ADOBO

ON THIS SITE PAGE WILL RISE THE DEAD AND THE DYING FILIPINO, AND KICK ASS.

Oh di ba pinoy na pinoy, ingles.

Maligayang pagdating. Ipagpag muna tsinelas kasi bagong plorwaks ang sahig, naka-plastic pa din ang sofa kaya dahan dahan baka madulas pag-upo. Ang parte’ng ito ng crib ay ang pinaghalong sala, kusina, kwarto, at banyo. Ibig sabihin pwede maghain, kumain, tumambay, magkwentuhan, at dumumi na din. Basta tungkol sa lahi natin. Parang Lahi Mo Patrol Mo, at ang slogan ay Ako Ang Semilya. Parang forums lang, hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng forums o forum pero palitan ng kuro-kuro alam ko. Pero hindi ko din alam kung saan nanggaling ang salitang kuro-kuro. Hapon? Ewan. Masyadong ambisyoso kung isang buong site ang ilalaan para sa ideyang ito. (Sa totoo lang wala ako pambayad ng renta ng domain) Lahat ng may dugong pinoy welcome dito. Sige na nga kahit hindi pinoy.

Lahat ng ideya, saloobin, sama ng loob, kabag, pagppunyagi, panlalait, panghihinayang, pagmamalaki sa anumang bagay na may bahid ng pagka-pilipino. At sa paglaon ay gagamitin natin ang mga ito para i-program ang isang mangungulo sa bansa at gagawin nating superpower ang Pilipinas.

Lahat ng sasali at mag-aambag ay tatawaging maganda, guwapo, seksi, artistahin, matalino, malaki ang tite, maganda ang buhok, matapang, malikhain, mabait, bayani, santo, mabuting anak, most neat at artist of the year. Ihahanay ang kanilang pangalan sa mga bukod-tanging mga Pilipino gaya ni Jose Rizal at Aling Dionisia, kikilalanin ang tapang gaya ngmga nilalang na nagbuwisng buhay sa DOTA, at malamang ay patirahin pa sa Libingan ng mga Bayani.

Bilang may-ari ng blog na ito at sugo ng universal peace, tatanggap din ako ng mga donations gaya ng PSP, XBOX, cellphone, o anumang model ng iPod. Hindi ninyo kailangan ang mga ‘yan sa langit. (IMPORTANTE: huwag ialay ang mga sirang sim cards)

Bawat ideya, sagot, komento, dura ay magkakaroon ng katumbas na electronic ticket number at ilalahok sa electronic raffle pero walang electronic draw na magaganap. Katuwaan lang. Pero hindi ang palitan ng kuro-kuro kung paano ire-restore ang Banaue Rice Terraces, buhayin si Ramon Magsaysay, ibalik ang nutribun, baguhin ang sistema ng pamahalaan, pagandahin pa si Maja Salvador at gawing santo ng kaseksihan, at i-preserve ang pinoy values.

Ang imahe pala ay hindi ko pinaalam sa www[dot]shirts[dot]ph

Game.

115 comments on “ADOBO

  1. Abay akalain mo’t ako pala ang nauna! hahaha!

    Kaso hindi ko alam kung anung sasabihin ko, nagtaka lang ako kung bakit nahanay ang pangalan ni Aling DIonisia sa pangalan ni Gat Jose Rizal. Ibig sabihin ba nun pag na tsugi siya. Ililibing din siya sa libingan ng mga bayani?

    Like

  2. Kasi si mommy D ay isa ng ex-con, icon pala, ngayon hindi na masama yung turuan mong makipagsuntukan ang anak mo, na-break niya ang barriers, larawan siya ng pananalig which is sa ilan nakakatawa yung halos gawin niyang bling-bling yung imahe ng sto. NiΓ±o which is- kampante siya sa faith niya, yun ang kailangan nating mga pilipino, hindi puro reklamo, tingin mo? Oozing din siya with confidence kahit matigas ang dila go-go-go siya walang pakielamanan. Lakas ng loob, yan ang meron siya, na katangian ng isang bayani. Pandak si dr. rizal at nognog pa siya pero maepal kaya andaming chicks.

