Mga Salawikain at Kasabihan (Hindi lahat ng nababasa mo ay totoo, hindi lahat ng ngayon mo lang narinig ay mali)

Yaman na rin lang at kumekerengkeng ang kenginang utak ko dahil tag-ulan na naman at nababato lang si pototoy kaya lahat ng dugo ko sa katawan ay sa kukote ko umaakyat, second post in a fucking row here we go sago.

Malapit na pasukan kaya ano pa magandang iposte kundi yung madalas na ibigay na assignment slash homework slash takdanginang aralin, ‘di ba? Salawikain da haws y’all. Kung mga pormal na uri ang hanap mo ayun yung ekis sa kanang kanto ng window, naligaw ka pre. Hindi matino ang may-ari ng crib na ‘to pero susubukan kong gamitin lahat ng tamud ng utak ko para dumura ng something malupet. Siguro. Kung ano lang maisip ko neh. Game?

“Kung hindi ukol, huwag kang emotera.”

“Kapag may isinuksok dapat naka-condom.”

“Kung ano ang puno siya rin ang gubat.”

“Ang magnanakaw galit sa kapuwa magnanakaw. Silang mga magnanakaw galit sa CCTV.”

“Nasa Diyos ang awa, ang tao walang ginagawa kundi mag-Facebook.”

“Kapag may usok, nandun si Noynoy nagyoyosi.”

“Ang balita hindi natutulog.” (Eh tangina pala pa-drug test na iyan)

“Don’t judge a dvd by its cover.” (Meron namang mga matinong clear copy)

“Ang nagwawagi ay hindi umaayaw. Ang umaayaw, walang dugong pulitiko.”

“Don’t do unto others kung ayaw mong ma-YouTube at ma-Facebook.”

“Kapag may tiyaga puwede ka manghingi ng ticket ng Candy Crush sa Facebook.”

“Sa buhay kailangan para kang etits, matigas kapag hinihingi ng pagkakataon.”

“Pagkahaba-haba man ng prusisyon, kapag sa Pilipinas ka nagmamaneho malamang punerarya ang tuloy.”

“Kung ano ang itinanim kakainin ng zombies.”

Wala na muna ko maisip ito na lang. Ang sa akin lang mas maganda sana kung hindi pinaghaharvest ng pagkadami-daming sawikain ang mga estudyante tapos wala namang aral na napupulot, mas maige kung isa o dalawa lang kada mag-aaral. Yung tipong paduduguin ang ilong sa kakapaliwanag ng kagandahan neto pagkatapos subukang i-apply sa totoong buhay.

Karamihan ng mga kasabihan at sawikain ay naisip ng mga taong pinagdaanan muna ito. May mga sawikaing hindi mo talaga maiintindihan, mayroong mga mas malalim ang ibig sabihin kaysa sa nababasa mo lang, mayroon ding mga quotes na ngayon mo na lang naiintindihan. Ang buhay gaya ng mga quotes hindi niyan ilalahad sa iyo ang dapat mong matutunan, ikaw ang maghahanap ng mga sarili mong patotoo, pero huwag mo din ngaragin sarili mo kakapiga ng utak at puso mo. Chill lang, at laging mangulangot para nai-stimulate ang mge neurons nang sa ganon magka-orgasm ang utak. “Huwag gawing sagabal ang classroom sa karunungan, ang buhay nasa labas.”

Shared from Google Keep

Posted from WordPress for Android

Even Santa Hates The Philippines’ Anti-Cybercrime Law

Tinamad ang bayag ko magsulat nitong mga nakaraang araw dahil sa puyat sa trabaho dahil kapag piniga ko pa ang natitirang katas ng utak ko ay baka wala ng lakas pumiga palabas ng tae ang mga bituka ko. Dinagdagan pa ng walanghiyang kenginang hindi pinag-isipang bagong kenginang batas na iyan.

Nag-alangan ako magsulat muna dahil na din sa madalas ko laitin ang sarili ko sa intarnet eh baka idemanda ako bigla nito. Wala akong reklamo at ayos sa olrayt naman ang etits ko sa anti-identity theft dahil hindi naman ako mayaman at sikat para mag-alala pero yung tanginiks at anampusang libel eh hindi pinagkulangutan. Mas nakakatakot magmura at mamintas sa intarnet kesa mang-rape, ganun? Tangina. Oo mas madali ang access at mas madami na rin ngayon ang may intarnet pero mas madali pa rin naman ang mag-jaywalking, kaya bakit hindi ninyo na din mahalan ang multa at taasan ang parusa nito kung ganun ang mathematics ninyo? Hindi einstein ang bayag ko at yosi lang ang luxury ko pero kung hindi maintindihan ng mga nakakaintindi ang batas na ito paano pa kaya yung kamote at saging lang ang kayang ipaulam sa utak?

