Matagal ko ng hindi nakikita ang dating prinsesa ng bahay, pasensya na hindi ako nakapunta nung kaarawan mo, andami ko na nga utang sa ‘yo. Hayaan mo babawi din ako, one-time big time. Sabi ko nga hindi na ‘ko sasampa ng bente-singko at heto malapit mo na ‘ko abutan, kaya nga fist locks lang at hindi na kita pinagmamano. Ang tito mo heto nagsusubsob pa rin sa trabaho, ngayon ko na lang napagtanto na sana talaga dapat sumali na ako sa “ang TV” nun, asawa ko na sana si Anne Curtis ngayon. Tapos siya na lang nagtratrabaho.
Dati hinahatid lang kita pagpasok sa eskwela, ngayon dalaga ka na. Huwag ka nagsususuot ng pekpek shorts kasi paalis pa lang ang tag-init, kasalanan mo pa sa mga madapuan ng kuliti. At kapag lumuwa kaluluwa mo baka hindi na yan bumalik sabi nga ni kuya Badoodles, magiging zombie ka. Hahabulin ka ng plants, sige ka. Lalo na ng mga talong. Kapag sinisipulan ka pakita mo lang yang gitnang daliri mo, kapag may kumuha ng number mo sabihin mo dalawa gamit mo, tapos bigay mo din number ko. Para makaliskisan muna, at makapagpa-load na din, hehe.
Kung magbo-boyfriend ka siguraduhin mong lalake. Wala namang eksaktong requirements, basta lang yung mabaet, at mapera. Para siya yung nagpapainom at hindi kami. Alam ko walang lalaking makakapag-paiyak sa ‘yo pero kung sakaling sutilin ka ng langit at dumating yung time na yun isumbong mo kaagad sa akin, tatanggalan natin siya ng etits.
Nami-miss ka na daw ni Meh, alam mo naman ang lola mong yun kakapanuod ng telenobela eh masyadong emosyonal. Eh di lalo naman pag naging artista pa ako. Ikaw ang sentro ng atensyon niya nun, at wala kami reklamo dahil nga walang anak na babae si ermats kaya ikaw ang prinsesa ng bahay.
Dati kinukutusan kita kapag masyado ka nang makulit, ngayon magpupulis ka na. Ipangako mo sa ‘kin hindi mo ko huhulihin pagdating ng araw dahil madalas ako nakahubad sa kalsada. Maski may baril ka na nun kutos ka pa rin sa akin. Ang hulihin mo yung tarantadong kalabaw na reflex na ang pag-echas sa tapat ng bahay natin kapag dumadaan. Nakaka-loko ang gago eh, ginawang bowl yung aspalto.
Mag-aral ka pala mag-drive para kapag ganap na pulis ka na itakas mo isa sa mga kotse ng opisina ninyo, road trip tayo. Ayos ba?
“brothers part on the level, and meet on the square.”
hindi ko alam ibig sabihin niyan pero maganda pakinggan.
– Ang Tito’ng kuya mong guwapo.
Fact sheet! Base ako! Naunahan kita Pong Pagong!
LikeLike
Wahaha! Galing mo tol! Yahaha, bakasyon si Pong.
LikeLike
Uhm… Mabaet kang tito na ano maaalalahanin na siguro joke lang yung yuck fou pero o sigue tama yang pagpupulis para may matino naman. Gandang hapon Yin Yang.
LikeLike
Kausap ko kanina si Pong. Haha! Pinag-base ko siya dun sa akin (alangan naman mag-base ako) tapos inunahan ko na siya dito. LOL
*tamang promote lang. Wahaha!
LikeLike
@anjong
hahaha, may bago ba? Teka. Makapunta dun.
LikeLike
wala na…huhuhu
maya na mag babasa si beh ha… bc pa ako.
LikeLike
wow! ang sweet naman ni Tito Yin:-)
ayaw ko muna makipagkulitan seryoso tong post mo eh may puso at damdaming kasama dyahe naman kung sasamahan ko ng hindi ko alam kung ano isasama ko pass muna iisipin ko pa kung ano isasama ko puso at damdamin 🙂
babalik ako pag naisip ko na ung kasama don 🙂
LikeLike
wow mo beh hehehe.
bday ba ni Eedai? sia pala ang prinsesa ng bahay. Reyna si Mama?
hmmm mukhang miss na miss mo na siya.
walang requirements sa bf basta mabait at mapera, wahahaha. May ganun.
