One Thing I Learned From Dead People

Seryoso ang post na ito. Pramis. Ako lang ang hinde. Hindi din. Oo din. Siguro. Sigurado. Isa lang ang sigurado, nakalahati ko na yata basahin sa NBS ang It’s A Crazy Planets ni Lourd pero hindi ko pa nanenenok nabibili. Seryoso, hindi ba?

Kailan ba natin tanginiks na sineryoso ang buhay ng matino. Heto nga patanong ang huling pangungusap ko pero walang question mark eh. Kadalasan nagseseryoso lang kayong mga tao kapag seryoso na ang situwasyon. (Hindi yata ako tao, alien ako) Pero may mga dugu-dugo na tenga, ilong, puwet, pores, eh sige hayaan pa. Bihira ang mga taong ganun. Kaya siguro special ang isang tao diyan. Wala na yata kuwenta mga sinasabi ko. (Dati naman. – WordPress) Ang hindi nakaintindi sa pangalawang talatang ito salungguhitan ng pula ang mga pangungusap/salita, markaan ng laway, at sulatan ako sa hardkloud_at_yahu_dat_kom at tingnan lang natin kung sulat talaga ang gagawin mo at hindi type.

Useless ang bakod sa sementeryo, tingin ninyo? (Gago para namang may sasagot, wala na nagbabasa ng blog mo. – WordPress ulit) Kasi yung mga nasa loob ng sementeryo hindi naman makakalabas at yung mga nasa labas eh ayaw namang sumama sa mga nasa loob. Di ba? Di ba? Akala mo lang wala pero ham yan! Ham yan! Tangina naman Bash ganyan ka ba talaga katigas?! Ikaw na naka-Viagra! Oh di ba ang laki ng punto ko. Pangatlong talata na wala ka pa yata maiugnay sa title ng post na ito. Welcome to akosiyin’s crib. Sira-ulo ang may-ari ng site, hanging kamote lang ang mga posts, pero tumatalino ang mga readers.

Undas na ulet pero di ko na sasabihing nami-miss ko si Lolo. Sobrang exaggggeratedly over-redundant na kasi. At isa pa, not to eksadyereyt pero redundantly redundant na. Alam na niya yun. Sayang mga hindi mo na makikita mga magiging anak ng prinsesa ko na magiging mga apo mo sa tuhod. Teka, may tuhod ka pa kaya niyan?

If there’s one thing I learned from Lolo and Lola, pagtitipid slash pag-iimpok. Tuwing gabi tanggalin ang baterya ng relo. Sayang. Bukas ng umaga hindi mo alam ang oras.

If there’s one thing I learned from Albert Einstein, who’s patay na, hindi totoo na inaagaw ng buhok ang mga kinakain mo. Tanamits yung buhok niya na yun ang talino pa rin ng gago. So therefore I therefore conclude therefore, ang dami niyang kuto noon. “Before God we are all equally wise, and foolish.” Basta may kuto pa din siya.

One thing I learned from Jesus, walang matigas na tinapay sa mainit na kape. ..kay FPJ pala yun. Ang sabi ko naman walang matigas na tinapay sa Goldilocks.

If there’s one thing I learned from Satan, perseverance. Mapursige ang gago at tangina ka nakakainggit ang perseverance mo. Lesson: sa lahat ng bagay may puwedeng matutunan. Kahit sa tae pa. Ano naman yun? Problema mo na.

One thing I learned from dead people, patience. Biruin mo si Lolo ang tagal na nasa loob ng nitso andun pa din? Di ba? Naisip ko lang ilagay ko sinuman sa atin dun tatagal ka ba ng isang oras? Maski magbaon ka pa ng laptop at broadband, pucha.

At gaya ng dati at gaya ng lagi eh natapos din ang post na ito nang may kinalaman sa pamagat. At konekdadats na naman eh ang pasensya ay isang uri ng matigas na biskwit na isa na ding uri ng tinapay at kung patigasan din lang naman ng tae eh kailangan mo ng angas pero walang kuwenta ang angas mo kapag wala kang pasensya.

Naghihintay ako patiently habang pinapaangas ko tae ko. Sana ikaw din.

Advertisements

14 comments on “One Thing I Learned From Dead People

  1. Kakatuwa naman tong post mo. At least hanggang sa dulo kumonek da dats nga sa title. Haha..

    Uu nga pala magu-undas na. Hindi masyado importante yung undas dito. Mas gusto nila yung Halloween costumes at trick or treat kesa umalala sa mga yumao. Kaka-miss tuloy yung undas sa Pinas.

    Like

  2. Wagas ang tuwa ko dito sa post mo na to Yin. Seyusli like yeah. Haha. I am at the point where I want to say something as witty and as seemingly nonsense but I cannot come up with anything. Nakaka aliw. Nakaka aliw. Haha. Walang matigas na tinapay sa Goldilocks. Wagi!

    Like

  3. Emiii!!! Nabuhay ka! Kumusta na? Pauso mo diyan hehe! Mishuna!

    tenchu @vajee! Hehe. Nakakamiss kayo, hindi ako nakakagala kasi pala hindi mga naman updated blogroll ko sabi na din ni joyo. Wala kang kupas kumomento! Wagas din! Haha.

    Like

  4. Hindi ko naintindihan ang comment mo. Bwahahahahaha. Namimiss ka na ren namen! Quarterly ka nalang den mag update anupo? Parang business review lang. O kaya regla ni Salbe.

    Like

  5. Sana nakonek da dats ko ang angas, tae, biscuit at patience. May uber ganda pa sana akong ikokoment kaya lang nabasa ko na ang koment ni Vajarl. Bweset na yan, kaya pala kahapon pa nya pinapabasa sa akin ang post mong to ay dahil binabalahura nya ako.

    Hoy Vaj! Echusmi, monthly pa ang regla ko.

    Like

  6. @foobarph
    parang bibingka lang ba?

    @vaj
    Nakakatuwa kayo ni Salbe haha.

    @gince
    musta gince!

    @salbe
    hindi bawal gumanti dito sa crib, salbe!

    Like

  7. pretzel.. namiss kita.. hahaha…. 🙂 buti nadalaw ako ulit d2 sa lungga mo.. alam mo tinatry kong lagyan ng koneksyon yung title sa post eh.. wala talaga.. joke lang.. may sense naman eh.. hahaha…

    Like

  8. “Di ba? Di ba? Akala mo lang wala pero ham yan! Ham yan! Tangina naman Bash ganyan ka ba talaga katigas?!”

    –nabuo nito ang araw ko. grabe lang.

    Like

  9. wadup, pareng yin? umulan na nga ng niyebe’t lahat sa crib mo, wala pa ring update? merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms! \m/

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s