Blogspot, binili ng WordPress.

Hindi naman ako likas na manunulat at hindi rin ako likas na kuwentista. Mahilig lang talaga ako magbasa noon pa. Sabi ni ermats inipit daw ang buhok ko mula sa una kong first haircut sa isang diksyonaryo kaya ako mahilig magbasa. Hindi totoo na inipit daw ang buhok ko mula sa una kong first gupit sa isang vinyl record ng Led Zeppelin. At hindi rin totoo na dati akong si Leonardo da Vinci sa nakaraang past life ko. Napansin mo sa construction of sentence construction ko ng huling tatlong last three sentences ko? Malamang.

Ang mga unang karanasan ko sa pagsusulat ay nang nasa tiyan pa ako ni ermats. Tanda ko pa nag-vandal ako nun sa placenta niya ng “Yin was here. Wasssapening!” Buti na lang walang nakahuli sa akin.

Pagtuntong ko ng first grade hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa pangungusap na ito. Magulo? Hindi. Conceited ka lang siguro. Koneksyon? DSL.

Una kong libro yung dilaw na manipis na yellow na aklat-aklatang abakada na yellow, or at least kung tama sa pagkakaalala ko, na dilaw nga yun. Pero sigurado ako na yun nga unang binasa ko, siguro.

Unang jejemon experience ko ay high school algebra. Putanginang “x” at “y” na yan, alas dos ng hapon kakatapos mo mag-lunch binabaha ng serotonin ang utak mo tapos tuturuan ka ng eks at wai?! Eks at wai???!! Di ba? Para kang niyayang manuod kay Kris Aquino samantalang sarap na sarap kang nangungulangot. Anak ng katuray naman.

High school din at early college nang malaman kong sa suwelas ng sapatos sinusulat ang pangalan ng paborito mong banda at pangalan ng crush mo. At mga sagot sa exams. Nabanggit ko lang. Pampahaba ng post.

Hindi ko na babanggitin na dati rin ang mga nakasulat sa mga huling pahina ng notebooks ko ay hindi ko na babanggitin.

Nag-journal din ako. Hindi diary, journal. Journal, hindi diary. At huwag ninyo ako tatanungin kung ano ang pagkakaiba ng journal at diary dahil hindi ko alam. Ang alam ko lang baduy pakinggan kapag diary ang gamit ng lalake.

Ayan, masasagot na ang tanong tungkol sa pamagat ng entry. Hindi totoong nabili na ng WP ang BS. Nagsimula kasi ako mag-blog sa BS. At puro BS ang mga pinagsususulat ko doon. Pero doon ako natuto magsulat kung paano ako magsulat ngayon, bullshit. Bakit ba ako nagblo-blog? Dati para kuwentuhan ang sarili ko, yun ang pinili kong dahilan dahil walang nagbabasa ng mga posts ko noon, ako lang. Kaya lumipat ako sa WordPress, inaantok na ako, tuloy ko na lang ito sa susunod.

*quick post lang, di pa rin ako makapag-bloghop. Love y’all. Alam ninyo kung sino kayo.

Advertisements

43 comments on “Blogspot, binili ng WordPress.

  1. sabi ko na nga ba eh, isa tong modus operandi ni yin. hahah

    sulat lang tayo ng sulat yin! 🙂 ako rin,may journal tsaka may diary, hahah

    gandang araw yin! 🙂

    Like

  2. Kung ako ang may naipit ipit sa dictionary magpapapyesta ako. Mahina ako sa spelling. Parang tae ang spelling skills ko.

    Pag nagbabasa ako ng entries mo, naaalala ko yung kebigan ko na ganyan magsalita. Lalo na nung nabasa ko yung line na “Koneksyon? DSL”. Ganyan na ganyan parang gagu lang di ko makausap ng matino. Pero laftreep kame palage. Haha.

    Pasensya, I love Math. Haha.

    Hello Yin. 😀

    Like

  3. @etchosera
    ok lang ‘te Liz!

    @lio loco
    asus, bolero. I hate you. Hmf. Tsup!

    @hoshi
    hehe! Taya ka hoshi!

    @bernard
    binabawi ko na, totoo na ngayon, hahaha.

    @kat
    pabasa kat, kumusta na babaeng makulet?

    @jec
    hi jec, hehe. Di na ko marunong sumagot sa mga komento di ko lam sasabihin ko, haha. Shef. Bakit di mo pala gusto masyadong babae ang dating?

