trip 101

“wala akong totong pakialam sa pagbabaril ni Angelo Reyes sa sarili, pero anak ng demonyong malibog na unggoy kung lahat ng madadawit ang pangalan, masasangkot ang pangalan sa katiwalian ay gagawin ang ginawa niya eh putangina dapat siya gawan ng fanpage sa facebook.”

– Omeng, kosmikomiks

TRIP 101: AKOSIYIN

bored ka ba o trip mo lang mang-goodtime? try mo mga ito:

1.  ngitian mo lahat ng makakasalubong mo at batiin mo ng “hi tito!” o “hi tita!”

2.  kapag bumibili ka ng softdrinks at tinanong ka ng tindera “dito mo ba iinumin?” sagutin mo ng “dito po sana sa labas, puwede ba diyan sa loob?”

3.  kapag tinanong ka ng driver kung mayroon ka bang barya, tanungin mo siya pabalik “wala po eh, ikaw po?”

4.  kumanta ka ng “leron leron sinta” sa jeep hanggang sa pagbaba mo.

5.  i-like mo lahat ng gagawin ng lahat ng friends mo sa facebook.

5.  tawag ka sa customer service ng Globe o Smart at tanungin mo kung ano ang petsa ngayon.

6.  gisingin ang kaibigan mong natutulog at yayaing matulog na.

7.  sa gitna mo i-staple ang mga documents ninyo sa opisina.

8.  pagkatapos mo gamitin ang xerox machine iwan mo ng darkest level yung tone level tsaka naka-400% enlarge.

9.  tapusin mo lahat ng pangungusap mo ng “para matupad ang propesiya.”

10. umpisahan mo lahat ng pangungusap mo ng “ooh la la”

11. kawayan mo lahat ng makakasalubong mo.

12. jejemon gamitin mo sa pagse-send ng corporate e-mails.

13. kapag nasa break room ka ilipat mo ang channel kapag 3 minutes na lang bago matapos ang bawat palabas.

14. huwag alisin ang titig sa kausap mo.

15. huwag titigan ang kausap mo.

16. mag-print ka ng “ICE FOR SALE” signages at idikit sa gates ng kapitbahay mo.

17. tumawag ka sa 166 Emergency at sabihin mong kilala mo na ang pumatay kay Lapu-lapu.

18. tumawag ka sa local water company ninyo at sabihin mong tumatakbo ang metro ng tubig ninyo. tanungin mo na rin kung ano ang gagawin mo.

19. magbayad ka sa SM gamit ang madaming beintsingko.

20. ulitin mo ang lahat ng sasabihin ng kausap mo nang patanong.

21. lumibot ka sa loob ng restaurant at tanungin mo ang bawat customer, “how’s my driving?”

22. mag-iwan ka ng tip gamit ang mga diyes sentimos na nakuha mo sa grocery.

23. magpalaba ka sa laundry ng isang pirasong damit. pa-pick up at pa-deliver mo.

24. sagutin mo ang bawat sasabihin ng kausap mo ng “yun ang akala mo.”

25. baguhin mo ang oras sa relo ng kumpanya ninyo, gawin mong advance ng dalawang oras.

26. magtanong ka sa merchandiser sa grocery kung may adobo flavor sila na ice cream.

27. patagong maglagay ng sanitary napkins sa basket o cart ng mga makikita mo sa supermarket.

28. pa-wood laminate at isuot mo ang school/company I.D.

29. kumanta ka ng “shembot” hanggang sa ma-LSS ang boss mo.

30. lagyan mo ng posporo sa loob ang stick ng yosi ng isang tropa.

31. adjust mo ang laki ng apoy ng lighter na ipapahiram mo. siguraduhing naka-todo.

32. umutot ka sa elevator, tumingin sa katabi mo ng may panghihinala.

33. ikwento mo ang bawat eksena ng pelikula sa loob ng sinehan at ulit-uliting sabihing napanood mo na ito.

34. magtawag ng random names sa loob ng sinehan.

35. isoli ang ginamit na toothpick sa lalagyan.

36. iwan ng nakapatong lang ang takip ng paminta sa lalagyan para sa susunod na gagamit.

37. pahiran ng hair gel ang computer keyboard.

38. mag-print ng “FOR SALE” signages at idikit sa gate ng matripan mong mga bahay.

39. mag-toothbrush sa MRT habang papasok ng trabaho o eskuwela.

40. alugin mo ang mga bote at lata ng soda sa 711.