Si Santa Claus medyo mahihirapan na tingnan kung sino ang naging naughty dahil may tanikala na ang karapatang magpahayag. Nagmumura na din si Satanas dahil mababawasan na ang nagpapatayan sa Facebook. Wala akong reklamo sa kaayusang dala ng intensyon ng panukalang ito pero nasobrahan ba ng libog ang mga mambabatas natin at nagmadaling kantutin tayo ng ganitong batas? Gumaganti lang ba ang mga napahiyang tinamaan ng tumalsik na tamud at lintek na kopyador na senador? Malapit na ba ang eleksyon kaya kailangan na naman magpataasan ng ihi at magpalakihan ng tite sa buong Pilipinas kong mahal? Nagtatanong lang. Huwag po, huwag po.

Mambabatas ka, pero nanunungkulan ka sa amin. Kapag may puna kami huwag ka mayabang sumagot. Ayos lang namang ‘di ka makasagot kaagad eh, mas pogi pa yun, huwag ka lang dudura ng sagot na hindi pinagkulangutan ng pag-iisip.

Madaming nagugutom pero hindi natin dapat madaliin ang paglaga sa kamote dahil baka makasama pa ito sa mga gusto nating pakainin. May mga kamote gaya ng kamote’ng kahoy na nakakalason kapag hindi naluto ng maige at maayos.

Politicians are like diapers, we need to replace them regularly. Lalo kapag punum-puno na ng shit.

Even Santa Hates The Philippines’ Anti-Cybercrime Law

Tinamad ang bayag ko magsulat nitong mga nakaraang araw dahil sa puyat sa trabaho dahil kapag piniga ko pa ang natitirang katas ng utak ko ay baka wala ng lakas pumiga palabas ng tae ang mga bituka ko. Dinagdagan pa ng walanghiyang kenginang hindi pinag-isipang bagong kenginang batas na iyan.

Nag-alangan ako magsulat muna dahil na din sa madalas ko laitin ang sarili ko sa intarnet eh baka idemanda ako bigla nito. Wala akong reklamo at ayos sa olrayt naman ang etits ko sa anti-identity theft dahil hindi naman ako mayaman at sikat para mag-alala pero yung tanginiks at anampusang libel eh hindi pinagkulangutan. Mas nakakatakot magmura at mamintas sa intarnet kesa mang-rape, ganun? Tangina. Oo mas madali ang access at mas madami na rin ngayon ang may intarnet pero mas madali pa rin naman ang mag-jaywalking, kaya bakit hindi ninyo na din mahalan ang multa at taasan ang parusa nito kung ganun ang mathematics ninyo? Hindi einstein ang bayag ko at yosi lang ang luxury ko pero kung hindi maintindihan ng mga nakakaintindi ang batas na ito paano pa kaya yung kamote at saging lang ang kayang ipaulam sa utak?

Si Santa Claus medyo mahihirapan na tingnan kung sino ang naging naughty dahil may tanikala na ang karapatang magpahayag. Nagmumura na din si Satanas dahil mababawasan na ang nagpapatayan sa Facebook. Wala akong reklamo sa kaayusang dala ng intensyon ng panukalang ito pero nasobrahan ba ng libog ang mga mambabatas natin at nagmadaling kantutin tayo ng ganitong batas? Gumaganti lang ba ang mga napahiyang tinamaan ng tumalsik na tamud at lintek na kopyador na senador? Malapit na ba ang eleksyon kaya kailangan na naman magpataasan ng ihi at magpalakihan ng tite sa buong Pilipinas kong mahal? Nagtatanong lang. Huwag po, huwag po.

Mambabatas ka, pero nanunungkulan ka sa amin. Kapag may puna kami huwag ka mayabang sumagot. Ayos lang namang ‘di ka makasagot kaagad eh, mas pogi pa yun, huwag ka lang dudura ng sagot na hindi pinagkulangutan ng pag-iisip.

Madaming nagugutom pero hindi natin dapat madaliin ang paglaga sa kamote dahil baka makasama pa ito sa mga gusto nating pakainin. May mga kamote gaya ng kamote’ng kahoy na nakakalason kapag hindi naluto ng maige at maayos.

Politicians are like diapers, we need to replace them regularly. Lalo kapag punum-puno na ng shit.

