Bakit Blue Ang Facebook?

Questions. Eternal, stupid, intelligent, pasikat, curious, pilosopo, sarcastic, satirical, o ewan lang.

Ano ang pinaka-importanteng tanong? Ano ang pinakamahirap na tanong? Sino ang makakasagot nito? Kung may makakasagot nito, siya rin ba kaya may tanong din? At kung mayroon nga, sino ang makakasasagot noon? Eh kung wala na siyang tanong, ano susunod?

Ano ang silbi ng mga ginupit na kuko?

Puwede bang magkuwento ng walang tuldok at puro tandang pananong sa dulo? At kung may makakagawa nun, guwapo ba siya? At kung hindi, ibig na ba agad sabihin nun hindi ka pangit? Eh kung pangit ka nga, aangal ka ba? Bakit? May mangyayari ba? Mabubusog ba ang mga nagugutom kung puwedeng magkuwento ng puro tanong lang?

Bakit nga ba blue ang kulay ng Facebook?

Kung nagtatanong ang tao kung may Diyos ba, nagtatanong din ba kaya Siya kung totoo ang mga tao? Sino naman kaya ang pinakaunang taong nagtanong kung ano ang lalabas kapag piniga niya ang dede ng baka? ‘Di ba?

Tinatanggalan ba ng etits ang mga lalaki kapag kaluluwa na sila?

Kailan dapat nagtatanong? Kapag badtrip? Kapag basag? Sino ang mas matalino, ang nagtatanong ba o ang sumasagot? Eh paano yung nakikinig lang? Lumalaki ba ang bayag mo kapag tumatalino ka? O tumatalino ka kapag lumalaki ang bayag mo? Kung tumatalino ka at sinabi niya, ibig ba sabihin nun na nakita niyang lumaki ang betlogs mo? Nakakalito na ‘di ba?

Ano ang pinakamagandang ipangalan sa wi-fi?

Ikaw, ano tinatanong mo sa sarili mo? Kung bakit ka niya iniwan? Kung kailan ka yayaman sa pera? Kung magugustuhan niya ang post mo? At sasagot ka naman?

Hindi kaya tungaw lang ako na pumoposte ng ganito? O ikaw na nagbabasa rin naman? May subliminal message ba sa likod ng lahat ng bagay? Pati sa tuwing makakaapak ka ng tae? Nagtatanong lang ako di ba?

Advertisements

10 Reasons Why I Blog (na alam ko)

1. Anti-cancer. Maidura ko lang mga pukinang latak ng utak ko sa badtrip na maghapon o isang linggo’ng hindi-kasing-ganda-ni-Maja-Salvador-na-gumigiling ay isang paraan ko na rin para relyebuhan ang stress ng bayag at ng kaluluwa ko. Mahirap ipunin ang stress, baka lumabas ang utot sa bibig.

2. Environment-friendly. Kahit pa sabihin nilang naglalabas ng chloro-fluoro-carbons ang mga gamit na de-kuryente eh matipid pa rin ito kaysa pumutol ng puno para sa papel na gagamitin ko sa pagsulat. Hindi rin kasi madali magsulat sa upuan ng bus o sa dingding ng banyo, inconvenient. Gaya ng ang pagsoli ng toothpick sa lalagyan pagkatapos gamitin ay environment-friendly, ganun din ang pag-blo-blog.

3. Resbak. Dito ko lang puwede barahin ang nanay ko nang walang lumilipad pabalik sa akin na mura. (Insert evil laugh here) Ganunpaman mahal na mahal ko yun. At siyempre dito ko rin puwedeng balahurain ang sarili ko ng padisente. Self-depreciation is the highest form of humor.

4. Spreading the good word. Kaysa naman kausapin ko kada tao at malibog na asong makasalubong ko, mas mabilis at epektibo ang intarnets. Kahit madalas kabastusan ang laman ng mga dinudura ko eh may aral naman akong iniiwan sa dulo ng mga posts ko. Gaya ng huwag ninyo ako gayahin dahil tamad ako, at madaaaaaami pang iba.

5. Laughter is the best medicine. May kaugnayan sa unang dahilan sa taas, pero gusto ko puntuhin yung pagpapatawa mismo. Hindi ko alam kung kailan ako natutong magpatawa sa pagsulat pero kung may kokontra man at sasabihing hindi ito totoo mamatay ka na. I hate you na. Pero kahit ako lang ang natatawa sa mga posts ko at least mas maaga kayong mamamatay.

