diskaril

isa na namang random post.

pero hindi random ang post.

magulo? oo.

may dalawampung minuto ako para i-bluetooth ang diwa ko sa keyboard.

limang minuto na ginugol ko nakatitig sa monitor. contest ng titigan ulet, ang kumurap supot. ang supot kumurap.

diskaril. madidiskaril yata si yin. nadidiskaril na yata si yin. binabara mo ako lagi pero wala ako pakialam. pinapakialaman mo ako pero wala ako mapambara. unang araw pa lang bara na binungad mo. intial reaction ko sa natural eh mambabara din at wala lang. pero anampusa hinayaan ko lang at para na lang akong nanuno. parang sinakal ni mariang makiling se leeg ang etits ko at sinabihang diyan ka lang, huwag kang gagalaw, huwag kang lilikot, kapag gumalaw ka hindi na lalabas si maja salvador sa tv. pucha, tameme ako. ganun ang labas. hindi ko tinitingnan na panget, iba nga eh. matagal na lang kasi walang tumapat sa angas ng bayag ko, ngayon na lang ulet. muret ka kasi.

hanggang sa maiba daloy ng traffic. nagkukuwento ka na. ako na nambabara. gumaganti ka naman, o nanginginig ka na lang gaya ng sabi mo. nagkuwento na rin ako kaya nambara ka naman. gumanti ako pero binalik mo sa akin. blackmail-in ba ako ng hindi kakausapin. ano ka artista? feeling mo. pero hostage mo ang diwa ko. anampucha lang naman. at tumitig na naman ako sa monitor at sampung beses kumindat ang cursor at tumutugtog ang “you” ng switchfoot. inaantok pa ako alangya.

ayun na nga, lumindol na sa japan, tsumunami na ang dagat, nagbabatuhan na sa libya, nagwawatusihan pa rin sa egypt, natanggal na crush ko sa showtime, at nagkuwento ka ulit. kapag kumakain ako at may nagsasalita wala ako pakialam madalas pero yung kinuwento mo at kung paano mo kinuwento eh para mo sinawsaw daliri mo sa garapon ng kape at pinahid sa dila ko, para kong narinig maski si maja salvador na nagsabi hoy pukining mo diyan bitawan mo nga yang kinakain mo lumingon ka nga. yun nga ginawa ko. na di ko naman sinadya. alam kong hindi mo naman basta kani-kanino winiwento yun. appreciate it. gaya ng sabi ko, may dalawang buwan ka ano, huwag mo hintayin suntukin ko bibig mo bago ka kumilos. i dare you to move, pakinggan mo nga yun at gawing national anthem mo.

pakwento mo sa akin ano nangyari mula umpisa hanggang sa dulo maaalala ko pa rin. ano naman kaya pinuputok ng puwet ko at bakit ako nagngangangawa at dumudura ng ganito sa crib ko. anak ng katuray, si yin, kinekeso de lobo.

Advertisements

11 comments on “diskaril

  1. aha! inlove si yin!!!! di lng halata dahil hinaluan nya ng singkamas at linga para hindi mahalata na inlove sya ahahahaha

    Like

  2. sa sobrang inlab mo brad. di ko na naintindihan ang poste mo pero natapos ko. basta ang alam ko lang napatameme ka sa kanya at may tumapat na sa angas ng bayag mo. Congrats… keep it up… yahoo….

    Like

  3. hayeeei yin!! nakakatuwa naman tong post na to! magulo pa sa magulo.. pero: kung mahal mo… tingin ko.. si maja yun! (lugaw pa ata utak ko… :-/ )

    exchange link! may bahay akong bago.. pansamantagal…

    Like

  4. ang tawag jan, ‘starting in the wrong foot’ ika nga pero along the way, makikita mo, baliw ka na rin. fools fall in love. ganun lang talaga.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s