keso de lobo

Bigla na lang susulpot. Nananahimik ka bigla na lang mangungurot. Mabuti pa ang lamok alam mo kung kailan lumalabas, puwede ka maghanda ng kumot. Pero ang isang ito bigla na lang kumakadyot, wala ka nang magagawa kundi lumunok. Iyan ang pag-ibig, kamote’ng may dalang utot, keso’ng may harot.

Isang bula na biglang lilitaw, may angking kinang, payak man pero sa inaantok mong dugo ay pupukaw. Mabibighani ka, para kang batang lutang, maghahabol, mauuhaw. Gusto mo matae kapag hindi mo natanaw. Gabi-gabi yan. Araw-araw.

Sa umaga mas masarap kumain, parang nakangiti sa iyo ang tinapang nakahain. Isang subo, isang ngiti, para kang baboy na kakatayin. Maski mainit, parang ang lamig ng hangin. Hindi ka naman paladasal dati pero natutong manalangin, “Sana’y makita siya. Bathala, ako’y unawain.” Walanghiya, baliw ka na nga, pati sarili kakausapin.

Bulang kay sarap titigan, kapag nakita ka na ako’y nabubulagan, kapag nagsalita ka ako’y natatameme, kapag kaharap ka wala na ako sa katinuan. Tiyan ko ay binubulate, sinong nagsabing mga paru-paro ang laman nito, aba’y bakit hindi ko mapatahan? Magtigil ka na aking sikmura, nakita mo lang siya bakit ka na nagkakaganyan? Baka ako mautot, diyahe naman.

Sa pagtatapos ng araw, sa pamamaalam pansumandali, ayaw mo matulog, ayaw mo nga umuwi, ayaw mo kalimutan ang kaniyang ngiti. Kung puwede mo lang talian ang oras, para panahon ay huwag nang lumipas,Β  gagawin mo iyon nang kumakaripas, may kasama pang kulipaspas, masunod lamang ang puso at atay mong kinikiliti.

Aba’y langit! Masdan ang iyong ginagawa, kami pala’y pareho ng nadarama! Anak ng sampung kabayong rumaragasa, anak ng pritong tinapa, anak ng palakang kumakanta, nang marinig ko ang magandang balita, bangag ako sa pagkatuwa. Sabihan mo nang baduy, tama ka. Pero may tama din siya.

Ang dalawang puso’y nagsabwatan, ngayo’y minamani anumang pagsubok na ipasan, ganda ng mundo aninag sa bulang hindi na inalpasan.

Ang pag-ibig kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat maski mangkukulam at aswang.

Isang kapangahasan ang ipaliwanag kung ano ang pag-ibig gamit man ang ilang libong salita, pero sa isang pusong umiibig, isang ngiti ay sapat na.

***************************************************

(opisyal na lahok ni opisyal na Yin sa opisyal na patimpalak ng opisyal na lolo na si opisyal J. Kulisap sa kaniyang opisyal na site na jkulisap[dot]com, opisyal na ginawa habang opisyal kumakalam ang opisyal na sikmura ko at opisyal na nagrereklamo ang mga opisyal na mata ko dahil opisyal na wala pa akong opisyal na tulog at hindi pa nauwi galing trabaho, officially. opisyal na alay sa lahat ng nam-break at binireyk ng may akda)

Advertisements

55 comments on “keso de lobo

  1. akalain mo un ? ako nga ang una . haha ! naks naman . pagibig pala ang pinagkakaabalahan, kaya ba ang prisensya mo ay hindi ko na maramdaman ?
    saan ka man naroroon ngayon, magiingat ka kaibigan
    hangad ko ang iyong kaligayahan πŸ™‚
    misuu yin πŸ˜„

    Like

  2. yin! pambihira 😦 d ako natulog para saktong 12am kita teteks . ang kornii mo tampong tampo ako sayo . ilan beses kita tinxt (naisip ko pa nga na d naman ako makikikain, ang damot neto haha) . an daya . d na kita babatiin kahit kelan haha! nasan telepono mo ?

    Like

  3. bah! kailangan mabasa mo un teks ko sayo πŸ˜€ — binati pa kita sa blog ko, di ko kasi ma open site mo nun nag bblock buti nga ngaun at ok na . tsk.
    d ako nakasali sa kontest kuya jkul. late ko na nabasa. wala nama ako mapigang kahit ano ngayon sa utak ko. kaya nga nagbabasa nalang ako ng mga lahok.

    Like

  4. Ito ang opisyal na koment ni Salbehe sa opisyal na lahok ni Yin sa opisyal na pakontes ng opisyal na kulisap. Hay, napagod ako. Nice post na lang. πŸ™‚

    Like

  5. @berlim – uhmm . late na ih, baka sa basurahan lang ipaskil ni kuya jkul un haha . πŸ™‚ suporta nalang ako sa pagbasa sa katha nyo^^

    Like

  6. ayiiiiiiiiiiii! inlove oh! heheh. andyan ka naman pala eh .=) nakakamiss ka talaga. hahah. =) mas cheesy pero magaling pa rin. heheh.

    ito ang opisyal na bati ko..Gandang araw yin! =)

    Like

  7. Opisyal at may tatak na, may selyo pa.

    Playin kiss. Playin kiss.

    Kung magsasalita pa ako, baka mabago pa ang rating ng kalaban.

