sixshitsnits

Isang linggo na akong under training at pang-umaga ang start ng shift. Parehong kumpanya, bagong account. Isang linggo na ring nabawasan ang mga kasalanan ko dahil puro bagong ligo ang mga nakakasabay ko sa dyip, hindi ko na muna tinatawag ang atensyon ni satanas kapag napapamura ako dahil may iskandalosong putok ang katabi ko. Ang mga babae ay amoy pinipig, shampoo at pabango, ang mga kasabay kong lalake hindi ko alam, selective kasi ang sense of smell ko, may favoritism. Ang mga dyip para ring sapatos, masikip sa umaga at lumuluwang habang nagma-mature ang araw. Mas maaliwalas ang mga mukha sa umaga, dahil na rin na-exercise ang karapatang tumae pagkagising.

Friends na ulit kami ng kape, dati kasi nagkaroon kami ng gap nung pang-madaling araw ako. Dahil nga pang-madaling araw, lagi akong nagmamadali nun. Hindi na quickie ang pagkakape ko, at least nitong nagdaang linggo. May chance na ako namnamin ang sarap at bigyan ng orgasm ang utak ko.

Nakakakiliti ang landi ng hangin sa umaga sa mukha mo habang hindi pa naba-badtrip at nagsusungit ang araw. Eight to five warrior, parang empleyado ng gobyerno, parang estudyante, wala nga lang flag ceremony. Pero si pototoy independent pa rin, may sariling schedule, may sariling flag ceremony, walang pinipiling oras kumbaga. Yan ang kusa.

Nadiskubre ko na ulit na masarap ang pandesal sa umaga, at ako naman na adik, hindi puwedeng plain lang, dapat may mutation. Parang presidente ng Pilipinas, hindi puwedeng pulitika lang, dapat may halong showbiz, para mas masarap pakialaman. Kaya naisip kong palamanan ng quake overload cake at super crunch corn chips ang pandesal ko, sabay. Tanamits.

Ang sarap ng ganitong schedule, parang Maja Salvador na sumasayaw sa ibabaw ng mesa. Hindi ako nagagahol sa oras, mula pagtae hanggang pagsisintas ng sapatos. Habang nag-a-upload sa trono may oras ako para mag-reminisce, mag-meditate, mag-contemplate, at maski ngumiti para i-internalize ang sarap at ginhawang dulot ng paglalabas ng sama ng loob at sobrang exaggerated na excess waste. At habang nagsisipilyo puwede pa ako kumanta habang iniisip ko kung gaano katalino si Eros Atalia dahil naisip niyang mas matalas ang puwet kaysa sa ngipin dahil kaya nitong putulin ang tae. Genius. Kumbaga lahat ng aktibidades mo sa preparasyon para sa pagpasok sa trabaho eh puwede mo haluan muna ng foreplay.

At habang nasa sampung minutong biyahe ka papuntang trabaho eh ang sarap pakinggan ang “between angels and insects” ng papa roach, sumasabog ang bass lines sa tenga mo habang pumapasada sa harapan ng mga mata mo ang berdeng kalawakan ng Clark. Kumakanta ang mga tutuli mo ng “there’s no money, there’s no possession, only obsession, i don’t need that shit..” habang papunta ka ng trabaho para maghanap ng pera.

Sana bata na lang ako. Sana puro usapang umaga na lang, wala nang usapang pera.

Advertisements

21 comments on “sixshitsnits

  1. Buti ayos sa iyo ang umaga, ang usapang umaga. sorry naman kasi I hate morning. Kung maaari sana hapon na ako gumising para masaya.

    Usapang pera? 2nd hate ko yan.

    Like

  2. utak talaga ni yin sobrang malikot. pati bato ng salita parang double meaning. magaling ang poste na ito. nga pala. mas maluwag pag gabi pero mas mabango ang mga katabi pag umaga. hahaha. my point ka doon.

