moonlight sonata

suot ang headset. talukbong ng hood. oo, monlight sonata ang tumutugtog. baba ng hagdan, malamig ang rail. tahimik ang lahat puwera sa isipan. lapit ng gate. shit. nasaan ang susi. balik sa loob. kapa. kapa. ayun. mali. kapa ulet. sapul. labas ng bahay. lapit sa gate. suksok ng susi. yari. labas ng gate. syempre. mayabang ang ilaw ng nag-iisang poste sa kanto. wala pa pala ako sa kanto. lakad muna.

nasa kanto na ako. mayabang ang ilaw ng nag-iisang poste sa kanto.

para ng jeep. wala pa palang dumadaan. ayan mayroon ng parating. para. hindi huminto. gago. wala palang karatula. ayan may parating na ulet. may karatula. iba nakasulat sa karatula, hindi ako makakarating sa gusto ko. hintay.  lingon. hintay. naiinip. dukot sa bulsa. kaha ng yosi. dukot sa kabila, lighter. lingon. may parating na jeep. papara ba ako? o magsisindi ng yosi. dali, bilis, isip. sindi ng yosi, hitit, tingin sa karatula, tama, buga, hitit ulit. para. huminto ang jeep. tapon ng yosi, buga.

sakay ng jeep. tumingin ako sa driver na mukhang hindi pa natutulog at hindi pa naliligo buong maghapon. suplado ang loko. “miss, paabot ng bayad..” inabot ng binibibni. wala siyang no choice.

balik sa sariling mundo. play ulit ng parehong tugtog. slouch. sayang yung yosi kanina. kakatapos lang magdilig ni papa jesus, malamig. patuloy ang tugtog. nang-aano. mayabang yung ilaw ng nag-iisang poste kanina sa kanto.

dukot ng snickers. kagat. bubuksan ko muna pala. bukas. kagat. nguya. lingon kay miss. ngiti. gusto ko sabayan ng yosi. palit na ng tugtog, spring sonata na.  ang landi. ng tugtog. malapit na ang bababaan ko. “..boss, sa tabi ha.” narinig niya ako. huminto ang jeep. baba ako.

basa ang aspaltong tinapakan ng kanang paa kong may suot na puting sapatos habang sumunod ang itim na sapatos na suot ng kaliwa kong paa. oo, hindi pares ang sapatos ko. bakit? may teorya kasi ako na hindi naman talaga magkapares ang mga sapatos na binibili natin kundi magkamukha at magkakulay lang. sinabi ba ng gumawa ng sapatos na kailangan iisa ang magiging kapares ng sapatos na yun? sigurado bang yung nabili natin eh sila talaga nag magkapares? may mapapatunayan ba ‘ko sa ginagawa ko? wala naman. may teorya kasi ako na hindi naman talaga magkapares ang mga sapatos na binibili natin kundi magkamukha at magkakulay lang.

mayabang ang ilaw ng shell. inaantok na yung lokong gas boy. dukot ako sa bulsa. kaha ng yosi. at lighter. sindi. hitit. lingon sa kaliwa. wala pang jeep, isang sakayan pa ako. ayan may parating na. tama ang karatulang nakasabit. o tama lang ang basa ko. ewan. para si gago. huminto ang jeep. matalino. sakay ang bobo. sa harap. bawal itapon ang yosi, hindi naman magagalit si manong. kaming dalawa lang naman.

tumigil ang tugtog..

huminto ang jeep..

lumingon si manong sa akin..

nilingon ko din siya..

hulaan mo ano sumunod na nangyari..

lips to lips kami?????????????

hindi ka pilipino kung hindi mo nahulaan na panaginip lang pala ang lahat.

Advertisements

26 comments on “moonlight sonata

  1. “wala syang no choice”. kaaliw ka talaga :))
    at saka ganyan din ako pag nagaabang ng jeep tas biglang may darating na tamang sasakyan. nakakapanghinayang yung yosiii. haha!

    Like

  2. hindi ko nahulaang panaginip pala yun. 😀

    nice. naimagine ko yung pangyayari habang nagbabasa. hahaha. naaliw naman ako sa post mot. 😀

    Like

  3. normal mo naman ang ganito ah. di ko gets baket cia panaginip. dahil ba tumigil ka na sa pagyoyosi? dahil ba allergic ka sa snickers? dahil ba di mo talaga dig ang sonata? dahil mayabang ang ilaw ng poste? o dahil narerewind ang mga pangyayari?

    hamishyu yin!

    Like

  4. ahahaha leps to leps kau ni manung? sure kabang nagtutbras siya? ahehehehe muntik na kong maniwalang real siya yun palang makipaglapaan kana kay manung nay something odd na heheheheheh padaan po:)

    Like

  5. gusto ko ‘yung paggamit mo ng “mayabang ang ilaw” nang paulit-ulit. ‘yun lang. ano na namang nakain mo at kung anu-anong shit na naman ‘tong pinaskil mo. yin? lol! parang pareho ata kayo ng theme ni pong mizpah. \m/

    Like

  6. @davin
    uu pero panaginip talaga. pre!!

    @jec
    di ko alam na nagyoyosi ka jec!

    @anjong
    tol par musta na! shet aymishu.

    @salbehe
    kulay ng buhok pa lang eh!

    @kuh
    mishudinkaya.. yung mga ginagawa ko sa panaginip nangyayari yun, kaso panaginip lang talaga siya..

    @dyan
    uu, amerkana ka na!

    @sasuke
    nalaman mo naman!

    @ianyce
    hehe, nice one. daan lang! sensya na hindi ako makagala.

    @lio loco
    kung pansin mo ganito yung theme ko sa “unrated”. journal pinagkakaabalahan ko ngayon, di ko maisalin sa blog eh.

    Like

  7. Gusto ko yung “Moonlight Sonata.” Bagay na background music kung medyo umaambon o umuulan. Gusto ko itong post na to…poetic siya. Ano ba sa Tagalog ang “poetic”? Nosebleed. (Pastilan! Makasunggo ning Tagalog. Bisdak man gud ko.) Basta gusto ko yung prose pagkasulat pero yung sentences maiksi at poetic ang dating.

    Like

  8. okay malamang half filipino at half german ako, di ko kaagad nahulaan na pag-panaginip pala itong post na ito hehehe.

    pero masaya na akong mapagana mo ng imahinasyon ko sa iilang salita sabay tuldok.

    mabuhay!

    Like

  9. nifigure ko kung sa angeles ba ang mga locations, yung shell at walang tanda kasing nabanngit ang mga sasakyan kung checkpoint holy hi-way ba o dau-mabalacat o kung anu ano pa

    panaginip lang pala

    Like

  10. Musta tol?

    Naalala ko tuloy sa entry na to yung post na ginawa ko sa kuta ni kulisap nung nag-guest blog ako sa kanya.

    “Nanaginip ba ko o binabangungot lang sila!?!?”

    Title: Ampiyas

    Sige tulog ka ulit para may bago ulit post 😀

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s