god, you got mail (part 2)

Ang laki na ng gap natin. Ang dami na ng carbon monoxide sa baga ko. Paubos na endorphins sa katawan ko. Ang tagal ko nang hindi napasok ng crib mo. Langya naman kasi ayaw magtagalog ng pari dito sa church na malapit sa apartment. Tsaka baka kapag kinausap kita bigla ka sumagot ng “nukarin kan going?” eh matameme ako at maisagot ko lang eh “kanta kang do-re-mi neh?”. Wala lang akong kusa, alam ko.

Hindi na ako gaya ng dati. It’s not you, it’s me. I’m sorry. Hindi mo ba alam yung 3-month rule?? Ay sorry, hindi sa ‘yo yun. Oo, hindi na kita kinakausap gaya ng dati, na maski ang tiyempo ng pagbayad ko sa dyip at pagpara eh ikokonsulta ko pa sa ‘yo.

Inexaggerate ko lang, kayo naman po. Inaamin ko, ang daming bombilyang nailaw sa tuktok ng ulo ko kapag nakakapanuod ako ng Rubi, kapag nakikita kong sumasayaw si Maja Salvador, kapag may bagong commercial si Cristine Reyes. Inaamin ko nakakalimutan na kitang i-PM, na hindi ko nila-like yung mga FB status updates mo, na hindi na ‘ko kasingkulit ng dati, na hindi ko na sinasambit yung “in-da-nayt-bi-por-ay-slip..” at “salamat sa lamon” prayers ko, maski nga yung magkrus kapag malamig ang tubig pampaligo eh nakakalimutan ko na. Although hindi ko maintindihan kung bakit pa namin kailangan humingi ng proteksyon sa ‘yo laban sa malamig na tubig pampaligo. Eh di sana pala dapat nagkru-krus din ako kapag umiinom ako ng red horse na may yelo.

Inaamin ko madami akong pagkukulang. Alam ko na bakit hindi Accountancy ang pinakuha mong kurso sa akin. Puro minus lang ang alam ko kasi. Kaya hindi ko rin natapos ang kurso kong dyindyineering. Pero kung si Presidente Noynoy eh hirap mag-quit ng paninigarilyo at bawasan ang video games ibahin mo po ako. Gusto ko baguhin ang sarili ko. Tulungan mo po ako mag-umpisa. Magpapasama sana ko sa ‘yo mamaya sa parlor magpapagupit, available ka po ba?

Isa akong malaking jejemon, kinakausap mo ko pero sinasagot ko lang eh “lolzKie” at “jej3je”. Isa akong kongresistang laging absent kapag kailangan mo makabuo ng quorum. Isa akong syotang tiniteks ka lang kapag kailangan ng load. Isa akong estudyanteng naghahanap at naghahabol sa iyo para magkumpleto ng requirements dahil wala ginawa nung panahong dapat pumasok. Isa akong tae na naapakan mo na, wala pa ring pakialam.

Pero alam ko hindi ito ang pangarap mo para sa akin. Ayoko na ring makipagtalo sa ‘yo tungkol sa pangarap mong mag-artista ako. Magulo ang buhay ng artista. Alam mo naman kung ano yung palagi kong wish eh. Pilit ko iniintindi na ang ibang hiling eh hindi mo pa binibigay dahil hindi pa panahon, pero sana yung iba naman ibigay mo na bago pa man maisipan tumakbo ulit ni Joseph Estrada sa pagka-presidente. Baka tuluyan nang tamaan ng asteroid ang Pilipinas nun. Nangungulit lang, baka makalusot. Ikaw pa rin naman ang masusunod.

Buwan ko ngayong Hulyo. Taon ko ngayon. Dekada ko ‘to. Buhay ko ‘to. I am the master of my fate, I am the captain of my soul. Pero ikaw ang tour guide ko. Bati mo na ako ha.

Ikaw ang Albatross air freshener sa banyo ko. Ikaw ang Pepsi ng hangover ng buhay ko. Ikaw ang filter ng yosi ko. Isa kang bebot na magpapasukob sa dalang payong kapag maulan ang buhay ko. At I love you na. Noon pa man. Washuuu..

Kahit wala ka twitter follow mo pa rin ako ha. Muah. Tsup.

Advertisements

72 comments on “god, you got mail (part 2)

  1. tol yin, astig ng post mo na ‘to! i like it million times! nainggit ako bigla sa tema at mga salita mo, napaka astig pero may puso padin! simpleng bumanat tagos sa dibdib ni big bro yan! at sigurado alam nya kung pano ka nya sasagutin at kakausapin sa paraang mas maiintindihan mo din!

    keep on talking =)

    GBU!