6. Nobel prize. Nakakatuwa na may mga nauuto sa mga sinusulat ko at parang namamalikmata at napapakomento. Lagi akong magpapasalamat sa oras na binibigay ninyo although imposible mangyari yung “lagi” dahil kailangan ko din naman tumae at matulog, salamat talaga.

7. Save the universe. Kahit wala akong balidong patunay na binasa ng administrasyong Arroyo at sinusubaybayan ni PNoy ang blog ko, alam ko pa din. At kung sa maliit na paraan ko ng pagiging satiriko at sarkastiko ay may mga mamumulat ang itim na tumbong, okay na din ako kung maligtas ang mga kaluluwa ninyo.

8. Tropa. Hindi madali magscreen sa kalye ng mga sira-ulo at gago’ng tao na kagaya mo ng trip. Kahit hindi mo man sila kasama ng pisikal, yung alam mong may kapareho ka ng trip o may sumasang-ayon sa trip mo kahit pa nakatira ang bayag ng gunggong na yun sa Middle East eh kuwela pa rin yun.

9. Para yumaman at sumikat. Di pa ako mayaman at hindi ko pa rin alam kung paano ko yun gagawin sa pamamagitan ng pagblo-blog pero di pa ‘ko sumusuko. Oo sikat na ako, biruin mo alam na ng pamangkin ko na may blog ako.

10. Masaya. Pagsamahin mo lahat ng dahilan sa taas, ito na yun. Nilagay ko pa rin kasi baka hanggang ngayong tapos na ‘tong poste ko ay hindi mo pa rin nahalata, napagtanto, at napansin.

KM3: TINIG (ANGAS KONG MAHAL)

Isa’t kalahating ungas ka kung hindi mo kilala ang Facebook at Twitter. Kung isa ka sa mga kagaya kong almusal ang popular na kultura dahil walang mapagpilian, o hayok at nangangati ang bayag kapag walang naririnig na bago, o mayaman lang talaga si erpats, ay dapat kilala mo ang Facebook at Twitter. At para sa iyo ang akdang ito.
 
Ang bagong pamamaraan na ito ng pakikipagpalitan ng kuro-kuro, tae, at opinyon; paghahayag ng damdamin; pagbabahagi ng karanasan; ay isang baitang sa isang hagdan ng pagbabago tungo sa kaunlaran. At kung mapagdiskitahan ng engkanto, kamatayan. Sino ba naman ang walanghiyang tinamaan ng gagong lintik ang may gustong tumahak ng daan patungong kamatayan? Hindi ba? Sigurado ako sa nanay ko ayaw niya. May mga ginagawa ang katawan na katumbas ng sangkapat lang ng isang hiblang burnik ang matalinong pag-iisip ang itinuon. At mas madalas pa sa pagkangkangan ng dalawang malibog na asong kalye, ang mga gawaing hindi sinasahugan ng tamang damdamin at kaunting pag-iisip ay nagbabadya ng disgrasya. Parang kare-kare’ng puro mani, delikado. Kaya dito mag-uumpisa ang boksing sa pagitan ng responsibilidad at karapatan. Mayabang ko bang sasabihin na karapatan kong ihayag sa sangkasaputan, ang anumang gusto ko, tamaan na ang tamaan? O responsibilidad ko ang mag-isip bago dumura, ngunit limitado? Darating sa atin ang init ng kili-kili, hindi mag-iisip at pupukol ng opinyong baluktot o hindi pinagkulangutang pahayag ng damdamin, matakpan lang ang napahiyang pagmamalaki, malinlang lang ang iba ng huwad na katalinuhan pero gaya ng hindi matututong mag-bisikleta kapag hindi nagalusan ng karanasan ang tuhod, hindi rin lisensya ang kawalan ng karanasan para sabihing puwedeng subukin gumawa ng kabarubalan. Ang sagot sa dalawang tanong? Para sa akin dalawang mabibigat na oo. Karapatan ninuman ang magpahayag sa Facebook, Twitter at mga kaugnay, at responsibilidad na magkaroon ng mapapakinabangang layunin, ang mga kabag ng utak na ibinabahagi. Dahil ang tinig na pinapakinggan ay ang tinig na marunong makinig at umintindi. Ito ang kamalayang malaya, angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

Harry Potter Movie in 2012

image

Kanina lang nabasa ko na may bago at pinakahuling installment sa Harry Potter series.