KM3: TINIG (ANGAS KONG MAHAL)

Isa’t kalahating ungas ka kung hindi mo kilala ang Facebook at Twitter. Kung isa ka sa mga kagaya kong almusal ang popular na kultura dahil walang mapagpilian, o hayok at nangangati ang bayag kapag walang naririnig na bago, o mayaman lang talaga si erpats, ay dapat kilala mo ang Facebook at Twitter. At para sa iyo ang akdang ito.
 
Ang bagong pamamaraan na ito ng pakikipagpalitan ng kuro-kuro, tae, at opinyon; paghahayag ng damdamin; pagbabahagi ng karanasan; ay isang baitang sa isang hagdan ng pagbabago tungo sa kaunlaran. At kung mapagdiskitahan ng engkanto, kamatayan. Sino ba naman ang walanghiyang tinamaan ng gagong lintik ang may gustong tumahak ng daan patungong kamatayan? Hindi ba? Sigurado ako sa nanay ko ayaw niya. May mga ginagawa ang katawan na katumbas ng sangkapat lang ng isang hiblang burnik ang matalinong pag-iisip ang itinuon. At mas madalas pa sa pagkangkangan ng dalawang malibog na asong kalye, ang mga gawaing hindi sinasahugan ng tamang damdamin at kaunting pag-iisip ay nagbabadya ng disgrasya. Parang kare-kare’ng puro mani, delikado. Kaya dito mag-uumpisa ang boksing sa pagitan ng responsibilidad at karapatan. Mayabang ko bang sasabihin na karapatan kong ihayag sa sangkasaputan, ang anumang gusto ko, tamaan na ang tamaan? O responsibilidad ko ang mag-isip bago dumura, ngunit limitado? Darating sa atin ang init ng kili-kili, hindi mag-iisip at pupukol ng opinyong baluktot o hindi pinagkulangutang pahayag ng damdamin, matakpan lang ang napahiyang pagmamalaki, malinlang lang ang iba ng huwad na katalinuhan pero gaya ng hindi matututong mag-bisikleta kapag hindi nagalusan ng karanasan ang tuhod, hindi rin lisensya ang kawalan ng karanasan para sabihing puwedeng subukin gumawa ng kabarubalan. Ang sagot sa dalawang tanong? Para sa akin dalawang mabibigat na oo. Karapatan ninuman ang magpahayag sa Facebook, Twitter at mga kaugnay, at responsibilidad na magkaroon ng mapapakinabangang layunin, ang mga kabag ng utak na ibinabahagi. Dahil ang tinig na pinapakinggan ay ang tinig na marunong makinig at umintindi. Ito ang kamalayang malaya, angas na may layunin, may yabang ngunit hindi mayabang; layunin na may angas, mabagsik pero hindi mapanindak; at ang isang malaya lamang ang may kakayahang magpalaya.

Angels On Booze (A Chapter In My Jar Of Beautiful Flies)

I wrote the most beautiful of essays. Yes I take the possibly most annoying arrogance to say this. But this is not an essay. And now I’m not even sure if I ever did write any essay, so to speak. My oxygen-deprived, carbon-monoxide-fed lungs has temporarily shut away the old-school-Greenday filled air that needs to reach the depleting mass of tissues inside my skull. Fuck. Too much for a brainbleed. In short, I’ve had enough of that dumb-faced prosecution solon in the impeachment trial on tv. I smoked three cigarettes watching him insist shit trying to make a point but was just eaten alive by the monster leprechaun senator that I admire. For shit’s sake dude, you’re a lawyer. It’s not what you say, it’s how you say it. And this goes for all of us taxpayers, they’re lawyers, it’s how they say it, not what they say. Nuff crap. I should have smoked those cigarettes while watching Maja Salvador dance.

For the past three days Urbandub has kept shouting to my ears through my stupid earphones that the fight is over, Steph Bloom has been singing in graceful irony that Kelly Clarkson cover, Coldplay has kept resounding poignantly in my head. We are over. It came from both of us. My ears can easily replace that with any song by Beck. I just don’t want to believe that because of our hard-headedness we can pretend we are ready to dump our plans and dreams, for Yuri. My dumb face and my currently stupid decision-making skills are not ready. I don’t think you are either. Because I have known you for this long now. But if you play this phase hard and keep the strong so-called will then this time out of want and love of Sesame Street and happy endings then be it yet still I will call on them fairies of our four-chambered involuntary muscles.