    Like

  2. hay, kung anu man yang pinagdadaanan mo na yan, tandaan mo: kahit sa isang sulok ng kwarto mo pagkagising mo, pasalamat ka at nagising ka pa; at dun din sa mismong sulok na un bago ka umalis hingi kang 2long para nmn gabayan ka nia s lakbayin mo.

    gus2 ko ang post mo na to. may puso. alangan sau.

    smile nmn jan.. šŸ˜‰

    Like

  3. wow! ang galing galing ng post mo nato Yin sobrang like ko to…

    kung hindi nya parin sinasagot ang wish mo at naisipan ulit ni Erap tumakbong tanod sa eleksyon malamang ang sagot nya NO kaya magwish ka ulit ng iba.

    Yin, bertday mo din ng Hulyo walang petsa? basta Hulyo…

    wala akong masabi galing mo tlga!

    Like

  4. parang panang panudla, tumatagos…..
    (teka, ano pala ang pagkakaiba ng tagos at tagas?)
    magandang araw, yin!!! salamat sa pagpapaalala…. šŸ˜€

    Like

  5. hmmm nasa kabila ang part 1?????

    alam kong di mo pa SIYA nakakalimutan kahit sinasabi mong d mo na sia nakakausap. ikaw pa.

    gusto mo ba post ko dito ung iba mong entry šŸ˜†

    God Bless

    Like

  6. dito sa post mong ito kuya yin magkakasundo tayo.

    apir!

    nagkita na ba kayo ni ex sa SM? naman hindi pa?!

    pag-uwi ko nalang!

    Be blessed kuya yin!

    Apir!

    Like

  7. @lee mi
    kaw din lee mi, be blessed po, thanks.

    @bons
    ayun oh nagala na ulet si pare’ng bons. Yey. Salamat, idol.

    @sows
    i’m smiling sows, kaw din. Di ka tumatanda sa gravatar mo ah!

    @manong tari
    tagos yata ay pandiwa at tagas ay pangngalan, hehe. Walang anuman at salamat din a-po!

    @chos
    nandito yung part 1. I dare you, wala kong maalalang nasa blogspot, hehe.

    Like

  8. @sphere
    korek ka Anne. Hindi pa pala kita ka-fesbuk ano? Opo, July kid ako hehe.

    @pong
    alam ko, oo naman hehe. kumusta na pong? Apir din! No look- patalikod- pa!

    Like

  9. @ate etchos
    patawad naman
    nabasa ko yung mga IMs mo
    na disconnect ako nun sabay nag freeze ang lappy nung karoom ko.
    nakikihitch lamang ako sa lappy nya at ectchos
    sana mapatawad mo ako

    mag chat tayo sa thursday sige
    patawad naman diyan oh?

    @kuya yin
    di ba hindi naman ako suplado? ko-insidens lamang yung kay ate etchos
    maniwala kayo.

    Like

  10. mizkunasila

    matagal na rin akong hindi nauwi ng pangasinan nami-miss ko na ang mga pinsan, pamilya, kaibigan, kaaway, titser ko sa elementari, tindero ng pandesal, ng taho, ng mani, ng kikiam, ng pisbol, mga pamangkin ko, mga niligawan ko, mga nanligaw sa akin, mga nambasted sa akin, mga binasted ko, mga sinapak ko, mga sumubok sumapak sa akin, aso kong si shuriken (na sumalupa na), mga kainuman ko, mga bebot na nakasakay sa dyip na kinakawayan ko at kumakaway pabalik sa akin, mga baka’ng dumadaan sa harapan ng haybol namin tuwing alas kuwatro ng hapon at nag-iiwan ng keyk sa kalsada, ang dati kong trabaho, mga dati kong katrabaho, mga hindi ko katrabaho, si padre, si mayor, si vice, sina konsehal, yung papaya sa tabi ng streetlight, yung streetlight sa tabi ng papaya, yung amoy ng lupa pagkatapos kong umihi pagkaraan kong uminom kagabi, yung tsinelas ko, yung mga cd ko, yung… yung… yung…
    tanamits antok na ko.. at nasa pampanga pa rin.

    sample lang yan hahaha

    Like

  11. @pong
    ay pong walang nadating ng IM sa akin, wala ka sa list ko eh? Ni walang dumating na notification for a request. Di ko naman gagawin yun, weh. Buti inopen mo, invite mo ko ngayon, or add kita. Ano username mo?

