dear lolo, undas na naman.

alam mo po ba ang tungkol sa blog? sigurado hindi. parang ito yung notebook mo nun kung saan kinukuwento mo kung paano mo naiskor si lola, oo nabasa ko mga yun akala mo. ang kaibahan nga lang neto eh gumagamit ito ng kuryente, kumbaga kapag nagkamali ka ng spelling bigla ka makukuryente sa bayag, hahaha. joke joke joke. kumusta kayo ni lola diyan sa langit? sana tinatrato ka ng maganda ng mga anghel diyan. kumusta bilang Boss si papa Jesus? sabihin mo lang isusumbong natin siya sa HR. hahaha, peace, Papa Jay. ikaw ang topic ko ngayon sa blog ko ‘Lo, mahigit isang buwan na kasi ako hindi nakakapag-poste dito sa crib ko. parang Mara Clara lang, nagbabalik. oo nga pala, dadalaw ka ba bukas dito sa earth? kasi kung oo eh padadaanin sana kita sa may tindahan sa may kanto bili kang balut tsaka red horse, bayaran ko sa iyo dito. pero kung hassle sa iyo huwag na. at oo nga pala ulet kung pupunta ka dito sa earth isama mo si lola, iangkas mo na lang sa likod mo parang si Ding kay Darna, or parang si Jodi kay Cholo. Yihiiiiiiii..

tatanungin na rin kita dito kung tinanggalan ka nga ng etits dahil kaluluwa ka na para masabi ko kay kuya Badoodles. natatakot din kasi ako tungkol dun. huwag kang dadaan ng Dau kasi ma-traffic sigurado, at pagdating mo sa bahay sa Pangasinan huwag mo gugulatin si ermats, katok ka muna kasi kung bigla ka lilitaw baka masapak ka nun, alam mo na si ermats magugulatin. sigurado maglalagay naman yun ng mga kendels sa harapan ng bahay. huwag ka mag-alalala nasa ilalim na ng lupa na si Shuriken wala kakagat sa iyo, tsaka malamang di ka makikita nun unless totoo nga sabi ni Jessica Soho na may multo o kaluluwa daw kapag umuungol ang mga aso so ibig sabihin nakakakita nga sila. or nakakaamoy lang? or adik lang siya. naalala mo yung hologram shit ng GMA nung eleksiyon? alam mo kung bakit hindi siya ang isa sa mga pinag-cover? kasi hindi siya kakayanin dahil mabigat siya. wahaha. jumo-joke na apo mo ‘Lo. pero kinopya ko lang. hekhek,

isang oras na ako dito sa computer shop pangalawang talata ko pa lang, engot na talaga ako. iba talaga kapag walang practice. ang nagbabalik na kuwentista (lahat kinukuwenta, kahit bilang ng hakbang mula kinauupuan hanggang banyo) walang maikuwento. ang aba, self-proclaimed maangas, kinagigiliwan ng mga matronang blogger nilang stripper. deym. anak ng katuray. malalagasan na naman ng kuwarenta pesos papunta na ng sisenta ang bulsa ko wala pa rin. nai-bluetooth ko yata sa banyo kanina ang natitirang protina ng utak ko nung suminga ako. sayang naman. yung protina.

ang daming tanong ng tao tungkol sa kamatayan, bakit hindi kaya mag-invite si Boy Abunda ng isang kaluluwa para masagot na lahat ng katanungan na yun. tapos kapag ikaw ang nakuha ‘Lo hati tayo sa talent fee, red horse tayo. isa pa palang tanong ko, kung pangit pa rin kaya si mike enriquez kapag namatay siya?

undas na naman lolo, huli kong nakita puntod mo mahigit isang taon na. wala na akong exercise di gaya ng dati na ako naglilinis ng crib ninyo ni lola. hindi ko na rin nakikita mga kaibigan ko lalo na si.. at si.. shiiiiit. nakaka-miss. sa pasko at new year uuwi talaga ko at dadalawin ko haybol mo, man. really. promise. memories, wearing off. parang itong crib ko, puro agiw na. parang utak ko, inamag na. parang puso ko, kinolesterol na. nagmura na ba ako sa post ko na ito? hindi pa? putanginiks.

ang lahat may kamatayan. pero hindi nagtatapos sa kamatayan ang lahat. sabi nga ni einstein yung katawan ng tao kapag namatay nagiging heat energy, sumasama sa kalawakan nagiging light energy at iikot ulet. papailaw kitang kandila bukas lolo at papailaw din ako para sa akin. sana alam ng mga tao na ang buhay namin ang dapat na ipinagdidiwang sa tuwing sumasapit ang undas, sana maalala ko rin ito.

gutom na ako at nayoyosi na, buhay pa rin ang crib ni yin.

