Kahalayang ube halaya (an ode to J. Kulisap)

Ang mga kulisap ay nakakarindi, biglang pumapasok sa tenga habang natutulog, gustong agawin ang papel ng kulangot at pati ilong ng tao ay nilulusob, akala mo naman masarap ang lasa at walang paalam na pumapasok sa bibig mo kapag humihikab ka. Ang pinaka-leche pa eh papasukin ang brief mo kapag wala kang kakayanang magkamot. Nakakairita.

Hindi alam ng mga kulisap kung gaano kaiksi ang buhay nila, hindi nila alam ang salitang “sipag” dahil hindi rin nila alam ang kabaliktaran nito. Pero natural sa kanila ang magtrabaho.

Ganyan ka G. J. Kulisap, nakakairita at nakakatuwa at the same time at the wrong place at the right time at fifty pesos per kilo at yahoo datkom. At. At sa edad mong yan ang sipag mo magtrabaho, nakaka-insprite. Sana lolo na lang kita para matulog at kumain at manuod ng porn na lang ang gagawin ko, ikaw na bubuhay sa akin kahit otsenta ka na.

Isa kang reynang bubuyog, na may antena ng ipis, pakpak ng ipis, at amoy ng Mrs. Pee adult diapers. Pero sa kabila nito ay malaki ang ginagampanan mo, hindi mo namamalayan pero ikaw ang nagbubuklod sa mga blogistang gaya namin. Pinagkakaisa mo kami. Para balahurain ka. Paano na lang kung wala ka? Ang saya siguro mag-blog. Kuya Jess, pasok.

Para kaming mga batang may lolo’ng tinitingala. Tinitingala ang kulubot na bayag niya.

Sana pag-abot ko sa edad mo may lakas pa akong mag-blog. At sana hindi ka na nagblo-blog nun. Hahaha. Sana pag-abot ko sa edad mo na-master ko na ang pakikisama’ng meron ka. At sana buhay ka pa nun. Hahaha ulet. Hahakhak. Ayun may sumamang plema.

Huwag ka munang mamamatay, kasi hindi pa kita nakikita. Huwag ka munang mamamatay, kasi magiging presidente pa ‘ko, ng homeowners association namin kapag may bahay na ‘ko. Limampung taon pa siguro. Kaya mo? Kaya yan. O di kaya huwag ka na lang mawala, ikaw na lang maiiwan dito mag-isa sa mundo pag nagkataon. Para sa ‘yo iwi-wish ko yun. Like?

Balahurado. Respetado. Yun ka G. J. Kulisap. Isa kang irony. Sa tagalog: isa kang ayorni.

Maligayang ginulayang kaarawan sa iyo Kulisap. Mabigat sa loob ko ang paggawa ng poste’ng ito.

Maraming salamat ng walang kadahilanan. At oo nga pala, fuck you din. Hahaha.

Advertisements
By akosiyin Posted in Uncategorized

56 comments on “Kahalayang ube halaya (an ode to J. Kulisap)

  1. tamang tae lang yin ah. parang si kulisap. saktong saktong kapakyuhan. gayunpaman, kung paano kitang minamahal, ganon ko din cia minamahal. wala na. bolahan na to. pwedeng pwedeng tambyolo. parang kontes nya, may pa-judge judge pa nalalaman, itatambiyolo lang naman ang mananalo. hahaha

    Like

  2. waahahahahah asan si kuya kulisap

    hahaha

    teka niresearch ko pala, kulisap pala ay pareho ang meaning sa insect.
    so maraming klasipikasyon. pedeng ipis, surot, bubuyog, alitaptap, gamugamo, at iba pa

    olala

    Like

  3. Fuck those insects.

    Oh no…I’m old but still using baby cologne. Kiss my ass ‘yo.

    Sinayang mo ang espasyo mo sa walang kwentang pagpupugay sa itlog kong kulubot, pero sino ba naman ako para mag-inarte. Kaya kong suhulan ang mga hurado para ikaw ang piliin nila, sa dami ninyo. Magtext ka lang Yin, kaya lang baka gumaya ang iba, gumawa din ng tribute sa akin kahit hindi pa naman ako patay.

    Tang inumin ninyong lahat. I love my life more than I knew.

    Like

  4. @kUHRA, Lasing lang, binabanatan ko ang likidong panglinis ni Manong Janitor dito, nakita niya akong, sumisinok-sinok…ayan..tagay Kulisap..may tama din itong asido o..hinaluan pa ng pinagpigaan ng mop. Hataw…hataw..hataw nyo ako sa pader.

    Like

  5. @kuhrach
    ayun oh, gawin na nating bisnes yang base-base na yan! Sali ako!

    @taribong
    hahaha, oo tay tarbs. Shot na.

    @kuhracha
    kanta na tayo ng barney song!

    @jason
    ang garapata din ba? Hahaha.