41. pagpalitin mo ang mga price tags sa department store.

42. mag-play ka ng anumang kanta ng pantera als-tres ng madaling araw at itodo ang volume.

43. ipuslit mo ang music player ng tropa mo at pa-downloadan mo ng madaming april boy regino songs. sampung kopya kada kanta.

44. patayin mo ang tv nang naka-todo ang volume.

45. palitan mo ng iodized salt ang asukal sa lalagyan.

46. sumenyas nang hindi maintindihan sa isang ka-trabaho o ka-eskuwela na nakaupo malayo sa iyo.

47. tumango nang tumango nang tumango kapag may powerpoint presentation ang boss mo.

48. sabihan mo ang isang kakilala ng “ikaw nga, ikaw nga yun.” buong araw.

49. mag-iwan ng shawarma sa isang bakanteng locker at ikandado.

50. isulat ang ending ng isang kuwento sa unang page ng libro.

51. iwan mong naka-alarm ang orasan, gawin mong kada oras at iwan sa roommate mong natutulog.

52. umorder ng siopao sa Mcdo.

53. patungan mo ng porn clips ang mga home videos ng lolo mo.

54. i-demand mong tawagin ka lang ng “your highness.”

55. i-play mo sa videoke ang “boom-tarat-tarat” ng 50 times nang sunod-sunod.

56. tumawag sa number ng TV home shopping program at tanungin kung mayroon silang overnight delivery sa Batanes.

57. palitan ng hair cream ang laman ng mayonnaise jar.

58. alam mo yung pampatunog sa sapatos ng bata? ilagay mo yun sa swelas ng sapatos mo.

59. mambato ng kornik sa sinehan. huwag papahuli.

60. umubo sa tuwing magsasalita ang guro mo.

61. gawing patanong ang bawat ginagawa ng sinumang makikita mo gaya ng “kumakain ka yata?”

62. kapag may nagtanong sa iyo ng oras, sabihin mo “maaga pa.”

63. kapag nasa job interview at tinanong ka kung ano ang tingin mo doon sa mga cardboards na may irregular figures sabihin mo “nagtataeng ballpen.”

64. salungatin ang mga bumababa ng escalator.

65. gumamit ng isang stick sa bawat piraso ng fishball na bibilhin mo.

66. magtimpla ng suka, asukal, at powder juice sa isang plastic bottle. iwan sa ref sa boarding house.

67. sa high chair umupo kapag kumain sa Mcdo.

68. mag-usap kayo ng kaibigan mo sa publiko gamit morse code.

69. maya’t maya tanungi mo ang kasama mo sa kuwarto kung sino yung nakita mong dumaan.

70. sumigaw ka ng “holdap!” sa loob ng bangko at sabihing practice lang.

gagawa pa sana ako ng trenta pa, pero saka na. hinahamon ko lahat ng kaibigan kong bloggers na gawin ang kalahati ng nasa listahan. sige, sigurado tatawad si salbe, wan-terd. sige kunin at saktuhin ninyo ang wan-terd ng sitenta, hahaha. medyo wala pang literary piece na namamasa at nagdri-drip mula sa utak ko ngayon, pagpasensiyahan ninyo na muna itong napingger ko sa ngayon mga minamahal.

salamat kay paris hilton sa paglinis ng keyboard ko, kay lindsay lohan sa pagbitbit ng gitara, drum kit at lunchbox ko.

Advertisements

30 comments on “trip 101

  1. 6. gisingin ang kaibigan mong natutulog at yayaing matulog na.

    <<< ito naranasan ko, adik lang ung pinsan ko tumatawag ng alanganing oras para itanong kung tulog na ako saka sasabihing matulog na kami hahaha.

    hi yinyang, musta?

    Like

  2. ang lalaki ng font hahaha
    naduling me hahaha
    meron pa tumingin sa itaas sabay turo kapag nasa level 1 ng isang mall sigurado susunod din sila ng tingin.
    hahaha

    Like

  3. sana may magawa ako sa out of 70 na kagaguhan na sinulat mo dito Yin bago pa magunaw ang mundo na kinatitirikan mo! kahit isa lng pramis ahahahahaha

    miss you =)

    Like

  4. hayop ka!! parang gusto kong gawin yung stick ng posporo sa loob ng sigarilyo…ahahaha don sa mga mahihilig mag yosi na hindi bumibili,ahahaha!

