when you’re thirsty it’s fuckin’ too late.

nagdadalawampisong isip ako at ang pukinang bayag ko kung ano ang susunod na next kong gagawin. it’s cold in the fuckin’ corridors and my mind is lyin’ dead on the stupid floor. meaning? alaws. trip ko lang bumato ng rhyme.

wala sa porma ang utak ko, dati naman, anak ng, giyang. kailangan ko gumawa ng desisyon sa mga panahon na ito. kung may kuwenta bang magpuyat ako at huwag matulog kaagad para lang mapanuod si georgina wilson sa showtime.

pero no shit, hindi ako makapag-desisyon kung anong pukining posisyon ang aaplayan ko o mananatili akong stagnant sa kinalalagyan ko ngayon. isa lang ang putaenang sigurado, lampas lima na ang mura ko, quota na.

may opening at parang tite akong tinutulak ng mga kaibigan ko para mag-apply.  sure shit daw, kesyo kesyo, isa ako sa mga nauna doon. sino nauna, pasok. parang semilya lang, sino nauna dumikit sa itlog siya na tatay. under training ako ngayon at kasama sa pioneer class, may opening para sa isang posisyon at kailangan ng sampu, habang mainit daw eh sunggaban na. habang bagong ligo eh umpisahan na ang foreplay. oo nga naman, sagot ko. bakit hindi. pero  bakit oo?

wala sa puso ko ang posisyon na yun. may mas inaasam akong puwesto (isa na yung likuran ni maja salvador, pero hindi yun tinutukoy ko), at tatlong beses na ako nag-apply para sa posteng yun, pero bata pa yata ako at hindi ko pa oras. putangina lang. aanhin mo sure-shit na puwesto, gusto ko kung nasan ako nandun ang atay, puso at etits ko. puwede ko naman pag-aralan paano ang magiging trabaho at paano mag-perform dun sa unang puwestong pinag-uusapan, sabagay ang sabi ko nung una kong mapadpad dito eh i’m here for the money, kahit hindi talaga malaki yung sahod. kung yung poste at  yung glamour at porma at gara  lang ang talagang hahabulin ko eh puwede din naman ako. susunod na ang lahat. ako pa. pero kung pakakawalan ko ito, may susunod pa ba? kung hindi ko agad sunggaban magsisisi ba ako? kapag sinakal ko’t sinamantala, makukuha ba ako? parang yung may nakita ka lang na bebot sa bar o kung saan at nagdalawang-isip ka kung kakausapin mo o hinde at kukunin ang number o hinde. pero yun malamang may hawak kang bote ng beer kaya hindi mabigat ang risk. kung piliin kong huwag umalis sa kinauupuan at masarapan na lang sa iniinom  eh ayos lang.

pero anampusa lang. anampusa lang.

hindi nakakatulong ang jockin jay-z travis barker remix na pinapakinggan kong bumabayo sa mga tenga ko.

do i fuckin’ apply just for the fuckin’ sake of it?

ito ang mga panahon na bigla na lang magdidilim, biglang may uusok at magliliyab ang paligid. biglang lilitaw si leo martinez na naka-costume ng demonyo, may hawak na malaking tinidor na may sulat na chowking, at humahalakhak. pucha talaga.

inuubo pa ako. ang langit kasi anlakas mag-trip, ayaw babaan aircon, siguro lagi naka-joots mga anghel. peace, papa jay, luv yah.

medyo naiba mood ko, travis barker pa rin kasama ni DJ A.M, “fix your face“.

yeah, fuckin’ fix your goddam fuckin’ face and life, Yin.

yow, daddy jeez, pick up the phone.

Advertisements

14 comments on “when you’re thirsty it’s fuckin’ too late.

  1. tagay muna haha! para sa inaasam na posisyon!! para sa maraming salapi!!! para sa maalab na puso at panatag na isip!!!! para sa ligaya at tagumpay!!!!! kampai!!!

    Like

  2. mahirap yan, ganyan nangyari sa akin eh. dilemma at its finest. sa gusto mo o sa nandiyan na. sa makikipagsapalaran ka pa [lalim] o sa sigurado na. pinili ko yung una. yung gusto ko at makikipagsapalaran ako. kaya eto, tambay muna. haha.

    basta maging masaya lang sa desisyon. solb na.

    masyadong seryoso at mahaba. tsk tsk. nayt. 🙂

    Like

  3. basta ikaw naman nakakaalam kuya yin sa sarili mo kung ano gusto mo sa trabaho, kung pera, kasiyahan, kontentment, maja salvador, o ano pa.

    update mo kame ha

    Like

  4. PaSuKin mo nA!!!

    TapoS LabAs uLiT..

    NyEhEHehE.. (naKu mAy nAsaBi ba aKonG mALi?..)

    PeRo sA huLi, KunG aNuNg mAkaPagpApaSayA sa TinGin mo, GawiN mO…

    Like

  5. kung hindi ako nagkakamali ng sapantaha eh isa ka rin bang call boy, tama ba? minsan na rin akong nagpakaputa pero naiba ako ng landas at naging walang kwentang tagakwenta dahil sa priority at hinihingi ng pagkakataon.

    kaya ang masasabi ko lang diyan eh depende sa nakikita mong priority at motivation. kung pera lang, siguradong mas okei na higupin na ang sabaw habang mainit-init pa. pero kung talagang sa simula pa lang eh hindi mo na gusto ang lasa, wag nang tikman di ba? dahil sa bandang huli, mananawa ka rin sa trabahong papasukin mo kung wala talaga sa loob mo ang ginagawa mo.

    all the best na lang pareng yin! \m/

    Like

  6. yiiiiiiiiiiiiiiin. 🙂 nakow, yakang-yaka yan. 🙂 mas mabuti na yung sinubukan mo kesa magtanong ka sa sarili mo sa huli na “ano kaya ang nangyari kung sinubukan ko?”

    gandang araw yin! 🙂 nakakamiss ka! 🙂

    Like

  7. kung good money, good working environment at good vibes and andun na lahat ng good, i think it isn’t so bad to try to fit in.

    tira lang ng tira. you’ll never know ’till you know, you know?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s