Kanina lang ilang beses ako bumuwelta ng banyo.

Kanina lang ay kanina lang. Parang kanina lang ay 2011 pa. Parang kanina lang ako naka-daster ng polka dots at ang anakanang tropa na si meinard ay naka-diapers lang at naka-clown make up. Pakshet eksayted ako sa 2012. Sino ba hindi? Perstaym ko magplaplano ng isang taon ng mga gusto ko gawin. Wala ako pakialam kay Harry Potter dahil hindi totoo yun. Kung dati pagtigil ng paninigarilyo lang ang iniisip ko pag nyunyir eh hindi na. Eh ano? Secret. Sige na nga hindi na. Sige na nga secret ulet. Sige na nga.

Salamat muna kay ermats na binilhan ako ng kuhol nun a-uno, at kaniyang ginataan. Ganun siya kaswit. Hindi sinigang, adobo or carbonara. Oo pakshet kaya ko mahal si ermats.

Ngayong taon this year pupunuan ko ang gap namin ni papa jesus. Tatambay ako sa crib niya tuwing linggo. Uupo ako at magsusumbong ako sa kaniya paano ako inaaway ni Muret, magyayabang kung gaano ako kamahal ni Muret, magbibigay ng wish list ko para sa trabaho, sa pamilya, at para sa world peace, at para sa mga sumasali sa pinoy big brother na sana magkaroon na sila ng talento. Bakit? Kasi tumatanda na ako. Kasi gusto ko. Kasi nakalimutan ko ito gawin last year. Kasi pangit si Mike Enriquez, pero magaling. Kasi lagi na lang ako magaling. Tinamaan ng magaling. Duling naman. Kasi alam ko na saan ko gusto pumunta ang buhay ko. Dati ba hinde? Nung crush ko pa si Maja Salvador. Tangina ka mateo. Kita mo hindi ko kinapital letra ng pangalan mo. Kasi kahit nagmumura ako alam ko kung kailan ako seryoso. Kasi kahit mapagbiro ako alam ko kung kailan hindi. Kasi tapos na ang paragraph na ito.

Paano ko gagawin? Ilalagay ko sa sticky notes ko. Mag-aalarm ako. Mananawagan ako sa channel 2 at 7 na iremind ako sa TV. Isusulat ko sa noo ko. Gagawin kong wallpaper ang mukha ni satanas para maalala ko si papa jesus. Tama? Tama. May kontra? Wala.

Unang target date? January 7. Teka 8th pala ang Linggo. January 8, 2012. Ayun.

Ganito ko uumpisahan ang 2012. Hihingi ako ng basbas para gumawa ng mga plano, bago ako magpapaplano. Ako nga ba ‘to? Oo.

Eh asaan na yung crazy list na binanggit ko noon??

Hihingi nga muna ng planning permit eh! Dadaan pa sa city engineer, sa konseho, kay mayor, at kung sino pang hudas na kailangang suhulan.

Nah, hindi ganun yun. Mas madali. Papa Jeez, dalaw ako sa crib mo sa Linggo, usap tayo. At hindi ka kasama Boy Abunda! Handa mo na Papa Jay ang mompu at pulutan haha. Joke lang po, ako na lang ang magdadala. Joke ulet! Peace.

Anumang bagay nag-uumpisa sa maliit. Ang panot na ulo ng pangulo ng Pilipinas malamang nagsimula sa unti-unting paglagas o poknat yun. Yung malaking kulangot ko nung umuwi ako ng pangasinan galing sa dumami nang dumaming usok at alikabok na kumapit sa mighty nasal hair ko. Lahat ng malalaking mithiin nagsisimula sa maliit. Kailangan lang ng malaking puso. Alam mo kung sino kang nagpapataba ng puso ko. Salamat din kay ermats. Sa mga nakita kong inspirasyon nang umuwi ako. Sa mga pinsan ko. Sa mga magagandang babae na nakasakay ko sa bus at jeep. Sa tinderang dinagdagan ang puto na binili ko. Sa tindera ng boneless bangus na hindi ako pinatawad. Sa katabi ko sa bus na ang likot ng paa hindi ako gaano nakatulog. Putangina ka sana nagising ka pa.