    Like

  3. simulan ko? dahil nabanggit si momi d, ang naisip kong topic ay tungkol sa lupang hinirang na kinakanta twing laban ni pacman.

    bakit lagi nilang binabago ang dulo kung alam nilang bawal? para mapagusapan? pano pag nakulong sila? at sabado? walang pyansa. kawawa naman, singer nakulong dahil sa pagpapasikat?

    minsan talaga ang pinoy may tendency maging mayabang. haha. kelangan pasikat.

    pero kung hindi nasusunod yung batas, bakit hindi na lang tanggalin? tapos gayahin natin ang mga kano na ginagawang jazz at rock ang kanilang national anthem. πŸ™‚

    Like

  4. Lahat naman ng lahi may yabang pero grade A ang sa atin, pinagsamang yabang ng kastila at amerikano ba naman ang pinanggalingan, siguro pwede pa patawarin kung hindi 0A yung pagkakabago, halata naman kasing papapansin lang at tsaka amerikano din ang soul at jazz kaya hindi offensive sa kanila, siguro pag kundiman ang ginawang version ng pambansang awit eh walang maglalakas tae’ng umangal..

    Like

  5. dahil nagoyo ako…sige sali narin.

    napag-usapan narin lang ang kantahan, bakit tayong mga pilipino ay madalas mas gusto ang foreign songs?… pero dahil alam ko rin naman na mahirap maghanap ng identity ang mga pilipino dahil sa pagsakop satin, bakit di nalang gawing identity ang kawalan ng identity?…hehe, may sense pa ba?

    Like

  6. yay! may bago na akong tambayan. πŸ™‚
    at syempre, kelangan mag-contribute.

    pansin ko lang din, sa kantahan ng mga pinoy, opm is not so original anymore. parang mas uso ang ‘revivals’ or ‘covers’ eh di ibig sabihin, hindi na yun original, di ba?

    Like

  7. Una muna kay J.Kulisap, ang halay pag tinagalog yang nick mo ngayon, “mahiwagang sawa” hahaha.. Kay ani naman- dynamic nga talaga yata ang mga pilipino, ako din mahilig sa foreign songs at kung lokal man eh tunog/ayos foreign pa rin, pakipaliwanag J.Kulisap?

    @cofiboi
    matagal na kita iniistok pare, hindi lang ako madalas mag-komento kasi madalas wala ako tissue dala taena sabaw na nga utak ko sa mga sarili kong poste idi-drain mo pa’t padadaanin sa ilong ko sa pag-ingles hahaha. may ispageti sa ref pare kain ka. Oo nga, yung meaning pa lang ng OPM eh ingles na eh. Salamat sa pagkakaligaw!

    Like

  8. Kuya Pong..anong bang tatak gusto mo.. may sarili kase tayong tatak na parang wala lang pero nandun pa rin.. parang aura nga tao.. alam mong Pilipino ka sa sarili mo.. tama po ba?… =)

    bilib nga ako kay Aling Dionisia.. eh mano bang matigas ang dila nya at yung style nyang dalhin ang sarili nya.. sabi nga.. Beauty is Confidence..=)..
    Naiiinis lang ako sa ibang Pinoy dito sa disyerto.. yung iba kase nahanginan lang ng buhangin sa ibang panig ng mundo parang nag-iiba na rin ang anyo..

    Like

  9. Ako gusto ko tatak ng Lahing Maka-Diyos at Maka-Bayan

    madami din ganyan dito waling Lee Mi lalu na yung mga may hawak ng British at US passport, iba kasi ang pay scale nila eh,

    pero sa ayaw at sa gusto nila dugong Pinoy parin ang dumadaloy sa kanilang katawan kahit slang sila.