    Like

  5. Bet ko ang number 2! Ginagawa ko dati ang number 5, kaso inakala yata ng mga kaibigan ko na like ko talaga ang status nila kaya tinigilan ko na. Ginawa ko na ang 43 sa kapatid ko. Ginagawa ko ang 44 sa TV ng nanay ko.

    Wala pa ba yan sa wanterd? Nyeta!

    Like

  6. oh lala sisbumba kamusta! hahaha! ayos ang mga trip mo! ung no.44 ginawa ko sa bahay yan at namura ako ng tatay ko 😆 natry mo na bang iadvance ng 1 oras ang relo nyo sa bahay? itry mo yin “para matupad ang propesiya

    Like

  7. may nakatabi ako sa jeep kumanta… di ko naman pinapansin at ng iba. eddie tumigil din. hahaha

    kapag yan ang ginawa mo at nakasabay kita yan din ang gagawin ko sa iyo. hehehe!

    btw, ang alternative title dito sa trip 101 mo ay

    gusto mo ba ng tahimik ng buhay?

    or how to become a public enemy

    Like

  8. ako nama’y tawa ng tawa sa loob ng internet cafe dahil sira pa laptop ko.^^ nakakhiya! hahah. :)kamusta na yin?? ^^ i-add mo ako as friend sa facebook. 🙂

    Like

  9. ooh la la lumalaki ang tite kong maugat habang binabasa ang kulangot na ‘to. siyempre, kasama ko si dude. ooh la la loljoke lang po! i-try mong manood ng porn nang naka-full volume sa sala para matupad ang propesiya. \m/

    Like

  10. siguro may nagawa ka na sa mga ito no? hehehe

    yung kapatid ko, dinikitan ng for sale 20,000 ang adventure ng kaklase niya na nakaparada sa tapat ng school nila, tapos nilagay nila ang totoong cellphone number nung kaklase niya. wala lang, laughtrip lang din. 🙂

    Like

  11. 10. umpisahan mo lahat ng pangungusap mo ng “ooh la la” —> nagawa ko na to. nakakainis. hakhak! pwede rin may moja moja lagi ang sinasabi. hakhak!

    68. mag-usap kayo ng kaibigan mo sa publiko gamit morse code. —> tididitdat dat! trip ko ito! omaygawd! hahahah!

    natawa naman ako dito. masarap gawin. hakhak! mapapagkamalan ka talagang something something!

    Like

  12. Pingback: oh oh oh oh oh oh AWESOME! XD « eh sa wala akong magawa…

  13. hello, yin.

    ginawa ko na dati ang no. 19. pero di gamit ang 25 cents kundi 10 at 5 cents -worth P80 ‘ata. na-shock sa buhay nya ang girl sa counter ng SM groc. ‘yon bang alam mong di lang makapag-express pero ang gustong sabihin ay “what the hey?”

    eniwey, sabi ko, di ko na hihintaying tapusin nyang bilangin – may info naman sila sa aking sm advantage, kontakin na lang ako kung kulang. di naman ako kinontak. walang nangyari, haha.

    dalawang taon ka ba namang suklian lagi ng SM counters ng sangkatutak na 10 at 5 cents kahit may 25 at P1 coins sila? so, yon.

    btw, ang haba ng listahan mo. mga 3 lang dyan per year siguro ang quota ko. teynks! 😀

    Like

  14. ….tumango nang tumango nang tumango kapag may powerpoint presentation ang boss mo… ahahahaha

    Di ko pa ito na try, nasubukan ko pa lang ang dumaldal ng dumaldal ng dumaldal habang may presentation 🙂

    71. Subukan mong liitan pa ang font para tuluyan ng maduling ang mga nagbabasa ahihihi.

    Ikaw na Yin ang panalo! 🙂

    Like

  15. natatawa ako habang binabasa ko, kasi yung iba ginawa ko talaga, lalong lalo na ung pagbabayad ng bentesingko sa SM, jejemon sa email at kung ano ano pa, hanggang ngayon natatawa pa din ako.

    Like

  16. hello, yin.

    thanks for dropping by my site. salamat po. 😀

    btw, hello, ajieluz [living stain]. hala, tagalog ka naman palang magsalita. napa-english pa ako sa reply ko sa ‘yo sa post. kasi, sinilip ko po site nyo e, kakaganda ng wallpaper at umaatikabo ang inglesan do’n. :s

    now, i know. 😀

    salamat uli, yin…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s