it’s raining mens (in tagalog: umuulan at parang mens ang utak ko, iregular)

juan the hell. bakit kasi pinangalanan ng juan ayun tumambay pa ang loko at nag-stroll pa. late na ang post ko tungkol sa bagyong yun pero hindi naman to tungkol sa kaniya. pampahaba lang ng post. parang front act, halo-halo. kung lunatic ang tawag sa tinotopak pag bilog ang buwan, ano naman sa tinotopak kapag naulan? ulantik? ganun kasi ako. parang pinipingger ang utak ko kapag nagpatakan ang mga patak ng drops ng ulan at raindrops. sobrang over redundant. kung sumakay ako ng jeep at sabihin ko sa driver pag-abot ng bayad eh “boss, kaliwaan, asaan ang epektus?” tapos habang nasa banyo ako bigla ako sisigaw ng “wala akong aaminin, pakawalan ninyo na ako!!”

juan the hell. anak ng katuray. umuulan habang tumitipa ako dito.  lumipas na naman ang araw ng mga patay. andito na naman ang pasko. mamaya balentayms na. tapos mahal na araw na naman. paulit-ulit lang naman ang buhay. or so i think, sometimes. dati downward spiral ang buhay ko, ngayon parang yung ihing iniwan ko sa bote ng red horse sa likod ng apartment, stagnant. unless may makapansin, hindi magagalaw. unless lumindol hindi mauuga. yet kung nauga man walang ibang pupuntahan kundi matatapon. pft. so much for the last stick of carbon monoxide.

parang gusto ko isingit si mai mislang sa post ko na ito. huwag na lang. but the vinegar did suck though, and the patis, and the bagoong, and the birds and the bees and the flower and the trees. PUCHA KUNG LIBRE HUWAG MO NA PINTASAN!! eh di sana pinatak mo na lang sa mata mo para lumakas yung tama.

dumami daw ang bilang ng mga pilipino ng 600 thousand in just a quarter simula nang umupo si noynoy which is malaki compared to any administration. ano ibig sabihin nun, nakakalibog si noynoy?? shet??

hindi pa rin tumitigil ang ulan, ito yung tipong ulan na paimportante at gusto eh sinusuyo, tapos ayaw naman tumahan, at tipong pag sumuong ako eh mababasa pati brief ko. tapos bi-bente pa naman ang nadala ko, gusto ko na mag-log out kaso wala ako tatambayan. may dala akong isang stick ng yosi, ito yung tipong pati buhok ng ilong ko kung puwede lang sindihan dahil walang mabilhan eh gagawin ko. kaso hindi puwede, dahil the sun is the center of the universe. lalo pang lumakas, ito yata yung mga panahon na mukhang magsisisi ako dahil hindi ako natuto ng parkour.

kay margarito, loko ang yabang mo, bigyan mo ko ng plus na tubo papatulan kita. malaki ka lang pero hindi mo ko kaya! alam mo ba yung 3-month rule bash?? hindipa rin tumitigil ang ulan. ang ganda magpa-sound trip ng may-ari ng computer shop, may talento. gusto ko bigyan ng piso.

napanuod ko si perez hilton kailan lang sa show ni ellen, kaanu-ano nun si paris? hindipa rin tumitigil ang ulan. hindi ba puwedeng sapalan ng sanitary napkin ito??

putanginiks, heto na, quick sh*t, ang random brain farts from the yin brain barn: ang balita daw may tenga at lumilipad, ano yun, aswang na kawali? at hindi daw natutulog, putaena pa-drug test na yan. sabi ng ATM machine: “please enter your 4-digit security pin”, sabi ko “hindi ko alam”. sabi ni facebook: “what’s on your mind?”, sabi ko “boy bawang.” andito daw si pare’ng bill clinton ngayon pero wala sila appointment ni noynoykasi maglalaro siya ng xbox. ayun lumiwanag na, tapos na magwiwi si papa jesus. another quickie from yin, love you people.

(bold ang font para kay salbe. green ang kulay para kay j. kulisap at aninipot. hinaluan ko ng konting inggles para kay lio loco, sana mahanap niya. yung title para kay vajee. peace out sa inyong lahat, alam ninyo na. binanggit ko lang yang mga taas kasi nag-request si salbe na ibahin ko yung font, yung nakakalibog daw, eh sinama ko na lang si j. kulisap pampahaba ng post. huwag na lang kayong maingay.)

Advertisements

13 comments on “it’s raining mens (in tagalog: umuulan at parang mens ang utak ko, iregular)

  1. talagang sinulit mo ang bente pesos sa pag-iintarnetz. siniksik mo lahat ng pwedeng isiksik. ano pa nga bang masasabi ko kundi…

    there were no grammatically incorrect structures on the few instances that you used the queen’s language, at the very least none that i noticed.

    i’ve been meaning to revert back to english as my medium in blogging for quite sometime now and this post reaffirms my wanting.

    ingat sa patak ng ulan. nakakatulo raw ‘yan! \m/

    Like

  2. May bagyo na Juan? Bat wala akong kamalay malay? O mali lang pagkakaintindi ko sa mens ng utak mo? Anyenye!

    Teka, pano ka nakaihi sa bote ng red horse? Isinuksok mo don? Hahahahaha. Nakakatakot ka pala. Hahahahaha.

    Like

  3. .,ahahaha sige tutulunga kitang magtapal ng sanitary napkin matigil lang ang ulan! kahirap keyang magpadry ng clothes lalo na pagwash and wear ang uniforme aynaku laking sakit sa ulo., hmpft pati dito sas bundok na kinalalagyan ko walng sayang kumadyot ang rain hinayupak naman eh sayang pangshort tirip sabayan mu pa ng mga sangkatutak na lessons na hindi mu maintindihan dahil ayaw kong intindihin oh diba kalong nan ng comment ko weel it ends here. :p

    Like

  4. .,ahahaha sige tutulungan kitang magtapal ng sangkaterbang sanitary napkin matigil lang ang ulan! kahirap keyang magpadry ng clothes lalo na pagwash and wear ang uniforme aynaku laking sakit sa ulo., hmpft pati dito sas bundok na kinalalagyan ko walang sawang kumadyot ang rain hinayupak naman eh sayang pangshort tirip sabayan mu pa ng mga sangkatutak na lessons na hindi mu maintindihan dahil ayaw kong intindihin oh diba ka-long nan ng comment ko well it ends here. :p

    Like

  5. ahahah. 😉 gusto ko sanang maglagay ng pekeng pangalan ng psych disorder tungkol sa mga taong tinotopak pag umuulan pero baka gawa-gawa mo lang din kaya wag na lang. hahah. 😉
    baka pala dumami ang lamok dyan dahil sa stagnant ihi sa bote ng redhore. hahah
    kamusta ka yin?? 🙂

    gandang araw sa’yo! 😉

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s