Advertisements

21 comments on “dear lolo, undas na naman.

  1. ang muling pagkabuhay ng blog ni yin hihihihi

    traffic pa rin ba sa Dau?
    di na ako dadaan diyan sa may Jenra Mall na lang hihihi
    mabuhay ang mga buhay!
    ang tagal mong nawala?

    basta ang mahalaga ay importante ang mga alala niyo nina lola at lolo mo.
    be blessed yin!

    Like

  2. at muling nagbabalik ang yang ni yin.

    alam mo pre, sa maniwala ka o sa maniwala ka, open letter din sa lola kong deads na ang ita-topic ko sana sa mismong araw ng undas. pero dahil naunahan mo na ‘ko, hindi ko alam kung iba-blog ko pa.

    pero iba-blog ko pa rin talaga. miss ko na kasi ang lola kong ‘yun. malamang miss mo na rin ang lolo mo. bat di ka nakauwi? wantaym pre, uwi ka para madalaw mo naman ‘yan si lolo. baka magtampo yan, multuhin ka pa. hehe. \m/

    Like

  3. yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin! 🙂 sobrang nakakamiss ka talaga! 🙂 at humabol ka pa talaga ng mura. heheh. happy undas saýo yin. 🙂 maligayang araw na rin muling pagkabuhay ng iyong blog. 🙂 as usual, nakakatawa pa rin. 🙂 kahit tungkol sa pagkamiss mo sa lolo mo itong blog..:)
    wala akong maisusulat tungkol sa mga patay kasi di namin kami close ng lolo ko. heheh. gusto ko yung sinabi mo yin” ang lahat may kamatayan. pero hindi nagtatapos sa kamatayan ang lahat.”
    gandang araw yin! 🙂
    P.S. ipaghanda mo naman lolo mo, eh ikaw padala ka lang ng padala ng pasalubong eh. 🙂

    Like

  4. kuya yin is back! oh hi thur! hakhak!

    hindi kami nakapunta ng pangasinan ngayon… ewan ko ba kay mama. hakhak!
    di bale may bibisitahin rin naman kami dito…

    happy halloween!

    Like

  5. Natawa naman ako dun sa hologram ng GMA na hindi kinaya si Ms. Soho ahahaha. At katulad ng text message sa akin ni bunso, “Happy Undas” din sa iyo Yin 🙂

    Like

  6. welcome back Yin. Ang tagal mong nawala, namiss kita. Naks.

    Pwede bang magpalit ka ng theme? Yung malalaki ang font? Nakakatamad kasi magbasa ng ganyan kaliit na font. Ang dami kong reklamo pero wala akong magawa kasi gusto kong basahin.

    Like

  7. tamang-tama ang muli mong pagkabuhay yin, araw ng mga patay..hahaha

    tama si salbe, pakiusap naman, palakihin mo ang font ng mga sinusulat mo dito, medyo malabo na ang mata ng lola, di na kakayanin..haha.

    Like

  8. @pong
    pong, musta! uwi ka na!

    @lio loco
    tol ako nga, hehe. naunahan ba kita? ala kaso naman sigurado maski i-blog mo pa, ibang putahe kalalabasan for sure pare. kapag nag-multo si lolo ayain ko siya manuod ng concert ng urbandub, hahaha.

    @kat
    at sikat na in relationship andito hehe! kumusta naman lablayp?

    @gince
    tahimik ba? pa-shot ka na kasiiiii!!!! amishudin!

    @sphere
    andito na ba ikaw??

    @p0kw4ng
    tirik na kendel ko, hahaha. labslabs.

    @jec
    san ka na nga ba ulet kasi jec? wala na traffic hehe, daan ka dito.

    @eloiski
    biglaang tingin ko sa gravatar mo akala ko si master jeremiah, hehe. peace. love you eloi!! sa pasko uwi tayo pangasinan tara!

    @wanderingpiscean
    yeah man, happy dapat ang undas. yeboy.

    @j. kulisap
    tsunami sa sky? ano yun, sisinga si papa jesus? hehe. hey man, i miss you.

    @salbehe
    sige, hanap akong theme na magiging komportable ako. nakasanayan ko na kasi to eh. tsaka wala panahon magbutingting, pabutingting naman ako, hahaha. mischu too, salvage. kuusta si kuhracha? tsaka si vaj? ka-miss nga kayo lahat, ala talaga oras kasi masyado. salamat pala.

    @aninipot
    sige sige sige!!

    Like

  9. Di bale im sure proud ang lolo pati na rin si lola mo sau. At habang nasa langit sila, isa munang tagay sa masarap na samahan nyo ng lolo mo!!!

    Blog on!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s