    @vaj
    di ko talaga trip nun ang algebra kasi boring yung oras na natapatan, pero engineering kinuha ko sa kolehiyo, hahaha. Tanga lang ano?

    Araw-araw ka yata nagpapalit ng gravatar Vaj? Yahaha. Bakit di mo pag-blogging-ing (putik tama ba to) yung kaibigan mo? Hello din pala!

    @salbe
    wala kasi maiposte hahaha. Totoo yun salbe!

    @kayedee
    oo naman, oo naman. Nangunguna ka. Labyuuu keids! BS? Blogspot. =p

    @pam
    oo, si tita cory yung nanay dun tsaka si noynoy yung bata. Hi pam!

    @anne
    kelan ka uwi ate anne??!

    @J. Kuli
    miss you, man.

    @livingstain
    asa likod lang po ng pinto. Taya ka ulet.

    @kuh
    labshutri, jc. Mustakamuts!

    Like

  4. hi yin! astig. hindi naman ganun ka halatang obvious ang paulit-ulit na redundancy sa sentences mo. haha. binigyan mo na naman ako ng dahilang reason para maging pinakapaboritong favorite blogger kita. apir! aylabyutu. nakisali pa nga ako. haha. :p

    Like

  5. kakainin talaga kita pretsel! *batok tadyak sipa ng malakas!*

    wordpress will never buy blogspot because blogspot is owned by google. ^^

    pansin mo rin dat we cannot use adsense within our free hosted service here kasi di nga sila pakner ng google eh.

    whew. pasaway na post. lolz!

    Like

  6. @kyakototentimes
    kK! tattoo mo ba yan? hehe. mishu na labyu pa!! ehehe, tara papa-kape ako.

    @vajekjek
    pucha, ito! ito! wag mopapalitan ang gravatar na ‘to! ano yung nakasubo?? hahaha.

    @foobarph
    hahaha, aray ku! malay natin hehe! honga, honga. pero tingin komay sabwatan pa rin sila. conspiracy. andito na mga aliens.

    @nurseblublu
    si x, ang nasa left part ng equation, tapos na, pero ka-equal niya pa rin si y, o halos? hahaha. depende sa equation.

    @PM
    mga vina-vandal ko, pera, barya man o paper bill, upuan sa bus, mesa sa 711, sapatos ko, water bag ng nanay ko, sarili naming CR, hahaha.

    @jec-jec
    kulit mo siguro jec. ako kaya puwede pa-babae mag-cross dress ako. hehe. oo, journal, journal. sa tagalog, dyoooooooorrrrrrr-nal. jurnel! mabuhey!

    Like

  7. ahahah! 🙂 ganun? babaeng makulit?? hahah.
    nakakmiss ka yin! 🙂 hahah. 🙂
    ok lang ako,busy-busyhan nga lang. hahah

    magandang araw! 🙂

    Like

  8. sige mag i-lab-yu-han tayo
    ahaahh

    nakarelate ako dun sa yellow na book na yun hanggang ngayon meron pa nun
    salamat naman nagBS ka Bible Study ba ito? ok blogspot ito.

    be blessed boss yin!

    Like

  9. basta’t kwento ni yin,laging may kulit at harot.

    ang masasabi ko lang…like na ‘to.lalong lalo na kung bakit kailangang uratin ang simpleng buhay natin ng X at Y.

    Like

  10. Nakakatuwang isipin na lahat tayo ay nagsimula sa abakada na kulay dilaw, pero hindi ko na matandaan kung nag vandal din ba ako sa placenta kamukha mo ahahaha

    Like

  11. Haha…pinaligaya mo ang lolo dito. sensiya na ngayon lang ulit napadaan. oo gumamit din ako nung libro na yun. at yung X & Y…haha namilipit ako dyan. ko din dati sumubok lang mag blog… God Bless yiN!

    Like

  12. huling-huli na ako dito.

    oh well hindi mo ako nadale sa title mo dahil pakiramdam ko matagal pa bago mangyari na mabili ng wordpress ang blogspot. marami pa kasing gumagamit nun, at isa pa kay pareng google yun eh. hakhak! marami pang google ads.

    ako naman nag-umpisa sa blogdrive. hakhak! putashet lang talaga! pag nababasa ko old entries ko, nakakadiri. putek!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s