    Like

  3. hahah. =) kung anu-ano talaga pinag-iisip mo. =) ngayon ko lang naisip na ang paglagay ng shampoo ay hindi lang pala paras ikakabuti ng buhok natin kundi pagpapabuti rin sa mood ng iba. =)

    gandang umaga yin! =) heheh (kahit di umaga ngayon =))

    Like

  4. yin! hello, hello!!

    inggit ako sa sked mo. 8am-5pm. ako, 630am-630pm. two words. dedication shit. ikaw na ang construction worker.

    i dont miss blogging, hamishyu.

    Like

  5. boss yin kumusta na
    basta nababanggit ang work mo at ang clark natutuwa ako
    hindi dahil sa fields avenue kundi dahil ang pananabik na makitang muli ang pampanga

    ikumusta mo ako sa sm clark, sa bayanihan park, sa mga sasakyang check point holy-hi-way at iba pa

    be blessed

    oo, sana wala ng usapang pera
    ahahhah

    Like

  6. Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga
    Ng may ngiti sa iyong mga mata
    Sa pagkakaidli gumising na
    Ang buhay ay masaya
    Palalagpasin mo ba

    Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay
    Habang ang lakas iyo pang taglay
    Sa paghihintay baka masanay
    Sayang naman ang buhay mawawala ng saysay

    (Refrain)
    Iisa lang ang buhay mo
    Kumilos ka, gamitin mo
    Kung may nais ang puso mo
    Mangarap ka, abutin mo
    Upang ito’y makamit mo
    Magsikap ka, simulan mo

    Magsimula ka, pilitin ang tuklasin ang hanap
    Madanas man ang maraming hirap
    Ang mithiin mo pag naging ganap
    Langit ng pagsisikap iyo nang malalasap

    (Repeat refrain 2x)

    Upang ito’y makamit mo
    Magsikap ka, simulan mo

    Like

  7. kuya yin! andaya, 10mins travel time? lakad trip ko lang yan mula bus stop ‘gang mrt station. huuu unfair much! @_@ heniways, mimiss ko na clark. imbitahin mo ko jan. picnic tayo. hakhak xD

    Like

  8. natuwa naman ako sa iyong pagkkuwento, crush ko rin kasi si Maja Salvador at mahilig din ako sa kape at pandesal. Hayaan mo during lunch break o coffee break sa opisina magbabackread ako dto.

    Nagkataon lang siguro mahirap kumita ng pera ngayon pero not a good reason enough para di tau mag-umpisang magtipid at magsave pakunti-kunti. Sana maenjoy mo ang shift mo ngayon.

    Like

  9. goodluck sa trabaho.pang umaga means may oras pa para gumimik sa gabi.

    syempre kailangan yan para ma justify kung bakit kailangan nating pumasok habang natutulog pa ang lahat ng tambay.

    at tama.mas masarap sana kung hindi pinauso ang trabaho.gagu kasi si eba at ang uto utong si adan.kasalanan nila kung bakit nauso pa ang trabho.buset!hahaha!

    Like

  10. yan ang umagang kayganda,, yin bersyon…

    malikot kang mag-isip at magdugtong-dugtong ng salita, Me Eros, me Maja, me tae, me pandesal, me pinipig at dyip na tinulad sa sapatos… mahusay..

    mag-iwan na rin ako ng bakas… baka sakaling malagay mo sa blogroll mo… hmm san bang level dapat?

    http://lipadlaya.wordpress.com

    Like

  11. hello πŸ™‚

    ang sarap naman ng ganyang umaga. gusto ko din nyan kaso di ako nagigising ng umaga, tanghali na madalas.

    yung saka 10 minutes na byahe, wow ha. ang tagal. ang layo. haha!

    Like

  12. ayus toh pare!
    sang kumpanya ka ba nagtatrabaho? hehe..

    masa masarap ang kwentuhan pag d hinaluan ng usapang pera
    mas masarap ding makipagkaibigan pag walang usapang pera, unforunately.. 😦

    “there’s no money, there’s no possession, only obsession, i don’t need that shit!”
    -soundtrip ko din yan nung highschool ako

    ngayon ko lang nakita ng malinaw linaw yung message nya.

    ayos!

    blog lng ng blog sir!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s