Sana ay (isang sanaysay)

Minsan madalas, sa buhay kailangan para kang etits, kailangan mo maging matigas kapag hinihingi ng situwasyon. Matigas in a sense na hindi ka bibitaw, hindi matigas na walang puso. Minsan kailangan natin ipakita kung anong puso mayroon tayo para sa sarili natin, pero madalas kapag sarili mo iniisip mo nakakalimutan naman natin ang puso para sa iba, sa kaparehomg paraan na kapag ang puso mo ay nasa kapakanan ng iba minsan makakalimutan mo puso mo para sa sarili mo. Siguro nasa kani-kaniyang pagkatao din, o siguro nasa pagkakataon, siguro tama ang una kong sinabi o tama din siguro ang pangalawa. Siguro dahil wala namang sigurado sa mundo. Kung may isang tao sinuman sa atin ang hindi kailanman nagduda o nagdalawang isip, ikaw na. Baka alien ka. Ni hindi ko nga sigurado hanggang ngayon kung alien ba talaga si Mike Enriquez. Pero hindi ibig sabihin na puro na lang pagdadalawang isip ang gagawin natin. Kailangan ng tigas ng tae. Kakailanganin mo ang tulong ibang tao, tulong sa sarili mo, sa mga anito, sa nasa itaas, kay satanas, sa mga aliens, sa google, pero kung ako lang ang magyayabang at magmamatigas walang mangyayari. Bakit ang tigas ng tae kong magsabi neto? Dahil nasubukan ko na. Para sa akin. At para sa mga taong mahalaga sa akin. Oo mahina tayo pero hindi ibig sabihin na hanggang dito lang at magpatuloy sa kahinaan. Oo kailangan natin ng angas pero hindi ibig sabihin na puro tigas din lang ng tae. Ako na putaenang ang yabang magsalita tungkol sa angas, yabang, lakas ng loob, tigas ng tae at pag-asa ay pinanghihinaan din. Patigasin ko man sarili ko gaya ng titi ni Lio ay kailangan ko din naman ng payo, tulong, pag-unawa and some effin’ love. Dito pumapasok ang pagpapakumbaba na sa tingin ko ay pinaka-astig na yatang katangian. Hindi ako magyayabang na isa akong palaging mapagpakumbabang ipis dahil hindi, pero kapag dumating ang pagkakataon na masapian ka ng kaluluwa nito, alam mong may isang magandang katangian kang puwedeng palaguin. Oo pagkatapos mo lunukin ang tanginang sariling yabang hindi man ang inaasahan at gusto mong mangyari ang lalabas, siguro nasa pagkatao na din ng pinagpakitaan mo. Siguro hindi din, siguro nasa nararamdaman niya. Siguro. At kaya nga natin gusto magpakumbaba. Gusto at ginawa ko. O ako lang. Dumadaan tayo lahat sa anak ng katipay na landas ng siguro pero kung alam natin ang gusto natin, alam natin kung sino mahal natin, ididiskaril natin mga sarili natin para sumugal at subuking hanapin ang sigurado. Magpaparamdam ang multo ng siguro ngayon at bukas pero kung alam mong masaya ka lumaki kakapanuod ng sesame street ay maghahanap ka ng pekeng dvd copies ng mga series neto gaano man kahirap. At ipasa ang saya na dulot neto sa mga anak natin. Hindi mo hahayaang mamatay ang tuwa. Dito sigurado ako. Masagasaan na ng trak ang sinumang umangal.

Advertisements
By akosiyin Posted in Uncategorized

7 comments on “Sana ay (isang sanaysay)

  1. oo na! hindi aangal takot lng masagasaan ng truck.

    pagpapakumbaba lng nman ang huling alas ng tao para matuto kaya saludo ang dapat ibigay sa umaamin ng pagkakamali at kahinaan dahil kulang ang isang libong lakas ng loob para tanggapin ang kapalpakang nagagawa ng tao.

    Like

  2. hello, pretsel,

    totoo, mahirap magpakumbaba, napakahirap. Gusto ko ang sabi mo sa huli, ” Hindi mo hahayaang mamatay ang tuwa.”

    hindi nga dapat hayaan. happy new year sa ‘yo. ^^ nakikiraan lang…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s