Kung Hindi Lang Kita Nanay (An unsent letter to Ermats, obvious ba?)

Hindi ko naman masabi sa iyo lahat neto kasi malamang kapag naupo tayo para magkuwentuhan eh pinamasahe mo na talampakan mo, at nagtatalo na tayo sa kung ano ang kahulugan ng madiin at hindi. May ADHD ka kasi, hehe. Pero ayos lang sa akin, pasensyoso naman ako, na malamang hindi mo namana sa akin, hahaha. Ganun ka lang talaga, aning ka, kaya kita mahal. Mahal kita kasi ikaw ang nag-lock ng gate at pintuan pero papa-check mo pa rin sa akin. Ang malupit pa, ako ang pumatay ng kalan at pumihit ng tangke ng gas eh papa-check mo pa rin talaga sa akin. Level 99 ang OCD mo ano? Pasalamat ka nanay kita, hahaha.

Pero pasalamat din ako sa iyo kasi kung hindi ka OC-OC eh binalot mo na lang ako siguro ng aluminum foil at sinilid sa Ziploc pagkatapos mo ako inire. Hindi ko lang talaga sigurado kung ayaw mo lang sabihin sa akin na nung inire mo ako eh bumuka ang lupa at bumulwak ang apoy at humalakhak ang doktor. Pero tingnan mo ako maski na sira ulo eh napalaki mo ng maayos. Maski nga mga hindi mo tinuro sa akin ginagawa ko eh, biruin mo all this time hindi mo sinabi sa akin na puwede magsuot ng hindi pares na sapatos? At medyas? At puwede ipalaman ang V-Cut sa pandesal?? Hayaan mo napatawad na kita. Muah.

Kung alam ko lang kung gaano ka ka-maimpluwensiya sa school ko noon dahil principal ka eh sana nagtayo ako ng sindikato. Sindikato ng ice candy, buwahaha. Sana pala nagtayo pa ‘ko ng fraternity, nampakshet. Pero okay din yun kasi kung hindi ka nag-teacher hindi ko na-experience ang first kiss sa first grade, tanginiks astig ka nun andami nating papel sa bahay puro guhit at sulat ginagawa ko buti na lang hindi ako naging columnist, as in sex columnist sa dyaryo ngayon. Dati pa nga gumuguhit ako ng pusa pero ang sabi nung kaklase ko sa grade one mas mukha daw puke. Tangina saan siya nakakita ng puke sa edad na anim na taon at nasaan ako nun??

Pagdating ng grade 5 doon mo ako napilit mag-aral sa catholic school. Kung alam ko lang ayaw mo ng kunsumisyon kaya mo ko pinalayo. Pero ayos lang ulet, mas naging okay kasi mas madaming tsiks. Tsaka dun ako natutong maging independent. Pero promise umiyak ako at nanginig ang bayag ko nung first day ko ulet sa school, kasi wala ka, kasi naisip ko kung bigla ko matae eh ang layo ng bahay natin pukinangina hindi ako komportable sa ibang inidoro. Pero laking pasalamat ko na dun mo ako pinag-aral, kasi malamang kung hindi sa catholic school eh malamang di ko natutunan maging kasing-pilyo ko at baka nag-pari na lang ako. Syempre gusto mo magka-apo. At syempre magtatampo mga itlog ko. Anyways hemingway wika nga natin pareho eh everything is perfect in God’s plan. Kahit di ako natapos ng kolehiyo eh andami ko natutunan sa mga pinagdaanan natin. Oo ang sarap isipin na kung hindi ko ganun kamahal ang trigonometry at physics na inapply ko sa pagbi-billiards at pati online gaming eh di sana ako na ang may-ari ng Globe ngayon. Pero ayos na din na natapon ako dito sa Pampanga kasi andami ko natutunan at natututunan pa. At walang nanggigising sa akin ng sobrang aga puwede ako matulog ng matulog, yahaha. Sabi ko nga ikaw ang alarm clock na hindi ko puwedeng i-set anong oras at hindi kailanman ever ma-snooze.

Pero nakaka-miss ang pinakbet at chop suey mo. At utang ko din sa iyo bakit ako marunong magluto. I’m sure miss mo din ang adobo ko ano, hehe. Pucha gusto ko na umuwi diyan Meh. Pramis.

Huwag kang mag-alala hindi ako tumitigil mangulit kay Papa Jay. Naa-aning ka lang diyan kasi wala kang nabubulyawan. At oo nami-miss ko mga pananabon mo. Sa ngayon yang TV na lang muna sigawan mo, yahaha. Ayos lang ako dito, huwag ka masyadong praning hindi kerengkeng tong bunso mo.

Lagi ko to sasabihin sa iyo, ipaglalaban kita ng pitikan ng bayag kapag may umagaw ng remote control mo. Makahanap man ako ng prinsesa eh you’ll always be my queen. Pasalamat ka naging nanay kita, haha. Salamat dahil showbiz kang nanay ko, salamat dahil kung hindi dahil sa daily SONA at sa wicked rap skills mo eh hindi ako natuto ng pasensya, salamat sa mga turo mo na akala mo lang ay hindi ko pinapakinggan, ayoko lang aminin sa harap mo na lumalabas na mas matalino ka sa akin kaya kunware matigas ang ulo ko. Salamat sa lahat. Kung hindi lang kita nanay, hindi ako si Yin.

Huwag masyado mainit ang kili-kili. Love you, Ermats.

Advertisements

12 comments on “Kung Hindi Lang Kita Nanay (An unsent letter to Ermats, obvious ba?)

  1. pimadersdey sa ermats mo, yin. alam ko na ang susunod na pagpaparamdam mo: 2nd week ng june. hehe.

    p.s. nagsalubong kilay ko sabay nganga ng bunganga dun sa palaman ng pandesal mo.ibang klaseng alien ka talaga, yin.

    Like

  2. @lio
    sa nanay mo din tol. sosyal na nga ung v-cut eh, try mo yung mamisong tsitserya, hehe.

    @tambay na si myr
    nice one din tol, di ko nga inexpect eh. ganun din sa nanay mo. salamat.

    Like

  3. Limang tumataginting na bituin para sa isang tumataginting na sulatin. Masarap basahin ang sinulat mong ito. Sana lang, kung maaaring maipadala ito kay Nanay, mas maganda sana. Gayunpaman, damang-dama ko ang kadakilaan niya at ang pagiging totoo mo sa sinulat mong ito.

    Like

  4. @pointless paranoia
    tumataginting na pasasalamat sa pagdaan at pagbabasa.

    @sa saliw ng awit
    siya yata ang nagmana sa akin.

    @j kulisap
    pagpupugay, iyong kakulisapan.

    Like

  5. Buti na sigurong hindi ito mabasa ng nanay mo, dahil baka mapatakip sya ng mata pag nabasa nya ang puke at bayag hahahaha charot lang 🙂

    Ang sweet!

    Belated happy mother’s day sa meh mo 🙂

    Like

  6. @paint8
    =p

    @sphereq
    sa iyo din ate anne.

    @mmc.XD
    ayos lang din, dati naman siyang guro. Mayo pa rin naman, ganun din sa iyo!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s