    Yin..yin..ikaw si Yin? Weh? Pag-ibig..

    Like

  8. Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

  9. puro opisyal! ahahahahah

    gusto ko yung huling linya
    sapagkat ang pag-ibig ay mahiwaga sa ating paningin o pakiramdam pero ang katotohanan nito ang pag-ibig ay matagal ng ipinakita at ipinakilala ang kanyang sarili, bulag lamang tayo kung minsan

    be blessed po sir yin!

    Like

  10. yin~~~~~~hahaha galing mo!!!
    Ang pag-ibig kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat maski mangkukulam at aswang.—>adik nasali talga ang mangkukulam at aswang bwahahaa…
    dumaan dito ngaun gabing malamig hehe,,

    Like

  11. bakit keso de lobo? ang slow ko ata~ hurhur 😐
    hey kuya yin! gudlak sa patimpalak, hangad ko ang iyong tagumpay! redhorse na! πŸ˜€

    Like

  12. Repa nagbasa at nagpbigay puntos. Kasalukuyang paborito ko sa lahat ng kalahok na nabasa ko. Panalo pre! Maikli, di ganong kahabaan, simple at derecho. Para sakin, ikaw na ang panalo. hehe! πŸ˜€

    Like

  13. Parang ano lng shaks! wala akong masabi kukwentuhan na lng kita kagabi nanaginip ako nanghuhuli daw ako manok na pang tinola pag gising ko pagod na pagod ako pagkatapos pumunta ako kusina nagluto ako ng tinola pero paggising ko ulit wala namang tinola kc panaginip ko lng pala na nagluto ako ng tinola ahahahha

    yan lng muna by the way nice post!

    Like

  14. @salbehe
    ito ang opisyal na sagot ni yin sa opisyal na komento ni salbehe.

    @ani
    lalapad dahil sa alak? Tigilan na yan hehe.

    @cuteberl
    dali basa..

    @etchosera
    anong putahe? Tapos sahog? Hehe.

    @timangkey
    yan ang komento! Hehe. Ayos!

    @ajlation
    upo lang muna ako aj!

    @te lambing
    pumag-ibig ka na ‘te adelle dali!

    @beeftapa
    cheese bagay sa tapa! Coke at kanin na lang!

    @kuhrach
    =)

    @kayedee
    keiiids!

    @katrinadanieles
    kaw din nakaka-miss ka kat. Dang araw!

    @J. Kulisap
    ikaw si kulisap? Anong selyo? Scotch tape?

    @PND
    Okay lang, uwi ka na!

    @SLPinoy
    yeah Lo! Hehe! (yelo?)

    @jongskie
    eh paano si papa?

    @joyo
    ayun oh natudla si jowyow!

    @pong
    thanks pong!

    @lio loco
    thanks, man. Di ko pa nabasa mga entries, sabik ako mabasa kuwentong pag-ibig mo hehe.

    @roomboy
    salamat pare. Indelible ba yung marka? Ia-acetone ko yan, hehe.

    @unni
    salamat unni! Antayin mo ko crib mo!

    @tsenn`
    kasi cheesy. Kasi isa siyang bubble. Hahaha, magagalit papa mo!

    @benh
    oh eh asan premyo ko galing sa ‘yo? Hekhek. Salamas tol.

    @anjong
    baka nga madami ka lang nakain pare anjong!

    @super balentong
    tol kaw ba yung nagtanong kung kapampangan ako? Kaw ba?

    @badet
    bakit naman Detski?

    @sphere
    hahaha. Katatapos ko kumain natakam naman ule ako anne!

    Like

  15. manunula ka ng pag ibig yin.

    huwag ka nang tumanggi.kung ito nga ang romansa mo kay jkul,kinikilig na yun hanggang tumbong.pero pakiusap,baka pwedeng kung malalaman mo ang katauhan ng diwatang gala,ipagbigay alam mo sa akin.

    alam mo na kung saan ako matatagpuan.

    Like

  16. dumaan na nga ako’t lahat dito, di pa pala ako nakapagiwan ng comment.

    ano pa nga bang masasabi ko, kundi talo na kaming lahat sayo! hahahaha!

    seriously (pero hindi seryoso) nagenjoy ako sa sinulat mo. (lagi naman.)

    Like

  17. @mommy kaye
    hahaha. sabi ko kay salbe kidnapin na lang natin si Kulisap. J.

    @J Kulisap
    edit ko ba to? edit ko ba to? mis-sent-text hehe!

    Like

  18. maganda… maganda… nawa’y sa dulo may makuhang gantimpala…

    at gaya ng sabi ng ate mo, di nga ako naiyak, pero lumulukso ang aking puso kapag nababasa ko ulit ang gawa n’ya!

    good luck sa patimpalak!

    Like

  19. binasa ko na naman to.. at na amaze na naman ako sa talas ng words.,
    kakaiba talaga magsulat,.. yung iba di ko naiintindihan.. wahaha..

    musta yin? πŸ™‚

    Like

  20. @boss bong
    hehehe, salamat po.

    @Len
    helo Len…

    @lee mi
    wahekhek.. nice lee..

    @duks
    pritong tutuli?

    @livingstain
    tatanggap naman po ako ng premyo kahit hindi ka po judge. pa-lbc mo na lang. hahaha. salamat po.

    @j.kuli
    sino si romeo?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s