Darkest Hour: Sinabi Mo Pa

May mga pelikulang dahil wala kang magawa o lasing at tulog lahat ng kakilala mo o naghihimagsik ang langit sa labas o may hangover at nagtatae ang syota mo kaya hindi makalabas ng bahay ay mapipilitan ka na lang payakap sa sofa at panuorin ito. At dahil wala kang no choice ay ilalatag mo ang mood para panuorin ng kilig-bayag ang anumang dvd’ng makita mo sa tabi ng player.

Ito ang nangyari sa akin kanina. The Darkest Hour. The movie. The experience. At bigla akong naging film critic.

Salamat muna sa tropang si Cholo kasi siya ang nagrenta ng DVD, hehe. Heto na nga, dose oras akong tulog at nang maalimpungatan si pototoy ng madaling araw ay bumangon ako para magkape. Tingin sa sala at presto may dvd, The Darkest Hour. Habang hinihimas ko nang nakapikit ang mug at sinisinghot nang nakapikit ang mainit na kape ay piningger ko ang player at ipinasok ang disc. Game.

Ambisyoso ang umpisa, dalawang american yuppies na pumunta ng Moscow para sa isang business transaction. At kung saan pagdating nila ay malalaman nilang natarantado lang pala sila ng mga tarantadong illegal recruiters na galing ng Pilipinas. Hinde, hindi ganun. Nalaman nilang inagaw sa kanila yung deal. Kaya gaya ng anumang disappointment ang gamot lang ay alak, yan ang batas, hindi paglaslas ng pulso gamit ang blade, kaya ang sumunod na eksena ay sa isang club kung saan makikilala ng dalawang mokong ang dalawang babaeng characters. Masyado kasing pilipino kung sa jeep o sa MRT sila magkakakilala. At makikita din nila doon ang lalakeng umagaw ng deal sa kanila. Nakakapagtaka lang dahil walang sapakang nangyari. Tanamits kung ako yun basag ang mukha mo. Bumiyahe ako ng kalahati ng mundo para sa isang business tapos ganun, agawin nga yung pc ko sa trabaho ng walang pasintabi naiinis na ako eh.

Dito mag-uumpisa umangat ang tema ng pelikula, lumamig ang kape ko at kakasindi ko ng yosi. Ipapakilala ang mga walanghiyang walang pangalan na aliens na may planong sakupin ang buong mundo. Oo, kasama ang Pilipinas, pero hindi mababanggit sa pelikula. Una, mamamatay ang lahat ng ilaw at lahat ng may kinalaman sa kuryente (hindi ko alam kung pati ang mga gagong kolektor ng kuryente dito sa amin sa Dau) at lalabas ang mga utaw sa kalye. Pangalawa, may ilaw na guguhit sa langit, parang may pino-photoxerox si Papa Jesus, at maghuhulugan ang mga hindi mo mawaring ilaw, at syempre doon na mag-uumpisa ang patayan. Detalyado ano? Hahaha. Lahat ng ipapakitang patayan ay mangyayari sa loob nung club, makakaligtas ang mga nasabing bida, magkukulong muna sa kitchen ng club ng ilang araw, bago maisipang lumabas. At hindi ko mawari kung bakit sa sobrang takot mo nakakita ng nakukuryente’t inaabo at may kasama kang mga bebot sa iisang kuwarto ay wala man lang kahit halikang nangyari. Nyeta.

Itutuloy ko pa ba? Paglabas nila wala nang tirang utaw sa labas, nagkalat ang mga kotse, tahimik ang mga kalye, parang kinabukasan lang pagkatapos ng bagong taon. Tatakbo ang pelikula sa paglantad ng kahinaan ng mga lintik na ilaw, pagdiskubre kung ano ang pupuksa sa mga bayag nila, at pagpaparamdam sa nanunuod kung gaano kalaki ang pinsala. Visuals? Hinde. Babasahin lang nung isang babaeng tauhan ang mga huling balita bago muntik magunaw ang mundo. Ang saya. Pero ang ganda ng Moscow.

Tangina nagugutom na ako. Sa puntong ito na nagsusulat ako, hindi kaninang nanunuod pa.

Cutting the crap short, tanginiks at bantrip lang ang anak sa pinalakaang tabing na katuray na ending ng pelikulang ito. Tinapos ang pelikula nang hindi pa naliligtas ang buong mundo. Ni hindi pa nga sila nakalabas ng Moscow. Ano yun dahil nasa submarine na sila sigurado na buhay nila? Pati ng mga magiging anak nila? Ko? Nasaan ang pukining hope and everything positive doon?? Huhulaan ko??? Kaya nga pelikula para ikuwento mo hindi ba?! Ano yun nanunutil ka para sa sequel? Nampakshetnes.

Credits pa din sa sipag at sa talento ng lahat ng taong gumawa nito pero tangina lang talaga, sayang.

Ikaw, anong pelikula ka pinakanainis?

9 comments on “Darkest Hour: Sinabi Mo Pa

  1. pinanood namin ‘to sa sinehan ni dude. hindi kami natuwa. gusto kong kalasin ‘yung turnilyo ng kinauupuan ko para ihagis sa movie screen. ano ‘yun, gusto pa nilang sabihing gagawa pa sila ng part 2 ng helluva crap na ‘yun? pakyu!

    Like

  2. ahaha, pero gusto ko ang pagkakwento at analysis mo sa pelikula… ‘yan naman, pirated na dvd na nga ang pinanood, pero handaming reklamo sa producer, ha? 😉 on the other hand, buti at hindi original ang pinanood mo dahil kung gayon, baka di printable ang analysis, hihi. ^^

    teka, was it too dark or not dark enough? 😉 joke lang. hello, yin! 🙂

    Like

  3. Hahaha…nauunawaan ko ang pagmamaktol mo hahaha…ako naman nagsayang ng pang-sine sa “Moron 5 and the Crying Lady”…pumasok kami nang masaya at excited sa sinehan pero lumabas kami ng lumuluha sa panghihinayang…moron talaga, wala man lang kahit aral. hahaha 🙂

    Like

  4. ramdam ko ang pagkadismaya sa bawat tipa ..ahaha

    buti n lng at nabasa ko to at baka mmya mag aksaya din ako ng waste of time ko (redundant?) . :p

    Like

  5. hahaha sa iyo Bigotilyo..’wag kana mag-sine kung yun yung panonoorin mo, baka lalo kalang ma-stress hehehe 😉

    Like

Leave a comment