    Like

  10. Siguro sa sobrang pagiging friendly nating PInoy, Aeta at Mangyan o iba pang katutubo na lamang ang orig na Pinoy, baka hindi rin.

    May kultura, tradisyon at sining na tatak Pinoy pa ba?

    Yong salitang Pilipino, kung hindi ako nagkakamali ay hango sa isang Espanyol na si King Philip o basta ganyan, maaring mali na naman ang memorya ko.

    Pero subalit datapwat, kung hindi naman orig eh ganun na lamang ang buhay, dahil nasa bansang perlas ng silangan ka, aba tungkulin mong dapat ginagampanan yan.

    Ewan ko lang.

    Ano na naman ang problema mo yin sa bahay ko, lumipat na ako, may problema pa rin, hindi kaya ikaw na mismo ang problema tol?

    Like

  11. Kagabi kasi nagkokomento ako, as usual mobile, magloload, pero pagkatapos same page pa rin, wala yung komento ko, pitumbeses, pitumbeses, kanina lima, tatak china ba yun?? Tatanong ko sana kung magagamit pa mga pikong makinang yun sa next halalan o bibili tayo ng mga bago, baka pwedeng gamitin pambilang ng mga numero at taya sa jueteng na lang mga yun. Tingin mo? Pwede ba magsiping ang mangyan at aeta j.kulisap? Kasi kung sila na lang ang authentic pinoy tribes eh i-merge na lang natin mga DNA’s nila?

    Like

  12. Hello Yin. ganyan din ngyayari pag sa mobile ako nagkokoment.. minsan di ko lam kung nasend o hindi..nagbablack out minsan at pag balik ko sa site..di pala umabot ung koment ko.. mahina ang signal o palpak ang electronic gadget..pero paano kung maging ganun ang mangyari sa result ng eleksyon?.. hindi nabilang ang boto? o naligaw o kung ano man.. hindi ako hi-tech gadgician kaya parang hindi malinaw sa kin kung paano na kapag nagkabulilyaso…

    Like

  13. Sigurado magkakaroon ng sira ang mga makinang yan, yung mananalo ang magsasabing okey ang lahat, yung matatalo ang gagawa ng paraan para ipaliwanag ang teknolohiya ng pandaraya gamit ang mga makinang yan, mataas ang pride ng pulitiko. Ang sa akin kahit si Amay Bisaya pa ang manalong presidente, susuportahan ko siya, dun ko nakikita ang pagkakaiba.

    Like

  14. Ayon sa tagapasalita sa COMELEC nong ako ay dumalo sa seminar tungkol sa PCOS machine, kaelibs ang system na ginagamit subalit kung sasadyaing dayain ng mga may bayag na kasing laki ng sa mga dinasour, wala kupal na lang ang amuyin nyo, baka mahimasmasan pa kayo.

    mapamanomano kung talagang balasubas ang mga taong mandaraya, wala pero ang pag-asa ko ay gaya ng tigang sa pakikipagniig na madidiligan din ito at ako naman ay talagang mapapa AHHHHH..raruray.

    Pwedeng magsiping ang Aeta at Mangyan pero baka sa kultura nila hindi pwede ‘yon, Pilipino pa ba tawag don kung sakali man?

    Palagay ko gagamitin muli ang mga makina kung hindi naibenta sa junkshop, hindi inuwi sa bahay ng pulitiko para remembrance, o hindi pinarentahan sa mga jueting gambling lords at hindi ibinigay kay Yin para magamit nito sa pagkokomento sa bahay ni Jakuli, na laging inireklamo ang ‘FAILURE OF SENDING THE COMMENT..pukenengneng mo Utoy.

    Like

  15. Yung sa site ni eloiski nagamot ko na, pero yung sa iyo talaga ayaw, banned yata ang e-mail add ko dun, hmp. May diskriminasyon.

    Sana software na lang ang babaguhin at irereformat na lang ang mga tanginiks na makinang yan kesa palitan pa.