Ang buhay ay we-der we-der laang. We dare. We dare ourselves to move things forward. Tangina ang talino ko talaga biruin mo may quote pa akong nalalaman.

One Thing I Learned From Dead People

Seryoso ang post na ito. Pramis. Ako lang ang hinde. Hindi din. Oo din. Siguro. Sigurado. Isa lang ang sigurado, nakalahati ko na yata basahin sa NBS ang It’s A Crazy Planets ni Lourd pero hindi ko pa nanenenok nabibili. Seryoso, hindi ba?

Kailan ba natin tanginiks na sineryoso ang buhay ng matino. Heto nga patanong ang huling pangungusap ko pero walang question mark eh. Kadalasan nagseseryoso lang kayong mga tao kapag seryoso na ang situwasyon. (Hindi yata ako tao, alien ako) Pero may mga dugu-dugo na tenga, ilong, puwet, pores, eh sige hayaan pa. Bihira ang mga taong ganun. Kaya siguro special ang isang tao diyan. Wala na yata kuwenta mga sinasabi ko. (Dati naman. – WordPress) Ang hindi nakaintindi sa pangalawang talatang ito salungguhitan ng pula ang mga pangungusap/salita, markaan ng laway, at sulatan ako sa hardkloud_at_yahu_dat_kom at tingnan lang natin kung sulat talaga ang gagawin mo at hindi type.

Useless ang bakod sa sementeryo, tingin ninyo? (Gago para namang may sasagot, wala na nagbabasa ng blog mo. – WordPress ulit) Kasi yung mga nasa loob ng sementeryo hindi naman makakalabas at yung mga nasa labas eh ayaw namang sumama sa mga nasa loob. Di ba? Di ba? Akala mo lang wala pero ham yan! Ham yan! Tangina naman Bash ganyan ka ba talaga katigas?! Ikaw na naka-Viagra! Oh di ba ang laki ng punto ko. Pangatlong talata na wala ka pa yata maiugnay sa title ng post na ito. Welcome to akosiyin’s crib. Sira-ulo ang may-ari ng site, hanging kamote lang ang mga posts, pero tumatalino ang mga readers.

Undas na ulet pero di ko na sasabihing nami-miss ko si Lolo. Sobrang exaggggeratedly over-redundant na kasi. At isa pa, not to eksadyereyt pero redundantly redundant na. Alam na niya yun. Sayang mga hindi mo na makikita mga magiging anak ng prinsesa ko na magiging mga apo mo sa tuhod. Teka, may tuhod ka pa kaya niyan?

If there’s one thing I learned from Lolo and Lola, pagtitipid slash pag-iimpok. Tuwing gabi tanggalin ang baterya ng relo. Sayang. Bukas ng umaga hindi mo alam ang oras.

If there’s one thing I learned from Albert Einstein, who’s patay na, hindi totoo na inaagaw ng buhok ang mga kinakain mo. Tanamits yung buhok niya na yun ang talino pa rin ng gago. So therefore I therefore conclude therefore, ang dami niyang kuto noon. “Before God we are all equally wise, and foolish.” Basta may kuto pa din siya.

One thing I learned from Jesus, walang matigas na tinapay sa mainit na kape. ..kay FPJ pala yun. Ang sabi ko naman walang matigas na tinapay sa Goldilocks.

If there’s one thing I learned from Satan, perseverance. Mapursige ang gago at tangina ka nakakainggit ang perseverance mo. Lesson: sa lahat ng bagay may puwedeng matutunan. Kahit sa tae pa. Ano naman yun? Problema mo na.

One thing I learned from dead people, patience. Biruin mo si Lolo ang tagal na nasa loob ng nitso andun pa din? Di ba? Naisip ko lang ilagay ko sinuman sa atin dun tatagal ka ba ng isang oras? Maski magbaon ka pa ng laptop at broadband, pucha.

At gaya ng dati at gaya ng lagi eh natapos din ang post na ito nang may kinalaman sa pamagat. At konekdadats na naman eh ang pasensya ay isang uri ng matigas na biskwit na isa na ding uri ng tinapay at kung patigasan din lang naman ng tae eh kailangan mo ng angas pero walang kuwenta ang angas mo kapag wala kang pasensya.