    @chos
    alangya, ala naman ako dialogue kay papa jay sa BSpot post ko na yan ah!

    Like

  12. future hahahaha

    @ pong akala nio lang kasi di ako dumadalaw sa bahay nio, andun ako nag babasa, nag mamasid. di ko kasi ugali ang mag iwan ng bakas. dito kay yinyang na bahay ok lang na dumihan ito hahaha

    Like

  13. @kuya yin
    hindi naman ni-aaway ni ate etchos eh
    peyborit din niya ako eheeheh
    napansin ko peyborit mo din si PARE?

    @ate etchos
    ganun ba sana naman magtagpo ang time zone natin (kahit halos parehas lang)
    yahey busy ka din pala sa gawain isama dapat natin minsan si kuya yin

    Like

  14. Ate Etchos: Akala niyo walang wala, pero meron, meron, meron

    Pong: Patawad na ate etchos

    Yin: Nasaan na ang mop, maglilinis na ako

    ehehehe

    Like

  15. @ pong,

    di naman nakakalimot si yinyang sa KANYA. Mahal nia un.

    pwede pakilinis na rin ng mga kalat ko dito pong? wala akong peyborit. lahat kau mahal ko. lahat kau kapatid ko. busy lang si ate.

    Like

  16. @chos
    hawak-hawak na ng kamay, kanta na tayo.

    @pong
    ang cute ng pulitika sa pilipinas. At isa siya sa mga cute na pulitiko.

    Like

  17. oi hawak-hawak daw ng kamay kami ni yinyang šŸ˜†

    ayoko makukuryente ako hahaha. last na ito. sabi ko sau hahaha tapusin ko lang araw na ito den wala na. ok?

    Like

  18. abay pag kalentong naman kuya yin ahehehe

    hay magandang hapon muna,,,sa-id na utak ko para mag isip pa nang makabulhan ipot na iiwan sa crib na ito…hayyy…

    God bless..

    Like

  19. Alam ko na kung hanggang kailan ako mamahalin ng sipon ko, na gusto ng mahal na mahal kong sipon na, hikain ako, magkatrangkaso, lalagnatin, magmumuta at magluluha…’yan, sa lahat ng kalaban, talo ako ng sipon.

    At hindi rin naman ako avid fan ng mga gamot, katwiran ko nawawala rin pero dahil magaling ang aking nurse na si Aninipot, tumira ako ng BioFlu, ayon…maginhawa ng konti pero hindi pa rin nawawala ang sipon ko.

    ang ending..matigas talaga ulo ko.

    Like

  20. @beeftapa
    dapat!

    @ajlation
    ayos lang tol, ang pagdaan mo ay malubos na’ng pinapahalagahan pagkatapos ng isang mahirap na araw ng eskwela.

    @j. K
    sabi ko naman sa ‘yo, yung sinabi ko sa ‘yo ay hindi gamot, palalakasin nito ang immune system mo, ako man ay hindi mahilig sa gamot at naniniwala sa sariling kakayanan ng katawan na magpagaling. Yung bioflu (walang opensa kay Ani) ay remedyo lang, na kailangan mo naman talaga kasi may trabaho. Ang pinagmulan niyan ay pagod, kaya yun ang dapat agapan. Try mo. At tandaan, an apple a day is seven apples a week. Hahaha.

    @chos
    okay na yan. Yan pa.

    @sphere
    bakit “din?” kaw ba?

    Like

  21. hmmm, may dapat pa ba akong sabihin?..hehehe, isa sa mga dahilan bakit gusto ko ang mga entries mo yin dahil lahat yan tagos sa puso..napakasimple per ang lakas ng dating…nasabi ko na yata yan dati.

    yang si kuya kulisap, inadvise ko rin na uminom na lang..haha, tanduay tyak tanggal ang sipon nya..hahahaha

    Like

  22. Wow! Ang ganda nito Yin. Kahapon ko pa nakita ang bago mong post pero tinamad akong basahin buti na lang nagsipag ako ngayon. Napapangiti ako dun sa pangarap mong maging artista, sana makalusot.

    Like

  23. After kong basahin ang entry mo, napaisip ako kung baket nasa category sya na ‘Ako ang Semilya’. Hahaha.

    Anyways, I think you already know that I am not religious in any way. But I like it when people do not take religion too seriously. eople who preach annoy me to death, and I am fine with people believing in difeerent things, I just don’t think they should force what they believe in in my face because I have reasons why I don’t.

    Actually walang kinalaman ang reply ko sa entry mo. Haha. Ang masasabi ko lang, halos pareho tayo ng way ng pagkausap sa pinaniwalaan kong Diyos nung bata pa ko. Nung naniniwala pa ko sa kanya. Parang may kausap lang na tambay. Hehe.

