dahil madalas ako nakahubad sa kalsada. Maski may baril ka na nun kutos ka pa rin sa akin. Ang hulihin mo yung tarantadong kalabaw na reflex na ang pag-echas sa tapat ng bahay natin kapag dumadaan. Nakaka-loko ang gago eh, ginawang bowl yung aspalto.

Mag-aral ka pala mag-drive para kapag ganap na pulis ka na itakas mo isa sa mga kotse ng opisina ninyo, road trip tayo. Ayos ba?

“brothers part on the level, and meet on the square.”

hindi ko alam ibig sabihin niyan pero maganda pakinggan.

– Ang Tito’ng kuya mong guwapo.

Advertisements

47 comments on “From kuya to Eedai

  1. Uhm… Mabaet kang tito na ano maaalalahanin na siguro joke lang yung yuck fou pero o sigue tama yang pagpupulis para may matino naman. Gandang hapon Yin Yang.

    Like

  2. Kausap ko kanina si Pong. Haha! Pinag-base ko siya dun sa akin (alangan naman mag-base ako) tapos inunahan ko na siya dito. LOL

    *tamang promote lang. Wahaha!

    Like

  3. wow! ang sweet naman ni Tito Yin:-)

    ayaw ko muna makipagkulitan seryoso tong post mo eh may puso at damdaming kasama dyahe naman kung sasamahan ko ng hindi ko alam kung ano isasama ko pass muna iisipin ko pa kung ano isasama ko puso at damdamin 🙂

    babalik ako pag naisip ko na ung kasama don 🙂

    Like

  4. wow mo beh hehehe.

    bday ba ni Eedai? sia pala ang prinsesa ng bahay. Reyna si Mama?

    hmmm mukhang miss na miss mo na siya.

    walang requirements sa bf basta mabait at mapera, wahahaha. May ganun.

    Ingat lagi beh…

    Like

  5. kala ko utol mo, kuyang tito pala. lols!

    may mga pamangkin din akong halos ilang taon lang agwat sakin. kaya di rin ako nagapapatawag ng tito. kuya lang.

    lupet naman ng pamangkin mo. bihira lang ang pulis na babae eh. pakisabi congrats!

    Like

  6. @lio loco
    musta let ‘tol! Yung pamangkin ko ngang lalake “pare” lang hehe. Sige sabihin ko. Para namang. Hahaha.

    @beeftapa
    tula ka muna bago ka mag-bow ano yan? Tula!

    @ani
    wui, magkasunod oh? Hahaha. Huwag mo kasi takutin, hehe.

    @geylii
    pasalamat saan?
    -Sana hinde!

    @J. Kulipaspas
    nagpapa-cute oh, magbe-berdey eh.. Hahaha.

    Like

  7. namiss ko bahay mo yin! hinayuf*ck na WP to biglang nawala yung blog ko! haha.
    1 week na hindi nagamit, eh ganado pa naman ako magsusulat nung mga nakaraang araw. lol 😀

    Sweet mo namang Tito Yin! hehe. hanuber! 🙂

    Like

  8. ang sweat naman 😀 kasi naman daisy dukes ang tawag dun kaysa naman sa pekpek shorts diba. imaginin mo na lang pag nagpunta ka sa greenhills, ano hanap nyo?

    Like

  9. @geylii
    washuu..

    @kuhracha
    sayaw ka muna!

    @PrinsesaNgDrama
    ako ikaw mismo na-miss ko eh. Hnakanaks. Hehe.

    @narsmanang
    mas madalas nga gala mo eh, ako hihinge!

    @salbe
    walang ganyanan. Kakalimutan ko si Kulisap, ikaw hinde. Hahaha.

    @gince
    hindi ako magdadalawang isip magtanong, “miss may pekpek shorts kayo?” irapan pa ‘ko kapag sinabi kong daisy dukes, baka di ko pa mabigkas ng maayos.

    Like

  10. yow, dir lord, baka naman pwedeng mag-request na ma-promote ako bilang account manager ng company namin kahit mag-aapat na buwan pa lang ako, hehehe.. tutal may ginawa naman akong mabuti ngayong araw eh.. di ba naman? tex ka lang kung ano sagot mo. alas siyete pers breyk ko, meal breyk ko alas nuwebe.

    <<< nahalungkat ko lang sa baul mo 😆

    Like

  11. @kuhracha
    binibiro ka lang. At tsaka papayag ba naman ako na ako lang maduduwal, ki-creepwalk din ako para ikaw din. =p

    @etchosera
    hahaha. Baka may maghanap niyan sa archives ko hindi makita eh magreklamo. Pinu-promote mo Blogspot ko hahaha.

    Like

  12. Tito Yin.. pengeng allowance, wala na rin akong panload.. kakabreak ko lang din kay boypren.. pwede rin ba samahan mo ko isang shot ng tuba?..

    hapi beerday kay Prinsesa-soon-to-be-Pulis.. -late na ba?

    Tito Yin.. sabog utak ko ngayon.. sige na.. pakiss na rin..

    Like

  13. @lee mi
    baket? Baket? Ano ginawa mo?

    @gince
    eh di sana ssf na lang, mas maiksi.. Huwag mong sabihing matangkad ka, hindi ako lalaban.

    Like

  14. wala akong gianwang masama.. akala ko lang wala.. pero meron meron meron pala.. pero naayos ko na.. ang hirap pala manligaw the second time around.. pero worth naman… ayiiiih!!

    Like

  15. Paktay tayo sa Ang TV! Hahaha. Kung papakasalan ka ni Dyusa Anne Kurtis, Pano na si Papa Sam? Anyenye!

    Malupet na bantay ka Yin, nangangaliskis. Buti nalang di ako mahilig sa mga nagpepekpek shorts, maliban nalang kung lalaking maganda ang legs. Haha. Bugahan kita ng apoy dyan eh.

    Wet lang, totoong may kalabaw sa inyo? O mukhang kalabaw sya? Kung mukhang kalabaw lang sya, BAT SYA JUMEJEBS SA KALSADA? BAKEEET???

    Like

  16. @vaj
    sa ‘yo na si sam!

    Buwahaha. Si chito miranda pa lang nakita kong nag-ganun.

    Syempre naman. Agriculture pa rin major industry sa Pangasinan. At di ko ipagpapalit ang countryside sa malls. Sa may highway kasi ang bahay namin pero pag inuuwi ang mga pukining baka at kalabaw from the fields out there in the doon oh eh constitutional right pa rin nung magsasaka dumaan sa kalsada hahaha. Eh damay ang echoserang kalabaw.

    Like

  17. naks talagang close na kami haha… buti naman kung ayaw mong maghanap ng sakit ng katawan…siga mode haha 😀

    Like

  18. Maliket ya inkyanak ed kinen Eedai! (yun ba pangalan niya?) Hahaha. Pasensya ka la ‘Aro nu natan ak labat akapasyar tani, bisi bisi mode. Hahaha. “Puwede ba kita maging TIto?” Nyahaha. Ingat!

    Like

  19. dear tito kuya hehehe…
    wow love na loves mo si edai ah hehe..
    pero natawa ako dito”Kapag sinisipulan ka pakita mo lang yang gitnang daliri mo,” nyahha adik much ah hehehe..
    regards mo pinsan ko kay edai hehehe,,joke lng
    gandang hapon at ako;y napadaan dito muli~

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s