Ingat lagi beh…
LikeLike
so cute. hehe. talagang concerned ka sa mga madadapuan ng kuliti. haha. 🙂
LikeLike
@sphere
hahaha. May ganun.
@etch
uu chubra
@kK
eh accountability nia yun. =p
LikeLike
kala ko utol mo, kuyang tito pala. lols!
may mga pamangkin din akong halos ilang taon lang agwat sakin. kaya di rin ako nagapapatawag ng tito. kuya lang.
lupet naman ng pamangkin mo. bihira lang ang pulis na babae eh. pakisabi congrats!
LikeLike
naks naman yin! pagdating tlga sa pamilya iba ka. bow ako. bow.
LikeLike
hmmm, napapaisip ako..ganito din sigoro ka protective ang mga kapatid ko..kaso di lang nila maipakita kasi takot sila sakin…hahaha
LikeLike
hahah . eh sweet ka naman pala 🙂
tsaka na kita papasalamatan ng sobra 🙂
—
sana kaw nalang tito ko hahah !
LikeLike
Ayos. Tito, pengeng pera.
Tito, bakit pangit ka? Tito, tanga ka.
Ano ba namang mga pamangkin ko yan.
Woi..benta benta
LikeLike
@lio loco
musta let ‘tol! Yung pamangkin ko ngang lalake “pare” lang hehe. Sige sabihin ko. Para namang. Hahaha.
@beeftapa
tula ka muna bago ka mag-bow ano yan? Tula!
@ani
wui, magkasunod oh? Hahaha. Huwag mo kasi takutin, hehe.
@geylii
pasalamat saan?
-Sana hinde!
@J. Kulipaspas
nagpapa-cute oh, magbe-berdey eh.. Hahaha.
LikeLike
salamat sa .. basta excited ka , sabi ko nga tsaka na diba ? hahah
ayaw mo ko maging pamagkin ? nakakalungkot naman..
LikeLike
ang cool mo naman tito yin. penge pera!
LikeLike
namiss ko bahay mo yin! hinayuf*ck na WP to biglang nawala yung blog ko! haha.
1 week na hindi nagamit, eh ganado pa naman ako magsusulat nung mga nakaraang araw. lol 😀
Sweet mo namang Tito Yin! hehe. hanuber! 🙂
LikeLike
ambait mo namang tito kuya. penge ding pera. 🙂
LikeLike
Ang bait mong tito. Nagbibigay ka ba ng regalo sa pasko? Kung oo, pamangkin mo na din ako. Kung hindi, magkalimutan na. 🙂
LikeLike
ang sweat naman 😀 kasi naman daisy dukes ang tawag dun kaysa naman sa pekpek shorts diba. imaginin mo na lang pag nagpunta ka sa greenhills, ano hanap nyo?
LikeLike
@geylii
washuu..
@kuhracha
sayaw ka muna!
@PrinsesaNgDrama
ako ikaw mismo na-miss ko eh. Hnakanaks. Hehe.
@narsmanang
mas madalas nga gala mo eh, ako hihinge!
@salbe
walang ganyanan. Kakalimutan ko si Kulisap, ikaw hinde. Hahaha.
@gince
hindi ako magdadalawang isip magtanong, “miss may pekpek shorts kayo?” irapan pa ‘ko kapag sinabi kong daisy dukes, baka di ko pa mabigkas ng maayos.
LikeLike
masusuka ka lng pag sumayaw ako.
LikeLike
yow, dir lord, baka naman pwedeng mag-request na ma-promote ako bilang account manager ng company namin kahit mag-aapat na buwan pa lang ako, hehehe.. tutal may ginawa naman akong mabuti ngayong araw eh.. di ba naman? tex ka lang kung ano sagot mo. alas siyete pers breyk ko, meal breyk ko alas nuwebe.
<<< nahalungkat ko lang sa baul mo 😆
LikeLike
@kuhracha
binibiro ka lang. At tsaka papayag ba naman ako na ako lang maduduwal, ki-creepwalk din ako para ikaw din. =p
@etchosera
hahaha. Baka may maghanap niyan sa archives ko hindi makita eh magreklamo. Pinu-promote mo Blogspot ko hahaha.