    Like

  16. dumaan at nag comment para matawag na gwapo o pramis mo yan! hehe.

    masarap ang adobo at tayo nga lang yatang mga pilipino ang may alam ng pagkain na yan. adobong baboy, adobong manok o kahit pa adobong dagang bukid!

    anyway, pag nasa abroad ka mas mararamdaman mo ang pagiging pilipino, mas maapreciate mo ang mga bagay na mayroon sa bansa mo, mga kultura kaugalian at kung ano ano pa.. yun lang din siguru ang isa sa pagkakataon para maikumpara mo ang kaibahan ng lahi mo, at ang maganda don, mas umiibabaw ang pagiging angat mo, ang pagiging angat ng pinoy kahit sa anong aspeto, lalong lalo na sa kasipagan! bilib at saludo ako sa pinoy!~ iampinoy

    Like

  17. tama ka Papa Bon, dahil mas naapreciate natin ang pagiging Pilipino sa dayuhang lupa.., mas maii-compare mo kase ang bawat kultura nila sa atin.. mas may kalayaan tayo sa bawat aspeto.. walang kasarian ang bawat karapatan at may boses ang kababaihan.. at saludo din ako sa lahat ng Pilipino sa mundo… at ako, Proud Pinay

    Like

  18. Kasi kung saan at kailan nasasaling ang pagkatao doon nasusubok ang tatag nito at lumalabas ang pagpapahalaga dito. Parang kulangot, mas masarap habang dinadial ang ilong. Ang ganda ng paghahambing ko hahaha.

    Like

  19. ahaha.. ganda ng ng komparison mo Yin..
    pero ang galing nitong Adobo page mo.. naboboost ang utak Pinoy ko..=)

    Like

  20. nakatanggap ako ng text msg na ganito kanina :

    Hi, my apologies to you my phone died on me, for ur info im flying to London today @10am i just got a sad news that my Aunt Lily that i loved the most is expired yesterday, my password is …….as per ur request.

    ang tagal ko nagisip, papanong naexpired? may production date ba? dito ko lng nalaman ang pagkakaiba ng American English, Australian English at British English maniwala ka masakit sila sa ulo at napagtanto ko na mga Pilipino lang ang gumamit ng tamang grammar.

    Like

  21. Whaaa!!! Yin ganun talaga ang patay sa kanila “expired” ang tawag tpos halimbawa nalowbat sila ” my phone died on me” marami pang kakaiba at nakakatawang mga term na ginagamit nila kaya kung mahigpit ang turnilyo mo luwag luwagan mo ng kunti para magkaintindihan kayo wala silang pakialam basta masabi nila ang gusto nilang sabihin magtanong ka ng oras sasagutin ka “its quarter after 4” cge nga ikaw nga! anong oras yan hahaha nakikikulit lng tol!

    Like

  22. isa pa tanong? bakit po ako nandito? dahil po ba interesado ako sa kuwentong pilipino? kung ang sagot ko ay tama, bakit pa ko nagtanong?!?

    pag hindi mo sinagot to “SISIP-SIPIN KO KALULUWA MOE!!!”

    @_@

    ahaha

    Like

  23. @ Jex pwedeng ako pumatol? hahaha Kung si Lapu Lapu baka walang maisubmit na mga documents katunayan na nagnroll sya sa PMA o nakatapos siya ng kursong pakikidigma baka wala siyang maipakitang ganun atleast si Rizal completo ang documents niya at marami siyang maippakita na air ticket o kaya telephone bill na magpaptunay na wala syang kinalaman sa pagkamatay ng 57 o 58 kasama si Magellan nong gawin ang krimen si Lapu lapu kc malinaw ang ebidensya na nandon sya ng mangyari ang patayan…

    I therefore conclude na kaya si Rizal ang ginawang pambansang bayani dahil hindi nadungisan ng dugo ang kanyang mga kamay samantalang si Lapu lapu malinaw na malinaw na nandoon sya sa scene of the crime.

