Charice Pempengco – Justin Bieber Scandal

Taka ka agad sa title ano? Ibig sabihin niyan nagkakapit-kamay na ang mga neurons ko, nagka-delete-an sila sa facebook pero friends na ulit sila. Under therapy ang abang lingkod ninyong stripper, at pinipingger ko na ulet butas ng ilong ko. Gutom sa orgasm ang utak ko. Patunay? Naligo ako kanina.

Kapag may iniisip ka o may bumabahala sa ‘yo madalas buntong hininga ginagawa mo ng hindi mo namamalayan. Puro ka exhale at kulang sa inhale. Bumababa ang levels of oxygen sa katawan mo, kaya mas lalo ka nalulungkot. Kaya ang ginagawa ko ngayon eh nakatitig sa kisame habang nakikinig sa “what I got” ng Sublime. Habang nakanganga. Habang tumatae. Ang talino ko talaga, pramis.

Repeat current track ang play option ng player ng calculator ko ngayon. National anthem ko na ulet ang “drive” ng Incubus.

Naggi-gitara na ulet ako. Inumpisahan ko sa Barney Song. Tatapusin ko sa akositakure, pabaliktad. Minsan may duda ako na si Roderick Paulate yung nasa loob ng mascot na yun.

Pasensya na kayo kung hindi literary masterpiece ang entry ko ngayon. It’s a hard knocked life. Pero yayanig ulet dito.

Melancholy is a cheap narcotic. Hindi masama mag-inarte. Mas masama ang manuod ng “simply KC” sa umaga. Nagkakaroon ka ng oras sa sarili mo. Oras para ma-realize mo na ang dami mo na pala labahin. Kung masaya ka kahapon, kanina, ngayon at sa tingin mo ganoon din bukas, may mali. Sa mga nakaraang pagsubok na ibinato sa akin may sagot na agad ako kapag dumadating, at tumuloy-tuloy lang ako. Mali din pala yun. Truth ain’t constant. And the sun is the center of the solar system, revolving around it are the planets.. Dapat humihinto din tayo.

Hinto.

Hinto.

Next paragraph.

Mayroon akong Project: E.T.I.T.S.
E – exkersays
T – tulog, hindi tikol
I – inarte, positively.
T – tubig imbes coke at kape
S – sex? Hinde. Sigarilyo, bawasan.

Para naman magkaroon ng potency ang buhay ko.

Babalik ako sa berdey ko. Yayanig na ulet.

Advertisements

42 comments on “Charice Pempengco – Justin Bieber Scandal

  1. Ano bang kaguluhan ang nangyayari diyan? ganun ata talaga pag malapit na ang birthday, parang nalulungkot na di mo maintindihan, siguro inaassess mo lang sarili mo kasi isang taon na naman ang dumaan ano bang nangyari. Lilipas din yan.

    Tama yun, tubig kesa kape at coke.

    Wag ka ngang mandaya sa blog-oke hehe…

    Like

  2. super like ko ang Incubus at Drive ang naging themesong ko nong kasagsagan ng loveteam ni Angel L & Richard G. ahahaha

    “Could you choose water over wine? Hold the wheel & drive”

    hindi pala ako base kala ko lng pala 🙂

    Like

  3. @sunnystarfish
    first off, di na kita tatawaging Gince, Gince! Sanistarpish na lang, hmp! Medyo nakakurot ka, pero talagang life has been bitching on me netong nakaraan lang. I’m bouncing back na naman, magpo-pokpok na ulet ako. Kasi ang hirap nung last word na iniwan mo! Takte!

    @salbehe
    maski may sumasabog nang bulkan o magcra-crash na ang sinasakyan mong eroplano ang sarap pa rin pakinggan ano?

    @berl
    ayt 4th ka berl, pasok pa din!

    @sphere
    di ko yata alam yun Anne, talaga kanta yun sa movie nila or sa tv? Hindi naman labsung yun ihh.. Pero ang ganda.

    Like

  4. nbasa ko na siya.

    Mayroon akong Project: E.T.I.T.S.
    E – exkersays (EHERSISYO)
    T – tulog, hindi tikol (TAKBO PARA SA PASIG)
    I – inarte, positively. (INDEPENDENT FILM)
    T – tubig imbes coke at kape (TIMBANG DAPAT PABABAIN)
    S – sex? Hinde. Sigarilyo, bawasan. (SOUL WINNING)

    yAN NAMAN ANG PROJECT KO..

    nICE POST.

    Like

  5. Sinagutan ko lang talaga ung sayo…. ung sa indie I use to watch different indie film. mas gusto ko kasi ung panoorin kasi talgang realidad ang pinapakita…

    Like

  6. uhmmm…
    hahaha mukhang tama si ate pot ,,,,
    ok hapi advance sayo wehehehe
    ingat sa pag balik ehmmm
    kami pala kasi mangyayanig ka..
    wag lang sana yung tipong july 1990 ha!
    God bless Kuya yin

    teka pahabol,wala pala never mind..Toinks! 🙂

    Like

  7. @kayedee
    gow gow gow prajekin dyan!

    @berl
    ayoko, porn ba?

    @ani
    hindi naman. Pa-lbc mo na lang ha?

    @ajlation
    ano yun tol?

    @timangkey
    wahaha. Bate-an na!

    @kuhracha
    hah? Weh.

    Like

  8. hahah advance happy birthday!! taragis na project yan.. magagalit sayo ang mga fans ni KC wahaha. minsan napanood ko yan yung invited sya sa bahay ni Kuya Kim wahaha, wala wala na talagang magawa dito sa Saudi, kaya kahit Simply KC pinapanood na awooooo!

    anyway, gusto ko din ang DRIVE ng Incubus, may parte ng buhay ko na naging paborito ko ang kantang yan.. o eto HAYSSSSSSSSS! (exhale 10seconds)

    Like

  9. @badet
    di pa ngayun…

    @sunnystarfish
    gince talaga, gince?? Hahaha.

    @pong
    mustakamuts pongski!

    @etchosera
    regalo ko!

    @berl
    k.

    @vajarl
    fetus hahaha.

    @kuhracha
    naniniwala na ‘ko. Tampururot ka naman niyan?

    @taragis
    taragis. Taragis. Taragis. Hahaha. Taragis. Kumusta tol!

    Like

  10. ikaw medyo kulit ah, akin pabirthday na yun sa’yo

    bakit ba ko parang intsik, oo na nga, go go go….hahaha

    Like

  11. ahahahaha may isa kasing nterview si Angel non saka si Richard tinanong silang dalawa kung anong music ang madalas nilang pakinggan parehas Drive ng Incubus daw kaya naisingit ko silang dlawa

    tpos nong time nayon bangoyngoy ako lagi kc kailangan kong pumili between life and death tapos pinili ko color blue ayon sumabog hang tagal nong usok di kagad ako nakatayo kc ayaw ko tumayo sabi nga don sa kanta hold the wheel & drive nagpatuloy lng ako mabuhay – YES TO LIFE!!! ahahahahhaha

    Like

  12. @yin:ako din eh. =) forever 17 rin. hahah. =) sana happy ka talaga sa bday mo! =) MAgandang araw yin! =)

    Like

  13. alam mo gusto ko yang e.t.i.t.s project na yan…
    yung sa S… (susubukan???) haha!

    tama ka yin minsan pwede naman iclick ang stop button, manilip at magmasid, at manahimik para makapag-isip ng susunod na project.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s