    Like

  24. @ Yin oo may hika ako at pag sya umatake walang sinuman ang nakakapigil at kailangan kong tumigil sa aking trabaho kahit isang araw para alagaan sya ahaahaha dahil kung hindi magwawala sya at nagbabantang papatayin ako pag hindi ko sya inalagaan kahit isang araw lng mahilig syang mang blackmail.:-)

    Like

  25. wala ako pake sa mga shit na sinabi mo pero gusto ko tong post na to dahil nakakatuwang malaman na marunong kang tumawag kay papa jay. parang cool version of faith.

    Like

  26. @ani
    uu nasabi mo na. nasabi ko na bang mahal kita? hahaha.

    @salbe
    yoko na nun. boksingero na lang. wahaha.

    @vajarl
    e-mail kita minsan. wala lang. gusto ko kausap mga gaya mo at nang may mapulot na bago. tse!

    @geylii
    i am.

    @sphere
    exorciselang yan Anne. muah. langya, kanain na natin yang hika mo, nang-aano eh.

    @ettedanrebzednanref
    ui, hehe. tenchuw. di pa pala ko nagala masyado. pasyal ako dun sa bahay mo dette, handa kang pagkain ha? lol

    @Len
    ay yun lang? di mo ko miss. hmp.

    @kuhracha
    wala rin ako pake sa komento mo. hmp. hehe.

    @kuhracha ulet
    di ko maramdaman. miss ko din ikaw.

    @pong
    oh na-add na kita pongskie!

    @pam
    wui pam! mishuna ah…

    @ J. Kulisap
    dahil may hika ka, ganun.

    Like

  27. @ Jkulisap san mo napulot yang kasabihan na yan? sa totoong buhay mo ba?

    @ Yin, tlgang nang-aano sya, madalas nya akong anuhin pramis šŸ™‚

    Like

  28. ayun natatawa ako ang cool.. pero at least diba alam mo yun pagkululang mo..natatats ako kasi pareho tayo ahaysss .. ako din pinag iisipan ko pa yun plano nya saken maging model wahahaha..

    tawag ka lang or text sa kanya .. 24/7 SYANG available šŸ˜‰

    Like

  29. hindi ko alam ang sasabihin ko. hindi kasi ako nagsisimba. at wala akong relihiyon. kulto lang. lols!

    eto na lang…

    maige ring nagkakaron ka ule ng oras sa kung sinumang bathaluma ang pinaniniwalaan mo. karamihan kasi ng tao ngayon masyadong plastik. nakakaisip lang magdasal pag may kelangan. pag siksik-liglig naman, puro sarili lang iniisip. ang lagay ba eh lage na lang salbabida ang papel ng diyos sa tao?

    muka bang pinaghuhugutan? di gaano. basta ang alam ko naniniwala ako sa konseptong may mas mataas pang entity kesa sa mga tao. pero wala pa rin akong relihiyon. lols!

    Like

  30. @anne
    lamig ang hika di ba? Magkakain kang fruits na mainit sa katawan.

    @ate adelle
    isa ka sa mga hinahangaan ko sa tatag ‘te adelle. Apir!

    @kayedee
    aray. Hahaha. Lahat ng posts ko matino. Mga tambay dito hindi matino magbasa. Hahaha. Di pa tapos berdey ko. Kaw kaya!

    Like

  31. @duking
    magandang araw din duking! Hindi lang sa iyo pero sa lahat ng kaibigan ko sa blog world na hindi ko nadadalaw, tinatamad lang talaga ko maglibot. Manggugulo din ako sa mga bahay ninyo. Maraming salamat.

    @lio loco
    idol, pasensya na andumi ng paa ko di ako tumutuloy sa crib mo. Jedi knight ako dati tol. Tropa ko si pareng Jay, pero tama ka tol, may salarin sa likod ng kagandahang nakikita natin. Isang katalinuhang walang kaparis. Konsepto man ito sa umpisa ay inangkin ko nang katotohanan sa puso ko. Shit ka, ang haba ng komento mo napaseryoso ako.

    @ J. Kulisap
    heto na kuli, inayos ko lang kwarto ko nag-walis walis ng konte.

    Like

  32. boss yin kumusta ka na
    pupunta na ng SG si ex hindi man kayo nagkita
    nagmessage sya sa akin kaninang umaga.
    kumusta na boss yin
    musta na boss yin
    boss yin musta
    boss yin kumusta?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s