    Para sa iba pang informasyon makipagugnayan sa mga Rizalista na stalker ni Rizal…peace po katuwaan lng po ito kasing si Jex kakatuwa ang gravatar hahahah:-)

    Like

  24. di ko gets ang instructions pero naaastigan ako sa title. tingin ko swak na swak ang adobo. iba;t iba man ang luto, iisang panlasang pinoy pa rin. wahaha kewl \m/

    Like

  25. Yung it died on me pwede pa, kasi pinapatay din natin ang ilaw at cp, a quarter after 4 eh 4:15 di ba? Ang pagsabi ko ng 4:15 eh 27 minutes after 3:48 naman.. Makulit ka nga pare asan ang damit mo??

    @pare’ng jex
    parang alam ni pare’ng sphere na gumradweyt ka na tol at nabanggit niya diploma hehe.. Nung panahon ni Rizal malamang si Lapu-lapu idol niya, ngayon ikaw na bayani ko tol!

    @tsenn
    pwede ka mag-advertise ng t-shirt designs mo tsenn welcome yun!

    Like

  26. @ Yin at Jex, magkabatch ba si Lapu lapu at Rizal? parang nauna yatang nabuhay si Lapu lapu malamang nag kabatch ni Lapu lapu eh sina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo naguluhan ako sino ba ang president nong time ni lapu lapu at Magellan bakit hindi man lang pinapunta o inimbita si Lapulapu sa Malakanyang katulad ni Manny pag nananalo sa boxing may award o dinner.

    totoo bang pinapatay ni Aguinaldo si Andres Bonifacio para siya ang maging president?kasi sa pagkakaalam ko itong 2 to magkalaban sa pagiging president noong panahon na yon mahigpit daw talaga ang labanan dikit daw talaga! parang si Manny Villar at Noynoy lang sa panahon natin…

    Like

  27. @J.Kulisap panawagan, pakawala mo ba ‘tong si sphere? Ang kulet magtanong eh?

    @sphere
    noon pa man uso na ang salvaging. Ano tagalog ng salvage, salbahe?

    Like

  28. @ Yin ikaw may akda nito kaya pagpasensyahan mo na ang pangungulit ko matagal na kasi talagang ginugulo nina Andres Bonifacio at kay Aguinaldo kay Rizal at Lapu lapu pwedeng idagdag si Melchora at Gabriella naging sila ba? kc magpahanggang ngayon ginugulo nila utak ko marami akong gustong malaman tungkol sa kanila…

    Orange ba lagi ang suot na pantalon ni Andres Bonifacio? ang sedula ba at baranggay clearance ay iisa? at bakit sedula ang naisipang punitin ng katipunero bakit? bakit Yin? pag nasagot mo yan mananahimik na ko ibang question na lang ulit…

    Like

  29. @sphere
    oh tol hindi ako mag-gi-give up hehe. Hokey ka nga eh. Pula ang pantalon ni mang andy alam ko, yung sedula yung piraso ng papel na patunay na naghahanap ka ng trabaho, yung barangay clearance kailangan mo yun pag lilipat ka na ng barangay, kailangan wala kang incomplete para makapag-clearance. Si aling melchora siya yung babae sa “the notebook”.

    Like

  30. teka po magtatanong ulit ako.

    bakit po pagsinabing 6:00 AM sa pinas, nagiging 7:00 AM? ganun po ba talaga si juan dela-cruz? Filipino Time? Bakit din po tinawag na juan dela cruz ang isang pilipino? ganun din po ba ang pangalan ng mga babaeng may bigote? sa inyong pananaw bakit pangalawa lang si yin sakin na magandang lalake? Ipaliwanag.