The angels have been sober and now they’re on booze again. Wether they drink in celebration or in mourning, I will stand from afar and watch as the same annoying-pedestrian-walking-contradiction-foul-mouthed-child-hearted-dopamine-addicted jackass. Another chapter in my life I call A Jar Of Beautiful Flies. Everything is a phase. Life plays the music, we dance to it. It doesn’t matter if it’s a good dance as long as you do. Life fucks us, we fuck back. And again like I redundantly say, we fuck back happy. In this chapter there are no battlescars but enchantmentprints. This chapter may be over but not my book. I am its author and it ends the way I want it to. This is not a blogpost to rant but to rekindle the creative juices that I have long ignored. This is not a piece to nurse any melancholy because it never exists in my arrogant mind. I could have just kept this in my head or in my dusty journal but I want to share it just in case I fool any of you into believing that happiness never leaves but is only covered by the cloud of misunderstanding in our hearts. And with this I end this fucking blogpost with my favorite line,

I am the master of my fate.
I am the captain of my soul.

Harry Potter Movie in 2012

image

Kanina lang nabasa ko na may bago at pinakahuling installment sa Harry Potter series.

Kanina lang ilang beses ako bumuwelta ng banyo.

Kanina lang ay kanina lang. Parang kanina lang ay 2011 pa. Parang kanina lang ako naka-daster ng polka dots at ang anakanang tropa na si meinard ay naka-diapers lang at naka-clown make up. Pakshet eksayted ako sa 2012. Sino ba hindi? Perstaym ko magplaplano ng isang taon ng mga gusto ko gawin. Wala ako pakialam kay Harry Potter dahil hindi totoo yun. Kung dati pagtigil ng paninigarilyo lang ang iniisip ko pag nyunyir eh hindi na. Eh ano? Secret. Sige na nga hindi na. Sige na nga secret ulet. Sige na nga.

Salamat muna kay ermats na binilhan ako ng kuhol nun a-uno, at kaniyang ginataan. Ganun siya kaswit. Hindi sinigang, adobo or carbonara. Oo pakshet kaya ko mahal si ermats.

Ngayong taon this year pupunuan ko ang gap namin ni papa jesus. Tatambay ako sa crib niya tuwing linggo. Uupo ako at magsusumbong ako sa kaniya paano ako inaaway ni Muret, magyayabang kung gaano ako kamahal ni Muret, magbibigay ng wish list ko para sa trabaho, sa pamilya, at para sa world peace, at para sa mga sumasali sa pinoy big brother na sana magkaroon na sila ng talento. Bakit? Kasi tumatanda na ako. Kasi gusto ko. Kasi nakalimutan ko ito gawin last year. Kasi pangit si Mike Enriquez, pero magaling. Kasi lagi na lang ako magaling. Tinamaan ng magaling. Duling naman. Kasi alam ko na saan ko gusto pumunta ang buhay ko. Dati ba hinde? Nung crush ko pa si Maja Salvador. Tangina ka mateo. Kita mo hindi ko kinapital letra ng pangalan mo. Kasi kahit nagmumura ako alam ko kung kailan ako seryoso. Kasi kahit mapagbiro ako alam ko kung kailan hindi. Kasi tapos na ang paragraph na ito.

Paano ko gagawin? Ilalagay ko sa sticky notes ko. Mag-aalarm ako. Mananawagan ako sa channel 2 at 7 na iremind ako sa TV. Isusulat ko sa noo ko. Gagawin kong wallpaper ang mukha ni satanas para maalala ko si papa jesus. Tama? Tama. May kontra? Wala.

Unang target date? January 7. Teka 8th pala ang Linggo. January 8, 2012. Ayun.

Ganito ko uumpisahan ang 2012. Hihingi ako ng basbas para gumawa ng mga plano, bago ako magpapaplano. Ako nga ba ‘to? Oo.

Eh asaan na yung crazy list na binanggit ko noon??

Hihingi nga muna ng planning permit eh! Dadaan pa sa city engineer, sa konseho, kay mayor, at kung sino pang hudas na kailangang suhulan.

Nah, hindi ganun yun. Mas madali. Papa Jeez, dalaw ako sa crib mo sa Linggo, usap tayo. At hindi ka kasama Boy Abunda! Handa mo na Papa Jay ang mompu at pulutan haha. Joke lang po, ako na lang ang magdadala. Joke ulet! Peace.