    @berdey boy
    masaya na ‘ko na nakalahok sa beauty contest mo, hindi ko rin siguro naisatitik ang mga kaisipan kong yun kapag wala ang contest. Masaya na ‘ko na naibahagi ko ang anumang sa tingin ko ay meron ako, kapiranggot man, kagaguhan espesyal pa rin. Ode lang yan, pag su-suicide ka abisuhan mo ko para ako una gumawa ng tribute engrande.

    @kuhracha
    iba’ng iba yan sa noon kamo, nag-evolve na. Ayoko na talaga tumanda.

    Like

  6. Entomology is the study of insects. Isa yun sa pinakapaborito kong subject sa MA days ko. Nanghuli kami ng paru-paro at marami pang iba, pinreserved pa namin gamit ang bottle, at maraming kemikal na pinaghalu-halo.

    Isa lang naman ang gusto kong sabihin HABERDEI KUYA KULISAP naming Mahal!

    Ang bayan kong tanging ikaw, Pilipinas kong Mahal!

    Like

  7. Yin may isa pa akong reklamo, bakit may bayag bang hindi kulubot? Sino ‘yan. Pakikuhaan ng larawan, ilagay mo sa Facebook.

    Ang kintab non, parang may kapangyarihan ‘yon.

    Alam ko naman Yin. Tarantado ka lang tingnan pero mas tao ka pa kaysa sa akin. Mas may silbi ka pa sa kinikilala mong Lolo. I am a fan Yin, hindi ko ba nasabi sayo? Pero kahit sabihin ko pa, hindi naman kita sasambahin dahil baka yumabang ka, mawala ang akin mong ganda.

    Like

  8. @J. Kul
    ikaw siguro nagpakawala nung “samar coke” ano!

    @pong
    eh yung study of ollld insects Pong?

    Hapiberdeytuy… Handa, awit..

    Like

  9. @J. Kul
    ikaw siguro nagpakawala nung “samar coke” ano!

    @pong
    eh yung study of ollld insects Pong?

    Hapiberdeytuy… Handa, awit.. Be blessed!

    Like

  10. aawit na ako.

    Once again has come your birthday
    Once again the time is here
    What a lovely gift from Jesus
    He has given you one more year (2x)

    Happy birthday to you
    Through Jesus with you
    God bless you
    And keep you
    The whole world is in you!

    Yehey

    @kuya yin
    walang ganun
    divided lamang sa areas of specialization
    kagaya ng arthropods, winged insects at iba pa
    basta kalabaw lang daw ang tumatanda

    Like

  11. yin, kelangan doble?
    yin, kelangan doble?

    ginawa na saken to ni kulisap.
    ginawa na saken to ni kulisap.

    Like

  12. @pong
    be blessed pala pongskie!

    @J. Kulintab
    meron kaya? Pero yung parteng may buhok syempre hinde. Mag-molt ka kasi! Ay insekto ka pala.

    Purihin mo man ako walang magagawa yun, lumalaki lang ulo ko kapag hinihimas at nakaka-appreciate ng ganda. Tsaka pati hindi ko siguro mamarapatin, tse! Fan kita diyan, FAN YU TU!

    Like

  13. @pong
    teka walang saliw ng gitara nawawala yung palakol ko!

    @kuhrach
    kasi po may dinagdag ako.
    kasi po may dinagdag ako.

    Naalala mo yung nadoble’ng message dati?
    Naalala mo yung nadoble’ng message dati?

    Alin ginawa niya? Alin ginawa niya?

    Alingawngaw..

    Ng..

    Taribong..

    Itutuloy..

    Like

  14. Hindi ako makaisa. Salamat sa inyong lahat. Si Pong na anghel na ata na pinadala sa akin ni Bigbro, natatakot na talaga ako Pong, pero sige na nga..I love you na Pong.

    Mamaya, babalik ako…inaasikaso ko lang ang mga entries. May niluluto este inaayos, naman bawal kay kulisap ang luto…hilaw pwede

    Like

  15. and i hate u kasi may sinabi ka na naman dito na aylabjeykuli, hmp.

    Api Bertdey Kuya Jkul.

    @ Jkul,
    Idolo kita di ba. Naunahan ako ni Yin. Remember Kuya sabi ko sau gagawan kita ng entry para sa kaarawan mo bukas. At dahil may nagawa na si yin, makikisabit na lang ako. Wahaha.

    saglit may pagsusulit pala ako..hahaha. ang hirap pa naman. haiz.

    Like

  16. sandali…wag kang ganyan yin… galing din ako sa lahi ng kulisap, pati ba ako minumura mo..hmmmm, di kita bati!

    hahahaha, kuya happy b-day…mahal na mahal ka talaga nitong si yin, imagine ginawan ka nang entry… aba! minsan lang mainlove si yin..hahaha

    Like

  17. @etchosera
    =p hmp.

    @aninipot
    ayt huwag ninyo sineseryoso yung post. Dapat pala mas brutal ginawa ko. Hahaha.