    Like

  31. @ Yin oh cge payag nko na si Melchora yung babae sa “the notebook”sister in law ba sya ni Madam Cory Coquangco na kaya daw mayaman ang pamilyang ito dahil yung tatay daw ni Cory eh tagakolekta ng buwis eh that time nagkaroon ng war kaya hindi na naidiposit yung buwis na binayad nong mga tao ang ginawa eh inari na lang ng pamilya Coquangco kaya mayaman si madam Cory na nanay ni Noynoy Aquino na mahigpit na kalaban ngayong Election ni Manny Villar kapartido ni Loren legarda na iniindorso ni Sarah G. na may kumakalat sa nternet na naka laban sign na partido ni Noynoy Aquino?

    @ Yin ulit kasalukuyang nagluluto ako ng ginisang monggo nilalagyan ba sya ng luya at kamatis?

    Like

  32. @jex
    palagay ko dahil sa kagustuhan ng maraming pilipino na mangibang bansa eh inuusog na lang natin ang time zone natin, kahit yung orientation man lang natin sa oras pwede na, pagdating ng araw baka yung alas-6 eh alas-dose na pag naglaon.

    Ang karaniwang pangalan at apelyido kasi nun ay juan at dela cruz, at dahil na din pare-parehong nognog ang tingin sa atin ng mga kastila eh akala nila magkakamukha lang tayo at pare-pareho ang pangalan, ewan ko lang. Kung nauso na siguro ang pangalang Ashley nun eh baka yun ang tawag sa karaniwang pinoy.

    Aral na natutunan ko: mahalin ang cactus.

    @sphere
    yung luto ng munggo iba-iba din kasi, ako hindi ko nilalagyan ng kamatis. Luya, minsan.

    Ang ganda pa rin ng katawan ni cory quirino.
    Saludo ako kay Ginang Aquino.

    Like

  33. mas maiintindihan natin kung sino talaga tayo kapag lumagay tayo sa mundong di natin nakagisnan.

    sa ngayon parang ang sarap magmura ng pakanta pag harapan mong nakikita ang pag-iral ng mga sistematikong pananarantado dito mismo sa bayang gusto mong ipagmalaki.

    anyway, magluluto pa din ako ng adobo kahit na fastfood na ang uso.

    Like

  34. @bertcontrol
    matikman nga yang recipe mo boss bert. Mapapamura ba ko sa sarap?

    Mali unang basa ko sa “ang sarap magmura ng pakanta” tatalon na sa ako eh, nandito lang ako sa pinas kaya hindi ako makapamahagi sa sentimyento ng mga nasa ibang bansa pero alam ko lungkot at pangungulila kalaban mo doon.

    Like

  35. @ leemi naguluhan kaba ako din naguluhan si Yin kasi hindi sakto yung mga sagot sa mga tanong ko pero sa tingin ko tama si Yin don na ang ginisang monggo dapat may nilalagyan ng monggo πŸ™‚ tama ba yin?

    Like

  36. ang hirap mahuli! ang haba ng babasahin,, waaahhh.. maya mya na aq sasali pag keri q na ung pinag uusapan! ahahhaha..

    gndang araw yin πŸ™‚

    Like

  37. @ Yin binabad ko si Aling Melchora na babae don sa “The Notebook” ng clorox at Tide balak kong gawing tapa bukas πŸ™‚

    Yin gandang araw jan sayo πŸ™‚

    Like

  38. @ Beef pagpasensyahan mo ko ah ito kasing si Yin hanggulo kausap, ikaw kilala mo ba si Melchora? siya ba yung nagtahi ng damit ni Josephine Bracken na naging kalive in ni Rizal? di naman sila kinasal diba? kinasal ba?

    Like

  39. Aba Yin, malay ko, may sariling kupal yang si Sphere, iba ang amoy ng kupal niyan kesa sa kupal ko.

    Bahala ka diyan.

    baka adik ka?

    Ang tino pa naman ng site mo. Parang ebak lang ng kalabaw. Lasaw

    Like

  40. wait, bakit wala pa akong maisip, balik nalang ako uli..
    kahit saan talagang post, kasama si Maja Salvador.. hehe

    Like

  41. @Jkul anong kupal? totoo bang may amoy yan? kasama ba yan sa sangkap ng adobo ni Yin? o sa ginisang monggo? o sa binabad na Melchora?

