KM3: TINIG (ANGAS KONG MAHAL)

Isa’t kalahating ungas ka kung hindi mo kilala ang Facebook at Twitter. Kung isa ka sa mga kagaya kong almusal ang popular na kultura dahil walang mapagpilian, o hayok at nangangati ang bayag kapag walang naririnig na bago, o mayaman lang talaga si erpats, ay dapat kilala mo ang Facebook at Twitter. At para sa iyo ang akdang ito.
 
Ang bagong pamamaraan na ito ng pakikipagpalitan ng kuro-kuro, tae, at opinyon; paghahayag ng damdamin; pagbabahagi ng karanasan; ay isang baitang sa isang hagdan ng pagbabago tungo sa kaunlaran. At kung mapagdiskitahan ng engkanto, kamatayan. Sino ba naman ang walanghiyang tinamaan ng gagong lintik ang may gustong tumahak ng daan patungong kamatayan? Hindi ba? Sigurado ako sa nanay ko ayaw niya. May mga ginagawa ang katawan na katumbas ng sangkapat lang ng isang hiblang burnik ang matalinong pag-iisip ang itinuon. At mas madalas pa sa pagkangkangan ng dalawang malibog na asong kalye, ang mga gawaing hindi sinasahugan ng tamang damdamin at kaunting pag-iisip ay nagbabadya ng disgrasya. Parang kare-kare’ng puro mani, delikado. Kaya dito mag-uumpisa ang boksing sa pagitan ng responsibilidad at karapatan. Mayabang ko bang sasabihin na karapatan kong ihayag sa sangkasaputan, ang anumang gusto ko, tamaan na ang tamaan? O responsibilidad ko ang mag-isip bago dumura, ngunit limitado? Darating sa atin ang init ng kili-kili, hindi mag-iisip at pupukol ng opinyong baluktot o hindi pinagkulangutang pahayag ng damdamin, matakpan lang ang napahiyang pagmamalaki, malinlang lang ang iba ng huwad na katalinuhan pero gaya ng hindi matututong mag-bisikleta kapag hindi nagalusan ng karanasan ang tuhod, hindi rin lisensya ang kawalan ng karanasan para sabihing puwedeng subukin gumawa ng kabarubalan. Ang sagot sa dalawang tanong? Para sa akin dalawang mabibigat na oo. Karapatan ninuman ang magpahayag sa Facebook, Twitter at mga kaugnay, at responsibilidad na magkaroon ng mapapakinabangang layunin, ang mga kabag ng utak na ibinabahagi. Dahil ang tinig na pinapakinggan ay ang tinig na marunong makinig at umintindi. Ito ang kamalayang malaya, angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

Advertisements

16 comments on “KM3: TINIG (ANGAS KONG MAHAL)

  1. “ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.” walang kupas ang maangas mong prose, kapatid.

    hello, nakiraan lang at nagbasa… good luck sa iyong lahok and regards. 🙂

    Like

  2. kagaling ng pabasang ito. nagustuhan ko ang paghahambing ng mga salita. may lalim at kumiliti ng libog kong nararamdaman. libog na nagalab para sa kamalayang malaya.

    mahusay..

    Like

  3. Pingback: KM3: TINIG | Kayumangging Damdamin

  4. galing! clap clap para sa iyo kapatid ! gusto ko ito

    Dahil ang tinig na pinapakinggan ay ang tinig na marunong makinig at umintindi. Ito ang kamalayang malaya, angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

    Like

  5. Maliwanag kong naunawaan ang aking responsibilidad bilang gumagamit ng makabagong pamamaraan ng pagpapahayag ng aking diwa. Bagama’t hindi ko naipapangako na lagi akong 100% na makapagbibigay ng hindi mapanirang pahayag, ay pagsusumikapan kong timbangin muna ang mga bagay-bagay. Iyon ay tanda ng isang respeto sa aking kapuwa at pagkakatuto sa mga pagkakamali. Sa aral ng nakaraan.

    Maraming salamat sa pakikilahok at muling pagbabalik. 🙂

    Like

  6. mabuhay at salamat.

    @kule at lahat
    maski ang kalikasan ay nagsasakatuparan ng mabuting pagbabago sa pamamagitan ng paninira, ang mahalaga ay ang layunin, minsan kailangan natin ibahin ang pananaw natin sa isang pangyayari upang lubos itong maintindihan, at madalas ang katotohanan ay hindi naipapabatid lang sa pagpapaintindi ngunit sa kung paano ito tanggapin at unawain.

    taena naimpatso ako sa sinabi ko.

    Like

  7. Pingback: KM3: RESULTA | Kayumangging Damdamin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s