10 Reasons Why I Blog (na alam ko)

1. Anti-cancer. Maidura ko lang mga pukinang latak ng utak ko sa badtrip na maghapon o isang linggo’ng hindi-kasing-ganda-ni-Maja-Salvador-na-gumigiling ay isang paraan ko na rin para relyebuhan ang stress ng bayag at ng kaluluwa ko. Mahirap ipunin ang stress, baka lumabas ang utot sa bibig.

2. Environment-friendly. Kahit pa sabihin nilang naglalabas ng chloro-fluoro-carbons ang mga gamit na de-kuryente eh matipid pa rin ito kaysa pumutol ng puno para sa papel na gagamitin ko sa pagsulat. Hindi rin kasi madali magsulat sa upuan ng bus o sa dingding ng banyo, inconvenient. Gaya ng ang pagsoli ng toothpick sa lalagyan pagkatapos gamitin ay environment-friendly, ganun din ang pag-blo-blog.

3. Resbak. Dito ko lang puwede barahin ang nanay ko nang walang lumilipad pabalik sa akin na mura. (Insert evil laugh here) Ganunpaman mahal na mahal ko yun. At siyempre dito ko rin puwedeng balahurain ang sarili ko ng padisente. Self-depreciation is the highest form of humor.

4. Spreading the good word. Kaysa naman kausapin ko kada tao at malibog na asong makasalubong ko, mas mabilis at epektibo ang intarnets. Kahit madalas kabastusan ang laman ng mga dinudura ko eh may aral naman akong iniiwan sa dulo ng mga posts ko. Gaya ng huwag ninyo ako gayahin dahil tamad ako, at madaaaaaami pang iba.

5. Laughter is the best medicine. May kaugnayan sa unang dahilan sa taas, pero gusto ko puntuhin yung pagpapatawa mismo. Hindi ko alam kung kailan ako natutong magpatawa sa pagsulat pero kung may kokontra man at sasabihing hindi ito totoo mamatay ka na. I hate you na. Pero kahit ako lang ang natatawa sa mga posts ko at least mas maaga kayong mamamatay.

6. Nobel prize. Nakakatuwa na may mga nauuto sa mga sinusulat ko at parang namamalikmata at napapakomento. Lagi akong magpapasalamat sa oras na binibigay ninyo although imposible mangyari yung “lagi” dahil kailangan ko din naman tumae at matulog, salamat talaga.

7. Save the universe. Kahit wala akong balidong patunay na binasa ng administrasyong Arroyo at sinusubaybayan ni PNoy ang blog ko, alam ko pa din. At kung sa maliit na paraan ko ng pagiging satiriko at sarkastiko ay may mga mamumulat ang itim na tumbong, okay na din ako kung maligtas ang mga kaluluwa ninyo.

8. Tropa. Hindi madali magscreen sa kalye ng mga sira-ulo at gago’ng tao na kagaya mo ng trip. Kahit hindi mo man sila kasama ng pisikal, yung alam mong may kapareho ka ng trip o may sumasang-ayon sa trip mo kahit pa nakatira ang bayag ng gunggong na yun sa Middle East eh kuwela pa rin yun.

9. Para yumaman at sumikat. Di pa ako mayaman at hindi ko pa rin alam kung paano ko yun gagawin sa pamamagitan ng pagblo-blog pero di pa ‘ko sumusuko. Oo sikat na ako, biruin mo alam na ng pamangkin ko na may blog ako.

10. Masaya. Pagsamahin mo lahat ng dahilan sa taas, ito na yun. Nilagay ko pa rin kasi baka hanggang ngayong tapos na ‘tong poste ko ay hindi mo pa rin nahalata, napagtanto, at napansin.

Advertisements

6 comments on “10 Reasons Why I Blog (na alam ko)

  1. A new and simpler link badge is now available at BLOGS NG PINOY! You may use it to link BNP to your website.

    (NOTE: Failure to link BNP may result to your blog being removed from the site listings).

    BTW, mali po ang inilagay nyo na link for ‘blogsngpinoy’. It’s supposed to be blogsngpinoy.com, not pinoyblogospher.com.

    BNP

    Like

  2. napapangiti ako dito sa desk ko habang nagbabasa ng post mo at sa malamang napapansin ako ng boss kong hapon na para akong tanga na nakangiti sa monitor dahil akala niya ay nagtatrabaho ako… pero sa haba ng sinabi ko, ang gusto ko lang sabihin ay.. more power!! hindi yung kili-kili ha…

    Like

  3. @BNP
    Natakot ako doon sa NOTE. Huwag po, huwag po! Mahal ko po ang pamilya ko at maliit pa yung aso namin.

    Yah, ayusin ko kapag naharap ako sa computer kasi mahirap gawin sa cellphone. Gaano ba kahaba ang grace period?

    @PotSquared
    Kapag tinaasan ang sahod mo tol mandamay ka ha! hehe.

    @Foobarph
    Nasapul mo! Bakit ko ba nakalimutan yun? Classified!

    Like

  4. “Oo sikat na ako, biruin mo alam na ng pamangkin ko na may blog ako.” – hihi…

    cool ang blog mo, ‘yin. one of the coolest… sana lang mas madalas kang mag-post, kapatid. siyempre, demanding ako, hihi… kumusta? 😉

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s