    Gaya nga ng general theme ng akosiyin crib eh “SA LAHAT NG BAGAY AY MAY MAPUPULOT KANG MAGANDA..” at kahit sa katandaan, kalatoyan, eh gusto ko tinitingnan yung beautiful side, and keep the good that comes with it. Tingnan din yung ugly side, yet learn from it while assaulting it.

    Kaya assault ko na siya, “mr. Kulisap! Put those dog-deym hands on the f*ckin’ wall!” hahaha.

    Like

  18. Tae, anu yang pinagsasabi mo? Baket ka nagpapaliwanag? Bahay mo to. Di mo kelangan magpaliwanag. Hahaha. Joke lang yin. Pampagulo lang sa tamang trip ng bahay mo.

    Like

  19. Aba si Ani, nakikitungga sa dalawa. Si Pong, pangiti-ngiti lang sa tabi. Tagayan nyo naman si Pong. Si Echos naman, nagbabasa ng ka-echosan. Hmmmm.
    Masarap itong pulutan…sinong nagluto nito si Oton ba?

    Kalderetang langgam? Wet? Kalderetang langgam…wow. Ulam

    Like

  20. @ J. Kulintab
    walang matutulog! Si ani patagayin, may hangober pa yan sa quiz bee, kelangan sundutin. Si pong umalis, pumunta yata thailand muna, hihi. Kuhrach kantahan na ang berdeyboy. Etchosera yung dance number natin dali! Magdadala daw ng siopao si jason pagbalik. At si manong tarbs magdi-dtr muna.

    Like

  21. hopia mani popcorn.
    sasayaw pala tau weh di nga?
    cge cge praktis na tau.

    kuracha,mamaya na ang pack up. dito ka lang kay yin yang, ayie..

    ani, anini, aninipot…. wahaha

    kuya J. sori po 😦

    Like

  22. Aning…ikaw ha…parang tinatakot mo ako. Lensyak kang bata ka. Tagay pa.
    Ang tuba na may umami at Yin ano ba yang Samar Coke? Di ko pa natitikman ‘yan. Aba at may mga inihanda ang mga kolokoy. Parang feeling ko nasa isa akong mataas na upuan ano ha..pakuyakuyakoy…habang ang mga uto-uto..nagpapalabas ng kanilang hindi kagandahang talent.

    Patayin…patayin..palitan ng iba..

    eh bakit?..birthday ko.

    Like

  23. Ngayon at bukas lang ‘to. Walang kakanta ng “my way” ha! Wahaha.

    Samar coke. Sakop ng national security na paksa hindi mo knows?? Eww!

    Like

  24. ahahaha nahuli ako late sa english = umpisa naba nginuman? asan ung tagay ko? may vigil ba para don sa entry bukas? baka di ako makatulog maya pag 6am jan 2pm d2 aabangan ko ung entry bukas…

    Like

  25. @kuya kulisap
    hindi po ako nainom
    pass muna
    pareng yin sa iyo lahat ng tagay ko ha

    siya nga pala 12 mn diyan igreet natin si kuya kulisap ha
    7pm naman dito sa amin yehey! yipeee!
    chippy! chicharon!

    Like

  26. isa itong astig at masayang tribute.

    sa tagalog: tribyut.

    sana kahit matanda na si JKul e tumitigas pa rin ang kanyang paninindigan at humahaba pa din ang kanyang pasensya.

    lol.

    Like

  27. ibang klase ka yin. bilib ako sayo sa pagtrato mo sa mga taong malake ang impluwensya sayo. kitang kita ang respeto sa likod ng mga balahurang salita. hehehe

    happy birthday tandang kulisap!

    Like

  28. binangas mo yin ang mukha ni kulisap sa posteng ito!hahaha!!!

    j.kul,naramdaman ko yung napakalaking pagpapahalaga sa yo ni yin kahit parang ang totoo,gusto ka nyang gawing biskwit….hindi para kainin kundi para durugin lang tapos itaktak sa langgaman.

    hahaha!!!

    laughing all the way habang pa exit sa bahay ni yin!

    Like

  29. Sino nagsabeng masipag yan si Lolo? Eh wala ngang ginawa yan sa opis kundi mag bloghop! Sumbong kita sa super kulisap ng opis nyo eh. Oha oha.

    Namiss ko bigla ang panlalait ni Fafa Jesse. Masarap makisabay kase parang sya ang hari ng alaskahan. Hahaha.

    Habedei Lolo! Pakinshet ka nagbeberdey ka pala!

    Like

  30. talaga namang mahal na mahal mo ang lolo! so, siya ba ang pinalit mo sa akin, lolo? siya na ba ang paborito mong apo? hindi na si Gina? (korni)

    or… kabit mo siya?! lolo naman!

    further basa muna… naaaliw ako… habang nag-hihintay sa inauguration ni PNoy!

    Like

  31. galing galing naman! noble prize na ito.

    kaso si kulisap, kahit matanda at pangit, ay hindi mamamatay. sya ang salot sa 2012…abangan….

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s