    Like

  42. @jason
    ngayon pa lang ang labor day, ayon kay madam gloria hahaha.

    @J.Kulisap
    hahaha, hala ka nilito mo si sphere a.k.a anne!

    @len
    kasi hawig ka nia len.

    @sphere
    sangkap yun sa recipe of destruction ni J.Kul!

    Like

  43. Yin, oooohhhhhwwwwssss????? sabi ko naman seo baka si maja bangka lang ang nasa isip mo weh?!

    etu may tanong ako, bakit ba nauuso ang jejemon? at may friend kapapalang jejemon? ( mais, walang maisip eh, hehehe )

    Like

  44. @len
    sabit mo sa lobo! Hahaha. Oh kaya paliparin ko si J.Kulisap diyan tapos pameryendahin ko na lang pag-uwi niya dito. Mabigat ba?

    Like

  45. @Len
    ano ka, pag pinuntahan ka nun may paint pa din sa mukha!

    @jongskie721
    at pinagtantuhan mo muna talaga ha? Guni-guni mo lang yan jong!

    Like

  46. @Jason, meron pa atang adobo jan kya lng dahon na lng ng laurel ang natira anjan sa gilid, pag hindi mo nakita, makikita mo!

    Like

  47. dpat my palaro k d2 hindi yng puro adobo n lng ba ihahanda mo d2 sa mga bisita mo? wala bang pritong kangkong jan?

    syanga pala panalo avatar ni Kris A. nagiiyak si Willie at Korina nasalubong ko don sa kanto habang kumakain ako fishball grabe iyak ni Willie si Korina naman eh magfifile na daw ng annualment…

    Like

  48. @lababs
    dudung na lang sa akin dude.

    @tsenn
    mamuy? O tiktilaok?

    @jesson
    ice sir, ice? Babae? Babae? J.Kuli amin na yang songbook!

    Like

  49. Ngayon lang ako napadpad dito. πŸ™‚ Congrats, ang galing. Dami ng sagot, ang haba ng pag-scroll ko. Parang gusto ko na nga lang i-scan kanina yung mga sagot. Pero hindi dapat nag-papasada ng basa kasi minsan may mga nasisingit yung author na hindi naman dapat i am your father kaya dapat magbabasa ng maigi.:)

    Anyway, whew.

    Ngayong tapos na ang election at malamang-lamang ma-dedeclare na si Noynoy, may narealize lang ako na actually matagal ng ngyayare, bakit sa pinas, ang ibang artista gusto pasukin politics, habang ang ibang politicians naman, gusto pasukin showbiz.. bakiittt.

    Like

  50. mabenta ang picture! “Orig ang Pinoy…..(Kaya puro Revival” Hahahahahahaha ang lakas ng tama!

    Like

  51. ako ay napadaan lamang, maraming salamat sa pag iwan ng puna sa aking munting blog, isang inspirasyon ang blog mo para maipagpatuloy ko rin ang aking inumpisan.

    hanggang sa muli at mabuhay ang mga pinoy!

    Like

  52. kuya, eto na lang iadd mo sa blogroll mo.. langya kasi yung katangahan ko.. nasa blog ko kung bakit iba na naman ang name ko.. -tsokolateatkendi aka flattopsatcurlytops

    Like

  53. ang kulit nung picture. nyahaha.

    game.

    ang mga Pinoy baduy, pero may sense.
    ang mga Pinoy astig, kasali sa history sa Bible.
    ang mga Pinoy madaming linggwaheng alam, jumejejemon.
    ang mga Pinoy matakaw, lahat ng extinct at wild pinapatos.
    ang mga Pinoy invaders, pati pader ini-invade.

    sa sunod ulit.
    paalam!