Naghihintay ako patiently habang pinapaangas ko tae ko. Sana ikaw din.

Top 10 Reasons Why I Should Blog Again

Krrrk-krrrrk.. (buffering)

Taena.. tulong.

mas de dos y medio no jodas decada

It’s been God-knows-how-long nang bumuka ang lupa sa paligid, bumulwak ang apoy, humalakhak ng malakas si satanas, nagkantahan at nag-creepwalk ang mga anghel. Umire ang langit, umutot si ermats, at nalaglag ang sanggol na nasa Ziploc, may hawak na lapis, bagong tasa, pwede panusok ng pisbol. Noon naisip ng langit na kakailanganin nila ng cctv camera umaandar ng 24/7.

Pagkatapos ng after mahigit dalawang dekada, ano wut up na? Kuntento na ba ang bayag ko? Ang alam ko only lang ay hindi hinahanap ang contentment, hindi ginagawa, kasi kung oo dapt may tindahan neto. Ang umangal puti ang burnik. Meron na tayo lahat neto, hindi ng puting burnik, yung contentment, pagaganahin na lang. Kapag nabasa mo ito Lio Loco puta ka huwag mo sasabihing isa na namang pre-birthday post ‘to dahil oo tama, hahaa. Pero hindi hindi isa na naman sa madaming nakakasawa, dahil nag-iisa ako, at mayabang. Hindi ako hahalakhak, seryoso ako. hakhak.. hutahena, may plema. Hindi pa ako kuntento pero sigurado ang bastos kong puso na doon ako papunta. Dahil na rin siguro atay at pusong bata pa rin ako at isip tokneneng at madaming gustong gawin gaya ng sumigaw ng “holdap” sa bangko.

Gusto ko pa rin kumanta gaya ni Jeff Buckley. Shit, man. Pramis bibili ako ng gitara at tutugtugin maghapon yung “hallelujah”. Gusto ko pa rin mag-drums at tumambol ng tumambol hanggang samagmura ang mga braso at binti ko. Puta. Gusto ko pa rin tumalon sa 10th floor at bumagsak sa pool. Gusto ko pa rin sumakay ng shopping cart at magpagulong pababa sa 252 steps ng Our Lady of Lourdes sa Baguio. Kung may kasing-sira-ulo ko man lang na gusto sumama sa akin at i-video lahat nun. Nananawagan ako, libre yosi lifetime. hahaa.

Anyways hemingway, may mga bagay na hindi talaga ibibigay ng langit. Gaya ng mahuli mong umiihi si Batman o aminin ni Spongebob sa TV na bakla siya. O minsan pakipot lang ang langit kailangan mo mangulit ng mangulit. Malay natin tine-test-test lang pala gaano ka-how much ang patience natin. Pero never na hindi nakikinig ang langit, although minsan iisipin mo yung ibang prayers ko yata sa porn inbox niya napupunta hahaha, junk, hindi totoo yun. Minsan nga wala kami pulutan nagdasal ako ng taimtim kay Papa Jay bigla na lang nasagasaan yung aso ng pinsan ko. Opo, kumakain ako ng karne ng aso, paumanhin sa mga dog lovers, dog lover din ako, nasagasaan yung pinag-uusapan, neh. Sumalupa ka nawa, Shuriken. Mahal na mahal kita, mishuu. Nami-miss ko paano mo dilaan ang— mukha ko. May mga hiniling ako na matagal bago Niya ibinigay. May mga hiniling ako noon na tinigilan ko na noon pangungulit noon pero ng malimutan mo na noon bigla dadating noon. Parang si ****** noon. Tsaka yun nga isa pang pangarap ko na mag-porn na si Maja Salvador hindi ko pa tinitigilan eh.

Tatlong taon na three years na rin ako rito here in Pampanga, you know. Yeah, coño ako, bakit and why. Tatlong taon. Deym. Nabaluktot lang lalo dila ko dito ay. Pero tumigas in a good way? Powks, hmmm, ano na naman iniisip mo, hehe. Naalala ko nun bigla ‘ko dinakma ni Papa Jay sa garter ng brief at tinapon dito, at nalaman na ang ebon ay itlog kasi nga galing siya sa ibon. Yung mga dati ko ginagawa di ko na nagagawa. Pramis palalakasin ko ulet baga ko. Kakanta na let ako gaya ni Jeff Buckley. Mangnenenok ako ng drumset at tatambol ako maghapon magdamag kahit hindi sing-galing ni utol Travis pero gago humanda ka. At magpo-poste ng mahaba, gaya neto.