LikeLike
ano yung pekpek shorts? lolz
LikeLike
@timangkey
huwag ka nga. Kung alam ko kaw nag-coin ng term na yun eh, hehehe!
LikeLike
huwaw! close na tayo?
LikeLike
astig ng kuya! hehe ^^ mag pupulis pala sya.. malakas na kapit mo nyan sa batas kuya yin! hahaha!
LikeLike
ayaw ko mag replay
ewan ko ba. sad daw si kris aquino pero kahit ako ayaw ng kamatis
LikeLike
@sunnystarfish
sige hindi na lang, yawmu eh.
@kuya bons
bons ang tagal mo hindi nagparamdam!
@etchosera
anudaw??
LikeLike
Tito Yin.. pengeng allowance, wala na rin akong panload.. kakabreak ko lang din kay boypren.. pwede rin ba samahan mo ko isang shot ng tuba?..
hapi beerday kay Prinsesa-soon-to-be-Pulis.. -late na ba?
Tito Yin.. sabog utak ko ngayon.. sige na.. pakiss na rin..
LikeLike
charoterang emotera!!! 😀 tinatamad ka lang magtype hehe…
LikeLike
@lee mi
baket? Baket? Ano ginawa mo?
@gince
eh di sana ssf na lang, mas maiksi.. Huwag mong sabihing matangkad ka, hindi ako lalaban.
LikeLike
edi ikaw na online 😀
LikeLike
wala akong gianwang masama.. akala ko lang wala.. pero meron meron meron pala.. pero naayos ko na.. ang hirap pala manligaw the second time around.. pero worth naman… ayiiiih!!
LikeLike
sabi ko sabi mo di ako nag reply. tambak na ung msg ko sau pero d k naman sumasagot.
ingats
LikeLike
waw.. alagang alaga mo si eedai ah.
plants vs zombies hahaha
ano number ni eedai
LikeLike
@lee mi
naks naman! Puma-pagibigs! Hehe!
@etchosera
hindi naman ako bibiyahe.
@jason
092*-***-**** hahaha.
LikeLike
Paktay tayo sa Ang TV! Hahaha. Kung papakasalan ka ni Dyusa Anne Kurtis, Pano na si Papa Sam? Anyenye!
Malupet na bantay ka Yin, nangangaliskis. Buti nalang di ako mahilig sa mga nagpepekpek shorts, maliban nalang kung lalaking maganda ang legs. Haha. Bugahan kita ng apoy dyan eh.
Wet lang, totoong may kalabaw sa inyo? O mukhang kalabaw sya? Kung mukhang kalabaw lang sya, BAT SYA JUMEJEBS SA KALSADA? BAKEEET???
LikeLike
@vaj
sa ‘yo na si sam!
Buwahaha. Si chito miranda pa lang nakita kong nag-ganun.
Syempre naman. Agriculture pa rin major industry sa Pangasinan. At di ko ipagpapalit ang countryside sa malls. Sa may highway kasi ang bahay namin pero pag inuuwi ang mga pukining baka at kalabaw from the fields out there in the doon oh eh constitutional right pa rin nung magsasaka dumaan sa kalsada hahaha. Eh damay ang echoserang kalabaw.
LikeLike
naks talagang close na kami haha… buti naman kung ayaw mong maghanap ng sakit ng katawan…siga mode haha 😀
LikeLike
@gince supermodel
crush na nga pati kita eh.
LikeLike
yun oh, meganon?
LikeLike
Maliket ya inkyanak ed kinen Eedai! (yun ba pangalan niya?) Hahaha. Pasensya ka la ‘Aro nu natan ak labat akapasyar tani, bisi bisi mode. Hahaha. “Puwede ba kita maging TIto?” Nyahaha. Ingat!
LikeLike
dear tito kuya hehehe…
wow love na loves mo si edai ah hehe..
pero natawa ako dito”Kapag sinisipulan ka pakita mo lang yang gitnang daliri mo,” nyahha adik much ah hehehe..
regards mo pinsan ko kay edai hehehe,,joke lng
gandang hapon at ako;y napadaan dito muli~
LikeLike