Patay Na Si Bob Ong (Ang Pagbabalik Ng Ninja)

Hindi na nga yata malupit na bisyo ang pagblo-blog o nabawasan na talaga ang mga tamad slash netizens slash tambay sa blogosperyo kagaya ko. O mas madali na lang talaga magtamad-tamaran sa twitter at facebook. Kaunting type, kuwela ka na. May sampung mag-like, artista ka na. Nakaka-miss ang mga binabasa kong malupet na blogs noon at hindi na active ngayon, mga tipong kapag nagkukuwento ay ino-orgasm ang utak mo at hinihigop mo na lang pabalik ang laway mo kasi tumapon mag-isa dahil sa kakatawa. Yung mga tipong kahit nilanggam na ang bayag mo eh pipiliin mo pa ring magbasa kaysa magkamot. Yung tipong linggo-linggo mo inaabangan para sa bagong post at kapag may bagong post pala at ikaw na lang sa buong mundo ng blogosperyo ang hindi pa nakakabasa eh magmumura na lang ang puwet mo pero magbabasa ka pa rin. Nakaka-miss. Tangina. Oo, tangina. Kasi bakit ko pa binalak mag-artista.

Anyways hemingway, nagbabalik ang ninja. Ang jedi knight na may pitong burnik. Ang kuwentistang walang takot na nangungulangot kahit nasaan.

At sa ganitong panahon na pati kumurap ay ayaw mo nang gawin sa pukining init ay naisip ko pang pumoste ng isang entry. Bakit nga naman hindi eh mag-e-evaporate at matutusta na ang utak ko eh di ikuwento ko na lang. Sa sobrang init pati si satanas magmumura. Hindi ko lang sigurado kung tinatablan ng pigsa ang kupal. Pero sigurado ako alien si Mike Enriquez. Sa sobrang init bumili ako ng yelo kanina pagdating ko sa apartment tubig na. Putangina baka nasalisihan ako nung nagtinda ng yelo. Baka pinakitaan niya ako ng yelo tapos pinalitan niya ng ice water. Pero ang bilis naman ng kamay ng gagong yun. Putangina?

Sa sobrang init walang sinabi ang kili-kili ng ex ko. Wala ring sinabi ang init ng ulo ni ermats. Yung dalawang yun natitiis ko pa pero itong buwakanang init ng panahon na ‘to anampucha kailangan ko talaga i-blog baka kasi mabasa ni papa jesus eh bigla niya paulanin ng crushed ice. Sa sobrang init gusto ko na ahitin ang buhok ng kili-kili ko pero hindi ako sigurado kung puwede na i-harvest. Kailan ko lang kasi ginupitan. Wala namang nagbago nun, mainit pa din.

Sa sobrang init nakakatakot umutot na lang bigla kasi baka lumiyab ang puwet ko. Sa sobrang init baka pati si Santa Claus nasa Sogo nagpapalamig. Walanghiyang araw kasi anak ng katuray double-pay yata sa mga ganitong panahon at ang sipag ay.

Kaya kailangan sa ganitong panahon kahit nag-iinit ang kili-kili mo ay lumalambing ka pa rin.

“Ate, ang ganda-ganda mo kamukha mo si Anne Curtis. Huwag mo na ibenta sa iba yang yelo mo bibilhin ko tigatlumpiso reserba mo na lang sa ‘kin.”

*Oo, hindi pa patay si Bob Ong.

Advertisements

6 comments on “Patay Na Si Bob Ong (Ang Pagbabalik Ng Ninja)

  1. bumili kami ni dude kanina ng halu-halo. limang lubog lang ng kutsara, lusaw na agad ‘yung yelo. mabuti na lang masarap pa rin ang tubig na nilagyan ng kung anu-anong prutas, sago, gulaman, at leche flan. ang init na nga talaga sa pinas; isang patak na lang lalagnatin ka na!

    waddup big brothah?

    Like

  2. Natatawa ako lagi sa post mo. Ang kulit. Hahaha.. Ano kaya reaksyon ni Bob Ong pag nakita niya title ng post mo?

    Sobrang init nga raw ngayon sa Pinas sabi ng pamilya ko. Nakakamiss ang init. Ang sarap mag-halu-halo.

    Like

  3. @lio
    late reply pare. sinugod sa banyo puwet ko dahil sa pukining init. stronging go kayo ni mare’ng dude ah, congrats!

    @sows
    mas bastos sa akin si lio, spagsows. ^^

    @kat
    muntik ko pang paypayan ang loko eh.

    @ems
    thanks, em. nasan ka?

    @foobarph
    rebolusyon ng elisi ng bentilador?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s