Buhay pa rin ang proud annoying pedestrian na ako, ang walking contradiction, nangungulangot kung saan-saan, dahil ang kulangot parang pag-ibig na bigla na lang nabubuo kapag mausok at kapag napabayaan at lumaki eh nakaka-choke din kaya siguro ganun din kadali bilugin at ipitik para makahinga ng maayos. Sira-ulo pa rin ang hutahenang akosiyin at ang crib na ‘to at ang konsepto ng constructive terrorism at absolute wordplay ay buhay pa rin. Maulan sa labas.

Maulan sa labas. I choose to not have a so straightforward post kahit na hindi ko alam ang totoong ibig sabihin ng straightforward pero hindi rin gaano ka-senti pero kasi putanginang jeff buckley kumakanta habang nagta-type ako. Kaya dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang yan eh tangina niya, haha. Pero hate ko pa rin si Kris although hindi ko na madalas makita si Boy Abunda sa TV napatawad na kita dahil hindi na maalimuom ang panunuod ko ng TV ngayon. Kay Mike Enriquez sana mag-radyo ka na lang. Pero putanginangineks na naman bakit pala kanina nagbukas ako ng TV eh televised ang DZBB?? Anak ng nagkakantutang palakang may payong, oo.. Sa SONA ni PNOY, ito lang masasabi ko, NASUSUNOG ANG PILIPINAS KONG MAHAL. Kay Manang Glo, pagaling ka. Honga siguro kung totoo man o hinde mga bintang nila sa ‘yong magnanakaw ka at mga kasama mo, idol pa rin kita. Hindi ka napatalsik eh, neh? Si Erap na bigotilyo nga nahugot nila bayag niya sa Malakanyang pero ikaw na hunano ala sila nagawa neh? Hindi kita idol as in yung mismong ikaw pero maangas ka gaya ng maangas ang tae ko kahit mabaho ito.

Ano naman ba mensahe ng poste’ng ito na dapat kadalasan ay meron dahil ang crib na ‘to ang magliligtas sa sangkatauhan at sangka-smurfs-an? WALA.

Sige mag-iisip ako. Hmmmm… Dial ng ilong. Pingger. Daliii… Labasan ka na utak kong magaling.

Kapag late ka na huwag mo sungitan ang driver dahil mabagal ang takbo at humihinto pa sa bawat kanto. Gumising ka ng maaga, tanga. Kapag mapait ang kape mo huwag mo pagalitan yung nagtimpla, pagalitan mo yung kape, nakiusap ka na nga eh, nang-utos pa. Kapag bitin ang ininom, may acetone palagi sa tindahan. Kapag bigla umulan at wala kang dalang payong murahin mo yung ulan. Kapag hindi masarap ang ulam kagatin mo daliri mo.

Ano mensahe dun? Hindi ko din alam. Hindi tayo ang maiinis sa buhay. Tayo ang mang-iinis sa buhay. We can always be crazy and be crazy enough to forget things that disgust us but shouldn’t be crazy enough to hate people. Nasusugatan ka pero we have to be proud of our battlescars. Life dont fuck us. We fuck life. and fuck it happy. Kapag may hindi ka gusto sa buhay mo imbes na mag-complain ka tingnan mo bakit pine-present sa iyo ang event na yun, siguro may mas malalim na mensahe pa kesa dun sa nakikita natin o sa gusto nating makita. Kumain na ko neto ha, haha. Ano pa kaya kung hindi. Baka formula pa sa quantum physics ang ma-type ko dito.

Pero oo magbeberdey na ko kaya may berday-post ako. I owe it to people who read and have been reading my posts. I owe it to the drugs they take making them believe that my posts have meaning and value. I owe it to TV and them fucking personalities who sensationalize life and make it appear normal to show us how people live like rats then toy with their emotions. I owe it to people who think they think for people but think only for themselves. I owe it to all you friends that matter. I owe it to life itself. I owe it to him upstairs who watch us 24/7 with his cctv who seem to not care for most of us but i tell you He does. He fucking does.

Hindi ito signature akosiyin post kapag walang mura. Hutahenampucha.