    Like

  54. Yin ? Yeah Yin.

    Dahil tagalog na tagalog ang ginagamit na wika sa blag na ito, nais ko rin namang magbigay ng simpleng kumentong tanging wikang tagalog lang din ang isinasaad. (LOL)
    Tunay na kamangha-mangha, kawili-wili at kagilagilalas ang naturing mong blog. Ako man ay isang simpleng bata ay matutuwa sa bawat katarantaduhang linalathala mo dito. Katangahan at kagagohan — ‘Yan ang unang bagay na pumasok sa aking kokote. Ngunit ganumpaman ay patuloy ako sa pagsubaybay sa iyong sayt.
    Pagpasensyahan mo na kung traying hard ako sa pag tagalog. Salamat sa madami kong natutunan at umaasa akong mapadalaw ka sa blag ko.

    Sumasainyo,
    Yuuki.

    http://pleasedontsaylazy.blogspot.com

    Like

  55. Dear Yuki,

    yaman na rin lang na naligaw ka rito at nag-iwan ng bakas eh tawagin na kitang ****, ay bakit ganun? Hahaha. Galing na ‘ko sa crib mo at dahil mobile ako dahil wala ako laptop dahil poorito lang ako ay naku ayaw magpakita nung code na makulit eh matatapos na sana yung pagko-comment ko. Nag-iwan ako sa cbox mo, nag-load pero hindi ko nakita, dapat ba may sasambiting parang “darna” dun?

    Sobrang tats ako na nagugustuhan mo ang mga pinagsususulat ko dito, bili ka na rin ng tocino at lumpiang shanghai na sideline ko benta mo kay teacher Dowie? Nakakatats kasi ako ay isip-bata at pusong-bata lang naman, bata pa din pero malayo na agwat natin, crush na nga kita kaso malamang hindi mo pa ‘ko kayang buhayin, mag-aral ka muna. Kung may ate ka pakilala mo siya sa akin ano?

    Pagpasensyahan mo na din kung trying hard akong mag-english dun sa blog mo, kapag nalaman ni ermats na slang ako uminggles kasalanan mo.

    Sana huwag mo ipamukha na gago at tarantado ako, pilyo lang, hahaha. Beware of them nice guys, sila ang talagang gago, payong kuya lang ano.

    Ayoko nasasapawan sa blog ko kaya hinabaan ko talaga ang sagot ko, at dahil sa iyo eh hindi ko na isusulat sa kaha ng marlboro, tissue, sa upuan, sa dingding, sa suwelas ng luma kong sapatos, sa maalikabok na windshield, ang mga laman ng utak ko, magblo-blog na nga ulit ako. Feeling mo naman? Ano ka, artista? Hahaha.

    MARAMING SALAMAT.

    Like

  56. Yin,

    Nakakatuwa ka. Yan lang ang unang komentong naiwaing ko sa isang post mo tungkol sa mens. Pero nakakatuwa ka talaga. Yung pagka-random ng utak mo na may halong galing ay kakaiba. Sana sayo nalang ako nagmana. Ingles kasi ang blog ko pero may isa akong blog na panay Tagalog na tula na trying hard. Pero mabenta naman kahit papano. Ayun. Sana masilayan ko naman ang pangalan mo sa mga blog ko, kung anumang masasabi mo ay oks na oks. Nakakatuwa ka talaga. πŸ™‚

    Judy

    eto ung ingles at sikat na sikat kong blog:
    http://longlivejudyism.wordpress.com/

    eto naman ung ndi sikat pero maganda pa rin kasi tagalog, tama? tamaaaa!
    http://judymariesantiago@blogspot.com/

    Like

  57. ako ay simpleng estudyante at hindi isang blogger, ngunit dahil sa intelihente ng mga iyong mga isinusuka humahanga ako sa iyo. Matagal ko ng binabasa ang iyong mga blog, pati na kay j.kulisap, kung san san ko nga kayo nakikita dahil ginogoogle ko kayo πŸ™‚ sana’y palawakin nyo pa ang inyong literatura na makasusuporta sa mga akdang pinoy. iyon lamang πŸ™‚

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s