Anumang bagay nag-uumpisa sa maliit. Ang panot na ulo ng pangulo ng Pilipinas malamang nagsimula sa unti-unting paglagas o poknat yun. Yung malaking kulangot ko nung umuwi ako ng pangasinan galing sa dumami nang dumaming usok at alikabok na kumapit sa mighty nasal hair ko. Lahat ng malalaking mithiin nagsisimula sa maliit. Kailangan lang ng malaking puso. Alam mo kung sino kang nagpapataba ng puso ko. Salamat din kay ermats. Sa mga nakita kong inspirasyon nang umuwi ako. Sa mga pinsan ko. Sa mga magagandang babae na nakasakay ko sa bus at jeep. Sa tinderang dinagdagan ang puto na binili ko. Sa tindera ng boneless bangus na hindi ako pinatawad. Sa katabi ko sa bus na ang likot ng paa hindi ako gaano nakatulog. Putangina ka sana nagising ka pa.

Ang buhay ay we-der we-der laang. We dare. We dare ourselves to move things forward. Tangina ang talino ko talaga biruin mo may quote pa akong nalalaman.

2011 Dubya-Ti-Eff!!

magtatapos na ang 2011 at anak ng puting katipay kung anuman ang katipay eh anak ng talaga 2011 was one fucking hell of a blast at hindi pa rin ako marunong umpisahan ang mga sentences islash paragraphs ng posts ko dito sa wordpress sa uppercase na malaking capital letters. at least redundant pa rin ako. at least nagmumura pa rin ako. at least kamote man matalino pa rin ang mga poste ko. or so i believe. at least malakas tiwala ko sa sarili ko.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                     at least totoo. pero hindi at-least-at-least lang ang mga nangyari ngayong taon. isang malaking malagong mausbong na pukinang kamote gaya ng post na ito. tangina u maandar mag-isa spac e b a r ng walanghiyang keyboard na to!! o sensitive lang siya. o mabigat lang ang kamay ko. o nag-hahallucinate lang kayo. tingin sa labas. hindi pa naman umuulan ng asteroids.

sumaya sa trabaho kasi lumaki ang pamilya kahit madaming nawala. masaya sa bahay dahil may dumagdag na kasama. at nakilala ko ang dahilan ng lahat ng diskaril.

pero hindi ako nakapag-post ng regular dito. oo, irregular. parang mens lang. pero at least, at least. wala pa rin talaga kuwenta mga pinagsasasabi ko dito sa crib ko. pero sa dulo may lesson pa rin, hahaha. wahahaha. wahaha talaga. oo talaga.

tumatakbo ng oras isang oras lang ang sinabi ko sa counter anampucha.  oo dati pa rin ako paano mag-post, renta ng computer. anampusang inamoy.

sana sa tinagal ko nagpoposte ng mga environment-friendly, politically right, god-fearing, family-planning related, universally intelligent, scientifically proven posts na poste dito ay may mga naligtas akong muntik nang mag-suicide, muntik nang magpa-abort, muntik nang makipag-break, muntik nang hindi bumoto sa eleksyon, muntik nang hindi magsimba, or kahit muntik nang hindi mag-mumog. oo,pangarap ko yun.

sa 2012 uumpisahan ko ang crazy list ko. babaguhin ko pa rin ang buhay ko gaya ng lagi ko gingawa. babaguhin ko mga buhay ng mga readers ko dito. babaguhin ko the way you wash your asses after shitting. with a smile on your face. hahaha. hindi ninyo ba na-gets? ako din yata. it’s what you understood, but it’s not what i said. yata. wahakhak. teka  may sumamang plema, isa pa. wahaha. oo ulet, crazy list. watch out2012 because i am going to fuck you like fucking hell. and life will be a howlatabeter and bestest! ano yung crazy list na yun? di ko pa alam. tapusin ko muna trabaho at uwi ng pangsinan. yakapin t halikan si ermats, kumain ng luto niya, magsuot ng daster na polka dots at sapatos, uminom at pumulutan at yumosi, tawanan ang mga pagkakamali ng taong ito, matuto sa kanila, matuwa sa mga biyaya ng taong ito kasama na ang aking Muret, at manalangin ng  mas masaya pang darating na mga taon, tsaka ko iisipin ang crazy list ko.

salamat sa lahat ng kinulit ko, lahat ng tindera sa tindahan na inasar ko,lahat ng naupuan ang kulangot ko sa jeep, lahat ng chicks na tinitigan ko sa jeep, sorry marunong lang akong umappreciate pero loyal ako, sa lahat ng beer na ininom ko sana tumagal pa ang buhay ng mga wheats, sana tumagal pa ang buhay ng lahat ng gumagawa ng mgagandang sapatos, sana libre pa rin ang wordpress, sana may bumisita pa rin dito sa crib, slamat sa lahat ng kaibigan ko dito, promise mgsusulat pa ko ng kung anu-anung ka-engotan.

paubos na oras ko hahaha, nekstaym ulet.