chub-cha-tagilid-akeyn

Wala na yata akong talento, (dati naman, tanga. – WP moderator) kapag wala ako ginagawa gusto ko magsulat andaming nabubuntis sa utak ko, pero kapag nakatambad na sa akin ang monitor bigla ako nasa-startruck. Hindi na yata uubra ang pangungulangot. andami na nagbago sa akin pero hindi ko alam kung ano mga yun. basta ang alam ko may mga ginagawa ako nitong mga nakaraan na hindi ko ginagawa dati. gaya ng? o may mga ginagawa ako dati na hindi ko na ginagawa ngayon.. gaya nga ng? taena dati upo lang ako ilang minuto lang may post na ako, ngayon ilang linggo pinipingger ilong ko ayaw ma-stimulate ng utak ko. hindi kaya hindi ko naman dapat isulat at ituloy na lang yung ginagawa ko? magulo ba?

yin signature, wala na. pota. hindi ako nakasali sa pa-contest mo J. Kulisap. hindi mo naman kasi sinabi sa akin kung kailan ang deadline eh. ayaw mo talaga ako panalunin, hahaha. nakaka-miss din magblog. oo. pero hindi kaya dahil nami-miss ko lang ang isang tao at dito ko na lang dinadaan? ito na siguro pinaka-random na post ko. may mai-type lang. hindi poetic. hindi creative. pero poetic ang bawat araw. ang bawat araw na may makulit na kasama. ang bawat araw na may kinukulit. may hindi man pagkakaintindihan nagkakaintindihan pa rin. intiendes?

piga na ba ang creative juices ko o puyat lang ako palage? ala na nga ko masulat na kabastusan eh. hindi kaya dahil nga nagbago na ako at ayoko na ng pilyong yin? weh. pero puwede rin. malamang. isa lang ang sigurado, alam niya yun. at iingatan ko yun. hindi ang bato ni darna, mga ungas.

dapat umuwi na ko kanina pang alas kuwatro pero heto ako makapag-post lang, mailabas lang lahat ng gusto sabihin, ayaw naman lumabas. constipated ang kukote ko. dahil sa kaniya. pero gusto ko magsulat. sabagay araw-araw ganun naman ginagawa ko. pero hindi pa rin. hindi ako kuntento. pero kuntento ako sa kaniyang binigay sa akin nung enero. limang buwan na? alangya pala. hindi ko napansin. snowstorm. tinangay ako. ako na.

namboboso na ang araw. at least mas maaga ito ng ilambeses sa inuuwi ko nang nakaraang mga araw. hindi ko man nahintay ngayon siya dala-dala ko naman. gutom na mga aliens ko sa tiyan. diyan muna kayo, chill. tapusin ko lang ito. pero kung magtatapos man ito doon ko tatapusin sa dulo ng walang hanggang forever and ever sweater chevers kasama niya. makeso? oo. ganun naman talaga ako, alang kuwenta mga sinasabi kapag kineso, kasi makwentang-makwenta. humalakhak na ba ako? hindi pa. buwahahakhak. ulit, may sumamang plema. buwahaha. papa jeesas, matalino ka talaga ano. ano center ng solar system ulet?

namumuti na mga mata ko. antok na ‘ko. dito na ‘ko matutulog. yoko. gusto ko sa 4-chamber involuntary muscle mo.

Advertisements

10 comments on “chub-cha-tagilid-akeyn

  1. yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin! 🙂 nakakamiss ka talaga! hahah. wag ka nang magtampo kay Ginoong Jkulisap kasi may teasers pa nga siya para sa pakontest niya. heheh
    Uuuuuuuuy, may namimiss siya! 🙂 heheh

    gandang araw sa’yo! 🙂

    Like

  2. tingin mo lang,parekoy. draft draft draft. wala namang bayad. saka mo pag dugtung dugtungin yung mga idea para sa isang post. nakakaurat din kaya na tila may circus sa loob ng utak mo. may tumatambling, may nagpa flying trapiz at kung anu anu pang eksena.

    sa papel talaga ang pahingahan niyan minsan o kaya tengang handang makinig. 😀

    Like

  3. inlove ka no? me pa 4-chamber , 4 chamber involuntary muscle ka pa dyan. nakakalimot na tuloy. nagberdey nako hoy.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s